Pakikibaka Para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon (PDF)

Summary

This presentation discusses the ongoing struggle for the preservation and promotion of the Filipino language in the current Philippine educational system. It examines various policies and perspectives on the issue, highlighting the roles of educators and government agencies.

Full Transcript

FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON Modyul 1 Ang Pagtataguyod sa Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino Guro: G. Florante L. Garcia Jr "Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan... ang nag-uugnay sa estudyante sa...

FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON Modyul 1 Ang Pagtataguyod sa Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino Guro: G. Florante L. Garcia Jr "Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan... ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan." BIENVENIDO LUMBERA, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Ang Kasalukuyang Kalagayan ng Filipino at ang Papel ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) at ng TANGGOL WIKA o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino Binubuo ng mga guro ng Filipino mula sa iba’t ibang publiko at pribadong pamantasan kasama ang ilang mambabatas, mga manunulat, mag- aaral, progresibong organisasyon, at pribadong indibidwal Nanguna sa panawagang panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino at paggamit ng wikang Filipino sa bagong kurikulum TANGGOL WIKA o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat, mananaliksik, na may malasakit at interes sa pagtuturo ng/sa wika, sa layuning mapaunlad at mapalaganap ang wikang Filipino. Pinagtibay ng humigit-kumulang 200 guro na delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) – na pinangunguluhan noon ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) – noong Mayo 31, 2013 ang isang resolusyon na tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” Ang resolusyon na ito na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (opisyal ng PSLLF) ay ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED, ang asignaturang Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat: “sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektuwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya. FILIPINO Filipino ang wikang pambansa sa Pilipinas na itinakda ng Konstitusyon 1987. Ayon sa probisyon ng kasalukuyang Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksiyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Patakarang Pangwika Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) ng K-12 sa mga mag-aaral sa preschool hanggang ikatlong baitang Kautusan Blg. 74, Serye 2009 ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Patakarang Pang- EDUKASYON Mayo 2013 pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino Br. Armin Luistro ng De La Salle Philippines - Kalihim ng DepEd Patakarang Pang- EDUKASYON Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 General Education Curriculum na nagtatanggal sa Wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng Kolehiyo pagdating ng susunod na mga Akademikong Taon. Pagtatangg al sa Filipino Intelektuwalisasy sa Kolehiyo on ng Wika Ahensya ng Pamahalaan Ang ahensyang nangangasiwa sa patuloy na pananaliksik at pagpapaunlad sa wikang pambansa ay ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) 1991, at dating tinatawag na Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP (1986) na dati namang Surian ng Wikang Pambansa o SWP noong 1936. Patakarang Pangwika CHED Memo Order 20 (CMO 20) noong 2013 Kautusan ng pagtatanggal ng mga asignaturang Filipino, Panitikan, at Konstitusyon sa ilalim ng Revised General Education Curriculum. Tuluyang naipatupad noong taong pampanuruan 2018 – 2019. Patakarang Pangwika Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Patakarang Pangwika Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12, kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y 3-6 yunit ng Panitikan Patakarang Pangwika Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 Hakbang ng KWF Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas naman ng KWF ang “KAPASIYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 14- 26 SERYE NG 2014...NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. Hakbang ng KWF Iginigiit ng nasabing kapasiyahan ng KWF “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino” Pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa NCCA Mayo 23, 2014, ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA NCCA na nagsasaad na: “...puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino...” PETISYON NG MGA PAMANTASAN AT GURO Marso 3, 2014. University of Santo Tomas (UST), University of the Philippines-Diliman (UPD) at University of the Philippines-Manila (UPM), Ateneo de Manila University (ADMU), Philippine Normal University (PNU), San Beda College- Manila (SBC), Polytechnic University of the Philippines-Manila (PUP), National Teachers College (NTC), Miriam College (MC) atbp., at mga samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Patakarang Pang- EDUKASYON Maraming usapin: kakulangan ng klasrum guro sa grades 11-12 technical expertise sa “senior high” Kalidad ng edukasyon Implikasyon 1. Kahinaan sa kasanayan sa kolehiyo 2. Pagtatanggal ng mga guro sa Filipino 3. Hadlang sa pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino at kultura Pakikipaglaban Nabuo ang Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino. Layunin: 1)Isulong ang pagpapanatili sa asignaturang Filipino sa kolehiyo, 2) ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawang guro, at 3) isulong ang makabayang edukasyon Mga Hakbang ng Tanggol Wika 1. Nagsagawa ng mga talakayan at forum 2. Naghain ng petisyon sa Korte 3. Nagpapalaganap sa mga guro at sa lahat ng sektor sa lipunan ng mga nagaganap kaugnay sa kaso Pakikipaglaban Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunud-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo at kilos- protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED. Pakikipaglaban Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at Pakikipaglaban Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon. Pakikipaglaban Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Pakikipaglaban Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3; Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987, Pakikipaglaban..at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.” Hakbang ng Korte Suprema Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Abril 22, 2015 Nagbaba ang Korte Suprema ng desisyon para sa isang Temporary Restraining Order (TRO) na nagpapaliban sa pagsasakatuparan ng bagong Korte Suprema 2015 “They contend that the Constitution expressly states that the Filipino is the national language of the Philippines. The State must lead and sustain its usage as the medium of official communication and as the language of instruction in the educational system. This holds true without distinction as to education level. Hence, "Filipino" as our language deserves a place of ·honor and usage in Hakbang ng Korte Suprema 2018 Oktubre 9, 2018 inalis na ng Korte Suprema ang TRO na ito at pinagtibay na ang mga kursong Filipino at Panitikan ay hindi na kabilang sa mga pangunahing asignatura o sabjek na ituturo sa kolehiyo. Mga Pananaw ng Eksperto Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura Dr. Bienvenido Lumbera “Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon ng identidad ng isang bayan. Ang wika ay nag- uugnay sa estudyante sa kanyang pamilya, komunidad, kahapon ng bayan. Ang CHED MEMO 20, 2013 ay Mga Pananaw ng Eksperto Roberto Ampil Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas “Sa kolehiyo tunay na napag-aaralan ang katuturan ng wikang Filipino at Panitikan sa lipunan.” Mga Pananaw ng Eksperto Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan “Mawawalan ng pag-asa na uunlad at magiging maayos ang susunod na henerasyon kung patuloy na ipagsasawalang-bahala ang wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.” Mga Pananaw ng Eksperto Alvin Ringgo Reyes, tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas “Mababansot ang pag-unlad ng Filipino sa iba’t ibang disiplina. Magbubunga tayo ng henerasyon ng mga Filipinong hindi kayang iangkop ang propesyon nila sa kontekstong Filipino.” Mga Pananaw ng Eksperto Rommel Rodriguez, direktor ng Sentro ng Wikang Filipino “Ni hindi tiningnan ng Korte ang silabus ng kolehiyo at hindi nito nalalaman ang pagkakaiba ng pagtuturo sa elementary, hayskul, at kolehiyo. Biglaan ang naging desisyon ng Korte Suprema.” Mga Kontradiksyon Pagtaas ng demand sa pagtuturo at pag-aaral ng Filipino sa ibang bansa tulad ng Germany, Pransiya, at Amerika, UAE Panukalang pagtuturo ng Mandarin at Arabik, Hangul sa hayskul sa Pilipinas Mga Batas na Nalabag ng CMO 20 2013 1. Konstitusyon 1987 2. Education Act of 1982 3. Organic Act ng Komisyon sa Wikang Filipino 4. Organic Act of the National Commission for Culture and the Arts 5. CHED Order 1996 Patuloy na Pakikipaglaban ika-26 ng Nobyembre, 2018 Naghain ng motion for reconsideration ang Tanggol Wika, kaugnay sa CMO No. 20, kasabay ng protesta sa Plaza Salamanca sa Maynila. Ang mosyong ito ay tinanggihang resolbahin pa ng Korte Suprema sa hatol na “denied with finality” noong Marso 2019. Patuloy na Pakikipaglaban Ang Tanggol Wika noong Mayo 2019 hinggil sa pinal na hatol ng Korte Suprema ay nagpahayag ng galit at lungkot, sapagkat ayon sa kanila dapat may oral arguments sa pagtalakay ng kaso sa halip na inilabas ito basta nang walang pagdinig sa kanilang panig. Patuloy na Pakikipaglaban Patuloy ang pakikibaka ng mga guro at iba pang tagapagtanggol ng Wika Sa kasalukuyan, naituturo ang ilang asignaturang Filipino sa kolehiyo sa piling mga kurso at piling mga pamantasan. Marami na ring kolehiyo at pamantasan ang tuluyang pinatay ang Filipino sa kanilang kurikulum alinsunod sa CHED Memo 20, 2013. Posisyong Papel Pananaw ng DLSU Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang- edukasyon sa Pilipinas Posisyong Papel Pananaw ng DLSU Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa Posisyong Papel Pananaw ng ATENEO Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka- Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Ang pagtanggal sa Filipino ay nagdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o Posisyong Papel Pananaw ng UP Ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino. Posisyong Papel Pananaw ng UP Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang inimaheng “wika ng edukado” at “wikang susi ng kaunlaran.” GAWAIN: Puspusang basahin at unawain ang mga kahingiang babasahing “Mula Tore Hanggang Palengke” at ang “Intelektuwalismo at Wika” Medyor na Gawain, Aralin 1 Pag-aralan ang mga bahagi, estilo ng pagkakasulat, paglalahad ng mga paninindigan, at paraan ng pagwawakas ng mga posisyong papel na ipababasa ng guro. Bumuo ng sariling posisyong papel tungkol sa pagtatanggal ng kursong Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Tiyaking may sariling pamagat ito na pokus sa sarili mong paninindigan. WIKA AT BAYAN, ipaglaban!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser