AP Reviewer Second Quarterly Exam 1 PDF

Summary

This document provides a review of globalization in the Philippines, examining its economic, social, and political aspects. It includes various perspectives on globalization and its impact on individuals and communities. The document includes aspects of global economics and business practices.

Full Transcript

REVIEWER IN AP - GLOBALISASYON - ISYU SA PAGGAWA - MIGRASYON GLOBALISASYON GEORGE RITZER -naniniwalang ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, produkto sa iba't ibangpanig ng mundo. JOSEPH STIGLITZ -ayon sa kaniya, ang globalisa...

REVIEWER IN AP - GLOBALISASYON - ISYU SA PAGGAWA - MIGRASYON GLOBALISASYON GEORGE RITZER -naniniwalang ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, produkto sa iba't ibangpanig ng mundo. JOSEPH STIGLITZ -ayon sa kaniya, ang globalisasyon ay ang mas malapit na pag-isa ng mga bansa at tao sa daigdig. THOMAS FRIEDMAN -naniniwalang ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na malawak, mabilis, mura, at malalim. ANTHONY GIDDENS -naniniwalang ang globalisasyon ay pagppaigting ng panlipunang ugna-yan ng mga pamayanan sa iba't ibang pamayanan sa daigdig. PERSPEKTIBO AT PANANAW NG GLOBALISASYON Unang Pananaw Ito ay nakaugat sa bawat tao. Ito ay nagmula kay Nayan Chanda (2007). Ayon sa perspektibong ito, likas sa tao na gumawa ng mga paraan upang mapayaman at mapadali ang buhay nito. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng globalisasyon. Pangalawang Pananaw Ito ay isang mahabang cycle. Ito ay nagmula kay Scholte (2005). Ayon sa perspektibong ito, ang globalisasyon ay isang walang katapusang proseso o siklo ng pagbabago. Ikatlong Pananaw Ito ay naniniwalang may anim na “wave” o panahon ang globalisasyon. Ito ang binigyang-diin ni Therborn (2005). Ang anim na “wave” o panahon na ito ay may iba’t ibang katangian. 1. Ika-4 hanggang ika-5 siglo (katangian: globalisasyon ng relihiyon - Islam at Kristiyanismo) 2. Huling bahagi ng ika-15 siglo (katangian: pananakop ng mga Europeo) 3. Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo (katangian: digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa globalisasyon) 4. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 (katangian: rurok ng imperyalismo na mula sa kanluran) 5. Post-World War II (katangian: pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal - komunismo at kapitalismo) 6. Post-Cold War (katangian: pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya; nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng pangangalakal, teknolohiya at mga ideya, sa pangunguna ng Estados Unidos) Ika-apat na Pananaw Ito ay ay hawig sa ikatlong pananaw. Naniniwala ito na ang simula ng globalisasyon ay galing sa partikular na pangyayari mula sa kasaysayan at maaaring marami ang pinag- ugatan o ang naging sanhi ng globalisasyon. Halimbawa ng mga pangyayaring ito ay ang kalakalan sa Mediterranean noon gitnang panahon, ang pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 na siglo, at ang paglalakbay ng mga vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland at Hilagang Amerika. Ikalimang Pananaw Ito ay nagsasaad na ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitaan ng ika-20 na siglo, kung saan ang tatlong pangyayaring ito ay may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon: 1. Pag-usbong ng kapangyarihan ng Estados Unidos pagkatapos ng World War II 2. Paglipana ng mga multinational corporations (MNCs) at transnational corporations (TNCs) 3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Globalisasyong Ekonomiko Tumutukoy sa mabiis na pagbabago ng palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bbansa sa daigdig sa nagdaang siglo. COMPANIES: Multinational Companies (MNC’s) Ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa. Transnational Companies (TNC’s) Ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo- Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol). Outsourcing - Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. - Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. Sa pagnanais ng mga outsourcing companies mula United States, at mga bansa sa Europe na makatipid sa mga gastusing kalakip ng nasabing serbisyo minarapat nilang kumuha ng serbisyo sa mga kompanya mula sa bansang Asyano tulad ng India at Pilipinas. Marami sa mga outsorcing companies sa bansa ay tinatawag na Business Process Outsourcing na nakatuon sa Voice Processing Services. Ilan sa mga gawaing kalakip nito ay pagbebenta ng produkto at serbisyo, paniningil ng bayad sa nagamit na serbisyo at produkto, pagkuha ng order ng isang produkto at serbisyo, pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit ng mga namumuhunan at mga katulad nitong gawain. Bukod sa pagkakaiba ng oras, karaniwang nagiging suliranin dito ang pagkakaiba ng wika at kultura na nakapagpapabagal ng produksyon. Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito. Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural Ang globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural ay ang mabilisang pagkalat at pagpapalaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at iba pang relasyong sosyo-kultural sa pamamagitan ng mabilisang impormasyon nadala ng teknolohiya. Halimbawa ng mga ito: 1. Paggamit ng cellphone 2. Computer at internet 3. Musika, Pelikula, Videos, Larawan, E-books 4. Social Networking Sites at Service Providers 5. Facebook, Twitter, Instagram at Myspace PROSUMER – tawag sa taga-konsumo ng bagay na kung saan nakakapagprodyus din ng bagong ideya. Globalisasyong Politikal Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabi-lang panig. Halimbawa nito ang economic and technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project ng Japan, BEST Project ng Australia, military assistance ng US, at mga tulad nito. Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang miyembro ng ASEAN ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Layunin nito na mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal. May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang bibigyang pansin. Hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. SOLUSYON SA PAGHARAP SA GLOBALISASYON 1. Guarded Globalization Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:  pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at  pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan. 2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)  Ayon sa International Fair-Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan. Binibigyang pansin din nito ang ilang mahahalagang dimensiyon ng kalakalan tulad ng pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa (hal.pagbuo ng unyon), pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong ligtas sa lahat. Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan. 3. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’  Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulongpinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito. MGA ISYU SA PAGGAWA 1. Unemployment 2. Underemployment 3. Job Mismatch 4. Iskemang Subcontracting/Third Party Nagpapasweldo: Contractor – job contracting Principal – labor only 5. Overqualified “Brain drain” - pag-alis ng mga Pinoy propesyonal para magtrabaho sa ibang bansa. Sari-saring propesyonal ang nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa dahil maganda ang sahod at benepisyo. Employment Pillar Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa. Worker’s Rights Pillar Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad. Social Dialogue Pillar Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit. Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor A. Sektor ng Agrikultura Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa. Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang kakulangan para sa mga patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan, at bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs. B. Sektor ng Industriya Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang dayuhang kompanya ay setor ng industriya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang malayang pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telecommunikasyon, beverages, mining, at enerhiya na kung saan karamihan sa mga kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. C. Sektor ng Serbisyo Bunsod ng globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan kasunduan na kung binubuksan ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o TNCs kaya’t sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa TNCs nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigan kalakalan. MANIFESTING MAKAPASA SA EXAMS!!!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser