Filipino Handout 1 PDF
Document Details
Uploaded by ThoughtfulFoil
Dr. Carl E. Balita Review Center
Tags
Summary
This handout provides an overview of Filipino language structure and various aspects of language. It explains the characteristics and types of Filipino language, discussing vocabulary and grammar.
Full Transcript
Dr. Carl E. Balita Review Center CBRC Headquarters 2nd Flr., Carmen Building, 881 G. Tolent...
Dr. Carl E. Balita Review Center CBRC Headquarters 2nd Flr., Carmen Building, 881 G. Tolentino St. corner España Blvd., Sampaloc, Manila 1008 Academics and Services Department (ASD) Education – LET FILIPINO Wika – ayon kay Gleason , masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos ng paarbitraryo upang magamit ng mga tao sa isang kultura Katangian ng Wika a. Masistemang balangkas – ang wika ay hindi kabuti na bigla na amang sumusulpot o bula na biglang nawawala. b. Sinasalitang Tunog- bilang mga tao , maraming tunog na maaaring malikhang tunog gunit tanging wika lang ang sinasalita c. Pinipili at Isinasaayos – mahalagang piliin at isaayos natin ang wika upang hindi tayo makasakit o makaofend ng iba d. Arbiraryo – ang esensya ng wika ay panlipunan kaya’t kapuna-puna na ang mga tao sa isang komunidad ay nakabubuo ng kanilang wika na kalaunan ay kanilang nagiging pagkakakilanlan; kakaiba e. Nakabatay sa Kultura Ang patunay ng katangiang ito ay ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao sa daigdig.. Ito rin ay maaring gamiting paliwanag kung bakit may ilang slita o konseptong hindi kayang tumbasan ng isang wika at hiramin ng tuuyan. Halimbawa ang iba’t ibang anyo ng yelo o ice formation sa Ingles ay hindi matumbvasan sa FIIPINO sapgkat hidi bahagi ng ating kultura.. f. Dinamiko / Buhay– may mga salitang ginagamit ngayon ngunit bukas ay hindi na, halimbawa ang wika ng kabataan. g. Malikhain – Dahilan kung bakit mula sa isang nabasa , napanood o kaya’y narinig ay natawa , natakot o nainis. Dahil gumana sa iyong imahinasyon ang wika h. Pulitika – ang wika ay maaaring makabuti o makasama. Kaya ng wikang makabuo at makasira , mapaghihiwa-hiwalay nito ang mga paniniwala. Teorya ng Wika 1. Pooh-pooh – mula sa masidhing damdamin 2. Yoheho – mula sa pwersang pisikal 3. Dingdong – mula sa tunog na gawa ng tao 4. Bow-wow – mula sa tunog ng kalikasan 5. Tarara-boom-de ay – nanggaling sa sinaunang ritwal 6. Tata – mula sa kumpas ng kamay at bibig 7. Charles Darwin – mula sa tunog ng unggoy 8. Biblikal – kwentong mula sa Banal na kasulatan Antas ng Wika 1. Pambansa - salitang kadalasan ay nasa aklat , ginagamit sa pagbuo ng batas, akmang salita sa loob ng mga tanggapan at ginagamit na midyum ng pagtuturo 2. Pampanitian o Panretorika - mga salitang nagpapagana n gating imahinasyon , makikita ito sa mga akdang pampanitikan , matatayog , maharaya , makulay , nagtataas at humahamon sa kakayahang mag-isip ang isang tao 3. Panlalawigan – ginagamit sa isang tiyak na lalawigan o probinsya. Itinuturing ding jalekto. Kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng punto ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD 4. Kolokyal - pinakagamitin a lahat ng antas. Mas angkop itong gamitin sa pasalita na kadalasan ay nagkakaltas ng iang ponema. Halimbawa nito ay sa’n sa halip na saan. Bagama’t may kagaspangan ay nagiging repinado rin depende sa kung sino ang nagsasalita.Maiuuri rin dito ng paggamit ng buong salitang Ingles sa pagsasalita. 5. Pabalbal – ang salitang nagpapanatiling buhay sa ating wika. Maaaring buhay ngayon at ginagamit ngunit mamaya ay hindi na. Ito ang wika ng kabataan at kadalasan ay sa usapang kanto nagagamit. Ang paghahalo , pagpapaikli pagbabaligtad at pagdaragdag ng mga ponema sa salita ang ilang paraan ng pagbuo nito Tungkulin / Gampanin ng Wika 1. Pampersonal- ito ay pagpapahayag ng sariling opinion o damdamin sa mga bagay-bagay. 2. Interaksyunal- ang tungkuling ito ng wika ang nagiging daan upang maging matatag ang ating relasyong sosyal. 3. Instrumental- ito ang gamit ng wikang tumutugon sa ating pangangailangan. Ipipaalala ng gamit ng wikang itona hindi bawal ang mag-utos ngunit mas magandang pakinggan ang salitang pakisuyo. 4. Regulatori– ang gamit na itong wika ay maaaring maging gabay natin sa tamang asal o kilos natin at ng iba. May kakayahang kumomtrol ang tungkuling ito. 5. Heuristiko– katangian naman nito na mula sa wika ay humahanap tayo ng mga kasagutan sa mga tanong sa ating isipan o mga faktwal na magpapaliwanag sa mga bagay-bagay 6. Impormatib – kabaligtaran ng heuristiko, ang gamit ng wika ay magpaliwanag , magpabatid o magbigay ng kasagutan sa mga bagay-bagay. 7. Imahinatibo – gamit ng wikang nagpapalalim sa ating isipan , ginagamit ang ating imahinasyon sa pagpapahayag Batay sa pag-aaral ni Jacobson (2003), may anim na tungkulin sa paggamit ng wika. 1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) – Ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita. 2. Panghihikayat (conative) -Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat, o magpakilos ng taong kinakausap. 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) – Ginagamit ang wika bilang panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa. 4. Paggamit bilang sanggunian (referential) – Ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman. 5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalinguwal) – Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas. 6. Patalinghaga (poetic) —Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng Pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa. Kasaysayan ng Wikang Pambansa Pagbuo ng Pambansang Surian ng Wika 1936 (Okt. 17) sa mensahe ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Kongreso, hinihiling ang pagbuong isang pambansang surian ng wika. PagbuongPambansangSurianngWika 1936 (Nob. 13) – Pinagtibay ang Batas Komonwelt 184 na nagtatatag ng Pambansang Surian ng Wika. Disyembre 30, 1937 Ipinalabas ang Kautussang Tagapagpaganap 134 na nagpapahayag ng pagkakaroon ng Pambansang Wika ng Pilipinas Batay sa Tagalog. Agosto 13, 1959 Ipinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na Kaylan man at tutukuyin ang Pambansang Wika ay Pilipino ang gagamitin 1987 Constitution Artikulo XIV, sek 6 Ang Wikang Pambansang Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at iba pang mga Wika Mahahalagang Terminolohiya / Tao Bilingwal – taong nakapagsasalita ng dalawang wika sa magkahiwalay na panahon ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD Bilingwalismo – patakarang bilingwal Ponema – makabuluhang tunog Ponolihiya- pag-aaral ng ponema Morpema- pinakamaliit na yunit ng salita na may kakayahang makapagpabago ng kahulugan Morpolohiya – pag-aaral ng morpema Unang Wika – kilala rin bilang sinusong wika , wikang natutuhan mula pagkabata Ikalawang Wika – anumang wikang natutuhan matapos ang unang wika Ekolekt – wikang natutuhan sa loob ng tahanan Lingua Franca – wikang ginagamit ng dalawang taong may magkaibang wika upang magkaintindihan Jargon – wika ng mga taong nasa iisang popesyon Sintaksis – makaagham na pagbuo ng pangungusap Pangungusap – nagtataglay ng buong diwa Payak , Tambalan , Hugnayan at langkapan Panlapi – ikinakabit sa salitang ugat a. Unlapi – nasa unahan ng salitang ugat ; madugo b. Gitlapi – nasa gitna ng salitang ugat; dinugo c. Hulapi – nasa hulihan ng salitang ugat ; duguan d. Kabilaan – nasa unahan at hulihan ng salitang ugat ; nagduguan e. Laguhan – nasa unahan , gitna at hulihan; nagdinuguan LWP – Linangan ng mga Wika sa Pilipinas KWF – Komisyon ng Wikang Filipino , samahang nangangalaga sa pagpapaunlad ng wika sa kasalukuyan Arthur Casanova – Kasalukuyang Punong Komisyoner ng Komisyon ng Wikang Pamabansa Lope K. Santos – Ama ng Balarilang Tagalog Alfonso O. Santiago – Ama ng Balarilang Filipino Cecilio Lopez – Ama ng Lingwistika Balarila – mula sa salitang bala at dila – makaagham na tuntunin ng wika Poliglot – taong nakapagsasalita ng maraming wika Glotal – ikadalawampu’t isang ponemang hindi kinakatawan ng letra Gamit ng gitling – tambilang , pag-uulit ng salitang -ugat , paglalaping makangalan at salitang hiram Pangungusap na Walang Simuno 1. EKSISTENSYAL- nagsasaad ng “pagkamayroon” o “pagkawala” Halimbawa : Wala pang sundo. / May nakakaalam na. 2. PADAMDAM - nagpapahayag ng matinding damdamin ng tao. Halimbawa : Aray ko! / Susmaryosep! 