Pagsusulat at Iba Pang Mga Uri, Tagalog PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang artikulong Tagalog tungkol sa iba't ibang uri ng pagsusulat, tulad ng akademiko, pampamamahayag, at propesyonal, gayundin ang proseso ng metakognitibong pagbasa, talambuhay, at abstrak. Naglalaman din ito ng mga halimbawa ng mga uri ng talambuhay.
Full Transcript
**Pagsusulat**- Ano ang tawag sa artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag? - Ayon kay **Sauco, et al., (1998),** ito ay ang **paglilipat ng mga nabuong salita** sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipa...
**Pagsusulat**- Ano ang tawag sa artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag? - Ayon kay **Sauco, et al., (1998),** ito ay ang **paglilipat ng mga nabuong salita** sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga tao. - Ayon naman kay **Badayos (1999),** ang pagsusulat ay isang **sistema ng interpersonal** na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato. - Batay kay **Rivers (1975),** ang pagsulat ay isang **proseso na mahirap unawain** (complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit. ### Iba't Ibang Uri ng Pagsulat 1. ***Akademik.*** Itinuturing na isang intelektuwal na pagsulat dahil sa layunin nitong **pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman** ng mga estudyante sa paaralan. -Obhetibo -Hindi direktang tumutukoy sa damdamin kundi sa mga bagay o Facts 2. 3. ***Journalistic.*** Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o *journalist*. 4. 5. ***Profesyonal.*** Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang sumusunod: 1. *police report* -pulis 2. *investigative report* -- imbestigador 3. *legal forms, briefs* at *pleadings* -- abogado 4. *patient's journal* -- doktor at nurse 6. ***Malikhain.*** Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. ### Proseso ng Metakognitibong Pagbasa 1. Estratehiya 2. Hanapin o Tukuyin ang paksang pangungusap 3. Linawin, o bigyang --tuon at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang binabasa ang teksto. 4. Piliin, busisiin at basahing mabuti ang detalye o ebidensya 5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat 6. Alamin ang gamit ng wika 7. Gumawa nang tuloy-tuloy ng mga prediksyon sa mga susunod na pangyayari 8. Pagsikapan gawan ng buod 9. Gumawa ng ebalwasyon o konklusyon Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na ***abstractus*** na nangangahulugang *drawn away* o *extract from* (Harper, 2016). Ang abstrak ay isang uri ng pagpapaikli na ginagamit sa mga akademikong sulatin tulad ng pananaliksik, tesis, artikulo, rebyu, at *proceedings*. - **Pamagat** - **Paksang Pangungusap** - **Layunin** - **Metodolohiya** - **Mga Datos** - **Resulta ng Pag-aaral** - **Kritikal na Diskusyon** Ang ***biography*** ay mula sa salitang ***bio*** ng **Griyego** (Greece) na ang ibig sabihin ay **"buhay".** Ang *graphia* naman na nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang "tala" (Harper 2016). Ang **talambuhay** ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. ### Uri ng Talambuhay 1. **Talambuhay na Pang-iba**- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinusulat ng ibang tao. 2. **Talambuhay na Pansarili**-isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda. 3. **Talambuhay Pangkayo**-isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing nito. ### Uri ng Talamabuhay ayon sa Nilalaman 1. **Talambuhay na Karaniwan.** Isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. 2. **Talambuhay na Di-Karaniwan.** Binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan. **Bionote-** Ang *bio* na nangangahulugang "buhay" at *note* na nangangahulugang "tandaan", ito ay tala ng buhay na dapat tandaan. **kathambuhay** o tinatawag din nating **nobela** ay isang uri ng piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata **BUOD-**Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan. **Katangian ng Pagbubuod** 1. Tinutukoy agad ang pangunahing idea o punto kaugnay sa paksa. 2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita. Isa itong "muling pagsulat" ng binasang akda sa maikling salita. Inihahalili sa mga salita ng may-akda ang mas pangkahalatang termino gaya ng kasuotan sa halip na saya, pagtuturo sa halip na paglelektyur, at iba pa. 3. Mga **⅓** ng teksto o mas maikli pa dito ang buod. **sintesis** ay pagsasama-sama ng mga idea tungo sa isang pangkalahatang kabuoan na nangangailangn ng analisis sa simula mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil **Ang pagbuo ng sintesis ay nangangailangan ng iba't ibang batis ng impormasyon kung kaya't kailangang isaayos nang may kawastuhan**. **analisis**. paghihiwalay ng mga idea **TALUMPATI** - Ang talumpati ay isang pormal na **pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig.** Pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin. - Ito ay isang sining ng pagsasalita nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kaniyang paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008). - Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pagtatalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng isang publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa. **[Iba't Ibang uri ng Talumpati ayon sa Paghahanda]** 1. ***Impromptu*** -- Biglaan at **walang ganap na paghahanda**. 2. ***Extempore*** -- **Nabibigyan ng sandaling panahon bago ang pagbigkas**. 3. ***Isinaulong Talumpati*** -- **Isinulat muna bago isinaulo ng mananalumpati**. 4. ***Binabasang Talumpati sa Kumperensiya*** -- Mas kaunti ang aalalahanin ng mananalumpati sapagkat ito ay mahusay nang naisulat at babasahin na lamang sa mga tagapakinig.. 1. ***Palad na itinataas habang nakalahad*** -- dakilang damdamin. 2. ***Nakataob na palad at biglang ibababa*** -- marahas na damdamin 3. ***Palad na bukas at marahang ibinababa*** -- mababang uri ng kaisipan o damdamin. 4. ***Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad*** -- pagkapoot o galit at pakikipaglaban. ***Posisyong Papel*** ay isang sulating nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibiduwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. makabuluhang sumulat ng posisyong papel. Sa panig ng may akda, nakatutulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim ang pagkakaunawa niya sa isang tiyak na isyu. Mas magandang gamitin ang **katuwiran** kaysa sa *argumento* at paninindigan kaysa sa posisyon. Ebidensya- nakatutulong upang higit na mapatunayan ang isang argumento o katuwiran [Introduksiyon] -- Ipakilala ang paksa [Mga Katuwiran ng Kabilang Panig] -- Ipaliwanag nang bahagya ang bawat katuwiran. [Mga Sariling Katuwiran] -- Isa-isa namang ihanay rito ang sariling katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito, maari ding magbigay ng iba pang katuwiran kahit wala itong katapat. Sa gayon, maipakita ang kalamangan ng sariling paninindigan. [Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran] -- Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay dito ng karangdagang ebedinsiya para lalong maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran. [Huling paliwanag kung bakit ang napiling paninindigan ang dapat] [lagumin dito ang mga katuwiran] -- Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at karapat-dapat.\\ [Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o mungkahing pagkilos] -- Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang paninindigan. Sikaping gawing maikli, malinaw at madaling tandaan ang huling pahayag. ### Paalala: Ibahagi ang Posisyong Papel Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. ***Replektibong Sanaysay*** ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa. Ito pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. **MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** Nagbigay naman si Garcia (2016) ng mga bahagi ng replektibong sanaysay na maaaring gawing balangkas ng isasagawang sanaysay. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod. 1. ***Panimula*** -- Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa. 2. ***Katawan*** -- Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyanghalaga ang maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng **salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan**. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema. 3. ***Kongklusyon*** -- Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat magiwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kaniyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat. **Paglalahad - anyo ng pagsulat ang nagbibigay linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at** **pagbibigay ng mga halimbawa** **Pagsasalaysay- anyo ng pagsulat ang nakapokus sa pagkakasunud-sunod ng daloy ng mga** **pangyayaring aktwal na naganap**