Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by SumptuousCuboFuturism
Tags
Summary
This is a Filipino educational module focusing on the use of intellect and will, and learning competencies for 10th grade. It contains several activities, lessons, and questions for the students to complete.
Full Transcript
10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob 1 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang...
10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob 1 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ms. Riza A. Bermido - MT Editor: Ms. Margie Zacarias – Chairman at Ms. Imelda S. Follosco - HT Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap – PSDS, Dr. Corazon P. Zinampan - PSDS at Dr. Rodolfo de Jesus, EPS - Filipino Tagaguhit: Michael Angelo U. Asuncion Tagalapat: Tagapamahala: Dr. Jennilyn Rose Corpuz, Schools Division Superintendent Dr. Fredie Avedaño, Assistant Schools Division Superintendent Mr. Juan C. Obierna, Chief, CID Dr. Heidee Ferrer, EPS - LRMDS Ms. Marietta Caballero – EPS - ESP Lokal ng Pamahalaan ng Lungsod Quezon Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City Telepono: 3456 – 0343 Email Address: [email protected] 2 10 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.2: Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. iii Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin iv humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! v Alamin Sa modyul na ito, inaasahang: 1. Makikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at makagagawa ng mga kongretong hakbang upang malagpasan ito. Gusto mo ang nasa paaralan dahil masaya ka na kasama mo ang iyong mga kaklase at kaibigan. Ngunit gusto mo rin ang nasa tahanan ninyo dahil dito ay kapiling mo naman ang iyong pamilya lalo na sa panahon na ito na may pandemyang Covid 19 tayong nararanasan at sa susunod na pasukan ay hindi mangyayari ang face to face interaction. Ngunit, saan nga ba ang higit na masaya para sa iyo, sa paaralan o sa tahanan? Nalilito ka ba? Madalas, nagtatalo ang iyong isip at kilos-loob sa mga pasyang dapat mong gawin. Kung minsan ay mabigat ang iyong damdaming sundin ang sinasabi ng iyong isip subalit kailangan mong gawin dahil ito ang tama. At sa huli kapag nakita mo ang resulta, natutuwa ka na rin. Minsan naman, dahil sa bugso ng iyong damdamin, nagagawa mo ang isang hakbang na sa huli ay pagsisisihan mo subalit parang hindi mo masabing nagsisisi ka dahil marami na sa iyo ang naghuhusga na mali ang iyong ginawa kaya tumatahimik ka na lamang. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod: Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos- loob sa paglilingkod/ pagmamahal. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. Mga kasanayan sa Pagkatuto 1. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito (EsP10MP-la-1.2) 2. Nakagagawa ng paglilingkod sa kapwa araw-araw sa loob ng isang lingo. 3. May patunay ng pagsasakatuparan ng paglilingkod 1 Subukin Basahin ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang malinis na papel. 1. Ang tao ay binubuo ng materyal at ispiritwal na kalikasan, ito ay ayon sa pilosopiya ni: A. Scheler B. Sto. Tomas C. Manuel Dy D. Esteban 2. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip.Tama ba o mali ang pahayag? A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama. B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip. C. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip. D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito. 3. Ang mga sumusunod ay ang mga kakayahan ng isip maliban sa: A. Kakayahang magnilay o magmuni-muni B. Kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral C. Kakayahang mangatwiran D. Kakayahang pumili o gumusto 4. Ang katotohanan ayon sa kanya ay ang “tahanan ng mga katoto”. A. Fr. Roque Ferriols C. Manuel Dy B. Scheler D. Esteban 5. Ano ang ibig sabihin ng “Ang tao ay obra maestra ng Diyos”? A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili. B. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. C. Ang tao ay may kakayahang magmahal. D. Ang tao ay isang umiiral na nagmamahal. 6. Ito ang pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapaguunawa. A. Imahinasyon B. Memorya C. Instinct D. Kamalayan 7. Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao? A. Sapagkat buo na siya mula pagsilang niya. B. Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa kanyang kapanganakan, o magiging sino siya sa kanyang paglaki. C. Sapagkat kailangan pa niyang makatapos ng pag-aaral. D. Sapagkat alam na niya ang kanyang pagkatao. 