Maikling Kwento: Mga Uri at Sangkap PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Bb. April Joy Magparangalan

Tags

maikling kwento panitikan filipino mga uri ng kwento

Summary

Ang dokumento ay isang gabay sa mga uri at sangkap ng maikling kwento sa Filipino. Tinatalakay nito ang mga elemento tulad ng tauhan, tagpuan, at banghay. Isang maikling pag-aaral para sa mga mag-aaral ng Filipino 9.

Full Transcript

FILIPINO 9 Bb. April Joy Magparangalan Maikling Kwento - isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na maaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos. Mga...

FILIPINO 9 Bb. April Joy Magparangalan Maikling Kwento - isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na maaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos. Mga Uri ng Maikling Kwento 1. Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad. 2. Kuwentong Tauhan - binibigayng diin nito ang tauhan. 3. Kuwentong Katutubong-Kulay -binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. 4. Kuwentong Sikolohiko - kwentong nakapokus sa damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitwasyon. 5. Kuwentong Talino -mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. 6. Kuwento ng Katatawanan -ang takbo ng pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari. 7. Kuwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. 8. Kuwento ng Kababalaghan -binibigyang diin nito ang mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao. 9. Kuwento ng Madulang Pangyayari -ang mga pangyayari ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan. 10. Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - - nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan. Mga Sangkap ng Maikling Kwento Tagpuan -pook o lugar na pinangyarihan ng kwento. Banghay -ang kabuuan ng isang kwento. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Tauhan -ng mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento. Mga Bahagi ng Maikling Kwento 1. Panimula -nilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala ang mga tauhan, pook at panahon ng kuwento sa mambabasa. 2. Saglit na Kasiglahan -naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas. 3. Suliranin ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin. 4. Tunggalian o Conflict -ito ay ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat sa kanya. 4 na Uri ng Tunggalian 1. Tao laban sa Tao - ang kinakalaban ng pangunahing tauhan ay ang mga tao sa kanyang paligid. 2. Tao laban sa Kalikasan -pilit na pinaglalaban ng pangunahing tauhan ang puwersa ng kalikasan. 3. Tao laban sa Sarili -ang kinakalaban ay ang mismong kanyang sariling paniniwala, prinsipyo, at palagay. 4. Tao laban sa Lipunan - ang kinakalaban ay maaaring ang mga pangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. 5. Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng mga pangyayari. 6. Kakalasan o Wakas - dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento at magkakaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip. https://junyorkwentistas.wee bly.com/ano-ang-maikling- kwento.html

Use Quizgecko on...
Browser
Browser