Full Transcript

## Mga Layunin ng Panitikan 15. **Marksimo/Marxismo** - Layuning ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisi...

## Mga Layunin ng Panitikan 15. **Marksimo/Marxismo** - Layuning ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. 16. **Sosyolohikal** - Layuning ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. 17. **Bayograpikal** - Layuning ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga *"pinaka"* na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. 18. **Queer** - Layuning iangat at pagpantayin sa paningin sa lipunan sa mga homosexual. Kung ang babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay may queer 19. **Kultural** - Layuning ng panitikan na ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin ditto na bawat lipi ay natatangi. 20. **Feminismo-Markismo** - Layunin na ilantad ang iba't ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito'y kasamaan at suliranin ng lipunan. ## Sanggunian * Semorlan, T.P. (2014). Ang panitikan at kulturang Pilipino. Quezon City: C & E Publishing Inc. * Villafuerte, P. V. (2000). Panunuring pampanitikan: Teorya at pagsasanay. Valaenzuela City. Mutya Publishing House, Inc. * Villena, J. V. (2016). Panitikan sa Pilipinas: Alinsunod sa talakay sa OBE. Manila: Mindshapers Co., Inc.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser