Mga Kaantasan ng Pang-uri PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag tungkol sa mga kaantasan ng pang-uri sa wikang Filipino, kasama ang mga halimbawa para sa mas mahusay na pag-unawa. Ang mga kaantasan ay kinabibilangan ng lantay, pahambing, at pasukdol.

Full Transcript

## Isaisip Natin ### Mga Kaantasan ng Pang-uri May iba't ibang kaantasan ang pang-uri. Ito ay ang: 1. **Lantay** - ang tuon ng paglalarawan ay sa isang pangngalan o panghalip lamang. Halimbawa: Ang Diyos ay mabuti. 2. **Pahambing** - naghahambing sa magkatulad at hindi magkatulad na katangian....

## Isaisip Natin ### Mga Kaantasan ng Pang-uri May iba't ibang kaantasan ang pang-uri. Ito ay ang: 1. **Lantay** - ang tuon ng paglalarawan ay sa isang pangngalan o panghalip lamang. Halimbawa: Ang Diyos ay mabuti. 2. **Pahambing** - naghahambing sa magkatulad at hindi magkatulad na katangian. * **Pahambing na Patulad** - paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian. Naipakikita ito sa paggamit ng mga panlaping gaya ng *sing*-, *kasing*-, *magsing*-, at mga salitang pareho, at kapwa. Halimbawa: Parehong maalaga ang kanyang dalawang anak. * **Pahambing na Di Magkatulad** * **Pasahol** - kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Gumagamit ito ng *di gaano*, *di gasino*, at *di masyado*. Halimbawa: Di masyadong maalaga ang tatay kaysa sa nanay. * **Palamang** - nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Gumagamit ito ng *higit*, *lalo*, *mas*, at *di hamak*. Halimbawa: Higit na mapalad ang pamilya niya ngayon kaysa noon. 4. **Pasukdol** - kapag ang paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ang paglalarawan ay maaaring pinakamababa o pinakamataas. Ito ay masidhi kaya gumagamit ng mga katagang *sobra*, *ubod*, *tunay*, *talaga*, *saksakan*, **haring** _, o pag-uulit ng pang-uri_. Halimbawa: Ang pamilya ang pinakamahalagang mayroon ang isang tao.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser