YUNIT 2 - GRAMATIKA AT RETORIKA PDF
Document Details
Mark L. Glodove
Tags
Summary
This document is a study guide on Tagalog grammar and rhetoric. It discusses various aspects of Tagalog grammar, including parts of speech, sentence structure, and common grammatical errors. The guide also includes examples and exercises to practice the concepts.
Full Transcript
ANG GRAMATIKA AT RETORIKA ni: Mark L. Glodove The difference between the right word and the almost right word is the difference between lightning and a lightning bug. -Mark Twain SPECIAL LUGAW AT TOKWA’T BABOY PAHIBALO! PALIHUG ISULOD SA PLASTIC BAG...
ANG GRAMATIKA AT RETORIKA ni: Mark L. Glodove The difference between the right word and the almost right word is the difference between lightning and a lightning bug. -Mark Twain SPECIAL LUGAW AT TOKWA’T BABOY PAHIBALO! PALIHUG ISULOD SA PLASTIC BAG ANG BASURA. Walang premyo sa dulo, ‘wag mag-unahan. Bawal umihi dito sa gate! “Sincerest apologies sa mga na- offend o sumama ang loob na hindi namin ito naperpekto. Sa ngayon po talaga ay hindi pa operational ‘yong pinaka-ideal naming quality assurance mechanism.” ANO BA ANG GRAMATIKA? Ang Gramatika ay bahagi ng Linggwistika na pinag-aaralan ang hanay ng mga patakaran at alituntunin na namamahala sa isang wika. Ang salitang “gramatika” ay galing sa wikang Latin na gramatika, at ito naman ay mula sa Greek γραμματική (grammatiqué), na nagmula sa γράμμα (gramma), na nangangahulugang 'titik', o 'nakasulat'. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi: 1. Ponetika o Ponolohiya – pag-aaral sa mga tunog ng bawat titik o ng salita at ang organisasyong pangwika ayon sa pagkakabigkas. 2. Morpolohiya - responsable para sa pagtatasa ng istraktura ng mga salita; at kung paano ang pagkakabuo ng mga salita. 3. Syntax – pag-aaral sa pagkakabuo ng mga pangungusap na may kahulugan gamit ang mga salita. Ang gramatika ay isang espesyalisadong disiplina. Ang masusing pag-aaral nito ay komplikado at nangangailangan ng mahabang panahon. Ang mga kaalaman at kasanayan sa gramatika ay ating naiaaplay sa ano mang diskurso, maaaring pasalita o pasulat. Malaking tulong ang gramatika upang mas maintindihan at maunwaan ang ating pagpapahayag. PAGPILI NG WASTONG SALITA Ang kalinawan ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang mga salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga pagkakataon na ang mga salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na gamitin. Pansinin natin ang mga sumusunod na halimbawa: Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibig ng bulkan. -bibig TAMA: Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bunganga ng bulkan. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita. -Paglamon TAMA: Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba. -Maarte TAMA: Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba. Tandaan din natin na sa wikang Filipino ay maraming salita na maaaring pare-pareho ang kahulugan subalit may kani- kaniyang tiyak na gamit sa pahayag. Halimbawa: daanan at pasadahan aalis, yayao, lilisan samahan, sabayan, saliwan, lahukan tumpok, pumpon May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo o paglumanay sa ating pagpapahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para rito. O ‘di kaya ay pamalit sa mga salitang taboo. Halimbawa: bulaklak sa halip na puke ibon sa halip na titi WASTONG GAMIT NG MGA SALITA NANG AT NG NANG ang gamitin bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at katumbas ito ng “when” sa Ingles. Halimbawa: Tulog na ang mga bata nang dumating ang kanilang ina. NANG ang gamitin sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit. Halimbawa: tapon nang tapon, kuha nang kuha, kanta nang kanta NANG ang gamitin kapag nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilagay sa pagitan ng pandiwa at ng pang-abay. (Sumasagot sa tanong na Paano?) Halimbawa: Nangaral nang mahinahon si Miss Reyes. Nag-aral nang mabuti si Dario. NG ang gamitin bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. (ng + Ano?) Halimbawa: Nag-aaral siya ng karate. Bumili siya ng pasalubong para sa mga bata. Nagtanim ng palay ang mga magsasaka. NG ang gamitin bilang pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. (ng + Sino?) Halimbawa: Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid. Ibinaling ng estudyante ang kanyang atensyon sa liksyon. NG ang gamitin kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. (ng + Kanino?) Halimbawa: Ang pera ng bayan ay kinurakot. Ang bahay ng milyonaryo ay naguho dahil sa lindol. KUNG AT KONG KUNG ang gamitin bilang pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap. Katumbas ito ng “if” sa Ingles. Halimbawa: Malulutas ang mga problema natin kung magsasama-sama at magtutulong-tulongan tayo. Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan. Ang KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan lamang ng ng. Katumbas ito ng “I” o “my” sa Ingles. Halimbawa: Gusto kong matutong mag-drive. Ikaw lamang ang tangi kong inaasahan. MAY AT MAYROON MAY ang gamitin kapag sinusundan ng pangalan. Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito. May virus ang flashdrive na hiniram ko. MAY kapag sinusundan ng pandiwa. Halimbawa: May pupuntahan ka ba mamaya? MAY kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May mahabang buhok si Olga. MAY kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari. Halimbawa: Bawat tao ay may kanya-kanyang katangian. MAYROON ang gamitin kapag may napapasingit na kataga (ingklitik) sa salitang sinusundan nito. Halimbawa: Mayroon pa bang natirang ulam? MAYROON ang gamitin bilang panagot sa tanong na may. Halimbawa: May pasok ka ba? – Mayroon MAYROON ang gamitin kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay. Halimbawa: Siya ay nagpanggap na mayroon sa kanilang paaralan. Ang mga Mondragon ay mayroon sa kanilang probinsya. SUBUKIN AT SUBUKAN Ang SUBUKIN ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay. Halimbawa: Ating subukin ang bisa ng lotion na ito. Ang SUBUKAN ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao. Halimbawa: Susubukan natin siya para malaman natin kung saan siya pupunta. PAHIRIN AT PAHIRAN; PUNASIN AT PUNASAN PAHIRIN ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay. PUNASIN kapag may tatanggaling tiyak na bagay sa bagay na tatanggalan ng kung ano. Halimbawa: Pahirin mo ang iyong pawis sa noo. Punasin mo ang uling sa iyong pisngi. PAHIRAN ay nangangahulugang paglagay ng isang bagay. PUNASAN kapag ang binanggit ay ang bagay na kailangang tanggalan ng kung ano. Halimbawa: Pahiran mo ng Vicks ang kanyang likod. Punasan mo ang iyong pisngi. OPERAHIN AT OPERAHAN Operahin – kung binanggit ang tiyak na parte ng katawan. Halimbawa: 1. Ooperahin ang mga mata ni Leo bukas. 2. Dok, sa Lunes ba ooperahin ang paa ni Maria? Operahan – kapag mismong tao ang tinutukoy. Halimbawa: 1. Inoperahan na si Leo kanina. 2. Si Maria ay ooperahan sa Lunes. DIN, DAW, AT RIN, RAW Din at Daw ang gamitin kung ang sinusundang salita nito ay nagtatapos sa katinig. Halimbawa: 1. Masakit daw ang kaniyang ulo. 2. Nakapagsulat din sa wakas ng aklat si Elma. Rin at Raw ang gamitin kung ang sinusundang salita nito ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na “w” at “y”. Halimbawa: 1. Si Vanessa ay katulad mo ring masipag. 2. Ikaw raw ang pipiliing lalahok sa beauty pageant. SUNDIN AT SUNDAN Sundin – to follow an advice Halimbawa: 1. Sundin mo ang mga utos niya sa ‘yo. 2. Sundin mo ang payo ko. Sundan – to follow where one is going, or what one does. Halimbawa: 1. Sinusundan niya ang mga palabas sa T.V. 2. Sundan mo ang kakaalis mong bisita baka maligaw. PAGBUO NG PANGUNGUSAP 1. Tiyakin ang timbang na ideya sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Di-timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater. Timbang: Matapos nagsitangis ay agad na nagsibalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater. Matapos nagsipagtangis ay agad na nagsipagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater. 2.Gawing parallel o pantay ang pangungusap. Di- parallel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng katawan. Parallel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng katawan. 3. Gawing nagkakaisa ang mga aspektong pandiwa. Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagsialisan at nagsiuwian na ang mga panauhin ko kanina. 4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan. Maraming kaisipan: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang buan at ang pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw. May isang kaisipan: Ang pagsasayaw at paglalaro ng taguan ng mga bata tuwing gabing walang buwan ay tunay na nakaaaliw. 5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at pantulong na sugnay. Hindi Malinaw: Ayaw ko iyon, hindi ko binili ang sumbrero. Malinaw: Ayaw ko sa sombrero kaya hindi ko iyon binili. 