Ikalawang Markahang Pagsusulit Araling Panlipunan Grade 10 PDF
Document Details
Uploaded by UserReplaceableLitotes
Tags
Summary
This is a 2nd quarter exam paper for Grade 10 social studies in the Philippines. It contains questions about globalisation, its impact, and other related concepts.
Full Transcript
**IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT** **ARALING PANLIPUNAN GRADE 10** Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_Taon \_\_\_\_\_\_\_\_\_Pangkat\_\_\_\_\_\_\_\_\_Iskor\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sag...
**IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT** **ARALING PANLIPUNAN GRADE 10** Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_Taon \_\_\_\_\_\_\_\_\_Pangkat\_\_\_\_\_\_\_\_\_Iskor\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. 1\. Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang bahagi ng daigdig Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sisitema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo 2\. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa globalisasyon ayon kay Thomas Friedman? Ang globalisasyon ngayon ay malawak, mabilis at malalim Ang globalisasyon ay malawak, mabilis, mura at malalim Ito ay nagdudulot ng kaunlaran sa lahat ng mga bansa Ito ay nagbibigay ng kaginhawaan sa buhay 3\. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagbabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? Gadgets Internet Globalisasyon Makabagong teknolohiya 4\. Bakit maituturing panlipunang isyu ang globalisasyon? Dahil nakakaapekto ito sa buhay ng tao sa lipunan Pinabilis nito ang kalakaran sa buong daigdig Dahil ang buong institusyon ng lipunan ang naaapektuhan nito Sapagkat tuwiran nitong binago at hinahamon ang pamumuhay ng mga perennial institusyon na matagal ng naitatag. 5\. Ang globalisasyon ay mayroong limang pananaw o perspektibo. Kaninong pananaw ng globalisasyon kung saan sinabi niya na manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya mandigma at manakop at maging manlalakbay. Nayan Chanda Ritzer Thomas Friedman Therborn 6\. Alin sa mga sumusunod ang pinag-uugatan ng globalisasyon ayon sa ika-apat na pananaw? Pananakop ng mga Kastila sa mga Pilipino Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Paglitaw ng mga multinational at transnasyonal corporation 7\. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing bilang proseso ng interaksiyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Globalisasyon Global Phenomenon Samahang Pandaigdig Pandaigdigang Pagpupulong 8\. Ayon kay Therborn, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na 'wave' o epoch. Alin sa mga sumusunod na katangian ng globalisasyon ang totoo ayon sa pahayag ni Therborn. Rurok ng Imperyalistang kanluranin Isang mahabang sikolo ng pagbabago Pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon 9\. Ayon sa huling pananaw ng globalisasyon, Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pagbagsak ng 'Iron Curtain at ng Soviet Union? Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar Mas naging makapangyarihan ang Soviet Union kaysa Estados Unidos Lumawak ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong daigdig Pumasok ang mga multinasyonal companies sa mga bansang dating sakop ng USSR 10\. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba't ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? Ekonomikal Teknolohikal Sosyo-kultural Sikolohikal 11\. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon? Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ng mga bansa Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa 12\. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy namang bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito? Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO 13\. Alin sa mga sumusunod na multinational corporations ay pagmamay-ari ng isang Filipino Mc Donalds Pepsi Cola Coca-cola Jollibee Foods Corporations 14\. Ang pagsulpot ng iba't ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang epekto nito? Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino Nabago ang dinamiko (oras, sistema istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan particular ang mga *call center agents* Binago ng globalisasyon ang mga lifestyle ng mga Pilipino 15\. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. Onshoring Outsourcing 16\. Alin sa mga sumusunod ang negatibong naidudulot ng globalisasyon? Ang tuluyang pagbagsak ng mga lokal na industriya ng bansa Mas pinabilis ang takbo ng buhay ng mga Pilipino C. Ang pag taas ng kita ng mga kapitalista D. Ang pagdagsa ng mga kapitalista 17\. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng globalisasyon? *Colonial Mentality* Malayang kalalakalan Malakas na ugnayan ng mga bansa Pagtangkilik sa produktong dayuhan 18\. