Lingguhang Gawain sa Filipino Week 5 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Mga gawain at aralin para sa Filipino (Tagalog) na nakatuon sa mga pang-uri at iba't ibang antas ng pang-uri. Ang modyul na ito ay sinadya para sa mga mag-aaral sa Alternative Learning System (ALS).
Full Transcript
Republic of the Philippines Department of Education ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM Region ____________ Division of _____________...
Republic of the Philippines Department of Education ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM Region ____________ Division of _____________ District ______________ Name of Learner: ____________________________ Date: _________________ CLC: ______________________________________ Level: ________________ _____________________________________________________________________ Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. ❖ Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari, lugar at iba’t-ibang sitwasyon gamit ang pang-uri Lantay Pahambing/Pasukdol LS1CS/FIL-PS-PPB-BL/MB/MT-17/ALS K to 12 BEC CG 2019, p. 54 Ang modyul na ito ay tungkol sa pang-uri at ang mga antas ng hambingan ng pang-uri. Sa modyul na ito matutunan mo kung ano ang pang-uri at kung paano nito inilalarawan ang mga tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar at iba’t-ibang sitwasyon na ginagamit nito. Matutuhan mo ring paghambingin ang mga pang-uri ayon sa antas nito ito ba ay lantay o pasukdol. Ginagamit natin ang pang-uri para makatulong sa atin sa paglalarawan ng isang panghalip o pangangalan. Ang kaalaman sa pang-uri ay nagbibigay sa atin ng malalim na 1 pag-unawa. Dahil dito ay alam natin kung paano ipapabatid ang ating kaisipan at kung paano natin ito gagamitin sa isang pangungusap o mga talata. Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Ilarawan ang mga ito at isulat ang inyong sagot sa kahon. Bigyang-pansin ang mga salitang ginagamit ninyo sa paglalarawan. 1. 2. 3. 4. 5. 2 BL Level: Panuto: Tingnan ang larawan sa Hanay A at gumuhit ng linya sa Hanay B na naglalarawan katulad ng sa Hanay A. Hanay A Hanay B 3 MB Level: Panuto: Gumuhit ng linya mula sa pangngalan sa kaliwa hanggang sa pang-uri na angkop dito. 4 MT Level: Panuto: Isulat sa patlang ang pang-uri na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga pang-uri sa kahon. Isang beses lamang maaaring gamitin ang bawat pang-uri. 1. Mas _________________ ang bahay na gawa sa bato kaysa sa kahoy. 2. ___________________ na sa panganib ang mga taong nakatira malapit sa bulkan. 3. Si Lea Salonga ay __________________________ na mang-aawit. 4. Labhan mo ang basahan na ___________________________. 5. ______________________ ang balat ng sanggol. 6. _____________________ ba ang pagkain at inumin sa komperensya? 7. Natatakot akong dumaan sa ______________________ na kalye. 8. Mas _____________________ ang buhok ni Nicole kaysa kay Donna. 9. Masyadong ____________________ ang bata kaya madalas siyang masugatan. 10. _____________________ ang pagsusulit kung nag-aral ka nang mabuti. 11. _____________________ ang mga bata dahil malapit na ang Pasko. 12. Bumili ka ng yelo sa _________________ na tindahan. 13. ____________________ na ang tatay ko kaya hindi na siya makabibiyahe nang malayo. 14. ____________________ ang basurang nakakalat sa kalye. 15. Ang batang nagsasabi ng po at opo __________________. 5 Panuto:. Suriin ang mga larawan sa ibaba at ibigay ang pangalan nito at ilarawan ito. Halimbawa: Pangalan Paglalarawan Lamisa Maganda Kulay Kayumanggi 6 Pang-uri mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan at panghalip. Ito ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay. Tughayan ang larawan sa ibaba. Bumuo ng pangungusap kung ano ang masasabi mo sa larawan. Isulat sa iyong kwaderno o worksheets ang sagot. 1. __________________________________. 2. __________________________________. 7 Gamit ng Pang-uri 1) Panuring ng Pangngalan Halimbawa: Mararangal na tao ang pinagpapala. Kahanga-hanga si Helen sa kanyang likhang kamay. 2) Panuring sa Panghalip Halimbawa: Sila ay matatapang at makikisig na mandirigma. Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay. 3) Ginagamit bilang Pangngalan Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo. Ang sinungaling ay kakambal ng magnanakaw. Hambingan ng Pang-uri Hambingan – ang tawag sa pang-uri kung naipakikita ang pagkukumpara. Maaaring itong lantay, pahambing, o pasukdol. May tatlong antas ng hambingan ng pang-uri. 1. Lantay Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip. Halimbawa: maliit, kupas, mataba. 2. Pahambing Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. ❖ Magkatulad Ito ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamitan ito ng mga unlapi tulad ng ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-. 8 Halimbawa: Dalawang uri ng Hambingang magkatulad ❖ Palamang - may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing. Kapag nakahihigit sa katangian ang dalawa sa pinaghahambing.Ginagamitan ito ng higit,lalo,kaysa,mas,di-hamak,labis Halimbawa: Di-hamak na mabango ang bulaklak ng sampaguita kaysa rosas. ❖ Pasahol - may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan. Kulang sa katangian ang pinaghahambing. Ginagamitan ito ng panlaping digaano, higit, kaysa, mas,di hamak, labis,lalo, di-gaano,di-masyado,ditotoo. Halimbawa: Di-masyado ang polusyon sa probinsya kaysa sa lungsod. ❖ Di-magkatulad Ito ang paghahambing kapag hindi magkatulad na bagay ang pinaghahambing. Ang mga panlaping ginagamit sa hambingang di magkatulad ay digaano, higit, kaysa, mas,di hamak, labis,lalo, di-gaano,di-masyado,ditotoo. Halimbawa: Higit na marami ang nahihirapan sa pag-aaral gamit ang modules ngayon kaysa sa face-to-face na pag-aaral nuon na ginagawa sa paaralan. 3. Pasukdol Ito ang pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo o negatibo. Kapag naglalarawan ng higit sa dalawang bagay.Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring 9 gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng ___, at kung minsa'y pag-uulit ng pang-uri. Halimbawa: Pinakamasarap ang manga kaysa sa ano mang prutas dito sa Pilipinas. Tunay na mapagmahal ang mga Pilipino sa kanilang mga magulang. Kahalagahan ng Pang-uri: Ang kaalaman sa pang-uri ay nagbibigay sa atin ng malalim na pag-unawa. Dahil dito ay alam natin kung paano ipapabatid ang ating kaisipan at kung paano natin ito gagamitin sa isang pangungusap o mga talata. Kapag nauunawaan natin ang isang bagay, mas nabibigyan natin ng pagkakataon na ipahayag ang ating isipan tungkold dito. Kung alam natin ang antas ng pang-uri makatutulong din ito upang mapag-uri-uri natin ang mga pangngalang babanggitin sa atin dahil sa kaalaman natin tungkol dito. Sa pang-araw-araw na buhay naman, ito ay makatutulong dahil nauunawaan natin kung ano ang nais na sabihin ng ating kinakausap at para mailarawan natin ng maigi ang mga innilalarawan natin sa isang bagay,pook,lugar o pangyayari 10 BL Level: Panuto: Tingnan ang larawan sa Hanay A at gumuhit ng linya sa Hanay B na naglalarawan katulad ng sa Hanay A. Hanay A Hanay B 11 BL Level: Panuto: Gumuhit ng linya mula sa pang-uri hanggang sa tamang larawan ng pangngalan. 12 MB-MT Level: Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Gamitin ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o PS kung ito ay pasukdol. ____ 1. Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez. ____ 2. Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel. ____ 3. Ang buhok ni Lola Francia ay kasimputi ng balahibo ng tupa. ____ 4. Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang. ____ 5. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina. ____ 6. Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya! ____ 7. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis. ____ 8. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita. ____ 9. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres. ____ 10. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito. 13 MB-MT Level: Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Gamitin ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o PS kung ito ay pasukdol. ____ 1. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon. ____ 2. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang iyong resistensiya. ____ 3. Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha. ____ 4. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo! ____ 5. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay makasaysayan. ____ 6. Sa Tsina matatagpuan ang pinakamahabang tulay na dinadaanan ng tren. ____ 7. Ang talento sa pagsayaw ng pangkat na A-Team ay kahangahanga. ____ 8. Di-hamak na malaki ang kuwarto ni Denise kaysa sala namin. ____ 9. Gaholen ang batong itinanggal ng duktor mula sa kidney ni Romy. ____ 10. Magsimbigat ang mga sakong karga ng dalawang magsasaka. 14 BL Level: Panuto: Gumuhit ng linya mula sa pang-uri sa kaliwa hanggang sa angkop na pangalan nito. malaki masakit masarap matulis singkit matangos 15 MB Level: Panuto: Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap. 1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan. 2. (Mabaho, Masmabaho, Pinakamabaho) ang utot ni Sam sa lahat. 3. (Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng nanay ko. 4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo, pinakamalayong) lugar? 5. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo. 6. (Matangkad, Masmatangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga batang naririto. 7. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano. 8. Si Snow White ang (maputi, masmaputi, pinakamaputi) sa kaharian. 9. (Malikot, Higit na Malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid. 10. Ang aking ate ay (maganda, masmaganda, pinakamaganda) sa kanyang mga kaklase. 16 MT Level: Panuto: Salungguhitan ang pang-uri. Isulat sa patlang ang L kung Lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol. Halimbawa: PH Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong. 1. _______ Si Mang Pandoy ang may pinakakonting huli ng isda. 2. _______ Maganda ang tanawin sa Manila Bay. 3. _______ Ang Petronas Tower ang pinakamataas na gusali sa mundo. 4. _______ Si Bochoy ang pinakamatabang bata sa aming barrio. 5. _______ Mas matingkad ang kulay dilaw kumpara sa pula. B, Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri. Halimbawa: (mabilis) Lantay - Mabilis tumakbo si Lance. Pahambing - Mas mabilis tumakbo si Lance kumpara kay Sam. Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe sa mga bata. 17 Ano ang pang-uri at ang tatlong antas ng pang-uri? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Bakit mahalaga na matutunan ang pang-uri at ang kaantasan nito? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Pang-uri - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya ANO ANG PANG-URI - Kahulugan, Halimbawa Ng Pang-uri (philnews.ph) Pang-uri Worksheets and Answer Keys - Samut-samot Pang-uri Worksheets (Part 5) - Samut-samot Inihanda Ni: ______________________________ ALS Mobile Teacher District Tandaan: "Ugaliing magpakita ng panggalang sa iyong mga magulang at sa mga nakatatanda sa iyo." 18 _____________ ________________ ______________ ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature Pag-isipan Natin Ito 1. mataba 2. matatapang 3. masiyahin 4. matamis 5. maganda Pre-Test BL Level Pre-Test MB Level Pre-Test MT Level 1. f. matatag 2. b. ligtas 3. c. magaling 4. m. marumi 5. n. makinis 6. g. libre 7. e. madilim 8. j. mahaba 9. k. malikot 10. l. madali 11. a. masigla 12. h. malapit 13. o. pagod 14. m. marumi 15. i. magalang Ano-anu na ang mga Alam Mo: Maaaring magkaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral. Gawain 1 BLP Level 19 Gawain 2 BLP Level Gawain 1 Gawain 2 MB-MT Level: MB-MT Level 1. PS 2. PH 3. PH 1. PS 2. L 3. PH 4. L 5. PH 6. PS 4. PS 5. L 6. PS 7. PH 8. L 9. PS 7.L 8. PH 9. L 10. PH 10. PH Alamin Natin ang Iyong Natutuhan (Post-Test) BLP Level: MB Level: 1. pinakamapagbigay 2. Pinakamabaho 3. Malaki 4. malayo, 5. Masmatulis 6. Pinakamatangkad 7. mabait 8. pinakamaputi 9. Malikot 10. pinakamaganda MT Level: A. 1. PS 2. L 3. PS 4. PS 5. PH B. Maaaring magkaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral. 20