3. PAKIUSAP - nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap. Halimbawa : Pakiabot nga. / Makisuyo nga. 4. TEMPORAL – nagsasaad ng ito ng mga kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na itong pangabay na pamanahon. Halimbawa: Umaga na. / Bukas ay Lunes. / Araw ng Kalayaan. 5. MODAL - nangangahulugan ito ng gusto, nais, pwede, maaari, dapat o kailangan. Halimbawa : Pwede bang sabihin? / Maaari bang magdagdag? 6. MGA KA-PANDIWA - nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Halimbawa : Kagagawa ko lang. / Kakakain. 7. PENOMENAL - ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o pang kapaligiran. Halimbawa. Lumilindol. / Bumaha kahapon. / Malinsangan. 8. MGA PANAWAG - “vocative” o iisang salita o panawag ; maaaring tanda ng paggalang o pamilyaridad. Halimbawa : Sir ! / Mahal. / Babe! ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD 9. PAMBATING PANLIPUNAN - magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa tao. Halimbawa : Magandang araw po. / Tao po. Ponemang Segmental 1. Patinig – pinakatampok na ponema 2. Katinig – binubo ng 16 na letra 3. Klaster – kambal katinig sa isang pantig ng salita Halimbawa : plato / nars 4. Diptonggo – patinig at malapatinig sa isang pantig ng salita ; mga letrang malapatinig ay / y / at / w /. Halimbawa : ilaw / bahay / awto 5. Pares-minimal - pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon. Halimbawa : pala at bala Ponemang Suprasegmetal Diin- ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas. Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap. Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita. TONO O INTONASYON Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangngusap Morpemang Leksikal / Pangnilalaman Pangalan - tumutukoy sa lahat ng nasasaklaw Uri ng Pangngalan : Pantangi Tiyak na ngalan , isinusulat ng malaking letra Safeguard , Kohkee , Lenovo Pambalana Pangkalahatang ngalan , isiunuslat ng maliit na sabon , guro , kompyuter letra Ayon sa Gamit Tahas Sangkot ang pandama bundok , mainit , maganda Basal Kaisipan o konsepto Kapayapaan , kaligayahan Kasarian Panlalaki sa tiyak na ngalan ng lalaki Sir , Ginoo , Carl Pambabae sa tiyak na ngalan ng babae Ma’am , Ginang , Paula ‘Di Tiyak maaarig lalaki o babae Titser , Kalabaw , Artista Walang Kasarian sa ngalang walang buhay Kompyuter , lapis , papel Kayarian Payak Binubuo ng salitang – ugat lamang Bata , buhay Maylapi Ginagamitan ng panlapi o nilapian Bataan , buhayin ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD Inuulit May pag-uulit sa alinmang pantig ng salita o buong Babata , buhay-buhay salita Tambalan Binubuo ng dalawang magkaibang salita Hanapbuhay , Bantay bata Uri ng Panghalip Panao mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na Ako , ko , tayo , natin "para sa tao" o "pangtao" Paari pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag- Akin , amin , iyo aari. Pananong pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong Ano , Saan -saan Pamatlig humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa na Dito , iyan itinuturo o inihihimaton Panaklaw ginagamit bilang panghalili o pamalit na Lahat , madla , anuman , sinuman sumasaklaw ng kaisahan, bilang, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy Pang-uri – naglalarawan sa pangngalan Panlarawan / Palarawan nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa Paslit , mahaba , masarap , matamis at hugis ng mga pangngalan o panghalip Pamilang nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa Patakaran : dalawa pagkakasunodsunod ng pangngalan o panghalip Panunuran : pangalawa Pamahagi : kalahati , sangkapat Pahalaga : dalawang piso Palansak : dalawahan Patakda : dadalawa Kaantasan Lantay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa Matalino , mahusay , madaldal pagkakasunodsunod ng pangngalan o panghalip Pahambing / Katamtaman kapag sinasamahan ng mga salitang Malakas-lakas, bahagyang maluwag , mas medyo, nang kaunti, nang bahagya o mahusay pag-uulit ng salitang-ugat o unang dalawang pantig ng salitang-ugat. Masidhi / Pasukdol kapag gumagalit ng napaka, ubod ng, Pinakamagaling , ubod nang husay saksakan ng, talagang, sobrang, masyadong at pag-uulit nang buo ng pang-uri. Ang paglalarawan sa antas na ito ng katangiang taglay ng pangngalan o panghalip ay matindi o sobra. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o galaw Perpektibo Kung ang kilos ay naganap na naglakbay Perpektibong Katatapos Ang kilos ay katatapos lang kalalakbay Imperpektibo Ang kilos ay kasalukuyang nagaganap naglalakbay Kontemplatibo Hindi pa nagaganap at gagawin pa maglalakbay lamang ang kilos Pokus ng Pandiwa ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD Aktor / Tagaganap Sa 6ctor-pokus, ang simuno o paksa ang Maglalaba ng damit si Pedro gumaganap ng kilos sa pangungusap. Sinasagot nito ang tanong na “sino?” Ginagamitan ito ng mga panlaping mag- , um-, mang-, ma-, maka-, makapag- , maki-, o magpa-. Layon ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung Itago mo ang libro ang layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa pangungusap. Ganapan ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan Pinaglaruan nila ang Araneta Colliseum kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. Tagatanggap / Benepaktibo ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na Ipinagluto ng nanay ang mga bisita. nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Instrumento / Gamit ito ay tumutukoy sa kasangkapan o Ipinambungkal niya ang pala sa lupa bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Sanhi / Kusatibo ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung Ikinahina niya ang pagpupuyat ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Direksyunal Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng Pinuntahan nila ang Bagiuo. direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Pang-abay – nagbibigay turing sa pandiwa , pang-uri at kapwa pang-abay Pamanahon nagsasaad kung kailan Manonoo kami bukas ng naganap,ginaganap o gaganapin pambansang pagtatanghal ng ang isang pangyayari o kilos. dulang Pilipino Panlunan Ito ay nagsasaad ng lugar kung Maraming masasarap na ulam ang saan naganap ang pangyayari. itinitinda sa kantina Pamaraan naglalarawan kung paano naganap, Umalis nang mabilis ang aking ina. nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa Pananggi Nagsasaad nang pagtanggi Hindi pa lubusan ang Kalayaan natin sa pandemyang ito Panang-ayon Nagsasaad ng pagsang-ayon Totoong mahusay siyang aktes Pang-agam / Panubali nagbabadya ng kawalan ng katiyakan Tila patuloy na ang pagbaba ng kaso ng sa pagganap sa kilos ng pandiwa. may Covid. Panggaano nagsasaad ng timbang o suka Bumigat ako ng limang kilo Ingkltik ay mga kataga sa Filipino na Lasing na yata siya ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap Morpemang Pangkayarian Pang-ugnay - Nagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay Pang-angkop - Tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan Na Ito ay ginagamit kapag ang unang Mabait na ina salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Ng ginagamit kung ang unang salita ay Matalinong mag-aaral nagtatapos sa mga patinig G ginagamit kung ang unang salita ay Dahong luntian nagtatapos sa n Pangatnig - ginagamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag. Pamukod Pangatnig na mayroong pagtatangi , pag- ni , o , maging aalinlangan at pamimili Panubali Nagpapakita ng pagbabakasakali o pag- kung , kung hindi , sakali , sana aalinlangan Panlinaw Ginagamit upang linawin o magbgay- sa madaling salita , samakatuwid , kaya linaw sa isang sitwasyon o paliwanag Pananhi Ginagamit upang magbigay ng dahilan sapagkat , dahil sa , palibhasa ,kung nangangatwiran at tumutugon sa tanong na bakit Sanggunian : Panitikan ni Agoncillo at Komunikasyon ni Bernales Makabagong Balarila ni Alfonso O. Santiago ACADEMICS AND SERVICES DEPARTMENT - ASD