Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF

Summary

This module focuses on family values and relationships. It provides guidance for students to improve their understanding of family as a fundamental institution for learning and personal development. It explores the importance of family in shaping values and building strong relationships within communities.

Full Transcript

8 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa Unang Edisyon, 2020 Isina...

8 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Judith E. Ecoben Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, Leonora G. Tabangcora, Febe M. Rivera Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseňares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina Inilimbag sa: Department of Education - Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: [email protected] 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa Paunang Salita Para sa Tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 3 para sa Aralin 1 – Natural na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa Mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 3 para sa Natural na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Ang pamilya ay sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ito ang pinakamahalaga sa buhay ng bawat isa at pinakamagandang regalo ng Panginoon. Ito ang pinagmumulan ng pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa na nagbubuklod sa bawat isa na lumaban sa kahit anong pagsubok at hamon na dumating sa buhay ng pamilya. Mararamdaman dito ang tunay na pagmamahalan at pagtutulungan. Kung kaya’t itinuturing ang pamilya na isang natural na institusyon. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa ang pagmamahalan at pagtutulungan? Sa modyul na ito, malilinang ang kasanayang pampagkatuto na: a. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa. (EsP8PB-Ib-1.3) 1 Subukin Maraming Pagpipilian: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili? A. Makadagdag ng alalahanin B. Naging masalimuot ang buhay. C. Mahirap makamit ang tagumpay. D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay. 2. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan? A. nagbigay ng kalungkutan B. pagpapasya para sa kaniya C. paggiit sa iyong kagustuhan D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa 3. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya? A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan 4. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya? A. magkaroon nang regular na pagtitipon B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay 5. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng patunay? A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil. B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan. C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang kaniyang pag-aaral. D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang. 2 6. Paano naipakikita ang pakikiramay? A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan C. pag-alok ng mga bagay na makapagpasaya sa kaniya D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa 7. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan? A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan 8. Bakit natural na institusyon ang pamilya? A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya 9. Paano mapauunlad ang sarili? A. pag-aaral nang mabuti B. pagmamahalan at pagtutulungan C. pagtutulungan sa anumang gawain D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay 10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan? A. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang niyang makasama ang kaniyang mga magulang. B. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral. C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin naman sila naalala ng kaniyang ate. D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag- aaral upang maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si Nena ngunit bigla itong naglaho at nakalimutan na si Nene. 11. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili? A. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas na ekspektasyon ng lipunan. B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sariling kalusugan. C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi ito naintindihan. D. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal sa iba. 3 12. Alin sa sumusnod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga magulang? A. Ipinagpatuloy ni Ivan ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng kaniyang mga magulang. B. Laging tama si Mika sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat. C. Nagsusumikap si Anton na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito. D. Sa tuwing may nais na makamit si Alicia, hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa kaniya. 