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 outsourcing destinations for 2016. Anong siyudad sa buong mundo ang pangalawa na destinasyon ng *Business Process Outsourcing*? Manila, Phils Bangalore, India Kulala Lumpur, Malaysia Jakarta, Indonesia 19\. Ang mabilis na pagtangkilik ng cellphones o mobile phones ng mga mamamayan sa *developing countries* ay nagpapakita ng anong manipestasyon ng globalisasyon? Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural Globalisasyong pang Ekonomiko Globalisasyong Politikal Globalisasyong OFW 20\. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at *flexible labor*. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at *flexible labor?* Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahalaga sa panahon ng paggagawa ng mga manggagawa Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang knilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga mangggawa 21\. Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang *subcontracting* sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang *subcontracting?* Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsasagawa ng isang trbaho o serbisyo Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon 22\. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa? Pag-iwas ng mga namumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba't ibang krisis Maipantay ang sweldo ng mga mangagagawang Pilipino sa ibang bansa Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan 23\. Ayon sa ulat ng *International labor Organization* mas dumarami na ang bilang ng naeempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo sub-sektor nito at ng mga TNC's. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito? Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dauhang kompanya sa pagpili ng mga mangagawa upang maging regular Ito ay ang mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanaya sa Pilipinas kaya't mura at flexible ang paggawa sa bansa 24\. Mahalaga na maproteksyonan ang kalagayan ng mga mangagagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di makatarungang pagtangal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga mangagawang Pilipino? Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga mangagawa sa mga kapitalista o may ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista Pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya 25\. Si Maris ay isang transgender woman. Dahilan ng hindi siya tinanggap bilang isang call center agent. Anong karapatan ng mangagawa ang nilabag ng kompanya? Karapatan laban sa lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho Karapatan na mag trabaho na walang panganib at ligtas Karapatan na sumali sa unyon Karapatan sa sapat na sahod 26\. Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na paggawa. Ang mga aplikante ay kailangang makakuha ng angkop na kasanayan para sa ika-21 siglo. Alin sa mga sumusunod ang naaayon sa kasanayan para ika-21 siglo. Learning ang innovation skills Vocational skills Writing skills Sports skills 27\. Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon sa ASEAN 2015. Paggawa ng mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization. Ano ang mga ibinubunga ng mga kasunduang ito? Binuksan ang pamilihan sa kalakalan sa daigdidg Tulong pinansyal upang maibsan ang kahirapan sa bansa Pagsasanay ng mga Pilipinong manggagawa sa labas ng bansa Pagsasanay at pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng Pilipinas 28\. Bakit mahalaga ang Sektor ng Serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa? Sapagkat maraming mga Pilipino ang nabigyan ng trabaho Sapagkat malaki ang ibinbigay na buwis sa ating pamahalaan Dahil tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang mga produkto Dahil ang sektor na ito ay kinabibilangan ng pinakamaraming manggagawa 29\. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa karapatan ng mga manggagawa Ang sahod ng mga manggagawa ay sapat at karapat dapat para sa mga makataong pamumuhay Ang mga mangagawa ay may karapatang makipagsundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon May karapatang mag reklamo 30\. Alin sa mga sumusunod na haligi sa isang disente at marangal na paggawa kung saan tinitiyak nito ang sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggagawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa. Employment Pillar Workers Pillar Social Protection Pillar Social Dialogue Pillar 31\. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga mangagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mag collective bargaining unit. Alin sa mga sumusunod na Haligi para sa Disente at Marangal na Paggawa ang tinutukoy dito? Social Dialogue Pillar Social Protection Pillar Employment Pillar Workers Rights Pillar 32\. Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggawa, katanggap tanggap na pasahod, at oppttunidad. Workers Rights Pillar Employment Pillar Social Protection Pillar Social Dialogue Pillar 33\. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa at nagbibigay proteksyon sa kalagayan ng mga mga mangagawa sa bansa. Department of Agriculture Department of Foreign Affairs Department of labor and Employment Department of land and Transportation 34\. Anong Department Order ang ipinapatupad ng DOLE kung saan isinasaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga mangagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa. Department Order 18-02 Department Order 10 Department Order 22 Department Order 32 35\. Ano ang migrasyon? Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan Ito ay proseso ng pag-aalis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar panasamantala man o permanente Ito ay proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan 36\. Anong tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing *overstaying* sa bansang pinuntahan. Refugees Imigrants Irregular Migrants Permanent Migrants 37\. Alin sa mga sumusunod ang dagliang dahilan ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar? Makaiwas sa panganib sa isang lugar Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita Makapagbakasyon at makikita ang mga mahal sa buhay Upang makaranas ng ibang kultura ng ibang tao at bansa 38\. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Flow Stock Mobility Net Migration 39\. Nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumalabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito? Kakaunti ang opurtinidad makakuha ng mga mamamayan sa Asya Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay Mas malaki ang opotunidad sa labas ng asya Mas kinakakitaan ng malaking opurtinidad ng mga Asyano ag ibang lugar bunga ng ibat-ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos 40\. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito. Migration transition Globalisasyon ng migrasyon Pemenisasyon ng globalisasyon Mabilisang paglaki ng globalisasyon 41\. Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Alin sa mga bansang ito ang madalas puntahan o dayuhin? Austarlia, New Zealand, Hongkong at Canada United States of America, New Zealand, Canada, Australia Singapore, Australia, New Zealand, USA Saudi Arabia Latin Amerika, Asya, Aprika Europe 42\. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyonal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon. Anong isyu ng migrasyon ang tinutukoy rito? Isyung sosyo kultural Pemenisasyon ng migrasyon Migrasyon bilang isyung politikal Migrasyon bilang isyung pang ekonomiya 43\. Ito ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ang mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga mangagawa at refugees mula sa iba't ibang bansa? Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito? Labour Migration Pemenisasyon ng Migration Transition Migration Globalisasyon ng Migrasyon 44\. Maraming mga bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante. Anong bansa sa Asya ang nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing mangagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic workers. Nepal Thailand Bangladesh Indonesia 45\. Anong bansa sa Asya ang nagpanukala na ang lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na magkaroon ng approval permit mula sa kanilang embahada bago kumuha ng mga Nepalese workers upang ma protektahan ang kanilang mga mamamayan. Nepal Malaysia Philippines Bangladesh 46\. Anong kasunduaan ang nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat isa upang makapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito ung siya man ay nagnanais na lumipat dito. Bologna Accord Washington Accord Australian Aaccord ASEAN Treaty 47\. Alin sa mga sumusunod na kasunduang pang-internasyonal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba't ibang kasaping bansa. Bologna Accord Washington Accord Australian Accord ASEAN Treaty 48\. Anong programang ipinapatupad ang pamahalaan ng Pilipinas na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matagpuan ang suliranin sa kawlaan ng trabaho sa bansa. K to 12 Kurikulum Senior High School Program Technical Schools Vocational Schools 49\. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga mangagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na mag trabaho sa kanlurang Asya? Dahil sa kawalan ng trabaho sa ating bansa Dahil sa kagusthan nilang mangibang bansa Malaki ang kinkita nila doon kay sa ating bansa Sapagkat sila lamang ang inaasahan ng kanilang pamilya 50\. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidudulot ng migrasyon ng mangagawa sa ekonomiya ng ating bansa? Nabawasan ang populasyon ng ating bansa Nakapagbibigay ito ng kabuhayan sa kanilang pamilya Nakapagdadala sila ng dollar remittances sa ating pamahalaan Nakikila ang kanilang husay at galing sa larangan ng paggawa sa ibang bansa