6. Gamitin ang tinig balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos. Mali: Binili ang relo ni Allan para kay Bernie. Tama: Ang relo ay binili ni Allan para kay Bernie. Binili ni Allan ang relo para kay Bernie. Mali: Si Emil ay kinuha ang hinog na papaya sa puno. Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Emil. Kinuha ni Emil ang hinog na papaya sa puno. 7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita. Halimbawa: Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko talaga. Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa ko. Malayo: Tinawag ni John ang aso nang malakas. Malapit: Malakas na tinawag ni John ang aso. 8. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap. Halimbawa: Di-karaniwang ayos: Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit niya. Karaniwang ayos: Ginagamit at minamahal niya ang sariling wika. Di-karaniwang ayos: Si Mark ay mabait na bata. Karaniwang ayos: Mabait na bata si Mark. MGA TALAMAK NA PAGKAKAMALI SA SOCIAL MEDIA 1. Paggamit ng NIYO sa halip na NINYO o N’YO Mali: Pamilya ang turingan niyo sa isa’t isa kahit hindi kayo kadugo. Tama: Pamilya ang turingan ninyo sa isa’t isa kahit hindi kayo kadugo. 2. Paggamit ng SAYO sa halip na SA IYO o SA ’YO Mali: Para sayo ang laban na ‘to. Tama: Para sa ‘yo ang laban na ‘to. 3. Pagkakamali sa paggamit ng SAKIN, SATIN, SAMIN, NAKO, KONA Mali: Ikaw na ang para sakin. Tama: Ikaw na ang para sa akin. / Ikaw na ang para sa ’kin. Mali: Satin ang kantang ito. Tama: Sa atin na ang kantang ito. / Sa ‘tin na ang kantang ito. Mali: Doon tayo magkita samin. Tama: Doon tayo magkita sa amin. / Doon tayo magkita sa ‘min. Mali: Nagising nako. Tama: Nagising na ako. / Nagising na ‘ko. Mali: Alam kona ang sagot. Tama: Alam ko na ang sagot. 4. Pagkakamali sa paggamit ng dalawang magkakasunod na ingklitik tulad ng NALANG, PARIN, NANAMAN, PARAW, NARIN, NARAW, NABA, PABA, at iba. Mali: Sa panahon ngayon, sahod nalang ang inaasam ng lahat. Tama: Sa panahon ngayon, sahod na lang ang inaasam ng lahat. Mali: Tapos na ang palabas pero nandito ka parin. Tama: Tapos na ang palabas pero nandito ka pa rin. Mali: Dito nanaman tayo. Tama: Dito na naman tayo Tandaan: Ang tama ay paghiwalayin ang dalawang magkasunod na ingklitik. Tulad ng NA LANG, PA RIN, NA NAMAN, PA RAW, NA RIN, NA RAW, NA BA, PA BA. MALING PAGGAMIT O ‘DI PAGGAMIT NG GITLING 1. Panlaping nagtatapos sa katinig + salitang nagsisimula sa patinig. Halimbawa: Pag-ibig, Nag-aral, Tig-anim Tandaan: Maaring mag-iba ang kahulugan ng mga ganitong salita kapag hindi ginitlingan tulad ng: Mag-isa / Magisa Mag-alis / Magalis Pang-ulo / Pangulo 2. Panlapi + Salitang Ingles Halimbawa: Nag-gym, Mag-quiz, Pa-selfie Tandaan: Mahirap bigkasin at posibleng walang kahulugan kung hindi ito gamitan ng gitling tulad ng: Niraid sa halip na Ni-raid Nirape sa halip na Ni-rape. Ngunit, kapag binago ang pagbabaybay o spelling ng salitang Ingles at ginawa ang pagbabaybay sa Filipino ay hindi na ginagamitan ng gitling. Halimbawa: Nagboksing Magdrowing Nagkompyuter 3. Salitang inuulit Halimbawa: Araw-araw Gabi-gabi Pana-panahon Isa-isa Tandaan: Hindi salitang inuulit ang Alaala dahil walang salitang “Ala”. Gayon din ang Paruparo, Guniguni, Laslas at iba pa. Ang salitang Iba-iba ay may gitling ngunit ang Iba’t iba ay hindi ginigitlingan dahil ‘yan ay pagpapaikli sa salitang Iba at iba kaya MALI ang Iba’t-iba. 4. Panlapi + Pangngalang Pantangi Halimbawa: Maka-Rizal Taga-Cagayan de Oro Nag-Jollibee Tandaan: Walang gitling ang Makabayan dahil hindi pangngaalang pantapi ang bayan. Gayon din ang Tagalalawigan, Taganayon, Makakalikasan, Makatao, at iba pa. 5. Tambalang Salita Halimbawa: Silid-aklatan Kapit-kamay Dalagang-bukid (tao) Tandaan: Kapag ang tamabalang salita ay mayroon nang bagong kahulugan, hindi na ito ginigitlingan tulad ng Bahaghari, Dalagambukid (isda). 6. Apelyido ng babae + Apelyido ng kanyang asawa Halimbawa: Mirriam Defensor – Santiago Beyonce Knowles – Carter Tandaan: Gagamit lamang ng gitling kung ang isang babae ay kilala o sikat na sa kanyang pangalan bago siya nakapag-asawa. 7. Panlaping + Simbolo ng Bilang Halimbawa: Ika-7 Ika-22 Tig-5 Tandaan: Hindi ginigitlingan kapag binabaybay ang bilang tulad ng: Ikapito Tiglima 8. Tambilang na Binabaybay Halimbawa: Sang-kapat / 1/4 Sang-katlo / 1/3 Tandaan: Kahit sa Ingles ay may gitling ang fractions tulad ng One-fourth, One-third.