8. Ito ay kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan? A. Memorya B. Kamalayan C. Instinct D. Imahinasyon 2 9. Ang tao ay binubuo ng materyal at ispiritwal na kalikasan, ito ay ayon sa Pilosopiya ni: A. Scheler B. Sto. Tomas C. Manuel Dy D. Esteban 10. Ang tinutungo ng kaisipan (intellect) ay ang: A. Kabayanihan C. Kabutihan B. Kapayapaan D. Katotohanan 11. Ang kahulugan ng “ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob ay: A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob. B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip. C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti. D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito. 12. May tatlong kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao maliban sa: A. Konsensiya C. Pagkagusto B. Pandama D. Pagkilos o paggalaw 13. Ito ang kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran? A. Kamalayan C. Memorya B. Imahinasyon D. Instinct 14. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan? A. mag-isip C. makaunawa B. maghusga D. Mangatwiran 15. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa? A. Kakayahang mag-abstraksiyon B. Kamalayan sa Sarili C. Pagmamalasakit D. Pagmamahal 16. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon? A. Pagmamahal C. Hustisya B. Paglilingkod D. Respeto 3 Aralin Ang Mataas na Gamit at 1 Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Sa aralin na ito, ating babalikan ang taglay mong kakayahan bilang tao nang sa gayon ay matugunan mo ang mga hamon ng pagpapakatao. Paano mo nga ba gagamitin ang mga pakultad na ipinagkaloob ng Diyos sa atin na maaari rin nating ituring na kapangyarihan? Sa Baitang 7 ng Edukasyon sa Pagpapakatao, naging malinaw sa iyo na ang tao ay ang natatanging nilikha ng Diyos na nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kanya bilang tao? Sa kanyang pag-iisip, pagpapasya at pagkilos, nagiging bukod tangi ang tao. Balikan Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan sa bawat sitwasyon. Sagutan ang mga tanong at ilagay ito sa iyong sagutang papel. Sitwasyon 1 Magkakasama kayo ng mga kaibigan mo na kumakain sa isang fastfood chain sa isang mall. Masaya kayong nagkukwentuhan nang biglang napunta ang inyong usapan tungkol sa kaklase ninyong si Clara. Wala siya sa grupo ninyo nang mga oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kaklase, nakikipagrelasyon ito sa isang matandang lalaki na halos mas matanda pa sa kanyang ama. Kapitbahay mo si Clara. Mga tanong sa Sitwasyon 1 1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? 2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklse mong nagkukwentuhan tungkol kay Clara? 3. Ano ang magiging epekto kay Clara ng gagawin mo? 4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? 5. Babaguhin mo ba ang naging pasya mo? Bakit Oo? Bakit hindi? Sitwasyon 2 Sinisiraan ka ng iyong kaklase sa guro ninyo sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Natuklasan mo na kaya niya ginagawa ito ay dahil sa malaking inggit niya sa iyo. 4 Mga tanong sa Sitwasyon 2 1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito? 2. Ano ang gagawin mo sa kaklase mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon? 3. Ano ang magiging epekto nito sa kaklase mo? 4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo? 5. Papalitan mo ba ang iyong piniling gagawin? Sitwasyon 3 May inirekomendang pelikula ang iyong bestfriend sa Netflix na dapat mo raw panoorin dahil sa maganda diumano ito. Mag-isa kang manonood nito pagdating mo ng bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula ay may nakasama pala na malaswang eksena na hindi pa angkop na panoorin sae dad mo. Mga tanong sa Sitwasyon 3 1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito? 2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? 3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan ito. 4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit? Gawain 2B Batay sa naging sagot mo, tukuyin kung ano ang pinaggamitan ng iyong isip at kilos-loob sa bawat sitwasyon. Punan ang tsart sa ibaba. Para saan ginamit ang sumusunod: Sitwasyon Isip Kilos-loob 1. 2. 3. 5 Tuklasin Basahing mabuti ang pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na inaakalang antas ng determinasyon sa paggawa ng kongkretong pasya. Palagi ( 3 ) Minsan ( 2 ) Hindi ( 1 ) 1. Iniisip ko muna ang kalalabasan ng bawat pasyang ginagawa ko. 2. Pinaninindigan kong sundin ang sinasabi ng aking isipan. 3. Malaya kong ginagawa ang aking mga pasya. 4. Ibinabatay ko sa tamang katwiran ang aking desisyon. 