Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto (Tagalog) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng teksto. Sinasaklaw nito ang kanilang mga katangian, layunin, at iba pang detalye.

Full Transcript

# 2ND SEM. Q3F11: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ## I. PROSESO NG PAGBASA - PAGBASA: proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan. (...

# 2ND SEM. Q3F11: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK ## I. PROSESO NG PAGBASA - PAGBASA: proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan. (kabilang sa limang makrong kasanayan) - Intensibong Pagbasa - Pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye ng teksto. - Ekstensibong Pagbasa - isinasagawa upang makakuha ng malalimang pag-unawa sa iba't ibang teksto. ## DALAWANG PANGUNAHING URI NG PAGBASA 1. SCANNING: mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. 2. SKIMMING: mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. ## MGA ANTAS NG PAGBASA 1. PRIMARYA: Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon. 2. MAPAGSIYASAT: Sa antas na ito nauunawaan na ng mambabasa ang kabuoang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. 3. ANALITIKAL: Dito ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. 4. SINTOPIKAL: Sa antas na ito, nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa mo. Pagbuo ng konklusyon. ## MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA 1. BAGO MAGBASA (pagsisisyasat sa tekstong babasahin) 2. HABANG NAGBABASA (pag-unawa sa kabuoang teksto at pagbuo ng sariling prediksyon) 3. PAGKATAPOS MAGBASA (pagtatasa sa komprehensiyon, pag-unawa, sentesis, at ebalwasyon) 4. PAGKILALA SA OPINYON O KATOTOHANAN - Opinyon (batay sa paniniwala) - Katotohanan (batay sa tunay na karanasan at impormasyon) 5. PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO (manunulat) ## IBA'T IBANG URI NG TEKSTO 1. TEKSTONG IMPORMATIBO 2. TEKSTONG DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN 3. TEKSTONG NAGHIHIKAYAT O PERSUWEYSIB 4. TEKSTONG NARATIBO O NAGSASALAYSAY 5. TEKSTONG AGUMENTATIBO 6. TEKSTONG PROSIDYURAL ## II. IBA'T IBANG URI NG TEKSTO ### 1. TEKSTONG IMPORMATIBO Isang babasahing di-piksyon (hindi naglalaman ng opinyon o saloobin) **LAYUNIN:** May layuning magpaliwanag at magbigay ng malinaw na impormasyon na walang pagkiling sa akda ng iba. **✓ MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO** 1. Layunin ng may-akda (ipinakikita kung ano ang gustong mangyari sa nilalaman ng teksto) 2. Pangunahing Ideya - pamagat na makikita sa bawat bahagi ng teksto 3. Pantulong na Kaisipan - tumutulong upang mapalinaw ang impormasyon. 4. Estilo sa pagsulat at sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang - diin - a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon (hal. larawan, tsart, dayagram, at iba pa) - b) Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto (nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, at marami pang iba) - c) Pagsulat ng mga talasanggunian ## ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA PANG TEKSTO (Tekstong Naratibo, Argumentatibo, Persuweysib, Prosidyural, at Impormatibo) 1. Paglalarawan sa tauhan (Katangian-panloob at panlabas, katayuan sa buhay) 2. Paglalarawan sa damdamin o emosyon - Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan - Paggamit ng diyalogo o iniisip - Pagsasaad sa ginawa ng tauhan - Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita 3. Paglalarawan sa tagpuan - Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito? - Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? - Anong amoy ang namamayari? - Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? - Ano ang lasa ng mga pagkain dito? 4. Paglalarawan sa isang mahalagang bagay (amoy, hugis, laki, timbang, at kahalagahan sa teksto) ## 3. TEKSTONG NARATIBO Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkasunod-sunod sa simula hanggang katapusan. **LAYUNIN:** Magsalaysay ng dugtong - dugtong at magkakaugnay na pangyayari. **✓ MGA KATANGIN:** 1. **IBA'T IBANG PANANAW (POINT OF VIEW)** - (a) Unang Panauhan: Ang tauhan ang nagsasalaysay (Ako, ko, akin, ko)(natin, atin, amin) - (b) Ikalawang Panauhan: Kinakausap ng manunulat ang tauhang kanyang