URBANA at FELIZA (Grade 8) Filipino Past Paper PDF

Document Details

PAREF Woodrose School

Romulo P. Baquiran

Tags

Filipino literature Filipino Language Philippine culture Education

Summary

This document is a handout for a Filipino literature class, specifically grade 8. It features excerpts from the story "Urbana and Feliza" by Romulo P. Baquiran while including questions for the students to answer, showing the Filipino Language and Philippine culture.

Full Transcript

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Filipino (Grade 8) SY 2024-2025 URBANA at FELIZA Pangalan: ____________________________________ Baitang 8 Seksyon: ____...

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Filipino (Grade 8) SY 2024-2025 URBANA at FELIZA Pangalan: ____________________________________ Baitang 8 Seksyon: ____ Sa Eskuwelahan Si Urbana kay Feliza, Manila 31 FELIZA: Itong mga huling sulat ko sa iyo na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba’y aral kay Honesto, ay pinauunawa ko na di sa sariling isip hinango, kundi may siniping mga kasulatan, at ang karamihan ay aral na tinatanggap ko kay Dona Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa eskuwela namin, kaya ibig ko disin, na sa mga kamag-anak, sa mga eskuwela sa bayan at mga baryo, ay magkaroon ng mga salin at pag-aralan ng mga bata. Ipatuloy ko ang pagsasaysay ng mga kahatulan.1 32 Si Honesto, bago pa sa eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama’t kay ina; sa lansangan, huwag makikialam sa mga pulong at away na tinatamaan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manlilibak sa kapwa-bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag mawika ng tao na walang pinag-aralan sa magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan ay nagpupugay, at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukod. Pagdating sa bahay ng Maestro ay magpupugay, magbibigay ng magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit sa harap ng mga santong larawan na pinagdadasalan ng mga eskuwela, hihinging tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutong gumawa ng kabanalan, at maisaulo ang leksyong pinag-aralan. Kung sa eskuwela may pumasok na saserdote, kapitan, mahal na tao o matanda, ay tumindig, magbigay ng magandang araw, o magandang hapon, at huwag uupo hanggang hindi ping-uutusan. Ang galang na ito’y huwag ikahihiyang gawin, sapagkat ang kagalangan ay kapurihan ng gumagalang at di sa iginagalang. Ang batang may bait at dunong ay kapurihan ng magulang, at ang kanyang kilos, pangungusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal ng nagturong magulang. Pinagpilitan mo na huwag katamarang pag-aralan ang leksiyon; kung di matutuhan, ay magtanong sa kapwa eskuwela o sa maestro kaya, huwag mahihiya, sapagkat kung hiyas ng isang marunong ang sumangguni sa bait ng iba, ay kapurihan naman ng isang bata ang magtanong sa marunong sapagkat napahahalata na ibig matuto’t maramtan ang hubad na isip ng karununga’t kabaitan; kung di agad matutuhan ang leksiyon, ay huwag mabubugnot magtiyagang mag-aral, sapagkat ang karunungan ay bunga ng katiyagaan. Kung di tinatanong ng maestro, ay huwag sasagot, at kung magtatanong ay tumindig muna, at saka sumagot. Gayon din ang gagawin sa matanda o ginoong kausap. 33 Pagbilinan mo na huwag magpahalata sa kapwa eskuwela na siya’y nananaghili sa marikit na gayak, karunungan, kayamanan, kamahalan ng kapwa bata, sapagkat magiging kapintasan sa kanyang asal. Sa kapwa bata, huwag magsasalita ng nangyayari sa bahay, nang ikamumura sa kapwa tao, at sa bahay naman ay huwag ipapanhik ang makikita sa eskuwela, sa lansangan at sa bahay ng iba, lalo na kung nauuwi sa paninira ng puri; at kung sakali mag-upasala sa tao ay sawayin at kung umuli pa’y parusahan. 34 Kung sakaling makarinig sa kapwa bata ng mura sa magulang o kamag-anak na may bait, ay ipagtatanggol nang banayad at matuwid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim nang di pagmulan ng pag-aaway. Turuan mong makipagsundo si Honesto sa kapwa bata, huwag manampalasang magmura, manungayaw, at kung sakali’t may lumapastangan sa kanya ay ipagtatanggol ang katwiran nang banayad na wika, at kung sakaling nauukol na isumbong sa maestro, ay huwag daragdagan, huwag magparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang makapanghiganti, sapagkat ang manghiganti ay angat sa kamahalan ng asal. Kung siya’y magsasalita’t ayaw paniwalaan ng kasalitaan ay huwag patotohanan ng sumpa, sapagkat ang manumpa sa walang kabuluhan ay tanda ng kabulaanan. Sa eskuwela kung may makitang kakanin ay huwag pangahasang kain hanggang di pag-utusan at nang di pagwikaang matakaw. Sa anumang utos nang maestro at ayon samakatwid ay umalinsunod at kung sakali’t maparusahan ay huwag mabubugnot, matamisin sa loob ang parusa’t nang huwag makitaan ng kapalaluan. Kung makapagleksiyon na’t pahintulutan ng maestro na umuwi, ay lumakad nang mahusay, huwag palinga-linga, magpatuloy umuwi sa bahay at pagdating ay magdasal, at pagkatapos ay humalik sa kamay ni ama’t ni ina, at gayon din ang gagawin sa hapon. Sabihin mo kay ina, na di sila nililimot sa harapan ng Diyos, at malayo man ako ay hinihintay ko ang kanilang bendisyon: Adiyos, Feliza, hanggang sa isang sulat. — URBANA ___________ Halaw sa: Baquiran, Romulo P. (ed.). (1996). Pagsusulatan nang dalauang binibini na si Urbana at Feliza. Sentro ng Wikang Filipino Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas, National Culture and the Arts. Panuto: Sikaping mabigyan ng sagot o paliwanag ang bawat tanong sa pag-unawa ng teksto. 1. Para sa talata 31: Saan hinango ni Urbana ang kanyang itinurong aral sa kanyang kapatid na si Feliza at Honesto? 2. Para sa talata 32: a.) Alin sa mga itinurong aral ni Urbana kay Honesto ang nananatiling isinasaasal pa ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon? b.) Alin sa mga aral ang hindi na gaanong ginagawa? a. b. 3. Para sa mga talata 33 at 34: Alin sa mga aral ni Urbana ang gusto mong ituro rin sa iyong sarili? Kopyahin ang pangungusap na ito at bigyan ng repleksiyon sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap. Aral na Napili: Repleksiyon:

Use Quizgecko on...
Browser
Browser