SPEFil 1: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 3) PDF

Document Details

SwiftWave2097

Uploaded by SwiftWave2097

Colegio de San Gabriel Arcángel

Tags

Filipino language Philippine Language Language history Education

Summary

This is a learning activity sheet (LAS) for a Bachelor of Elementary Education program. It focuses on the history of the Filipino language, emphasizing the evolution of the alphabet and its connections to the present. The sheet provides background information and references.

Full Transcript

Colegio de San Gabriel Arcangel City of San Jose del Monte, Bulacan College of Education Program Bachelor of Elementary Education Course Code SPEFil 1 Description Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya **LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 3** **Name** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_...

Colegio de San Gabriel Arcangel City of San Jose del Monte, Bulacan College of Education Program Bachelor of Elementary Education Course Code SPEFil 1 Description Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya **LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 3** **Name** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_**Score** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Date** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_**Section** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ---------------------------------------------- **Paksa:** **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** ---------------------------------------------- **Mga** 1. Naisasalaysay ang mga pangyayaring naganap kaugnay sa kasaysayan ng alpabetong Filipino **Layunin** 2. Naiuugnay ang mga pangyayaring naganap noon sa kasalukuyang panahon. **References** Lopez,Wilhelmina R.(2014) ,*Sining ng Komunikasyon sa Akademikong* *Filipino*: San Gabriel Arcangel Publishing House City of San Jose del Monte, Bulacan **Borlasa,Liezel R.(**2016),*Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:*Cronica BookHaus Quezon City,Philippines https://www.youtube.com/watch?v=oLwj1ZYw3vA&t=251s IKAAPAT NA ARALIN Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Bawat bansa ay nag-iwan ng malaking impluwensiya sa buhay ng bawat Pilipino. Mula sa pananakop ng mga dayuhan sa bansang Pilipinas ay may maraming natutunan ang mga katutubo. Dahil sa mga natutunan mula sa kanila ay paiba-iba ang naging sitwasyon ng wika sa Pilipinas Noon pa man bago dumating ang rnga Kastila ay mayroon nang ginagamit na alpabeto ang ating mga ninuno. Ito ay tinatawag na alibata. Mula sa alibata ay nagkaroon din ng Abakadang Tagalog, Bagong Alpabetong Pilipino, 1987 Alpabetong Filipino at ang 2001 Revisyon ng Alpabetong Fllipino. Sinasabing ang wika ay dinamiko. Ito ay patuloy na nagbabago simbilis ng pagbabago ng panahon. Dala ng pangangailangan at dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya ay nagbabago ang wika. Ayon kay Virgilio S. Almario, sa binagong ortograplya sa wikang Filipino-PDF,ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin bago sumulat gamit ang wikang Filipino.Ang mga tuntunin ay hango sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin,bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling.Layunin sa gabay na ito na palaganapin ang estandardisadong mga grapema o pasulat na mga simbolo at ang mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simboJo. Itinatanghal dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng abakadang Tagalog bunga ng bagang alpabeto at bunga na rin ng umuunlad na paggamit sa Wikang Pambansa. Wika nga ni Ferdinand de Saussure (1906), sa binagong ortograpiya sa wikang Filipino-PDF ni Virgilio S. Almario, habang binubuo ang mga pangkalahatang simulain sa lingguwistika, mahirap mahuli ang bigkas ng isang buhay na wika. Wika pa niya. \"Ang bigkas sa isang salita ay ipinapasiya, hindi ng ispeling, kundi ng kasaysayan nito." Mas lalong mabibigyang halaga ang bawat turtunin ng ortograpiko kapag bibigyang pansin ang pinagdaanang kasaysayan nito kasama ang paniniwalang patuloy itong nagbabago bugso ng pangangailangan ng mga taong gumamit sa wikang Fihpino. ANG ALIBATA Ang ating mga ninuno ay mayroon ng ginamit na alpabeto dantaon labing-anim na ang nakalipas. Ito ay binubuo ng labimpitong simbolo na kumakatawan sa mga letra: 14 na katinig at 3 patinig Tinatawag itong alibata o baybayin. Pagdating ng mga misyonerong Espanyol, nakita nilang marunong bumasa at sumulat sa baybayin ang mga Pilipino, bata man o matanda, lalaki man o babae. Bugso ng pangangailangan ay inilimbag nila ang unang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana noong 1593 na naglalaman ng mga dasal at tuntuning Kristiyano. Ang mga teksto ay nakalimbag sa Espanyol at Tagalog sa Alpabetong Romano. Sa pagdating ng mga Kastila ay napalitan ng Alpabetong Romano ang Alibata na siya namang pinagbatayan ng ABAKADANG Tagalog. **ANG ABAKADANG TAGALOG** Ang Abakadang Tagalog ay binuo ni Lope K. Santos nang kanyang sulatin ang Balarila ng Wikang Pambansa noD.g 1940. Binubuo ito ng dalawampungletra. Limang patinig (a, e, i, o, u) at labinlimang katinig (b, k, d, g, h,l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y). Hindi isinama ang labing-isang banyagang letra sa Abakadang Tagalog sapagkat ang mga ito ay ginagamit lamang sa mga pangngalang pantangi. Bagkus. tinutumbasan ito ng mga letra ng ABAKADA. **BAGONG ALPABETONG PILIPINO** Noong 1971 ay masusing pinag-ukulan ng pansin ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang problema tungkol sa ortograpiya ng wikang Pilipino (Filipino). Makalipas ang humigit-kumulang na limang taong pag-aaral iba\'t ibang sector sa larangan ng wika, nirebisa ng Surian ang "Abakadang Tagalog" Lope K. Santos. Sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay s amabilis na pag-unlad al pagbabago ng wikang Pilipino. Tinatawag itong Bagong Alpabetong Pilipino. Sa bagong alpabeto, dinagdagan ng labing-isang letra ang dating dalawampung letra kung kaya\'t naging tatlumpu\'t isa ito. Kabilang sa mga idinagdag na letra at digrapo ay ang: C, F, J, Ň, Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit. Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkasunod-sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) sa mga letra. Tinawag na pinagyamang alpabeto ang bagong alpabeto dahil sa dami nito. Ngunit dahil sa maraming puna na pinaramiita kaysa kailangang mga bagong titik ay muli itong sinuri. **1987 Alpabetong Filipino** Bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyan ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng Filipino bilang wikang pambansa at pamahaIaang wika at pagsang-ayon pa rin sa Patakaran ng Edukasyong Bilingguwal ng 1987, muling nireporma ang alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa Ortograpiyang Filipino. Noong 1987 ay nalathala ang dalawampu\'t walong (28) letra sa gabay na *Alpabeto at Patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino* ng Linangan ng rnga Wika sa Pilipinas, na noo\'y tinawag na Surian ng Wikang Pambansa. Tinanggap ang walong dagdag na letra na: F. J, Ň, Q, V, X at Z. A/ey/, B/bi/,C/si/,D/di/,E/i/,F/ef/,G/ji/,H/eyts/, I/ay/, J/dyey/, K/key/, L/el/, M/em/, N/en/, Ň /enye/, NG/endyi/, O/o/, P/pi/, Q/kyu/, R/ar/, S/es/, T/ti/, U/yu/, V/vi/, W/dobolyu/, X/eks/, Y/way/, Z/zi/. Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Big 81. s 1987 ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, ang "1987 Patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino" ay pormal na inilunsad ng LWP noong Agosto 19, 1987. Ang paglulunsad ay isinabay sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa na idinaos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Nakapaloob ang balangkas ng alituntunin sa ispeling ang gamit ng walong dagdag na letra ng alpabeto. Gagamitin lamang ito sa mga hiram na salita at ekspresyon na nabibilang sa mga sumusunod :pangngalang pantangi, terminolohiya na sadyang teknikal at sa mga salitang nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa minoryang wika sa Pilipinas. Sa gabay ng ortograpiya ng 1987 ay hindi nasagot ang ilang sigalot na lumitaw mula pa noong 1977 na gabay ang tungkol sa kaso ng kambal-patinig o diptonggo. Muling pinagtibay ng 1987 Konstitusyon ang Filipino bilang Pambansang Wika, ayon sa tadhanang: Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at iba pang wika. (Art XIV, sek. 6) Kaugnay nito,itinatag ang Komisyon sa Wkang Filipino (KWF) noong 1991. Ito ang nagpalabas ng 2001 Revisyon ng Aipabetong Filipino. **2001 Revisyon ng Alpabetong Fillpino** Muling nirebisa ng KWF ang Alpabelong Filipino sa ikaapat na pagkakataon pati na ang mga tuntunin sa pagbaybay nito. Ang muling pagrebisa ay ibinunsod ng di ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987. Marami ring puna sa umano\'y napakahigpit at di makatotohanang mga tuntunin sa ispeling na pinalabas ng LWP sa paggamit ng walong dagdag na letra Nalimitahan din umano ang gamit sa mga hiram na salitang nabibilang sa kategoryang sumusunod: pangngalang pantangi, teknikaJ na terminolohiya at sa mga salitang may natatanging pangkulturang kahulugan. Lumitaw rin ang iba-ibang disenyo sa sistema ng ispeling mula sa mga institusyong pang-edukasyon at grupong propesyonal dahil sa kakulangan ng mga tuntunin sa paggamit ng mga karaniwang salita. Nabuo ang maraming variant o pagkakaiba-ba ng ispeling na nagpawalang bisa sa pambansang pagsisikap para sa kodipikasyon, estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng pambansang wika. Pinaluwag ng 2001 Alpabeto ang gamit ng walong dagdag na letra. Nangangahulugan na maaari ring gamitin sa lahat ng mga hiram na salita, pormal o di teknikal na barayti, o sa mga karaniwang salita. Hinati rin sa daJawang grupo ang walong letra Ang F, J, V at Z ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa Filipino. Samantalang ang C, Ň, Q at X na itinuturing na redundant ay hindi ipinagagamit sa pagbaybay ng mga hiram na salitang karaniwan. Ito ay sa dahilang ang bawat isa ay may kinakatawan o katunog na letra sa Filipino gaya ng letrang C, maaaring S o ang ponemang /s/at letrang k o ponemang /k/. Halos dalawang taon din ang ginugol sa pagbuo, mula kalahatian ng taong 1999 hanggang Agosto 2001. At sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran BIg. 45, s. 2001, inilunsad ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa lspeling ng Wikang Filipino noong Agosto 17, 2001 na may lagda ng Pangalawang Kalihim lsagani R. Cruz ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at lsports. Ang Alfabeto ay binubuo pa rin ng 28 letra at bibigkasin gaya ng Alfabetong Ingles maliban sa /ň/ na bigkas-Espaňol. Halaw mula sa gabay sa Ortograpiyang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino (2009) **Gawain** Panuto: Bigyan ng katumbas na baybay sa alibata ang mga sumusunod na salita. 1.paaralan 2.simbahan 3.parke 4.ospital 5\. opisina 6.tsokolate 7.aklat 8\. telebisyon 9.upuan 10.tahanan 11.daan 12.gusali 13.mamamayan 14.mag-aaral 15.bulaklak Inihanda ni: Colegio de San Gabriel Arcangel City of San Jose del Monte, Bulacan College of Education Program Bachelor of Elementary Education Course Code SPEFil 1 Description Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya **LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 4** **Name** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_**Score** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Date** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_**Section** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ----------------------------------------------------------- **Paksa:** **Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino** ----------------------------------------------------------- **Mga** 1. Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa mabuting pakikipagtalastasan **Layunin** 2. Nabibigyang halaga ang paggamit ng wastong salita sa pakikipag-usap **References** Lopez,Wilhelmina R.(2014) ,*Sining ng Komunikasyon sa Akademikong* *Filipino*: San Gabriel Arcangel Publishing House City of San Jose del Monte, Bulacan **Borlasa,Liezel R.(**2016),*Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:*Cronica BookHaus Quezon City,Philippines **Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino** PONOLOHIYA Ang ponolohiya o palatunugan ay ang pag-aaral ng wastong bigkas ng mga ponema. Ito ay ang kombinasyon ng mga tunog upang makabuo ng isang salila. A.Mga Tunog sa Filipino Sa Tagalog, kung paano binigkas ang salita ay sIya ring baybay at kung paano binaybay ang salita ay siya ring bigkas Tulad ng ibang wIka, ang mga salita sa Filipino ay maaaring hatiin ayon sa tunog gaya ng: Tunog Ponetiko Fonetik ang makaagham na paglikha ng tunog sa pagsasalita Galing ang salitang fonetik sa salitang Griyegong phonetikos na nangangahulugan na bibigkasin pa lamang. Tunog Ponemiko Ang yunit ng tunog na bumubuo sa isang salita na nakapagbabago ng kahulugan ay tinatawag na ponema. Ang ponema ay galing sa salitang Griyegong phoneme na ang ibig sabihin ay makatuturang tunog; phone na nangangahulugan ng salitang tinig (boses) na naasimila sa wikang Filipino bilang ponema. Sa mga unang balarila napag-aralan natin na may labinlimang katinig at limang patinig; samantala kung ibabatay sa mga simulain ng bagong linggwistika ang Filipino ay may 21 ponemang segmental;labing-anim na katinig at limang patinig Ang mga ponemang katinig ay: /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r,s, t, w, y, ?/ Ang /?/ ay itinuturing na ponemang katinig kahit na wala itong ,sagisag sa lumang palabaybayan ng ating wika. Ang kinatawan nila ay nasa anyong pasaIita o pasulat. Ang mga ponemang patinig naman ay: /a,e.i,o,u/. Sa linggwistika, ang ponema ay lipon o pangkat ng magkaugnay o magkalapit na tunog na kinakatawan sa transkripsiyong ponemiko na kaiba sa ginagamit na notasyon sa transkripsiyong ponetiko. Pangulong // o guhit pahilis ang eksklusibong notasyon sa mga tunog ponema. Lahat ng mga tunog na ipinapasok sa notasyong // ay mga makabuluhang tunog dahil magiging bahagi na ito ng isang salita. Hal. / sipag /, / pu:sa /- transkripsiyong ponemiko \[ s,i,p,a,g \] at \[ p,u,s,a \]- transkripsiyong ponetiko Mahalaga ang glotal na tunog upang maging makabuluhan ang wastong pagbigkas ng mga ponemang napapaloob sa dalawang pahilis na guhit. Nagkakaroon ng tunog na glottal sa pamamagitan ng konstriksyon ng glotis. Ang glotis ay ang hugis V sa pagitan ng vocal chords. **Mga Ponemang Segmental** *Ponemang Malayang Nagpapalitan* Ang ponemang /e, i/,/o,u/ at /d, r / ay malayang nagpapalitan nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. halimbawa: babae -- babai, dami -- rami, totoo - tutoo *Pares Minimal* Pares Minimal ang tawag sa pares ng salita na kapag nagpapalitan ang e at i at o at u ay nagbibigay ng iba\'t ibang kahulugan. halimbawa: mesa (table) - misa (mass), pare (friend) - pari (priest) *Klaster* Ang klister o kambal katinig ay ang dalawang katinig na magkasama sa loob ng isang pantig Maaaring matatagpuan ang klaster sa unahan, gitna o hulihan ng salita halimbawa: dwende, nars, ekspresyon ay tinatawag na diptonggo. **Mga Ponemang Suprasegmental** Sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa ay nakikipag-usap tayo. Sa pakikipag-usap ay binibigkas natin ang mga salita ayon sa nais nating iparating sa kausap. Sa pagbigkas ay mapapansing may pagbaba at pagtaas ng tinig upang mas lalong maunawaan ang nais ipabatid. Ang suprasegmental ay ang pag-aaral ng tamang bigkas ng mga salita upang maibigay ang ibayong kahulugan at ang paggamit nito ng tama sa pangungusap. **Haba(:)-** Ang haba ay nagpapakita ng tagal ng bigkas ng unahang pantig na nakapagbabago ng kahulugan ng salita halimbawa: ba:hay, ba:ta **Tono-** Ang pagtaas at pagbaba ng tinig ay ipinakikita sa tono. Sa pamamagitan ng tono ay naipapakita ang iba\'t ibang kahulugan at ang wastong pagpapahayag ng tanong. Halimbawa: 2 1 ka 3 pon Diin. Ang diin ay ang bahagyang pagtaas ng tinig sa isang pantig ng salitang binibigkas. May apat na uri ang diin. 1.Malumay - binibigkas nang mabagal Maaaring magtataapos sa patinig )o katinig ang mga salitang malumay halimbawa: bayabas, watawat, marami 2.Malumi - tulad ng salitang malumay, ang mga salitang malumi ay binibigkas nang mabagal ngunit may diin sa huling pantig ng salita. Ito ay ginagamitan ng tuldik na paiwa ( \`) at nagtatapos sa patinig lamang Halimbawa: pusa, puso, bawi 3.Mabilis - ang mqa salitang mabilis ay binibigkas nang tuloy-tuIoy Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (\'). Tulad ng malumay ang mga salitang mabilis ay maaari ring magtatapos sa patinig o katinig halimbawa; alis,paso,balat 4.Maragsa - ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang mabilis na may diin sa huling pantig ng salita. Nagtatapos lamang sa patinig ang mga salitang maragsa tulad ng malumi Ginagamitan ito ng tuldik na pakupya (\^) halimbawa: sawi, wala,hinto Antala Ang antala ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita. Ginagamit ito upang maunawaan at maging mabisa ang nais ipahayag ng taong nagsasalita sa kausap. Magkaiba ang gamit ng antalang pasalita sa pasulat. Sa antalang pasalita ay ginagamitan ito ng isang pahilis(/) na guhit kung ito ay nagpapakita ng saglit na pagtigil at dalawang pahilis(//) kung ito ay lubusang huminto. Samantalang sa antalang pasulat ay ginagamit ang kuwit(,) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng sandalling pagtigil at tuldok(.) naman sa lubusang pagtigil. Ang mga halimbawang pangungusap sa ibaba ay nagkaroon ng iba't ibang kahulugan batay sa kung saan inilagay ang simbolo ng antala. Hal: Hindi siya ang kapatid ko. Hindi, siya ang kapatid ko. //Hindi ako ang kumuha ng gamit niya// //Hindi/ako ang kumuha ng gamit niya// **Gawain** Panuto: Gumawa ng maikling pagsusulit na may tig-limang aytem sa mga sumusunod na paksa. Lagyan din ng susi sa pagwawasto. 1. Pares Minimal 2. Klaster 3. Diptonggo 4. Uri ng Diin 5. Antala A.g morpolohiy. ay ang pag-aaral ng rnakabuluhang kah.mgan ng.sa.g sallla s, parnamaguan ng pmag,ama.g mga tunog. Morperna a.g pmakarnallit na yumt g isa.g santa na naglalaglay ng kahulugan A.g morpema ay galing.a sla.g GriyEgO na \'morph\' na.anga.gahuiugang a.yo o yuM at \"qme\' na a.g hi9.abihin ay kahulugan A) Mga Uri ng Mo,pema sa aklat mna irrna V Ugoht al (pp 4941), may ibal,bang urlang rnorpema 1 Malayang MorpemaFree Morpema) Turnut.koy sa mga.aMa.g.akatalayong maysa at may kahulugan Kapag h\'nm a.g.afila. masisi:a o mawawala arrg kahulugan Tinatawag di.g rnga salitang. ugaE a.g mga malaya.g morpa,r Halimbavya. awil. puso. mali aklat. Bulae \' z Di-Malaya.g M.rpema linataw.g ding rnarpemang g,amatikal ang mga di.malaya.g morpena sapagkat nagkakaroon ng p.gbabagong.a.ya a.g salirang.ugal sa ka.ya.g.s.ruklura at nagpapahiwalig d\'n ng bago.g kahulugan Ku,g gayDh li.atawag.a di.\'nalayang mo.pema ar\'g mga panlapi dahil a.g mga do ay d\' nakatatayu na.g nag\'iiaa SLiOah: nagtataglay to ng sanling kahulugan Halimbawa: P a nla pi. S a Ma ng - U g at B a g o n g Salita inorn ; L 62 -.; eksikal na Morpema.ay ang pinagsama\'samang malayang morpema at di-malayang morpema \'ga ng panibagong anyo ng salita gayundin ang kahulugan salitang agawan ay binubuo ng malayang morpema na agaw (salitang.ugat).an na tinatawag nadi-malayang morpema Ang agaway nangangahulugang lang -an ay nangangahulugang pagganap ng kilos Kung ga\'on ang agawan gkuha ng isang bagay sa tao Kapag kinabitan naman ng ma tisang di- morpema) ang maagawan al nangangahulugan sa taong nakukuhaan ng ay Gramatikal na Morpema \'u.ad ng mga salita. inaayos ayon sa panmtunang pangg,amatil\'a ang m i.:.riang salita kaya nagkaroon ng malinaw n k h.gua9pan;,gStnimp\'pnegTuak9. i:nl ang mga salita\'y nagsusunud-sunod sa tulong ng. ahay sa loob ng mga salita saisang pangungusap..Lawa: Naagawan ng bag ang babaeng naglalakad s aa Makikita na kung ang mga salitang may kqa:l;d:l9:;lt::S.i:f,Xda.:a:;w:g:::u;g;9:, babae.naglalakad. daan ang ngjt maalaar:tiy yk a k Subalit kapag ikinabilang mga sa:\" g sa ay magiging ganap ang mabubuang pangungusap, 5 infleksiyonal na Morpema \'aaklatn:;::Fj;:,:jt:::o:pji:d;;:.ga:;,::j:::.is k:::bit:9,lb:ajj,0.ps;ag,Psai tagt I i.ggaiaS::aai:,.s.Ka\'h\'efnl: \_ Tumatawa si Kathlee laire Tatawa si Kathleen Cla\'re i os na nasa as peklna9u:::p9e:li:g uon gnuatPp iinnaghiaaw\"i9n.saS9aPnad\'v91a9wtun:jnaPWaan gaunn9g:\' a p n am a n. -- 63 ang pandiwang tumatawa ay nasa aspektong imperpektibo na na pang ginagawa ang kilos. Ang pangatldng pangungusap ay l:s:a;jaaaS.ji :ljli:ujg pandiwang tatawa ay gagawin pa o nasa aspektong kontemplatib Mapapansing walang pagbabagong leksikal na naganap s itaas kundiito ay nakatupad pa sa hinihingi ng slntaktikang kaayuss Derivasyonalna Morpema. Ang alinmang ur\' ng rnorpema o salitang kinabitan ng ibang morpema ay nagbabago ang uring parggramatika lto ay nagkaroon ng morpemang derivasyonal Magbabago ang kahulugar sa pagbabago ng nabuong salita Halimbawa: sayaw (dance) basa (read) al Ang Alomorp ng Morpema mananayaw (dancer) mambabasa (reader) Ang alomorp ay tinatawag sa ingles na allomorph na galling sa dalawang salitang allo (kapara a Katulad) at morph (yunit o anyo) Sa panlinggwistikang pag-aaral. ang alomorp ay tumutukoy sa pagbaabgong-anyo ng morpema maging sa kayarian o tunog ng kaligiran Ang morpemang pang- ay may tationg anyo: pang-l, pam-l, pan-l.Ang alomorp na pang- ay ginagamit kapag ang salitang inuunlapian ay nagsasalita sa patinig na l a, e, i, o, u o alinman sa mga katinig nal k, g, h. m, n, ng, w, y : ginagamit naman ang pam- kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa p, b at pan- kapag ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa d. i, r. s, t.. Halimbawa: pang.araw-araw pangkabuhayan panggalaw pambata pandasal pampasigla panlaro pampalakasan pantalo C) Pagbabagong Morpoponemiko Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran ay tiratawag na morpoponemiko

Use Quizgecko on...
Browser
Browser