pinapagalaw (lyo, ikaw, ka)(kayo, ninyo, inyo) - (c) Ikatlong Panauhan Tumutukoy sa tauhan/taong pinag-uusapan (Siya, kanya, niya)( nila, sila, kanila) - • Tatlong uri ng pananaw: - 1) Maladiyos na Panauhan (nababatid ang isip ng bawat tauhan) - 2) Limitadong Panauhan (nababatid ang isip ng ibang tauhan) - 3) Tagapag-obserbang panauhan (Hindi nababatid ang isip ng mga tauhan) - (d) Kombinasyong Panauhan (nagagamit ang una, ikalawa, at ikatlo) 2. **PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALOGO AT DAMDAMIN** - a) Direkta o Tuwirang Pagpapahayag (akutwal na nagsasalita ang tauhan) - Halimbawa: "Kumusta ang mga grado mo Kristine?" tanong ni Francis sa kaibigan. - b) Di-Direkta o Di-tuwirang Pagpapahayag (nagsasalaysay lamang ang may-akda) - Halimbawa: Tinanong ni Francis kung kumusta ang mga grado ni Kristine. **✓ MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO** 1) **Tauhan** - a) Pangunahing Tauhan (bida - sa kanya umiikot ang buong kuwento sa teksto) - b) Katunggaling Tauhan (Kontrabida - salungat o kalaban ng pangunhing tauhan) - c) Kasamang Tauhan (Kasangga - sumusuporta o hingahan ng pangunhing tauhan) - d) Ang May-akda (Kaluluwa ng katha) 2) **Dalawang Uri ng Tauhan:** - 1. Tauhang Bilog (Round Character) - Maraming saklaw ang personalidad. Tauhang nagbabago ang damdamin o pananaw ayon sa pangangailangan. - 2. Tauhang Lapad (Flat Character) - Predictable - hindi nagbabago ang katauhan simula hanggang wakas. ## MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO 1. Naglalahad ng totoong pangyayari (kasaysayan) 2. Pag-uulat ng impormasyon (gumagamit ng masusing pananaliksik) 3. Pagpapaliwanag (sumasagot sa tanong na Bakit? at paano? Ginagamitan ng mga larawan, dayagram o flowchart na may kasamang paliwanag) ## 2. TEKSTONG DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN Paglalarawan sa tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari **LAYUNIN:** May layuning makapaglahad ng kabuoang larawan ng isang tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari **✓ DALAWANG ANYO NG PAGLALARAWAN** 1. OBHEKTIBO (Paglalarawan ayon sa katotohanan) 2. SUBHETIBO (Paglalarawanan ayon sa sariling pag-iisip/likhang - isip) **✓ DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN** 1. KARANIWAN (hal. Puno ng dugo ang mukha ni Juan dahil sa bakal na tumama sa kanyang mukha) 2. MASINING (hal. Naligo ng dugo si Juan dahil sa bakal na tumama sa kanyang muka) **✓ GAMIT NG KOHESYONG GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO** 1. **REPERENSIYA:** Paggamit ng mga salitang tumutukoy sa paksang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. - ANAPORA (pangngalan at panghalip) - Hal. Si Anton ang tumakbo kanina. Natakot kasi siya sa mga magnanakaw. - KATAPORA (panghalip at pangngalan) - Hal. Siya ang tumakbo kanina. Natakot kasi si Anton sa mga magnanakaw. 2. **SUBSTITUSYON:** (pagpapalit) Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. - Hal. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng aklat. - ✓ Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago. 3. **ELLIPSIS:** (pagbabawas) May binabawas na bahagi ng pangungusap ngunit mauunawaan pa rin ng mambabasa. - Hal. Bumili si Gina ng apat na aklat at bumili naman si Rina ng tatlong aklat. - ✓ Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina naman ay tatlo. 4. **MGA PANG-UGNAY:** Ginagamit upang maunawaan ang relasyon ng isang pangungusap sa isa pang pangungusap. - Hal. Ang magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pag-mamahal sa kanilang mga magulang. 5. **KOHESYONG LEKSIKAL:** Mabilisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. - ✓ DALAWANG URI: - a) **REITERASYON** (nauulit ang ginagawa o sinasabi nang ilang beses) - 1. Pag-uulit o Repetisyon - Hal. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho sa murang edad. - 2. Pag-iisa-isa - Hal. Ang mga kaibigan ko ay sina Alan, Nicole, Lue, at Faith - 3. Pagbibigay-kahulugan - Hal. Marami ang mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan. - b) **KOLOKASYON** (mga salitang pinagsasama at maaaring magkaugnay o magkasalungat) - Hal. nanay - tatay, maputi - maitim ## 4. TEKSTONG ARGUMENTATIBO Ito ay naghihikayat sa mga mambabasa o tagapakinig upang baguhin ang kanilang pananaw, tanggapin, o sang-ayunan ang inilahad na panig, o hikayatin silang kumilos ayon sa ipinaparating na argumento. **LAYUNIN:** Manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. **PANGUNAHING KATANGIAN NG ISANG TEKSTONG ARGUMENTATIBO** 1) Nangungumbinsa ayon sa datos o impormasyon 2) Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensiya 3) Obhektibo **TATLONG PARAAN NG PANGUNGUMBINSI** 1) ETHOS (Pagkatao-reputasyon/karakter) 2) PATHOS (Damdamin ng isang tao) 3) LOGOS (Isip) **MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO** 1) Pumili ng isang paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo. 2) Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito. 3) Mangalap ng ebidensiya. (datos na susuporta sa iyong posisyon) 4) Gumawa ng borador - ✓ Unang talata: Panimula - Ikalawang talata: Kondisyon o sitwasyon na nagbibigay daan sa paksa. - Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. - Ikaapat na talata: Paglalahad ng iyong lohikal na dahilan kung ano ang iyong posisyon. - Ikalimang talata: Unang konklusyon na lalagom sa iyong isinulat - ✓ Ikaanim na talata: Ikalawang konklusyon (sasagot sa tanong na, " E ano ngayon kung iyan ang iyong posisyon) 5) Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali gamit ang wika at mekaniks. 6) Muling isulat ang iyong teksto. Ito ang magiging pinal na kopya. ## 2) Tagpuan at Panahon (Panahon, amoy, at damdamin) ## 3) Banghay (maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari) - Simula (orientation or intruduction) - pagpapakilala sa mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or intruduction) - Paglalahad ng Suliranin (problem) - problemang hahanapan ng solusyon o kalutasan - Saglit na Kasiglahan (rising action) - pagtatagpo ng mga tauhang kasangkot o masasangkot sa suliranin - Tunggalian - pakikipagsapalan ng tauhan laban sa problema. - Kasukdulan (Climax) - Pagtaas ng pangyayari at mga emosyon, katuparan o kasawian ng tauhan. - Kakalasan (falling action) - Unti-unting natatapos ang problema o suliranin - Wakas (ending) - pagpapakita sa kabuoang resulta (masaaya o malungkot) ng pangyayari ## ANACHRONY (pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari) - a) Analepsis (flashback) - naganap sa nakalipas - b) Prolepsis (Flash - forward) - magaganap sa hinaharap - c) Ellipsis - may puwang ang mga pangyayari (hindi ipinapakita) ## 4) Paksa o Tema (sentral na ideya sa teksto o naratibo) ## 5. TEKSTONG PERSUWEYSIB Isinusulat upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. (subhetibong pangungumbinsi) **LAYUNIN:** layunin ng tekstong ito na manghikayat o mangumbinsi. **• TATLONG PARAAN NG PANGUNGUMBINSI** 1. ETHOS (Pagkatao-reputasyon/karakter) 2. PATHOS (Damdamin ng isang tao) 3. LOGOS (Isip) **• MGA PROPAGANDA DEVICE** 1. Name Calling - Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa produkto o katunggaling politiko. 2. Glittering Generalities - Magaganda o nakasisilaw na pahayag ukol sa produkto. 3. Transfer - Paggamit ng sikat na personalidad upang mailipat sa produkto ang kasikatan. 4. Testimonial - indibidwal o sikat na personalidad na tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto. 5. Plain Folks - karaniwang ginagamit sa kampanya, ang mga kilala/tanyag na tao ipinalalabas na ordinaryong tao. 6. Card Stacking - Tanging kagandahan ng produkto ang ipinakikita, hindi ang masamang epekto. 7. Bandwagon - panghihimok sa lahat na gamitin ang isang produkto. ## 6. TEKSTONG PROSIDYURAL Isang espesyal na uri ng tekstong expository. Inilalahad ang mga serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag kung paano ginawa ang isang bagay. **LAYUNIN:** Maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. **• MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TESKTONG PROSIDYURAL:** - Malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. - May maayos na pagkasunod-sunod. - Paggamit ng mga payak na salita. - Maaaring gumamit ng larawan. - Gumamit ng mga panandang diskuso na ngahuhudyat sa pagkasunod-sunod. - Isulat ito sa paraang simple. ***Sanggunian:*** Pinagyamang Pluma, Fil11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik P.117-198 ***Inihanda ni:*** Jonas B. Baliwas

Use Quizgecko on...
Browser
Browser