Finals - Lesson 1 - Filipino (Second Language) - Learning

Summary

This document discusses various theories related to second language (W2) learning and teaching in the Filipino language, covering topics like behaviorism, cognitivism, constructivism. It also describes approaches like the Grammar-Translation Method and Communicative Language Teaching, and looks at how these theories and methods can be applied in a Philippine classroom context. The document also provides examples of different educational activities related to these topics.

Full Transcript

1. Nababatid ang halaga ng wika kaugnay ng kultura at lipunan sa pagpapaigting ng pagka-Pilipino at pagtugon sa mga isyung pangwika, kultura at lipunan; 2. Nakapagsusulong ng mapanuri at mapagpalayang edukasyon at nakaangkla sa nasyonalismo; 3. Nagpapahalaga sa mga wika sa Pilipinas; at 4....

1. Nababatid ang halaga ng wika kaugnay ng kultura at lipunan sa pagpapaigting ng pagka-Pilipino at pagtugon sa mga isyung pangwika, kultura at lipunan; 2. Nakapagsusulong ng mapanuri at mapagpalayang edukasyon at nakaangkla sa nasyonalismo; 3. Nagpapahalaga sa mga wika sa Pilipinas; at 4. Nagkikintal na ang pag-aaral ng wikang Filipino ay pagkatutong panghabambuhay. Magkaiba ang pagkatuto at pag-unlad ng W1 o katutubong wika, at W2. Ang kaalaman sa katutubong wika ay “maalwan at natural” Naririnig ng bata mula sa kaniyang kapaligiran. Hindi kailangang mag-aral nang pormal upang magamit ito ayon sa kaniyang layunin. Kalimitang natutuhan ang W2 sa mga limitadong pagkakataon. Maaaring matutuhan ng tao ang pangalawang wika dahil sa pagpunta sa lugar kung saan iba ang wikang katutubo, o sa pagpasok sa paaralan na gumagamit ng pangalawang wika sa edukasyon (Baker, 2009). Pamamaraang pormal ang karanasan sa pagkatuto- lingguwistikong katangian ng wika, katawagan, at patakaran. Ayon kay Cook (2012) sipi nila (Baker, D. at Baker, S. “Second Language Acquisition”), mahalagang bigyang-pansin ang natatanging paraan ng pagkatuto ng mga gumagamit ng W2 nang hindi lubos na pinagbabatayan ang mga kakayahan ng mga nagsasalita ng katutubong wika. 1. Nagkakaroon sila ng kakayahan na mag-isip nang kakaiba sa nakasanayan Maaaring magkaiba ang paraan ng pag- iisip ng isang taong ang tanging alam ay ang kaniyang katutubong wika kung ihahambing sa mga taong gumagamit ng W2. Ang isang konsepto ay maaaring matumbasan ng iba’t ibang salita bilang pantukoy. Suman (Maynila) Binaki/Pintos (Cebu Tupig (Pangasinan) at Mindanao) Budbud-kabog Moron (Tacloban) at Sumang Tinambiran (Misamis (Dumaguete) Oriental) 2. Gumagamit sila ng wika sa ibang paraan Madali at maalwan ang code-switching o ang paglilipat ng wika sa isang pahayag para sa mga taong gumagamit ng W2. Tipikal na maririnig sa kanila ang paghahalo-halo ng mga salita mula sa mga bokabularyo at gramatika ng mga wikang bitbit ng kanilang diwa. Tradisyunal na tinitingnan ang code-switching bilang kahinaan ng mga gumagamit ng dalawa o higit sa isang wika subalit maaari ding sipatin ito bilang tulay sa magaang pagpapahayag at ng pagiging malikhain ng isang tao. 3. Higit nilang nauunawaan ang kalikasan ng wika bilang arbitraryong sistema ng pagpapakahulugan Kapag bata pa lang ay nakaranas na ng pagkatuto ng W2, mas nagiging mulat ang mag-aaral sa iba’t ibang pamamaraan at kakanyahan ng wika. Mas magaan ang pag- unawa sa pagiging arbitraryo nito dahil sanay sila sa paggamit ng maraming katawagan ng iisang konsepto mula sa iba’t ibang wika. 4. Naiimpluwensiyahan ng pangalawang wika ang paggamit ng katutubong wika Ang interaksiyon ng mga katutubo at pangalawang wika ay nagbubunsod ng natatanging paraan ng paggamit sa una. Dahil mas malawak ang kaniyang kaban ng salita, nagkakaroon ng pagkakataon na higit na maging tiyak ang pagpili ng mga salitang katutubo dahil hindi lamang ang katutubong kaalaman ang pinagbabatayan kung hindi pati na rin ang kaalaman mula sa pangalawang wika. Bayanihan (Tagalog) Sanrokan (Romblon) Bayanihan sa Ayadon at Panghinyaan Pagkain (bayanihan sa pagsasaka at pag-aani) Pahilas (bayanihan sa Tornohan (bayanihan sa Katipon (bayanihan sa pag- pangingisda)/ Aghid mga pagdiriwang) aayos ng imprastraktura) (Waray) 5. Naiiba ang estruktura ng kanilang utak Ayon sa lingguwistang si Noam Chomsky (2000), hindi angkop na lapit ng mga behaviourist sa pagpapaliwanag ng pagkatuto ng wika. Natututo ang mga bata ng wika sa napakamurang edad. Ang mga sanggol ay may kakayahang lumikha at magpahayag ng natatanging wika ngunit hindi lamang sila nanggagaya ng mga pattern ng wikang kanilang naririnig. Tinawag ni Chomsky na LAD ang likas na kakayahan ng tao na matuto at gumamit ng wika. Naniniwala siya na hindi angkop na ilapat sa pagkatuto ng wika ang mga yugto ng pag- unlad na kailangan ng bata sa iba pang kasanayang pangkaisipan. Teoryang nilinang ni Stephen Krashen (1982) ang Monitor Model upang ipaliwanag ang pagkatuto ng W2. Para sa kaniya, umiikot ito sa mga prinsipyo gaya ng “likas na pagkakasunod-sunod” ang pagkatuto ng estruktura ng W2, magkaiba ang akwisisyon ng wika sa pagkatuto ng wika, may “monitor” o “editor” ang pagkatuto ng W2 samantalang natural ang paraan at hindi malay ang pagkatuto ng W1. Ayon pa kay Krashen (1982), ang komprehensibong input ang pinakamahigpit na pangangailangan sa akwisisyon ng wika. Mahalaga rin ang pagsasalang pandamdamin o “affective filter” bilang salik sa pagkatuto ng W2. Kapag natatakot o nag-aalala ang isang mag-aaral, hihina ang kakayahan niyang matuto ng W2. Tinatanaw ng kognitibong teorya ang pagtamo ng W2 bilang isang malay at lohikal na proseso ng pag-iisio. Kaakibat nito ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto. Taliwas sa paniniwala ng mga Behaviorist ukol sa pagiging likas ng kakayahan sa pagkatuto ng wika, ang kognitibong teorya ay gumagamit ng mga estratehiyang lumilinang sa pag-unawa, pagkatuto, o pagpapanatili ng impormasyon (Cognitive Theory) May kakayahan ang mag-aaral na bumuo ng pagpapakahulugan mula sa sariling idea at sa kaniyang pakikisalamuha. Ang pagkatuto ng wika ay resulta ng imbak na kaalaman ng isang indibidwal, ng kakayahang umunawa, ay magproseso ng konsepto, pakikipag0ugnayan sa iba, at pagsasanib ng mga karanasan. Sa anong mga sitwasyon sa klase ng Filipino (elementarya, JHS, SHS at Kolehiyo) naisasagawa ang Cognitivism at Constructivism sa pagtuturo ng wika, panitikan at/o kultura? Magbigay ng mga tiyak na sitwasyon sa loob ng isang klase sa asignaturang Filipino par tikular sa wika na inilalapat ang teoryang Sosyo-kultural ni Lev Vygotsky. Umiikot sa mga sitwasyon na ginagalawan ng mga batang nagpapalawak ng kaalaman sa W1. Sinusundan ng mga mag-aaral ang pagsasalita ng guro sa isang naratibo na kalimitan ay nakatuon sa mga pandiwa upang mailahad ang mga pahayag ukol sa iisang tema. Salungat sa ALM, pinapahalagahan nito ang pagkatuto bilang isang aktibong proseso ng pag- iisip. Hindi nakasalalay sa paghubog ng mga habit na tulad ng ALM. Inaasahang matutuhan ng mag-aaral ang mga patakarang pangwika ayon sa makabuluhang paggamit nito. Makapangyarihan ang pagmumungkahi sa pagkatuto dahil maaari itong maging motibasyon Isinasagawa sa gabay ng isang guro na siyang sa pagkatuto. Ayon kay Lozanov, ang isang may alam ng W2. Sa simula ay hahayaan kalmado at may pokus na pag-iisip ang niyang magpahayag sa katutubong wika ang pinakamainam para sa pagkatuto. mga mag-aaral, isasalin ito ng guro, gagayahin Paggamit ng musika, kumportableng paligid atbp. ng mag-aaral ang guro at saka irerekord ang usapan upang makabuo ng diyalogo. Nakatuon ang metodong ito sa pagpapahalaga sa kakayahan ng mag-aaral na suriin ang sariling pagkatuto sa halip na laging umasa lamang sa guro. Maaaring mapadali ang pag-aaral kapag mismong mag-aaral ang nakatutuklas kaysa nag- uulit o gumagaya lamang. Ang kabuluhan ng wika ay nakasalalay sa kahulugan kung kaya bokabularyo sa halip na gramatika ang mahalaga. Nakatuon ang komunikatibong lapit sa paglalatag Magkaiba ang pagtamo ng wika dahil ito ang di-malay na ng interaksyon sa W2 na ginagamitan ng proseso habang ang pagkatuto naman ay isang malay na awtentikong teksto o mga aktuwal na materyales karanasan. Kailangan ang awtentikong materyales sa tulad ng diyaryo, magasin, mga pakete ng pagkatuto upang maging pamilyar sa aktuwal na produkto at iba pa. Mahalaga ang pagtuon sa komunikasyon. paglinang ng personal na karanasan. Panuto: Punan ang talahanayan. Pumili ng tatlong (3) batayang teorya mula sa tinalakay at magbahagi kung paano ito maaaring mailapat sa pagtuturo. Isulat ito sa isang yellow paper o bond paper. BATAYANG TEORYA SA PAGLALAPAT SA PAGTUTURO PAGKATUTO NG PANGALAWANG WIKA 1. 2. 3. Panuto: Batay sa tinalakay na mga lapit at metodo sa pagtuturo at pagkatuto ng W2, magtala ng kalakasan at kahinaan ng mga ito. Lapit o Metodo Kalakasan Kahinaan Rubriks- 10- Pinakamahusay, 5-6- Mahusay, 3-4- Sapat na Husay, 1-2- Nangangailangan ng Pagpapaunlad PAMANTAYAN: 1. Tugma ang paglalapat ng teorya sa pagtuturo at mahusay ang pagtatala ng mga kalakasan at kahinaan ng mga lapit/metodo 2. Awtentiko ang naibahagi batay sa tunay na sitwasyon sa loob ng klasrum ng pagtuturo ng pangalawang wika. 3. Epektibo ang mungkahing paglalapat ng teorya sa pagtuturo at makatuwiran ang naitalang mga kalakasan at kahinaan ng mga lapit o metodo. “Ang pagtuturo nang wika na may puso ay pagtatanim ng kaalaman at kabutihan, na ang bunga’y mananatili sa puso ng bawat mag-aaral habambuhay."

Use Quizgecko on...
Browser
Browser