Tekstong Impormatibo (3) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa mga tekstong impormatibo sa Tagalog, na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang aspeto ng impormatibong pagsulat. Kasama dito ang mga elemento, layunin at iba pang uri ng tekstong impormatibo.
Full Transcript
D_ _ R _ O D_ K_YO_AR_O _ AG_Z_NE Tekstong impormatibo Tektong impormatibo Ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya,...
D_ _ R _ O D_ K_YO_AR_O _ AG_Z_NE Tekstong impormatibo Tektong impormatibo Ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa. ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO LAYUNIN NG MAY tekstong impormatibo. AKDA Maaring magkakaiba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang Maaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; masaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang nabuhuhay; at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon. PANGUNAHING IDEYA Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. Ginagamit ang organizational markers na nakatutulong upang Makita agad at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. PANULONG NA KAISIPAN Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila. MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI O KASAYSAYAN Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring personal na nasaksihan ng manunulat (balita) o hindi direktang nasaksihan (sulating pangkasaysayan). PAG-UULAT PANG- IMPORMASYON Ang pagsulat ng ganitong uring teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat. PAGPAPALIWANAG Ito ang uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay ng paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Karaniwan itong ginagamitan ng larawan,dayagram, o flowchart na may kasamang paliwanag. HALIMBAWA(Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng palaka at iba pa.) Maraming salamat!