Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Pagsasagawa ng Angkop na Kilos at Wastong Paggamit ng Emosyon (PDF)
Document Details
Uploaded by AffordableBandoneon
Aristotle
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Past Paper PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya (Linggo: Ikalima) PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 6, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 (Quarter 1) Notes PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ukol sa Pagsasagawa ng Angkop na Kilos at Wastong Paggamit ng Emosyon. Tinatalakay nito ang mga emosyon at ang epekto nito sa kilos at pagpapasya.
Full Transcript
# Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ## Pagsasagawa ng Angkop na Kilos at Wastong Paggamit ng Emosyon ### Manalangin Tayo ## Layunin 1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon. EsP8P-Ile-7.1 2. Nahihinuha ang angkop na emosyon s...
# Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ## Pagsasagawa ng Angkop na Kilos at Wastong Paggamit ng Emosyon ### Manalangin Tayo ## Layunin 1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon. EsP8P-Ile-7.1 2. Nahihinuha ang angkop na emosyon sa bawat sitwasyon. 3. Nakapagtatala ng sariling karanasan na nakapagdudulot ng iba't ibang uri ng emosyon. ## Ano ang inyong mararamdaman? ### The image shows five emojis; the first shows a smiling happy emoji; the second emoji shows an angry emoji with red cheeks; the third emoji shows a sad emoji with tears; the fourth emoji shows a crying emoji with its mouth open; the fifth emoji shows a scowling angry emoji with red cheeks. ## The image shows a waterfall in a lush, green forest. ## The image shows a woman pulling a young girl by the arm, the girl looks very happy and the woman looks angry. ## The image shows a young boy opening a gift, he has a big smile on his face. ## Ano ang iyong napansin sa iyong damdamin habang pinagmamasdan mo ang mga larawan? ## Bakit kaya nag bago ang iyong damdamin? ## May kaugnayan ba ang iyong damdamin sa iyong gagawing kilos? ## Panoorin natin ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=5-fvxEg 3DA ## Anu-anong emosyon ang lumabas sa iyo habang pinapanood mo ang video? ## Bakit mo kaya naramdaman ang ganyang emosyon, kahit nanonood ka lamang? ## Kung ikaw ang may-ari ng tindahan, gagawin mo rin ba sa pulubi ang ganung gawain? Bakit? ## Five cartoon characters, each representing an emotion: 1. Anger 2. Disgust 3. Fear 4. Sadness 5. Joy ## Emosyon Ito ay ang anumang nararamdaman ng tao dulot ng mga panloob at panlabas na salik na nakaaapekto sa kaniyang nararanasan. May iba't ibang karanasan ang taong tulad mo sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga ito ay nakapagdudulot ng reaksiyon, kilos o aksiyon na maaaring nagmumula sa sarili o sa ibang tao. ## Ayon kay Scheler, (Dy, 2007) ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao. Ang aspetong emosyonal ng tao, katulad ng pagdamdam, paggusto, pagmamahal at pagkapoot ay hindi nababatay sa katwiran o anupaman. ## Mga uri ng damdamin ayon kay Scheler, sang-ayon sa lohiko ni Pascal: 1. Pandama (sensory feelings). Ito ay sa pamamagitan ng limang pisikal na sistemang pandamdam ng tao. Kabilang dito ang * pang-amoy * paningin * pandinig * panlasa * pansalat 2. Kalagayan ng damdamin (state of feeling). Ito ay tumutukoy sa umiiral na nararanasan ng tao-kung ano ang aktuwal na kondisyon na mayroon siya. 3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang reaksiyon ng tao ay nakabatay sa kung ano ang kondisyon ng kaniyang damdamin. Ang tao ay may taglay na kabutihan kaya’t ano man ang kaniyang tugon sa kaniyang damdamin ay maaring mabago patungo sa mas ikabubuti ng sarili at ng iba. 4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Tungkol ito sa paghulma ng mga pagpapahalaga na patungo sa katuwiran at kabanalan. ## Mga Pangunahing Emosyon * Pagmamahal (Love) * Pagkamuhi (Hatred) * Paghahangad (Desire) * Pag-iwas (Aversion) * Pagkatuwa (Joy) * Pagdadalamhati (Sorrow) * Pag-asa (Hope) * Kawalan ng Pag-asa (Despair) * Pagiging matatag (Courage) * Pagkatakot (Fear) * Pagkagalit (Anger) ## Suriin ang epekto ng emosyon sa kilos at pagpapasya. ## Gunitain ang mga sitwasyon sa sariling buhay na naging dahilan ng iba't ibang emosyong iyong naramdaman. ## a. Anong mahalagang pangyayari o sitwasyon sa iyong buhay ang naging dahilan upang maramdaman ang mga pangunahing emosyon? ## b. Ano ang magiging epekto ng iyong emosyon sa iyong kilos at pagpapasya? The image shows a cartoon of a smiling emoji in the middle of the page, and a text bubble with the following text: "Pinagluto ako ng aking nanay ng paborito kong pagkain." on the left, and the text "Bibigyan ko siya ng mahigpit na yakap" on the right. ## 1. Ano ang maaaring maging epekto ng iyong naging damdamin sa iyong mga kilos at pasya? ## 2. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos makapagbahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat? Ipaliwanag. ## 3. Sakaling hindi mo napamahalaan nang wasto ang iyong emosyon, ano ang posibleng idulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa? ## 4. Batay sa iyong mga sagot, napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong emosyon? Magbigay ng halimbawa. ## Kailangan mong ilabas ang iyong nararamdaman upang malaman nila kung ano ang saloobin mo. " ## Sang-ayon ka ba rito, lalo na ngayong panahon ng pandemic? Ginagawa mo ba ito? ## Paano naiimpluwensiyahan ng iyong emosyon ang iyong kilos at pagpapasya? ## Ang aspektong emosyonal ng tao, katulad ng pagdamdam, paggusto, pagmamahal at pagkapoot ay hindi nababatay sa katuwiran o anupaman. ## Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na may kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga pagpapahalaga. Kagyat na ibinibigay ang mga pagpapahalaga sa atin sa mismong pagkilos ng paggusto, na ang pinakapangunahing kilos ng pagmamahal at pagkapoot, at samakatuwid hindi na nangangailangan ang mga ito ng isang kaisipang namamagitan sa kanila. Nadarama muna ang mga pagpapahalaga bago nahuhusgahan ang mga ito. ## Tayahin natin ang iyong kakayahan ## Sagutin ang mga sumusunod na mag tanong. 1. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay mag-relax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax? * a. Paglakad-lakad sa parke * b. Paninigarilyo * c. Pagbabakasyon * d. Panonood ng sine 2. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos? * a. Nailabas mo ang iyong sama ng loob * b. Hindi na niya inulit ang kanyang ginawa * c. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti * d. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid 3. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit? * a. Suntukin na lamang ang pader * b. Kumain ng mga paboritong pagkain * c. Huwag na lamang siyang kausapin muli * d. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba 4. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pagiisip. * a. Kilos * b. Mood * c. Emosyon * d. Desisyon 5. Kinausap ng kanyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kanyang pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil hindi naging kasiya-siya ang kanyang grado sa nakaraan. Nag-aalala nanang lubos si Hilda dahil baka hindi siya makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito? * a. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon * b. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito * c. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito * d. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase