Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 6, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
Document Details
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao (Aralin)
- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 (Quarter 1) Notes PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang - Ikalawang Markahan - Modyul 5
- Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang - Ikalawang Markahan - Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Pagsasagawa ng Angkop na Kilos at Wastong Paggamit ng Emosyon (PDF)
Summary
Ang modyul na ito ay isang gabay sa pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao para sa Ikaanim na Baitang. Tinalakay ang pagsusuri sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari, at ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa paggawa ng desisyon.
Full Transcript
6 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri Nang Mabuti Sa Mga Bagay Na May Kinalaman Sa Sarili at Pangyayari CO_Q1_ESP 6_Module 1 Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri Nang Mabut...
6 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri Nang Mabuti Sa Mga Bagay Na May Kinalaman Sa Sarili at Pangyayari CO_Q1_ESP 6_Module 1 Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri Nang Mabuti Sa Mga Bagay Na May Kinalaman Sa Sarili Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Arlene Q. Egca, Ma. Grefe T. Magbanua, Jerose Akol Editor: Maricha D. Rojo, Carmelita R. Segara Tagasuri: Zaldy H. Reliquias, PhD, Raulito D. Dinaga, Othelo M. Beating Tagaguhit: Charles David H. Beare Tagalapat: Othelo M. Beating Tagapamahala: Ramir B. Uytico Pedro T. Escobarte, Jr. Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Meriam T. Lima Marsette D. Sabbaluca Lynee A. Peñaflor / Salvacion J. Senayo Zaldy H. Reliquias Raulito D. Dinaga Carmelita R. Segara Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VI – Western Visayas Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: [email protected] 6 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri Nang Mabuti Sa Mga Bagay Na May Kinalaman Sa Sarili At Pangyayari Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsusuri Nang Mabuti Sa Mga Bagay Na May Kinalaman Sa Sarili At Pangyayari. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Alamin Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga hakbang kung paano ginagawa ang pagsusuri sa mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili at pangyayari na iyong nararanasan sa araw-araw. Mahalagang matutuhan mo at maisaisip na ang pagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa sarili at mga pangyayari ay daan upang makapagsagawa ka ng tamang desisyon nang may katatagan ng loob na makabubuti hindi lamang para sa iyong sarili kundi para sa nakararami. Mahalagang kilala mo ang iyong sarili, masuri mo ang mga maliliit na detalye tungkol sa iyong sariling gusto, potensyal, interes at maging ang iyong mga kahinaan dahil kalimitang ito ay paraan upang makamtan ang mga pangarap mo sa buhay. Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang maunawaan mo kung paano mo masusuri nang mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili at mga pangyayari. Magkaroon ka ng kaalaman, kakayahan at pag-unawa na: 1. Matukoy ang mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari. 2. Masuri ang epekto ng mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari sa pagbuo ng desisyon. 3. Maisagawa ang tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa sarili at pangyayari. 4. Maipaliwanang nang mabuti ang tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa sarili at pangyayari. 1 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Subukin Panuto: Sa iyong kuwaderno isulat ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaad ng naaayong hakbang sa pagpasya at MALI kung hindi. ______________ 1. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka. ______________ 2. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng inyong lider na magdala ng matulis na bagay para madaling pumutok ang lobo sa magiging laro ninyo sa paaralan upang manalo ang inyong pangkat. ______________ 3. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Bagama’t labag sa kalooban ay tinanggap mo rin ang iyong pagkalider. ______________ 4. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan nito. ______________ 5. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa katabi niya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulag-bulagan lamang. ______________ 6. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine. ______________ 7. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng Pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doktor, nagdesisyon siya na magtatrabaho sa America dahil mas malaki ang sweldo doon. ______________ 8. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating ka na roon, subalit sumama ka pa rin. ______________ 9. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela. ______________ 10. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag- asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila. CO_Q1_ESP 6_Module 1 2 Aralin Pagsusuri Ng Mga Bagay Na 1 May Kinalaman Sa Sarili at Pangyayari Ang tao bilang nilikha ng Panginoon ay binigyan ng malayang kaisipan na makapagdesisyon para sa kaniyang sarili. Subalit ang bawat desisyon ay may kaukulang resulta na maaaring magbunga ng hindi maganda para sa sarili at maaaring gayun din sa iba. Kaya naman mahalaga ang magkaroon ng mapanuring pag-iisip bago bumuo ng pasya o gumawa ng isang desisyon. Ang mapanuring pag- iisip ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa sarili at sa pangyayari; pagsusuri ng mga maaaring gawin at pagtitimbang ng posibleng maging resulta nito. Ang paghingi ng gabay sa Panginoon sa panahong kailangang magpasya ay makabubuti upang makapagdesisyon nang tama hindi lamang para sa sarili kundi para sa nakararami. Balikan Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod. Piliin ang katangian na ipinahihiwatig sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong kuwaderno. 1. Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob. A. pagkamatiyaga B. pagmamahal sa katotohanan C. pagkabukas ng isipan D. pagkamahinahon 2. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral. A. pagiging malinis B. may paninindigan C. mapanuring kaisipan D. pagiging mahinahon 3 CO_Q1_ESP 6_Module 1 3. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga. A. lakas ng loob B. kaalaman C. pagiging responsible D. may paninindigan 4. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon. A. pagmamahal sa katotohanan B. may paninindigan C. may pananampalataya D. katatagan ng loob 5. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta? A. kaalaman B. pagmamahal sa pamilya C. bukas na isipan D. lakas ng loob Mga Tala Para Sa Guro Katungkulan mong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng sapat na suporta at alalay mula sa kanilang magulang, nakatatandang kapatid sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay. 4 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Tuklasin Magandang araw! Inaasahan sa modyul na ito na ikaw ay makatukoy, makasuri, makagawa at makapagpaliwanang ng mga tamang hakbang na makakatulong sa pagbuo ng isang desisyon na may kinalaman sa sarili at pangyayari na makabubuti para sa lahat. Panuto: Tingnan ang larawan. Ano ang mga katangian ng tao ang ipinakikita sa larawan. Nagtataglay ka ba ng mga katangiang ito? Ano kaya ang kinalaman ng mga bagay o katangiang ito sa iyong sarili? Iginuhit ni Charles David H. Beare Ang Teorya ng Pangangailangan Ayon kay Abraham Maslow at Mc Clelland Si Abraham Maslow ay isang amerikanong psychologist na nagpanukala sa Hirarkiya o pagkakasunod-sonod ng mga pangangailangan. Ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Maslow, sinasabing may mga pangunahing pangangailangan (primary needs) na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao. Ito ay ang pagkain, damit, bahay. Mayroon din pangalawang pangangailangan (secondary needs) na maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito. Ito ay mga kagustuhan lamang at maaaring tinatawag na luho sa buhay (luxuries). Ang Physiological Needs o ang mga bayolohikal na pangangailangan ay ang pagkain, tubig, hangin at tulog. May tinatawag din tayong Safety Needs. Ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay. Kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at physiological, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan. Ang Love o Belonging ay isang pangangailangan kung saan nabibilang ang pakikipag-ugnayan sa general emotions, tulad ng CO_Q1_ESP 6_Module 1 5 pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya. Self-esteem naman ang nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao. Ang pinakamataas na hirarkiya ay ang Self-Actualization. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kaniyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao. Batay sa Teorya, nagagawa lamang matugunan ng tao ang mataas na antas ng kaniyang pangangailangan kung napunan na ang mas mababa. Ayon naman sa Teorya ng Pangangailangan ni Mc Clelland, ang pangangailangan ng tao ay natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng karanasan. Sa Teoryang ito, ang Nagawa (Achievement) ay higit na mahalaga kaysa sa mga gantimpalang materyal at salapi. Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala. Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng natamong tagumpay. Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unlad na nakamit. Kadalasan ay humihingi ng pagbabago ang pag-unlad na nakamit at paraan kung paano higit na mapapaunlad ang mga nagawa. Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad na nakatutugon sa pangangailangan. Ang mga pangangailangang nasambit ay nagdudulot ng kabutihan sa sarili. Hinuhubog nito ang pagkatao mo at ang mga bagay na nasasakupan ng iyong pagkatao. Dahil dito higit na nagkakaroon ka ng kakayahan na gumawa ng mga pagdedesisyon ukol sa mga bagay-bagay. Ngunit sa panahon ngayon iba na ang kabataan. Maraming klase ng bisyo ang mas pinagtutuunan ng pansin. Andiyan ang sigarilyo, alak, droga at sugal na tila hindi madaling maiwasan ng mga kabataan. Ano nga ba ang maibibigay ng mga ito sa iyong sarili? Matutulungan ba nito ang iyong sarili sa paghahanda para sa iyong kinabukasan, sa pagtupad ng iyong pangarap, sa iyong mga responsibilidad sa buhay na iyong nais tahakin? Ang isa pang paraan na makatutulong sa paghubog ng pagkatao ng isang tao ay ang kaniyang pananampalataya. Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay pagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon. Ang pagmamahal na ito ang siyang nag- uudyok sa isang tao na piliin ang tamang gawain sa lahat ng oras, lugar at pagkakataon. Kaya naman siya ay may pagpapahalaga sa sarili at pagmamalasakit sa iba. Hindi niya nais na makasakit ng kapuwa at ng sino man sa komunidad na kinabibilangan niya. Ang pananampalataya sa Panginoon ang siyang gabay niya sa pagkakataong kinakailangan niyang magpasya o gumawa ng desisyon. Ang pagkakaroon ng katatagan ng loob o determinasyon ay isa pang katangian na dapat mong taglayin. Ito ay magsisilbi ding gabay mo sa pagkamit ng iyong tagumpay sapagkat nangangahulugan ito na kaya mong bumangon at magsikap muli kahit makailang ulit ka pang madapa. Sa lahat ng ito ang higit na kailangan ay mapanatili mo ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa araw-araw na pagharap sa hamon o pakikibaka sa buhay. Dapat kang maging sensitibo sa mga pangyayaring nagaganap, kaakibat ang ganap na pagkilala mo sa iyong sarili. Malaki ang kaugnayan at napakahalaga ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip upang sa ano mang gagawing desisyon o pasya ay maisasaalang-alang ang sarili at ang kabutihan ng nakararami. 6 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Suriin Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno at pag-usapan ninyo ito ng kung sino man sa nakatatanda mong kasama ngayon sa bahay. 