5. Kinukunsulta ko ang aking mga magulang, guro sa tuwing naguguluhan ako sa aking pagpapasya. 6. Sa tuwing naiisip kong mali ang aking pasya, ipinapagpaliban ko muna ang paggawa ng mga hakbang. 7. Dahil blind faculty ang kilos- loob, iniisip ko munang mabuti kung batay lamang sa bugso ng aking damdamin ang aking mga pasya. 8. Sinusuri ko nang mabuti ang bawat hakbang na aking gagawin upang hindi ako magkamali sa aking mga pasya. 9. Dahil alam kog makapagpapalaya sa katotohanan ang paggawa ng pasya, wala akong alinlangang gawin ang aking pasya. 6 10. Hinihiling ko ang gabay ng Panginoon upang maging tama ang aking mga pasya. Pamprosesong tanong: 1. Batay sa iyong mga sagot, ano ang masasabi mo sa antas ng iyong determinasyon sa paggawa at pagpili ng kongkretong pasya sa bawat sitwasyon? Suriin Mag isip-isip at Timbangin ang Pasya “When we see men of worth, we should think of equaling them; When we see men of contrary character, we should turn inwards and examine ourselves.” Confucius Pamprosesong tanong: 1. Ano ang iyong masasabi sa kasabihang ito ni Confucius at paano ito makakatulong sa iyong pagpapasya? Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kanyang obra-maestra. Ang pagkakalikhang ito sa tao na ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugang ang tao ay may mga katangiang tulad ng sa Kanya. Binigyan ng Diyos ang tao ng mga kakayahan tulad ng kakayahang makapag-isip, makapamili at makagusto. Ang tao ay isang nilalang na may likas na kaalaman sa pagkilala ng mabuti at masama. Ang kanyang konsensiya ay isang indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO 1. Pangkaalamang Pakultad o Knowing Faculty – dahil sa kanyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran. DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO A. Panlabas na Pandama – sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama – ang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy, at panlasa. Ito ay may direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam. 7 B. Panloob na Pandama – ito ay walang direktang ugnayan sa reyalidad kaya’t dumidepende lamang ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama. Ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct. Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan. Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito. Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran. Ipinakita ito ni Esteban sa tsart sa ibaba: Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao Kalikasan ng tao Pangkaalamang Pagkagustong Pakultad Pakultad Materyal Panlabas at Emosyon (Katawan) Panloob na Pandama Ispiritwal Isip Kilos-loob (Kaluluwa/ Rasyonal) May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay ang pagmamahal sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami. Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at isakatuparan an gating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa iba pang nilikhang may buhay. Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”. Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito. Tunguhin Isip Kilos-loob 8 Tungkulin Mag-isip kumilos Layunin makaalam pumili Kaganapan ng tao Katotohanan Kabutihan Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala sa ibang nilalang ng Diyos sa mundo. Ang kanyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pg-iisip at tamang kilos-loob. Pagyamanin Gawain Bilang 1 Basahing mabuti ang kwento mula sa Banal na Aklat (Lucas 15:11-32). Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang Talinghaga ng Alibughang Anak 11 Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12 Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan. 13 Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari- arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. 14 Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. 15 Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16 Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya. 17 Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20 Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit 9 malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya. 21 Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. 22 Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23 Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24 Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya. 25 At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. 26 Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. 27 Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog. 28 Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29 Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30 Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot. 31 Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32 Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba sa isang malinis na papel. 1. Kung ikaw ang bunsong anak, gagawin mo ba ang ginawang pagbalik sa kanilang tahanan? Bakit 2. Kung ikaw ang ama, tatanggapin mo bang muli ang bunso mong anak? Bakit? 3. Kung ikaw ang panganay na anak, magagalit ka rin ba sa iyong ama? Bakit? 4. Maaaring nagdamdam ang panganay na anak, subalit ano ang kahulugan ng sinabi ng ama, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat 10 ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan”. 5. Bakit matalino ang ginawang pagpapasya ng kanilang ama? Gawain Bilang 2 Nasuri mo na ang pasyang ginawa ng iba, suriin mo naman ngayon ang paraan ng paggawa mo ng pasya. Subukin kung matalino ka sa paggawa ng pasya. Sundin ang sumusunod na panuto. Gawin ito sa iyong kwaderno. 1. Isulat ang sagot sa bawat patlang sa unang kolum. 2. Sa pangalawang kolum, isulat ang pinakahigit sa tatlong isinulat mo sa unang kolum. 3. Ipaliwanag ang sagot sa ikalawang kolum sa ikatlong kolum. Ang paborito kong: Pinakahigit Pinakahigit sa tatlo ay siya/ito si/ang: dahil: 1. Guro______,______,_____ 2. Asignatura______,_____, 3. Kaklase_____,_____,____ 4. Kaibigan_____,_____,___ 5. Pagkain_____,_____,____ 6. Kulay ______, _____, ____ 7. Artista ____, ____, ____ 8. Singer ____, _____, _____ 9. Kasuotan ____, ____, ___ 10. Pasyalan ____, ____, ____ Sagutin mo 1. Madali ba ang naging gawain? Bakit? 2. Ano ang iyong isinaalang-alang sa pagpili mo ng pinakahigit sa tatlo mong gusto o paboritong bagay? 11 3. Bakit kailangang mamili ang tao sa mga bagay na pareho ang halaga sa iyo? 4. Paano mo magagamit ang iyong kaisipan sa pagpapasya? 5. Paano ginagamit ang malayang loob sa iyong pagpapasya? Isaisip Ang mga sumusunod ay ang mahalagang konsepto tungkol sa paksang tinalakay sa aralin. Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat kaisipan. Gawin ito sa iyong kwaderno. 1. Ito ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at mag-abstraksiyon. ________________________ 2. Ito ang kakayahang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili. _____________________ 3. Ang pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa. _____________________ 4. Kakayahang makaramdam at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran._______________________ 5. Kakayahang alalahanin ang nakaraan. _____________________ 6. Kakayahang lumikha ng larawan sa isipan. ___________________ 7. Tumutukoy ito sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa. _________________________ 8. Tumutukoy ito sa kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct. _________________________ Isagawa 12 PANUTO: Sa isang malinis na papel magsulat ng lima mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito, magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasiya. Mga Kahinaan Ko Mga Paraan upang Mapabuti ang aking Pagpapasya 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. Rubric sa Pagbibigay ng Marka Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula (5) (4) (3) (2) Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Pagpapaliwan ng pagpapaliwan ang isaayos ang ag pagpapaliwan ag at pagpapaliwan pagpapaliwan ag at nakapagtala ag at ag at nakapagtala ng apat na nakapagtala nakapagtala ng limang kahinaan ng tatlong lamang ng kahinaan kahinaan dalawa o isang kahinaan Tayahin PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Ang panlabas na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pangamoy at panlasa. 13 2. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag- uunawa. 3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. 4. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos. 5. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 6. Ang panlabas na pandama ay walang direktang ugnayan sa reyalidad. 7. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. 8. Ang panloob na pandama ay may direktang ugnayan sa reyalidad. 9. Ang tao ang obra-maestra ng Diyos. 10. Ang pagkakalikha sa tao ay nangangahulugan na may mga katangiang taglay ito tulad ng sa umikha. Karagdagang Gawain Mula sa mga naging gawain, isipin ang isang pasyang kailangan mong gawin sa iyong buhay sa panahon ng pandemyang Covid 19. Gamit ang iyong isip at kilos- loob, isulat saisang malinis na papel kung paano mo ito maisasakatuparan. Susi sa Pagwawasto 14 ESP Most Essential Learning Competencies 2020 16