Araling Panlipunan 10 Modyul 1: Kontemporaryong Isyu PDF

Summary

This learning module is for Grade 10 students in the Philippines. It covers contemporary issues. The module includes pre-tests, activities, and post-tests to ensure student understanding of the concepts covered.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kontemporaryong Isyu CO_Q1_Araling Panlipunan_Module 1 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Modyul 1: Kontemporaryong Isyu Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republi...

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kontemporaryong Isyu CO_Q1_Araling Panlipunan_Module 1 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Modyul 1: Kontemporaryong Isyu Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Benedicta B. Santos Editor: Francisco P. Casipit, Jr., Rey B. Pascua, Jose Gerardo R. Garcia Maricel N. Guerrero, Elisa R. Ranoy, Melchor E. Orpilla Cynthia B. Tablang Tagasuri: Editha T. Giron , Orlando I. Guerrero, Gina A. Amoyen Edgar L. Pescador, Ronald P. Alejo, Eric O. Cariňo Evangeline A. Cabacungan, Rowena R. Abad, Jenetrix T. Tumaneng Tagaguhit: Richard B. Isidro Tagalapat: Jestoni H. Amores, Mary Ann L. Cabilan, Aldrin R. Gomez Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Wilfredo E. Sindayen, Arlene A. Niro Ronald B. Radoc, Gina A. Amoyen, Orlando I. Guerrero Editha T. Giron Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 607- 8137/682-2324 E-mail Address: [email protected] 10 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 1: Kontemporaryong Isyu Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong ulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu. Sa bahaging ito ay inaasahan na mas lalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin ang iyong nakikita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay? Paano tinutugunan ng inyong pamayanan ang mga isyu at hamong kinakaharap? Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang kahalagahan ng pag- aaral ng kontemporaryong isyu. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging kabahagi ng pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Sana matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo na inaasahang iyong gagawin sa loob ng isang linggo. Ang Aralin 1 ay tumutukoy sa mga Kontemporaryong Isyu. Ito ay nahahati sa sumusunod na paksa: Paksa 1: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu Paksa 2: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu. (MELC 1) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu; natutukoy ang mga uri ng kontemporaryong isyu; nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ayon sa kasanayang natalakay; napahahalagahan ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu; at nakapagbibigay ng sariling mungkahi sa paglutas ng mga kontemporaryong isyu na kinakaharap ng kinabibilangang komunidad. 1 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Subukin Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba upang mataya ang iyong kahandaan sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong upang mawari mo ang nilalaman ng modyul na ito. Gawain 1. Paunang Pagtataya Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa. A. Isyung showbiz C. Kasaysayan B. Kontemporaryong Isyu D. Balita 2. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari? I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang. II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan. III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan. IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon. A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV 3. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung A. kilalang tao ang mga kasangkot B. nilagay sa Facebook C. napag-uusapan at dahilan ng debate D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang 4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu? A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan. B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan. 5. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19? A. Isyung panlipunan B. Isyung pangkapaligiran C. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan 2 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Para sa bilang 6, suriin ang larawan. 6. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay isang uri ng isyun? A. Panlipunan B. Pangkalusugan C. Pangkapaligiran D. Pangkalakalan 7. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang? A. magazine B. journal C. internet D. komiks 8. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig? I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan. II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan. III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala. A. I, II, III B. I C. I, II, III, IV D. I, II 9. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu? I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay. III. Pagkilala sa mga sanggunian. IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan. A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III 10. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya. A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran 3 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 11. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng mamamayan. A. Isyung Pangkalusugan B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran 12. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo. A. Isyung Pangkapaligiran B. Isyung Pangkalakalan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran 13. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan? I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan. II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya. III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang. IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa. A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II 14. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang kabilang dito? I. uri II. sanggunian III. kahalagahan IV. epekto A. I, II, III B. I, III C. I, IV D. I, II, III, IV 15. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito? I. Aktibong pagganap sa mga gawain. II. Damdaming makabayan. III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili. IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV 4 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Aralin Konsepto ng 1 Kontemporaryong Isyu Nakababahala ang panahon natin sa ngayon. Maraming isyu, hamon, at suliraning kinakaharap ang ating bansa. May mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Mga ito ay kagagawan ng tao at mga pangyayaring bunga ng agham at makabagong teknolohiya na nagiging sanhi ng pagkaabuso sa kalikasan. Nagdudulot din ang mga ito sa pagbabago sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang iyong matatanto ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Ang mga kaalaman na iyong matututuhan ay makatutulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang mga pangyayari sa lipunang iyong kinabibilangan. Balikan Sa bahaging ito, iyong babalikan ang mga dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga katangian ng isyu. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa gawain na nasa ibaba. Gawain 2. Headline-Suri: Pumili sa mga larawan ng headline at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Unang Larawan Philippines elects first transgender woman to congress By Robert Sawatzky, for CNN Updated 0155 GMT (0955 HKT) May 11, 2016 Geraldine Roman waves to supporters while campaigning in Bataan province, April 30, 2016. Sanggunian: Sawatzky, 2016). cnn.com. Retrieved February 10, 2017 5 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Ikalawang Larawan DOLE order ending contractualization expected in February Labor Secretary Silvestre Bello III wants to sign the department order on Valentine's Day, February 14 NO TO ENDO. Workers belonging to the Nagkaisa Coalition march to Mendiola in Manila on January 4, 2016 to call on the government to end the practice of contractualization. File photo by Martin San Diego/Rappler Sanggunian: Pasion, 2017. Rappler.com. Retrieved February 10, 2017 Pamprosesong Tanong 1. Tungkol saan ang napiling headline? 2. Maituturing mo bang isyu ito? Bakit? 3. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng isyu? Magaling! Isa itong patunay na may alam ka na sa mga isyung nangyayari sa ating lipunan. Alam mo rin na may bahagi kang dapat gampanan sa pagharap ng mga isyung ito. Bilang paghahanda sa susunod na aralin, iyong pagtuonan ng pansin ang susunod na gawain na tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa modyul na ito. Gawain 3. Halo-Letra: Tuklasin Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 1. Paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao. R S I A S O M 6 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 2. Ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o kriminal. E O T I R R S O M 2. Isang kondisyon ng katawan na kulang sa bitamina o maling pagpili ng pagkain. A U L R M N N T I S Y O 3. Tumutukoy sa pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa. G O S L B S A I L A O Y N 4. Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. C C E E T M A I L G A H N Pamprosesong Tanong: 1. Anong mga konsepto ang iyong nabuo? 2. Patungkol saan ang mga ito? 3. Bakit ito nagaganap? Suriin Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matututuhan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu. Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto! Patunayan ang iyong kahusayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inilaan para sa iyo. Paksa 1: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu Bilang panimula, mainam na iyong maintindihan kung ano ang kahulugan ng kontemporaryong isyu. Ano nga ba ang kontemporaryong isyu? Upang higit mong maintindihan, iyong unawain ang dalawang mahahalagang salitang nakapaloob dito, ang salitang kontemporaryo at isyu. Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkabagabag ng mga tao. Maaari rin 7 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan. Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag- uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Base sa mga nabanggit, ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangayayari, paksa, tema, opinyon, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Sinasaklaw nito ang lipunan at kultura at may tuwirang ugnayan sa interes at gawi ng mga mamamayan. Maaaring ito’y naganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw ang epekto nito sa kasalukuyan. Ito ay pinag-uusapan at nagdudulot ng malawakang epekto na maaaring positibo o negatibo sa buhay ng mga tao sa lipunan. Upang higit mong maintindihan ang kontemporaryong isyu, iyong pagtuonan ng pansin ang nararanasan nating pandemya ngayon, ang COVID- 19. Isa itong kontemporaryong isyu dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyan at may malaking epekto sa buhay ng mga tao at maging sa ekonomiya ng ating bansa. Kapansin– pansin ang pagkaabala ng ating bansa at ng buong mundo sa pananalakay ng COVID-19. Binago nito ang pamumuhay nating normal. Ito ang nagdala sa tinatawag nating new normal, kung saan apektado ang lahat ng larangan sa buhay. Napakalawak na kontemporaryong isyu ang pandemic COVID 19. Ito ay maituturing na isyung may maramihang mukha sa dahilang pasok ito sa iba’t ibang uri ang kontemporaryong isyu. Tandaan mo na saklaw ng kontemporaryong isyu ang lahat ng mga paksa na tatalakayin at iyong pag-aaralan mula quarter 1 hanggang 4. Uri ng Kontemporaryong Isyu Panlipunan Kontemporaryong Pangkalakalan Pangkalusugan Isyu Pangkapaligiran 1. Kontemporaryong Isyung Panlipunan- ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya. Halimbawa: pag- aasawa ng mga may parehong kasarian (same sex marriage), terorismo, rasismo, halalan, kahirapan. 8 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan. Halimbawa: COVID-19, sobrang katabaan, malnutrisyon, Drug Addiction, HIV / AIDS 3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan. Halimbawa: global warming, paglindol, baha, bagyo, El Niño, at La Niña 4. Kontemporaryong Pangkalakalan -mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama rito ang mga usapin o isyung pang- ekonomiya. Halimbawa: import/export, online shopping, free trade, samahang pandaigdigan Saan ka nga ba makasisipi ng mga Isyu? Sa panahon natin ngayon, marami nang mapagkukunan ng mga impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu. Kabilang dito ang radyo, telebisyon, internet, social media, at mga nakalathalang materyal tulad ng pahayagan, flyers at magasin. Narito ang iba’t ibang uri ng media: Print Media Halimbawa: komiks, magazine, diyaryo Visual Media Halimbawa: balita, pelikula, dokyumentaryo Online Media Halimbawa: facebook, online blogs, website Ngayong alam mo na ang iba’t ibang uri ng kontemporaryong isyu at kung saan ka makakukuha nito, mahalaga na iyong malaman ang mga bagay na dapat mong tandaan sa pag-aaral nito: Una, sa pag-aaral ng isang isyu, kinakailangan mong bigyang pansin ang mga bahagi nito na makatutulong sa pag-unawa at tamang pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng isang bansa. Alamin kung gumamit ba ito ng mapagkakatiwalaang sanggunian upang malaman ang pinagmulan nito. Kailangan mo ring alamin ang kahalagahan, mga naaapektuhan, nakikinabang, saan, at paano nagsimula ang isyu. Pangalawa, dapat ding suriin ang pagkakaiba ng mga opinyong nakapaloob sa isang isyu, kung ito ay opinyong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, politikal, panlipunan, at iba pa. Suriin din ang opinyon na ipaglalaban at mga diwang dapat mapakikinggan. Pangatlo, alamin kung ang isyung ito ay nabago sa paglipas ng panahon. Ito ba ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o suliranin. Mahalaga ring maibigay ang sariling damdamin tungkol sa isyu matapos itong suriin. Kasama na ang paraang maaaring gawin upang maiwasan ito. 9 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Pang-apat, sa pag-aaral ng isang isyu, kinakailangang alamin ang lawak ng epekto at lebel nito. Ito ba ay isyung lokal, pambansa o sumasaklaw sa pandaigdigang lebel. Idagdag pa ang mga pagkilos na isinasagawa ng mga mamamayan, namumuhunan, pamahalaan, at iba pang pangkat upang maiwasan o mapigilan ang isyung ito. At ang panghuli, mahalaga ring malaman mo ang mga dapat gawin at sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu at papaano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol dito. Tutukuyin dito ang mga kasangkot at mga kaagapay sa pagsugpo sa mga negatibong dulot nito. Mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu: Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon. Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari na ito ay hango sa mga legal na dokumento, journal, sulat, larawan, at iba pa. Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng ugnayan, at pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari. Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon o haka-haka lamang. Gawain 4. Balita-Suri! Basahin at unawain ang sumusunod na balita. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na pamprosesong mga tanong sa hiwalay na papel. A. Pagresolba sa Kahirapan Posted by Dom Guamos and Lady Ann Salem, Manila Today on January 16, 2017 Isa sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10-point economic agenda ay ang mabisang pagsugpo sa kahirapan ng bansa, ngunit tila hindi pa rin nararamdaman ng mga mamamayan ang mga bunga ng nasabing plano. Nanatiling mahigit 70 porsiyento ng mga Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line ngayong 2016. Batay ito sa pinakabagong pagsisiyasat ng IBON Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1 500 na residente kung itinuturing ba nilang kabilang sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino. Nakikitang rason dito ay ang kasalukuyang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa. Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilalim ni Pangulong Duterte. Ayon sa bagong pamunuan ng Department of Social Work and Development (DSWD), pang-ampat lamang ang 4Ps at hindi solusyon sa kahirapan. Sa direksyon ng bagong kalihim ng DSWD na si Prof. Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong bigas ang 4Ps at patuloy na ina-audit ang listahan ng mga nakatatanggap ng 4Ps at ang paraan sa pagtiyak ng pag-aabot ng perang tulong sa mga benepisyaryo. Inaasahang pagdating ng 2017 ay maging mas maagap ang pamahalaan sa patuloy na pagsugpo ng kahirapan sa bansa lalong lalo na sa pagpapatupad ng mga polisiyang tunay na naglilingkod at pinakikinabangan ng mga mamamayan. Bahagi ng mga hinahapag sa peace talks ng gobyerno sa NDFP ang mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya, kasama na ang pagresolba ng kahirapan, at kawalan ng nakabubuhay na trabaho sa pamamagitan ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Pinagkunan:https://manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang- pagbabago/ 10 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Pamprosesong mga Tanong: 1. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nabanggit sa balita? 2. Bakit maituturing itong isang kontemporaryong isyu? 3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang nabanggit na isyu? 4. Dapat mo bang bigyan ng pansin ang isyung katulad nito? 5. Paano nakaaapekto ang isyung ito sa iba pang isyung kinakaharap ng ating bansa? 6. Ano ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral? B. Climate change may ambag sa paglobo ng dengue cases sa bansa? Posted by Bianca Dava, ABS-CBN News on August 11, 2019 MAYNILA — Naniniwala ang isang eksperto na ang pagbabago sa klima ay nakaapekto sa pagtaas ng kaso ng mga nagkaka-dengue sa bansa ngayong taon. Tingin ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, nagkaroon ng paglobo sa dengue cases dahil hindi na maituturing na seasonal ang naturang sakit dahil sa climate change."Wala na tayong seasonal episode ng increase ng dengue. It's usually year-round... [Dahil sa] climate change, nabubulabog ang mosquito. They go from one place to another and they always look at an area that is conducive to breed," paliwanag ni Solante, pinuno ng San Lazaro Hospital-Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department. Nakakaapekto rin umano ang malaking populasyon sa lugar na maraming kaso ng dengue. Ito rin ang nakikitang dahilan sa Barangay Payatas, na may pinakamataas na kaso ng dengue sa Quezon City ngayong taon."Siguro dahil napakalaki ng Payatas. We're about 300 000 na po ngayon... Isa 'yun sa mga factors kaya napakalaki ng turnout ng patients," ani Florante Clarita, barangay administrator ng Payatas. Ayon sa mga eksperto, hindi lang sa mga estero at kanal nangingitlog ang lamok dahil kahit sa maliliit na bottle caps ay puwedeng maipon ang tubig at pamugaran ng lamok. Sa huling tala ng Department of Health, pumalo na sa 167 606 ang dengue cases mula Enero-Hulyo 27, 2019, ang pinakamataas sa loob ng 5 Pampresosong taon. Tanong: 1. Anong mga isyu ang nabanggit sa balita? Pinagkunan:https://news.abs-cbn.com/news/08/11/19/climate-change-may- 2. Maituturing ba natin itong mga kontemporaryong isyu? Bakit? ambag-sa-paglobo-ng-dengue-cases-sa-bansa 3. Paano maiuugnay ang isyung ito sa iba pang isyung panlipunan, pangkapaligiran, at pang -ekonomiya? 4. Bakit mahalagang malaman mo ang mga ito? 5. May bahagi ka bang dapat gampanan sa mga nabanggit? 11 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Magaling! Naipakita mo ang iyong papapahalaga sa mga kontemporaryong isyu na maaari mong pagtuonan ng pansin dahil bahagi ka ng pagbabago ng ating lipunan. Handa ka na bang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa paksa? Muli mong bigyan ng pansin ang susunod na pagtatalakay at unawain ang kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu. Paksa 2: Kahalagahan ng Pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu Ngayon, iyong tunguhin ang kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu. Ang sumusunod ay mga nalikom na kaisipan mula sa mga nabasa, narinig, at naibahagi ng mga dalubhasa o ng mga mismong may karanasan sa isang pangyayari, suliranin, opinyon, o ideya. Aralin ang mga ito at pansinin kung humahawig sa iyong karanasan. 1. Bilang isang mag-aaral, ang kaalaman mo sa mga kontemporaryong isyu ang magiging daan upang maging mulat sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Isang paraan din ito upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan. 2. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon. Natutukoy ang kabutihan at di kabutihan nito. 3. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang sa iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag. Nahahasa rin ang iyong kasanayang pangwika, panggramatika, at iba pang mabisang kasanayang magpabatid ng kaisipan. 4. Napauunlad din ang iyong kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin. 5. Napalalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga impormasyon, ideolohiya, kasaysayan, pagkakaiba ng kultura, at iba pang mahahalagang kaganapang may kinalaman sa partisipasyon at pagpapasya. 6. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nagpapatalas ng kaisipan at matanto ang angkop, handa, at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon. 7. Napalalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa mga tuwiran at di tuwirang ambag ng pangyayari, suliranin, o anumang isyu. 8. Potensyal na pagkakataon ito upang maging mapanuri at mapagtugon na kabahagi sa pagbuo ng lipunang mulat at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu. 12 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Pagyamanin Maliwanag na tinalakay sa modyul na ito ang katuturan, mga uri at kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu. Maliwanag ba sa iyo ang lahat ng natalakay? Kung oo ang sagot mo, patunayan ito sa pamamagitan ng pagtupad sa mga gawain sa ibaba. Ang mga gawaing ito ay makatutulong sa iyo upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Gawain 5. Pangatwiranan Mo! Sagutin ang sumusunod na tanong sa sariling sagutang papel. 1. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang sa tingin mo ay dapat pagtuonan ng pansin ng ating pamahalaan? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Lahat ba ng isyu sa lipunan ay masasabing kontemporaryong isyu? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________ 4. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nais mong bigyang solusyon sa ngayon? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________ 5. Ano ang dapat tandaan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isaisip Binabati kita. Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na naunawaan mo na ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa isipan mo na layunin ng modyul na ito. Tapusin ang mga nakalaang gawain. Kayang- kaya mo! 13 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Gawain 6. “TANDAAN MO!” Dugtungan ang sumusunod na mga kaisipan. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel. 1. Ang kontemporaryong isyu ay ________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Ang mga uri ng kontemporaryong isyu ay __________________________________ ___________________________________________________________________ 3. Sa pagsusuri ng kontemporaryong isyu kinakailangan ang mga kasanayang _________________________________________________________________________ 4. Mahalagang pag-aralan ang kontemporaryong isyu upang ________________ ___________________________________________________________________________ Isagawa Ngayong lubos na ang iyong kaalaman ukol sa mga uri at kahalagahan ng kontemporaryong isyu, sa bahaging ito ng aralin ay iyong isagawa ang mga natutuhan sa pang-araw-araw na buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong natutuhan sa iyong buhay? Bilang isang mag-aaral, may bahagi kang ginagampanan sa pagharap sa mga kinakaharap na kontemporaryong isyu at kung papaano ito masosolusyunan. Inaasahan kong magagawa mo nang maayos ang susunod na gawain. Gawain 7. MULAT SA KATOTOHANAN! Magbigay ng mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng ating bansa sa ngayon at ibigay ang kahalagahan nito sa iyong buhay bilang isang mag-aaral na mulat sa katotohanan. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel. Uri Kontemporaryong Isyu Kahalagahan Pangkalusugan Pangkalakalan Panlipunan Pangkapaligiran 14 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Tayahin Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Dahil diyan kailangan mo nang sagutin ang panghuling pagtataya upang higit mong mapatunayan ang iyong pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa modyul na ito. Kayang-kaya di ba? Gawain 8. Panghuling Pagtataya. Isulat ang tamang sagot sa sariling sagutang papel. 1. Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan. A. Isyung Pangkapaligiran B. Kontemporaryong Isyu C. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkalusuagan 2. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba’t ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa? A. Isyung Pangkalakalan B. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran 3. Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu? A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay. C. Pagkilala sa sanggunian. D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan. 4. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang kabilang dito? I. uri II. sanggunian III. kahalagahan IV. epekto A. I B. II C. I, II, III, IV D. II, III 5. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu? I. Nagiging mulat sa katotohanan. II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip. III. Napalalawak ang kaalaman. IV. Napauunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa. A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV 15 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Basahin ang bawat pangyayari. Isulat ang letrang K sa iyong sagutang papel kung maituturing itong kontemporaryong isyu at H kung hindi. _____6. Pagkawala ng trabaho ng mga tao _____7. Pandaraya sa pamilihan _____8. Diskriminasyon sa edad _____9. Hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ____10. Suliranin ng mag-anak Isulat sa iyong sagutang papel ang letrang T kung ang pinapahiwatig ng pangungusap ay tama at palitan ng tamang sagot ang nasalungguhitan na salita kung ito ay mali. ____11. Ang kontemporaryong isyu ay anumang pangayayari, paksa, tema, opinyon, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. ____12. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan. ____13. Sa pagbabasa ng mga print media ay nahuhubog ang kasanayang pangwika at siyensiya. ____14. Ang free trade ay halimbawa ng isyung pangkalusugan. ____15. Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng facebook upang mahubog ang kasanayan sa pagbabasa. Ooppss! Bago mo iwan ang modyul na ito, gawin mo muna ang gawain sa ibaba. Huling hirit na ito. Karagdagang Gawain Gawain 9. “Ako Ay Kabahagi” Maging mapagmasid sa iyong komunidad na kinabibilangan, alamin ang mga isyung kinakaharap ninyo sa ngayon at magbigay ng sariling suhestiyon kung papaano ito masosolusyonan. Itala ang mga sagot sa sariling sagutang papel. ISYU SOLUSYON 16 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga konsepto ng kontemporaryong isyu pati na rin ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin upang mapalalim at mapalawak pa ang iyong kaalaman. Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang modyul 1. Ang susunod na modyul na iyong pag-aaralan ay tatalakay sa mga isyung pangkapaligiran sa Pilipinas, mga sanhi, at epekto nito pati na rin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at iba pang sektor upang malutas ang mga ito. Inaasahan na ikaw ay muling magpapakita ng kagalingan sa pagsagot sa mga nakalaang gawain para sa iyo. 17 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 18 1.b 6.K 11. T Paunang 2. a 7. H 12. T Pagtataya 3. b 8. K 13. Panggramatika 4. c 9. K 14. Pangkalakalan 1.b 6.a 11.d 5. d 10. H 15. Print media 2. c 7.c 12.b 3.c 8.c 13.d 4.d 9.c 14.d 5.c 10.c 15.c Susi sa Pagwawasto Sanggunian Department of Education. Araling Panlipunan 10 Materyal Pansanay, Learners Module. 2017. https://manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-pagbabago/ https://www.slideshare.net/alexesestenor/kahalagahan-ng-pag-aaral-ng-mga- kontemporaryong-isyu https://news.abs-cbn.com/news/08/11/19/climate-change-may-ambag-sa-paglobo-ng- dengue-cases-sa-bansa https://pinasglobal.com/2018/10/export/ 19 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser