Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
Document Details
G. John Dave B. Roque
Tags
Related
- YUNIT 1 PDF
- Filipino Language Development and Education in the Philippines
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Aralin 5) - Saint Louis College
- Philippine Language Policy PDF
- Pagtataguyod ng Wikang Filipino sa Mataas na Edukasyon PDF
- ARALIN 1 Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon PDF
Summary
This presentation discusses the importance of the Filipino language in higher education within the Philippines. It presents arguments for the continued use of Filipino in educational settings, and includes discussions about past policies and actions.
Full Transcript
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO 1 Kabanata I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMB ANSA SA LALONG MATAAS Na ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA 2 Bakit inaalis/inalis ang FILIPINO sa NEW GENERAL EDUCATION CURRICULUM n...
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO 1 Kabanata I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMB ANSA SA LALONG MATAAS Na ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA 2 Bakit inaalis/inalis ang FILIPINO sa NEW GENERAL EDUCATION CURRICULUM ng bansa? A. Ang Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang PAnahon 1. mga pangyayari sa pakikipaglaban sa wikang filipino 5 Tanggol Wika at PSLLF - magkabalikat sa paggigiit na manatili ang Filipino bilang asignatura at bilang wikang panturo sa antas tersyarya. Taong 2013 – sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag- aaral at mga nagmamahal sa wikang Filipino sa pangunguna ng Tanggol Wika ang pananatili ng Filipino bilang asignatura sa antas kolehiyo. 6 NAR ITO 1. Mga Kaganapan sa Pakikipaglaban ng Wikang Filipino CHED MEMO ORDER (CMO) Blg. 20, Serye 2013 – sa bisa nito wala na ang Filipino bilang sabjek sa Kolehiyo Kom. Patricia Licuanan – ang lumagda sa CMO, na noo’y Punong Komisyoner ng CHED MGA ASIGNATURANG MANANATILING ITUTURO SA KOLEHIYO (2018-2019, simula ng pagtuturo ng mga ito) Pag-unawa sa Sarili / Pagpapahalaga sa Sining / Understanding the Self Art Appreciation Mga Babasahin Hinggil sa Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan Kasaysayan ng Pilipinas / / Science, Technology and Society Readings in Philippine History Ang Kasalukuyang Daigdig / Malayuning Komunikasyon / The Contemporary World Purposive Communication Matematika sa Bagong Daigdig / Etika / Ethics Mathematics in the Modern World NAnatili Mga Unibersidad at Institusyong Pangwika na Naglabas ng Resolusyon 1. Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino 2. Pamantasang De La Salle-Maynila 3. Unibersidad ng Pilipinas – Maynila 4. Unibersidad ng Santo Tomas 5. Far Eastern University 6. San Beda College 7. ANAKBAYAN 8. National Teacher’s College 9. Mindanao State University – Iligan Institute of Technology 10. KATAGA 11. Technological University of the Philippines 12. League of Filipino Students 13. Alliance of Concerned Teachers 14. National Commission for Culture and the Arts 2. Mga Paninindigan ng PSLLF sa Pananatili ng Filipino sa Antas Kolehiyo Mga Paninindigan ng PSLLF ng Pananatili ng Filipino sa Antas KolehiyO 1. SAPAGKAT , sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay may anim (6) FILIPINO sa batayang edukasyon; 2. SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektuwalisasyon ng FILIPINO sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya; 3. SAPAGKAT, sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at pagtuturo ng / sa FILIPINO dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at mga kaugnay na kurso; 1 1 Mga Paninindigan ng PSLLF ng Pananatili ng Filipino sa Antas KolehiyO 4. SAPAGKAT, dahil sa pagpapaunlad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na sa antas tersyarya ang FILIPINO at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baitang 11 at 12; 5. SAPAGKAT, ang panukalang PURPOSIVE COMMUNICATION na bahagi sa batayang Edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles; 6. SAPAGKAT, ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang edukasyon mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) ay minimum lamang kung kaya’t maaari pang dagdagan hanggang anim (6) pang yunit. 