Summary

This document appears to be Filipino language notes or a reviewer for a 2nd quarter subject. It covers topics such as parts of speech, sentence structures, and different types of verbs.

Full Transcript

FILIPINO 2ND QUARTER Ang katotohanan- kalidad o kalagayan ng pagiging totoo ng isang pangyayari. Kaugnay ito ng pagiging tiyak at matapat. Opinyon- isang palagay o kuro-kuro. - ito ay pansariling pananaw o paniwala Ngunit mahalaga rin ang opinyon kung ito ay isang pormal na paha...

FILIPINO 2ND QUARTER Ang katotohanan- kalidad o kalagayan ng pagiging totoo ng isang pangyayari. Kaugnay ito ng pagiging tiyak at matapat. Opinyon- isang palagay o kuro-kuro. - ito ay pansariling pananaw o paniwala Ngunit mahalaga rin ang opinyon kung ito ay isang pormal na pahayag o mungkahi mula sa isang propesyonal. Kung gayon, nangangahulugan ito ng pagpapahayag ng katwiran sa paghatol. Mga palatandaan para makilala ang katotohanan. Katotohanan: Ayonkay... Bataysaresultangpananaliksikni... Opinyon: Sa aking opinyon... Iniisip ko... Naniniwala ako... Pakiramdam ko... KAYARIAN NG PANG-URI: 1. Payak –binubuo lamang ng salitang ugat halimbawa: isa, dami, pula, saya 2. Maylapi – binubuo ng salitang ugat na may panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi). halimbawa : Umuulan ; Kumakain, 3. Inuulit – salitang ugat o salitang maylaping may pag-uulit Halimbawa: araw- araw ; gabi-gabi 4. Tambalan - ito ay binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan Halimbawa: kapit- bahay; akyat-bahay kambal-tuko isip-bata taos-puso OBHETIBO - paglalarawan kung ang pang-uri ay direktang naglalarawan Halimbawa: matamis(ang tsokolate) Kulaydilaw(ang hinog na mangga) Isang sako (ang bigas) SUBHETIBO -paglalarawan kung ang pang-uri ay ginagamit sa masining at madamdaming pahayag. Halimbawa: Amoy-pulot(ang tsokolate) Kasing gintong araw (ang hinog na mangga) Parang ginintuang butIl (ang bigas) MGA URI NG LIHAM PANGALAKAL 1.Liham Kahilingan - kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, o serbisyo. 2. Liham Paanyaya - paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam,at/o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon. 3. Liham Pagkambas - Kahilingan sa halaga ng bagay/aytem O serbisyo na nais bilhin 4. Liham Pagtatanong - tuwirang sagot na nais malaman hinggil sa mga opisyal na impormasyon o paliwanag. 5. Liham Pasasalamat - pagtanaw sa naihandog na tulong; paglilingkod; at impormasyon, idea at opinyon, at tinanggap na mga bagay. 6. Liham Tagubilin - Nagrerekomenda o nagmumungkahi kung may gawaing nararapat isangguni KAGANAPAN NG PANDIWA - bahagi ng panaguri na nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa 1. Kaganapang Kagamitan –nagsasaad kung anong bagay, instrumento, o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. Pananda nito ang mga katagang ‘gamit ang’ at ‘sa pamamagitan ng.’ Halimbawa: Inukit niya ang mga larawan sa pamamagitan ng bato. 2. Kaganapang Sanhi –nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Pananda nito ang mga katagang ‘dahil’ o ‘dahil sa.’ Halimbawa: Nakipagpalitan sila ng produkto dahil marami silang ginto 3. Kaganapang Tagatanggap –kung sino ang nakikinabang o tatanggap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Pananda nito ang mga katagang ‘para kay’ o ‘para sa’. Halimbawa: Umaawit ng epiko ang mga babaylan para sa kanilang salinlahi. PANAGANO NG PANDIWA Ang pandiwa ay salitang kilos o pangyayari. Mayroon itong panagano (mood)na nagpapahayag ng kabagayan ng pagkaganap o ng pangyayari. 1.Panaganong Pasakali -Nagsasabi ito ng pasubali na ipinahahayag ng pang-abay (baka, malamang, marahil, tila, at iba pa) at pangatnig (disin sana, kapag, kung, kung hindi, at iba pa). 2. Panaganong Pautos -Ginagamit naman ito sa pag-uutos o pakiusap. Halimbawa, kapag kinikilala ng nananalumpati ang panaganong pautos, sinasabi niya ang ‘magsalita ka.’ Kung tinatanggihan naman ay ‘umupo ka.’ Suriin ang pangungusap kung ito ay (PS) PASAKALI o (PU) PAUTOS. ______1.Gumawa tayo ng tama. ______2.Ipaglaban natin ang ating karapatan. ______3.Kung papalarin sa buhay. ______4.Baka magustuhan niya ako. ______5.Sundin natin ang daang matuwid. ______1. Malamang nabuwal na iyan kung wala ka pa. ______2. Magpasa ka ng proyekto. ______3. Magtipid ka naman. ______4. Maghihirap ka kung hindi ka magtitipid. ______5. Disin sana nagtatampisaw tayo ngayon sa dagat. Paalayaw ni Rizal : Pepe Buong pangalan : José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

Use Quizgecko on...
Browser
Browser