1. Ano-ano ang mga nabanggit na pangangailangan ng tao? 2. Ano ang epekto ng mga bagay na ito sa buhay ng tao? 3. Paano nakatutulong ang mga pangangailangan ng tao upang higit mong maintindihan ang responsibilidad mo sa iyong sarili? 4. Paano pinatitibay ng mga nabanggit na pangangailangan ang iyong pananaw at paninindigan sa buhay? 5. Paano ang pangangailangan na napag-usapan ay nagdudulot ng pagbabago sa buhay ng tao? 6. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng desisyon? 7. Bakit kailangan mong maging mapanuri? 8. Ano ang kahalagahan ng pagdedesisyon o paggawa ng pasya? 9. Ano ang kahalagahan ng pananampalataya sa paggawa ng isang pasya? 10. Ano ang mga paraan o hakbang na dapat isaisip at katangian na taglay upang makabuo ng desisyon para sa ikabubuti ng sarili at ng nakararami? 7 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Pagyamanin Panuto: Basahin ang maikling tula at sagutin ang sumusunod na tanong. Matalinong Pagpapasiya (Sinulat ni: Arlene Quijano-Egca) Likas sa isang tao ang pagiging magaling, Kung sa pagpapasya, mapanuring pag-iisip ang gamitin, Timbangin nang husto mga problema at suliranin, Iwasan ang pabigla-biglang bugso ng damdamin. Maraming pagkakataon na tayo’y nalugmok, Sa di-inaasahang problema’t pagsubok, Nagkagayunman pilit pa ring bumabangon, Wastong pagpapasiya ay handang isulong. Bawat desisyon ay sadyang pakaingatan, Nang sa ganoon, walang masasaktan, Maingat na pag-iisip ating pahalagahan Kabutihan ng lahat, dapat isa-alang-alang. Mga bagay na may kinalaman sa ating sarili, Mapanuring pag-iisip, tatag ng loob at pag-uugali, Nagsisilbing daan sa matalinong pagpapasiya, Para sa kapakanan ng bawat isa! Sagutin: 1. Ano ang ipinahihiwatig na kaisipan sa tulang iyong binasa? 2. Ano ang dapat mong gawin bago ang pagpapasya? 3. Ano ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng isang desisyon? 4. Ano ang magiging epekto ng biglaang pagpapasya? 8 CO_Q1_ESP 6_Module 1 5. Ano ang mga katangian na may kinalaman sa matalino o mapanuring pagpapasya na dapat taglayin ng bawat isa? 6. Paano nakatutulong ang mga katangiang nabanggit sa paggawa ng isang desisyon? 7. Bakit kailangang maging responsable sa mga bagay na iyong gagawin? 8. Magbahagi ng isang suliranin na iyong naranasan o maaaring kasalukuyan mong nararanasan.. Ikuwento mo ito, isulat sa iyong kuwaderno kung paano mo ito hinarap. Isaisip Panuto: Unawaing mabuti ang tula. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot sa tanong. Pasya Ko Ay Ano? (Sinulat ni: Jerose U. Akol) Ako ma’y isang batang paslit, Sa puso ko’y nakaukit, Binigyan ng Diyos ng malayang pag-iisip, Sa maingat at mapanuring paggamit. Sa araw-araw na buhay, aking napagmasdan, Talagang may mga bagay na kailangan pagpasiyahan, Subalit ang pag-aalinlanga’y di ko ikakaila Sapagkat alam kong ang pagpasiya’y isang mahirap na gawa. Pasya ko ay ano? Ito’y hindi madali, Sapagkat resulta nito’y maaaring masama o mabuti, Kung kayat kailangan kong timbangin, Di lang para sa sarili kundi para sa iba din. Iginuhit ni Charles David H. Beare 9 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Ang tamang pasiyang, aking inaasam, Ay may kaakibat na tungkuling gagampanan Kaya’t dapat kong isiping mabuti Para sa kabutihan ko at ng nakararami. Pasya ko ay ano? Kailangan ko ang gabay ng Diyos na umukit nito sa aking puso, Sapagkat sa mundong nakalilito, Nararapat na ako’y mapanuri at di pabugso-bugso, Dahil maaaring may masaktan, away man ay mabuo. Kung kaya’t ang mga pangyayari’y sinuring mabuti, Nang ito’y napatunayang nakabubuti sa sarili at nakararami, Dito nabuo ang pasiya kong minimithi, Pagkatapos gamitin ang isipang mapanuri. 1. Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasya? 2. Paano nakakaapekto sa ibang tao ang pagbuo ng pasya? 3. Nakabuo ka na ba ng mahalagang pasya? Tungkol saan ito? Nahirapan ka bang magpasya? Bakit o bakit hindi? 4. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mong magpasya? 5. Paano nararating ang mabuting pasya? Iginuhit ni Charles David H. Beare 10 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Isagawa Ang Pasiya ni Chad Iginuhit ni Charles David H. Beare Masaya ang mga mag-aaral ni Gng. Lazatin. Lahat ay masiglang nagsasalita tungkol sa outing ng klase. Dahil hindi pa sila nakapagpasiya kung saan pupunta, nagbigay sila ng ilang mungkahi. Limang pangkat ang bumubuo sa klase. Iminungkahi ni Chad, isa sa mga lider ng pangkat na mag-camping sa tabing-dagat. Nagmungkahi naman ang isang pangkat na pumunta sa isang museo. Gayunpaman, bumoto at sumang-ayon sila na sa tabing-dagat pumunta.Nang sumunod na araw, maagang-maaga pa ay nasa paaralan na ang mga mag-aaral. Maaga ring dumating si Gng. Lazatin. Inihanda nila ang mga bagay na kakailanganin nila. Isang pangkat ang naatasang maghanda ng mga palaro para sa lahat. Nagdala sila ng mga bola, lubid at sungka. Nang dumating sa tabing-dagat ang klase, nagbilin si Gng. Lazatin sa mga mag-aaral na huwag lumayo sa kanilang kubo at walang hihiwalay sa kanilang pangkat. Nagsimula na ang masasayang gawain. May naglaro ng sungka, patintero, balibol, at hilahan. Masayang-masaya ang lahat nang biglang sumigaw ang ilang mag-aaral. Napatingin si Chad sa gawi ng dagat kung saan nagmula ang sigaw. Nakita niya ang ilan sa kanilang mga kamag-aral na nakasakay sa isang bangka na dahan-dahang tinatangay ng alon palayo sa pampang. Ito ang mga mag-aaral na palihim na kinalag sa pagkakatali ang bangka. Nagsisigaw ang mga bata sa takot. Kaagad nag-utos si Gng. Lazatin sa ilang mag-aaral na humingi ng tulong sa mga taong nakatira sa malapit. Samantala, naisip ni Chad na maaaring biglang itaboy ng alon ang bangka palayo sa dalampasigan. Maaari ring itaob iyon ng alon. Nasa panganib ang buhay ng kaniyang mga kamag-aral. Kaagad tinawag ni Chad si Kuya Marvin, ang lifeguard sa nasabing resort. Tinulungan niyang itali ang mga lubid na ginamit nila 11 CO_Q1_ESP 6_Module 1 sa larong hilahan, tumulong din ang mga iba pa niyang kamag-aral. Itinali nila ang kabilang dulo ng lubid sa puno ng niyog. Iyon ang ginamit ni kuya Marvin sa pagsagip sa mga bata. Hinanap ni kuya Marvin ang dulo ng tali na natanggal sa bangka, pinagdugtong ang itinali nilang lubid at lumangoy pabalik sa pampang. Kung hindi agad nakapagpasiya si Chad na gawin iyon, baka naitaboy nang palayo ng alon sa gitna ng dagat ang mga kamag-aral niya. Kaagad ding gumawa ng paraan at humingi ng tulong si Gng. Lazatin sa mga namumuno sa Barangay. Pinaalalahanan din niya ang iba pang mga bata na bantayan ang isa’t isa at huwag pumunta sa dagat. Dumating ang Kapitan ng Barangay kasama ang mga magulang ng iba pang mag-aaral. Kinausap nila si Gng. Lazatin tungkol sa nangyari. Bago umalis, kinausap ni Gng. Lazatin ang kaniyang mag-aaral. Binigyang babala niya sila na hindi magandang pasiya ang pagsakay nila sa bangka. Inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay at pinag-alala nila ang ibang tao. “Sa katunayan, si Chad lamang ang nakagawa ng tamang pasiya nang araw na iyon,” sabi ng guro. Sumang-ayon ang lahat ng mag-aaral at nagpalakpakan. Pinagsabihan ang lahat na ayusin na ang kanilang mga gamit at humanda na sa pag-uwi. Gawin Mo: Sagutin ang sumusunod. 1. Ano ang kailangang pagpapasyahan ng klase ni Gng. Lazatin? 2. Ano ang pasiyang ginawa ng mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong? 3. Naging maingat ba si Chad sa kaniyang pagpapasyang tumulong? Sino ang kakilala mo na gumawa ng katulad ng ginawa ni Chad? 4. Sa mga pagkakataong kinakailangan mong magpasya, ano ang mga dapat mong isaalang-alang? 5. Nagkaroon ka na rin ba ng katulad na karanasan kung saan kinailangan mong gumawa ng isang desisyon na ngangailangan ng mapanuring pag- iisip upang makagawa ng tamang pagpapasya? Isalaysay pasulat sa iyong kuwaderno. 12 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Tayahin A. Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring makaapekto sa iyong sarili. 2. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya. 3. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya. 4. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya. 5. Siguraduhing makalalamang ang iyong sarili bago ka bumuo ng pasya. 6. Agad gumawa ng isang pasya kung nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon sa buhay. 7. Isang mabuting katangian ang paghingi ng gabay sa Panginoon sa tuwing gagawa ng isang desisyon sa buhay. 8. Dapat isaalang-alang ang sariling kakayahan sa pagbuo ng desisyon. B. Panuto: Batay sa iyong natutuhan. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Paano ka bumubuo ng pasya? 2. Isinasaalang-alang mo ba ang ibang tao sa pagbuo ng iyong pasya? Oo o Hindi. Bakit? 3. Tinitimbang mo ba ang makabubuti at ang makasasama bago ka gumawa ng isang pasya? Oo o Hindi. Bakit? 4. Mahalaga ba ang mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng isang mabuting pasya? Oo o Hindi. Bakit? 13 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Karagdagang Gawain A. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang napiling titik na iyong sagot sa kuwaderno. 1. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo? A. Pagagalitan ko ang aking kapatid. B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay. C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang. D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase. 2. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin? A. Sasali sa paligsahan. B. Hindi ka sasali sa paligsahan. C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan. D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban. 3. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin? A. Sasama kang maligo sa ilog. B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog. C. Sasama ka ngunit hindi maliligo. D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang. 4. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo? A. Pagagalitan ko ang aking kapatid. B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin. C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin. D. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin. 14 CO_Q1_ESP 6_Module 1 5. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo? A. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid. B. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli. C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli. D. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli. B. Panuto: Magtukoy ng dalawang sitwasyon o pangyayari batay sa iyong personal na karanasan at ang iyong naging pasya na nagkaroon ng epekto sa iyong sarili at maaaring sa iba. 1. Pangyayari: Pasya: 2. Pangyayari: Pasya: 15 CO_Q1_ESP 6_Module 1 CO_Q1_ESP 6_Module 1 16 Subukin Balikan Tayahin 1. MALI 1. C 1. TAMA 2. TAMA 2. A 2. TAMA 3. MALI 3. C 3. TAMA 4. MALI 4. C 4. TAMA 5. MALI 5. B 5. TAMA 6. MALI 6. TAMA 7. MALI 7. TAMA 8. TAMA 8. TAMA 9. MALI 10.MALI Karagdagang Gawain 1. D 2. A 3. A 4. C 5. D 1. Susi sa Pagwawasto Sanggunian Kurikulum Guide – Edukasyong Pagpapakatao – 6 Pangangailangan at Kagustuhan “Ang Bagong Batang Pinoy – Filipino” Department of Education-Instructional Materials Ugaliing Pilipino sa Makabagong Panahon 6 ni Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta https://ninaamir.com/is-your-attitude-affecting-your-results/ https://www.google.com/search?q=epekto+na+bisyo+sa+sarili&oq=epekto+na+bisy o+sa+sa rili&aqs=chrome..69i57.55192j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 https://www.google.com/search?biw=1268&bih=610&ei=0LhJXcqZOZTZhwOSoa6I Bg&q=paano+nakakaapekto+ang+ugali+sa+pagpapasiya&oq=paano+nakakaapekto +ang+ugali+sa+p agpapasiya&gs_l=psy- https://www.google.com/search?biw=1268&bih=610&ei=L7lJXabBBZTahwOWgYXI Bg&q=paano+nakakaapekto+ang+ugali+sa+pagbuo+ng+isang+desisyon&oq=paano +nakakaapekto +ang+ugali+sa+pagbuo+ng+isang+desisyon 17 CO_Q1_ESP 6_Module 1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected]* [email protected]