1 2 3. Mga Mahahalagang Argumento kung B akit Dapat Manatili ang FILIPINO B ilang Asignatura sa Kolehiyo ( PSLLF) 3. Mga Mahahalagang Argumento kung B akit Dapat Manatili ang FILIPINO B ilang Asignatura sa Kolehiyo ( PSLLF) UNA, nilinaw ng PSLLF na ang patakarang bilinggwal na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25 Series of 1974 ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ay ngayo’y operatibo at may bisa mula baitang 4 hanggang antas tersyarya. Alinsunod sa kautusan, kinakailangang gamiting wikang panturo ang Filipino sa mga sumusunod: a. social studies/social sciences e. home economics b. music f. practical arts c. arts g. character education d. physical education 1 4 3. Mga Mahahalagang Argumento kung B akit Dapat Manatili ang FILIPINO B ilang Asignatura sa Kolehiyo ( PSLLF) IKALAWA, ang pagpapapalawak sa paggamit ng FILIPINO bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo IV, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon. IKATLO, mas dapat ituro ang FILIPINO sa kolehiyo sapagkat sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration. 1 5 4. Ang Pagkakatatag ng TANGGOL WIKA 1 6 Tanggol wika Hunyo 21, 2014 - Itinatag ang Tanggol Wika Layunin: Ang kawalang-aksyon ng CHEd at upang patatagin ang boses ng mga nagtatanggol sa wika na ang pawang miyembro ay mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng mga sumusunod; 1. De La Salle University 2. Ateneo de Manila University 3. University of the Philippines 4. Polytechnic University of the Philippines 5. University of Sto.Tomas 1 7 5. Mga Panawagan ng TANGGOL WIKA 1 8 Mga Panawagan ng TANGGOL WIKA a. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa New General Education Curriculum sa kolehiyo; b. Rebisahin ng CHEd Memo Order 20, Series of 2013; c. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at d. Isulong ang makabayang edukasyon. 1 9 6. Ang makasaysayang pakikipaglaban ng tanggol wika 2 0 Abril 15, 2015 – sa pangunguna ni Dr. BIENVENIDO LUMBERA at ng mahigit 100 na mga propesor at iskolar - Isang malaking bigwas ang ginawang hakbang ng Tanggol Wika na sinuportahan ng mga propesor, at iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad nang magsampa sila ng iba’t ibang kaso sa Kataas- taasang Hukuman o Korte Suprema sa bansa. Maliban pa sa mga kilos-protesta, nagpapirma rin ng petisyon ang Tanggol Wika na nilagdaan ng humigit-kumulang 700,000 na mag-aaral, guro, iskolar at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad at sektor ng lipunan. 2 1 Abril 21, 2015 - naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order. Kinatigan ng nasabing hukuman ang mga argumentong nakatala sa nasabing petisyon. 2018 - tatlong taon matapos mailabas at maipatupad ang TRO laban sa CMO Bilang 20, Serye 2013 ay tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan nang binura ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo. 2 2 Tanggol Wika – nanawagan sa bawat unibersidad sa Pilipinas na lumikha ng mga asignatura sa Filipino – batay sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-laya pa rin sa mga unibersidad na magdagdag ng mga asignatura gaya ng Filipino habang wala pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa motion for reconsideration na isinampa noong Nobyembre 2018. Samantala, inihain nina ACT Teachers. Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep. France Castro sa kongreso ang Panukalang Batas Bilang 8954 o batas na nagtatakda ng hindi bababa sa Siyam (9) na yunit ng asignaturang Filipino noong Enero 30, 2019. 2 3 Marso 5, 2019 ay pinagtibay na ( denied with finality) ng Korte Suprema ang desisyon nitong tanggalin ang mga asignaturang Panitikan at Filipino sa antas kolehiyo. Batay sa inilabas na desisyon ng nasabing korte ukol sa motion for reconsideration ay walang substansyal na argumentong inihain ang Tanggol Wika at iba pang petisyuner upang mapanatili ang mga nasabing asignatura. 2 4 b. Kahalagahan ng filipino bilang disiplina at wika ng edukasyon at komunikasyon sa pilipinas 2 5 1. Mga Pag aaral sa Kakayahan ng Filipino bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon 2 6 Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (1968-1969) Sinimulang gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo na nagsimula bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham (Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, Kasaysayan). Napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga pinag-aaralan, madali man o malalim na konsepto. Napatunayan sa isinagawang eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham-Panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan ang mga mag-aaral at guro (Tiamson-Rubin, 1993: mula sa Bernales, et al., 2019). 2 7 Pamantasang De La Salle- Maynila Dr. Emerita S. Quito – pinangunahan nito ang pagsasa- Filipino ng pagtuturo ng Pilosopiya bunsod na isang pangyayari noong magpunta siya sa Vienna taong 1962. 2 8 Ateneo De Manila Padre Roque Ferriols, S.J – pagtuturo ng Pilosopiya gamit ang wikang Filipino. Nakapaglathala ng mga babasahin sa Pilosopiya na nasusulat sa wikang Filipino. 2 9 Wakas. Presentasyon ni: G. JOHN DAVE B. ROQUE