13. Pag may pagtutulungan, nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapatunay nito? A. Nasasarili ni Marco ang lahat ng yaman niya sa loob ng kaniyang malaki ngunit mapanglaw na mansiyon. B. Paggagantsilyo na lamang ang libangan ni Aling Rosa dahil nag-iisa na lang siya sa buhay. C. Mag-isang pinanood ni Lester mula sa Veranda ang kaniyang kapitbahay na masayang nagtatanim ng magagandang bulaklak kasama ang kanilang mga anak D. Mas mapadali ang pagsugpo sa epidemya at pagbabalik normal ng buhay dahil sa kooperasyon ng mamamayan na nananatili sa loob ng kanilang tahanan at sa tulong na iniabot ng pamahalaan. 14. Sino sa sumusunod na magulang ang nagpapakita ng pagtulong sa anak na mapaunlad ang sarili? A. Hinahayaan ni Ginoong Brandon ang kaniyang anak na magdamagang maglaro ng gadget sa halip na mag-aral. B. Ginagawa ni Nanay Kori ang lahat na takdang-aralin ng anak na si Kristofer upang mapanatiling mataas ang mga marka nito. C. Binibili ng mag-asawang Rosario ang kahit na anong magustuhan ng kanilang anak na sina Rosie at Romeo kahit na hindi naman nila ito kailangan. D. Pinagtutulungan ng mag-inang Lucy at Hana ang mga gawaing-bahay upang mapabilis ito at magawa ni Hana ang kaniyang takdang-aralin habang ginagabayan ng inang si Lucy. 15. Matiwasay na pumanaw si Lola Elizabeth dahil napagtapos niya ang kaniyang apo at naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang apo sa kaniya sa mga nalalabi niyang mga araw. Alin sa sumusunod ang angkop sa sitwasyon? A. handang umakay sa matuwid na landas B. nagkaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay C. handang tumulong na malinang ang mga kakayahan D. nag-udyok na maging dedikado at magiliw sa trabaho 4 Aralin Natural na Institusyon ng 1 Pagmamahalan at Pagtutulungan “Mahalin ang iyong pamilya dahil ang pamilya ay kayamanan na nagmamahal at handang tumulong sa iyo.” -Anonymous Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita. Balikan Gawain 1- Konsepto, Buoin Mo! Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang kaisipan hinggil sa mga katangiang umiiral sa isang pamilya. Piliin ang sagot sa loob ng larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang (1) _________________ ng pamilya sa (2)_______________________ ay paraan upang (3) ______________________ ang mga (4) _____________________________ at birtud na (5) ________________ at natututuhan sa loob ng tahanan. 5 Mga Tala para sa Guro Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul. 6 Tuklasin Gawain 2: Suri-Larawan Suriin ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong sa ibaba. Gabay na tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Paano nila ipinakikita ang kanilang pagmamahal sa kapuwa? 3. Makabuluhan kaya ang kanilang pakikipagkapuwa? Bakit? 7 Suriin Sa bahaging Tuklasin, ipinakita sa larawan ang pagtutulungan ng isang pamayanan sa pamamagitan ng Bayanihan. Sa kaugaliang ito napatutunayan ang pagiging likas na matulungin ng Pilipino sa kaniyang kapuwa. Ito ay namana at likas na sa pamilya at kulturang kinamulatan. Tama, sa ating sari-sariling pamilya itinuro, ipinamalas, ipinadama at pinairal ang pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya upang gumawa nang mabuti at dahil na rin sa positibong impluwensya ng ating pamilya ay mas nalinang at nahubog ang sarili. Halimbawa, naipadadama ng tao ang pagmamahal sa iba dahil una niya itong naramdaman sa pamilya. Nagmamalasakit ang tao sa kapuwa dahil alam nitong katulad niya, sila ay mahalaga. Kung naituro at naipakita ng magulang ang kahalagahan ng pagtulong at pakikiisa sa iba, magiging matulungin rin ang kanilang mga anak. Halimbawa, ang isang bata ay maaring mag-alok na buhatin ang gamit ng mga nakatatanda bilang pagpapakita ng paggalang at pagtulong. Nangangahulugan lamang na kung nahubog nang ganap ng isang pamilya ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkatao ng bawat kasapi, magiging susi at sandata niya ito upang maipakita at maipadama ang makabuluhang pakikipagkapuwa. Bilang kabataan, mailalarawang ikaw ay may makabuluhang ugnayan sa kapuwa kung naipamalas at naramdaman ang sumusunod:  maayos at walang problema ang takbo ng gawain  magaan at malapit ang loob sa kapuwa na nagdudulot ng makabuluhang koneksyon  mayroong masaya, maginhawa at mapayapang komunidad  nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay  nagkakaisa sa pag-abot ng mga layunin at pangarap  may paggalang sa karapatan ng kapuwa tao  handang tumulong na malinang ang mga kakayahan  May katapatan, puno ng pag-asa, may pagpapahalaga at masigasig sa buhay Sa pangkalahatan, malaki ang tungkulin ng pamilya sa paghubog ng bawat kasapi sapagkat ang positibong impluwensiya nito, pagpapairal ng pagmamahalan, pagtutulungan at matibay na pananampalataya ay ilan lamang sa mga salik na nakatutulong upang mapaunlad ang mga pagpapahalaga at sarili ng isang tao na nasasalamin naman sa kung paano ito makipag-ugnayan sa kaniyang kapuwa tao. 8 Pagyamanin Gawain 3: Tala Patunay Magtala ng mga patunay ng pagkakaroon ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Mga Nagpapatunay ng Mga Nagpapatunay ng Pagtutulungan Pagmamahalan 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. Rubrik sa pagtala ng mga patunay Nangangailangan Napakahusay Mahusay Pamantayan ng Pag-unlad (10 puntos) (8 puntos) (5 puntos) Sitwasyon o Nakatala ng Nakatala ng tig- Nakatala ng tig- karanasan tiglilimang aapat na tatatlong sitwasyong sitwasyong sitwasyong nagpapatunay ng nagpapatunay ng nagpapatunay ng pagmamahalan at pagmamahalan at pagmamahalan at pagtutulungan sa pagtutulungan sa pagtutulungan sa pamilya pamilya pamilya Kabuoang puntos 9 Gawain 4: Patunayan mo! Isulat sa graphic organizer ang nagpapatunay ng makabuluhang pakikipagkapuwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Makabuluhang Pakikipagkapuwa 10 Gawain 5: Kahalagahan ko, Patunayan mo! Patunayan ang mga kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkakaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Kahalagahan ng Pagmamahalan Sitwasyong Nagpapatunay at Pagtutulungan Nagbibigay ng kasiyahan Madaling matapos ang gawain May paggalang sa karapatan Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay Madaling makamit ang tagumpay Rubrik sa mga patunay ng makabuluhang pakikipagkapuwa Nangangailangan Napakahusay Mahusay Pamantayan ng Pag-unlad (10 puntos) (8 puntos) (5 puntos) Sitwasyon o Nakalahad ng Nakalahad ng Nakalahad ng karanasang isang sitwasyong isang sitwasyong isang sitwasyong nagpapatunay nagpapatunay sa 5 nagpapatunay sa 3 nagpapatunay sa 2 kahalagahan ng kahalagahan ng kahalagahan ng pagmamahalan at pagmamahalan at pagmamahalan at pagtutulungan sa pagtutulungan sa pagtutulungan sa pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa Kabuoan 11 Isaisip Gawain 6- Aral ko, Isaisip ko! Sagutin ang tanong sa pamamagitan nang pagpupuno ng mga nawawalang salita sa loob ng graphic organizer. Piliin ang sagot sa loob ng bilohaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Paano mapauunlad ang sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa? Sa pamamagitan ng at (1) ____________________ (2) ___________________ ng (3) ________ na isang natural na (4) __________ institusyon (5) _______________ ang (6) ___________ tungo sa makabuluhang (7) _________________ pagtutulungan napauunlad pamilya institusyon sarili pagmamahalan pakikipagkapuwa 12 Isagawa Gawain 7: Itula Mo! Balikan at muling suriin ang larawan sa bahaging Tuklasin. Bumuo ng dalawang saknong ng tula na nagpapatunay kung paano nagkaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang pamilyang Pilipino. Rubriks sa pagsulat ng tula Nangangailangan Pamantayan Napakahusay Mahusay ng pag-unlad (10 puntos) (8 puntos) (5 puntos) Nakalahad ng 6 Nakalahad ng 4 Nakalahad ng 2 na patunay na na patunay na na patunay na Nilalaman ng tula pagmamahalan pagmamahalan pagmamahalan at at pagtutulungan at pagtutulungan pagtutulungan ang susi sa ang susi sa ang susi sa makabuluhang makabuluhang makabuluhang pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa... Paglalahad ng Nailarawan sa Nailarawan sa Nailarawan sa suportang detalye tula ang detalye tula ang detalye tula ang detalye sa inilahad na sa 6 na patunay. sa 4 na patunay. sa 2 na patunay. patunay Binubuo ng 2 Binubuo ng 2 Binubuo ng 2 saknong na may saknong na may saknong na may 2 4 na taludtod ang 3 na taludtod na taludtod ang Kaanyuan ng tula tula na ang tula na tula na nakabanghay sa nakabanghay sa nakabanghay sa tradisyonal o tradisyonal o tradisyonal o malayang anyo. malayang anyo. malayang anyo. Kabuoang Puntos 13 Tayahin Maraming Pagpipilian Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili? A. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal sa iba. B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sariling kalusugan C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi ito naintindihan. D. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas na ekspektasyon ng lipunan. 2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga magulang? A. Ipinagpatuloy ni Ivan ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng kaniyang mga magulang. B. Laging tama si Mika sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat C. Nagsusumikap si Anton na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito. D. Sa tuwing may nais na makamit si Alicia, hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa kaniya. 3. Kapag may pagtutulungan, nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapatunay nito? A. Paggagantsilyo na lamang ang libangan ni Aling Rosa dahil nag-iisa na lang siya sa buhay. B. Nasasarili ni Marco ang lahat ng yaman niya sa loob ng kaniyang malaki ngunit mapanglaw na mansiyon. C. Mag-isang pinanood ni Lester mula sa Veranda ang kaniyang kapitbahay na masayang nagtatanim ng magagandang bulaklak kasama ang kanilang mga anak. D. Mas mapadali ang pagsugpo sa epidemya at pagbabalik normal ng buhay dahil sa kooperasyon ng mamamayan na nanatili sa loob ng kanilang tahanan at sa tulong na iniabot ng pamahalaan 14 4. Sino sa sumusunod na magulang ang nagpapakita ng pagtulong sa anak na mapaunlad ang sarili? A. Hinahayaan ni Ginoong Brandon ang kaniyang anak na magdamagang maglaro ng gadget sa halip na mag-aral. B. Ginagawa ni Nanay Kori ang lahat na takdang-aralin ng anak na si Kristofer upang mapanatiling mataas ang mga marka nito. C. Binibili ng mag-asawang Rosario ang kahit na anong magustuhan ng kanilang anak na sina Rosie at Romeo kahit na hindi naman nila ito kailangan. D. Pinagtutulungan ng mag-inang Lucy at Hana ang mga gawaing-bahay upang mapabilis ito at magawa ni Hana ang kaniyang takdang-aralin habang ginagabayan ng inang si Lucy. 5. Matiwasay na pumanaw si Lola Elizabeth dahil napagtapos niya ang kaniyang apo at naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang apo sa kaniya sa mga nalalabi niyang mga araw. Alin sa sumusunod ang angkop sa sitwasyon? A. Handang umakay sa matuwid na landas B. Nagkaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay C. Handang tumulong na malinang ang mga kakayahan D. Nag-udyok na maging dedikado at magiliw sa trabaho 6. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili? A. Makadagdag ng alalahanin B. Naging masalimuot ang buhay. C. Mahirap makamit ang tagumpay D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay. 7. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan? A. nagbigay ng kalungkutan B. pagpapasya para sa kaniya C. paggiit sa iyong kagustuhan D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa 8. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya? A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan 9. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya? A. magkaroon nang regular na pagtitipon B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay 15 10. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng patunay? A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil. B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan. C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang kaniyang pag-aaral. D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang. 11. Paano naipakikita ang pakikiramay? A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan C. pag-alok ng mga bagay na nakapasasaya sa kaniya D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa 12. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan? A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan 13. Bakit natural na institusyon ang pamilya? A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya 14. Paano mapauunlad ang sarili? A. pag-aaral nang mabuti B. pagmamahalan at pagtutulungan C. pagtutulungan sa anumang gawain D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay 15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan? A. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral. B. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang niyang makasama ang kaniyang mga magulang C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin naman sila naalala ng kaniyang ate. D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag- aaral upang maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si Nena ngunit biglang naglaho si Nene. 16 Karagdagang Gawain Gawain 8: Hanap Salita Hanapin sa loob ng puzzle ang limang salita na may kaugnayan sa araling pinag-aralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. A Y B W C I E T B G I D M K U B N A T U R A L P R E S B I D N R K I I L O D S Y I N C B X M R W S H I Z O P A K I P A G K A P W A N A T I N S A N Y A T O P P A G T U T U L U N G A N A R I N S T I T U S Y O N N U B Q X M B Y X M L U P I M A K A B U L U H A N O N A G P A U N L A D S I T R I N D U M P I T A G O S E P A G M A M A H A L A N 17 18 Balikan Isaisip Subukin Gawain 1 Gawain 6 1.pagtulong 1. pagmamahalan 1. D 2.pamayanan 2. pagtutulungan 2. D 3. pamilya 3. D 3.maisabuhay 4. institusyon 4. B 4.pagpapahalaga 5. napauunlad 5. D 5.itinuro 6. sarili 6. D 7. B 7. pakikipagkapuwa Pagyamanin 8. A Gawain 4 9. B 1.maayos na relasyon sa 10. B kapuwa 11. D 2.masaya at mapayapang 12. C komunidad 13. D 3.may paggalang sa 14. D Karapatan ng pawa tao 15. B 4. nagkakaisa sa iisang layunin 5.nagtutulungan sa isang gawain Tayahin Karagdagang Gawain 1. A Gawain 8 2. C 1.Pagmamahal 3. D 2.Pagtutulungan 4. D 3.Institusyon 5. B 4.Pakikipagkapuwa 6. D 5.Natural 7. D 8. D 9. B 10. D 11. D 12. B 13. A 14. B 15. A Susi sa Pagwawasto Sanggunian Aklat Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag- aaral. 5th Floor Mabini Building, Meralco Avenue, Pasig City. 19 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser