WIKA - Tagalog Language Presentation PDF

Summary

This presentation outlines Tagalog language components, details levels of formality, and common vocabulary. It covers different structures and uses different Filipino vocabulary along with specific examples.

Full Transcript

WIKA WIKA Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. BALANGKAS NG WIKA Ponema Ponolohiya Morpema Morpolohiya Pangungusap Sintaksis Ponema – Makahulugang tunog ng i...

WIKA WIKA Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. BALANGKAS NG WIKA Ponema Ponolohiya Morpema Morpolohiya Pangungusap Sintaksis Ponema – Makahulugang tunog ng isang wika Ponolohiya – Makaagham na pag-aaral ng mga ponema Morpema – Mabubuong salita kapag pinagsama sama ang mga ponema. Morpolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Pangungusap – mabubuo kapag pinag-uugnay ang mga morpema / salita na nabuo. Sintaksis – makaagham na pag- aaral ng mga pangungusap. KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay masistemang balangkas 2. Ang wika ay sinasalitang tunog 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos 4. Ang wika ay arbitraryo 5. Ang wika ay ginagamit 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura 7. Ang wika ay nagbabago TUNGKULIN NG WIKA 1. Interaksyunal 2. Instrumental 3. Regulatori 4. Personal 5. Imahinatibo 6. Heuristik 7. Impormatib Interaksyonal -Nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan. Regulatori – kumokontrol at gumagabay sa kilos / asal ng iba Personal – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon Imahinatibo – Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa pamamagitan ng malikhaing paraan. Heuristik – Naghahanap ng mga impormasyon / datos Impormatibo – nagbibigay ng impormasyon / datos ANTAS NG WIKA 1. Pormal 2. Impormal Pormal – mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. a. Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. b. Pampanitikan/panretorika – mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pamapanitikan. Mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makukulay at masining. Impormal – Mga salitang karaniwang palasak, pang- araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag- usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. a. Lalawiganin- mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa particular na pook o lalawigan lamang. b. Kolokyal - mga pang-araw araw na salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal. c. Balbal – ito ang pinakamababang antas ng wika. PORMAL IMPORMAL Pampanitik Lalawigani Pambansa Kolokyal Balbal an n Ilaw ng Ina tahanan inang nanay ermat pera salapi kwarta pera datung

Use Quizgecko on...
Browser
Browser