Araling Panlipunan Q1 PDF

Summary

This document is a social studies module for the first quarter. It includes questions and answers related to social studies topics.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 1: MGA ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Tagakontekstwalisa: ADEMAR P. FAMADOR Master Teacher 1, Pit-os National High School 1...

10 Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 1: MGA ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Tagakontekstwalisa: ADEMAR P. FAMADOR Master Teacher 1, Pit-os National High School 1 Module Mga Isyu at Hamong 1 Panlipunan Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu Subukin Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin. Pagpipilian: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. A. Lipunan B. Bansa C. Komunidad D. Organisasyon 2. Ang institusyong panlipunan kung saan dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. A. Paaralan B. Simbahan C. Pamilya D. Pamahalaan 3. Ito ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan, isa rin itong institusyong panlipunan. A. Paaralan B. Simbahan C. Pamilya D. Pamahalaan 4. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. 2 A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo 5. Mula sa tahanan hanggang sa mga lugar na patutunguhan maaaring may makasalubong kang traffic aide, may madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil sa abala na dulot ng ginagawang kalsada. Maaaring may makita ka ring mga anunsyo ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga tungkulin ng anong institusyong panlipunan? A. Paaralan B. Simbahan C. Pamilya D. Pamahalaan 6. Ito ay tumutukoy sa isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. A. Isyung personal C. Isyung panlipunan B. Sociological imagination D. Sociological analysis 7. Ito ay mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya at ang solusyon nito ay nasa kamay ng indibiduwal. A. Isyung personal C. Sociological imagination B. Isyung panlipunan D. Sociological analysis 8. Ito ay mga isyung pampubliko na karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan at nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. A. Isyung personal C. Isyung panlipunan B. Sociological imagination D. Sociological analysis 9. Tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. A. Social groups B. Institusyon C. Status D. Gampanin 10. Ayon sa sosyologong ito, “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain kumikilos at nagbabago. A. Emile Durkheim C. Karl Marx B. Charles Cooley D. Charles Wright Mills 11. Sinabi naman niya na “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. A. Emile Durkheim C. Karl Marx B. Charles Cooley D. Charles Wright Mills 12. Ayon sa ulat ng National Statistics Board noong 2013, ay mataas ang unemployment rate ng Pilipinas lalo sa NCR, CARAGA at MIMAROPA. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO? A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas. B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan D. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin 3 13. Marami tayong mababasang patakaran o signboards tulad ng Bawal Tumawid, No U-turn at marami pang iba. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura? A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo 14. Ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan? A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi. B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang. C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan. D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal. Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015) Sanggunian: http://michaelamacan.blogspot.com/2015/09/tugon-ng-mga- kabataan-sa-mga-isyu-ng.html Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap. 15. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan? A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan 4 A. Aralin 1 – Istrukturang Panlipunan Upang maging lubos ang iyong pagkaalam sa mga isyu at hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan, mahalaga na maunawaan mo muna ang lipunan na iyong ginagalawan. Makakatulong ito sa pagtingin mo ng obhektibo sa mga isyu at hamong panlipunan. Alamin Magandang araw sa iyo, masinop naming mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalamang matututunan mo tungkol sa Isyu at Hamong Panlipunan. Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto, kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: A. natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito; B. nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito; at C. nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan. Panimulang Gawain Larawan-Suri: Suriin ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling pagpapakahulugan. Larawan 1: Editorial Cartoon Tungkol sa Corruption Sanggunian: Philippine Daily Inquirer: 2012 1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan? 2. Maituturing mo ba itong isyung panlipunan ? Bakit? 3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan? Tuklasin at Suriin Ang Lipunan Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at 5 pagpapahalaga. Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga sosyologo tungkol sa lipunan. Ilan sa kanila ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley. Tunghayan ito sa sumusunod na pahayag. Ang Lipunan ayon kay G. Karl Marx "Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan."(Panopio, 2007) Hindi lang pagbabago ang ipinapakita sa larawan, pati na ang pag-aagawan sa limitadong pinagkukunang yaman tulad ng lupain sa isang lunsod, kung saan epekto nito ay ang paglobo presyo ng lupain at ang tunggalian kung sino ang maunang bumili. Ang Lipunan ayon kay G. Emile Durkheim "Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin."(Mooney, 2011) Ang Lipunan ayon kay G. Charles Cooley "Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan maayos na interaksiyon ng mga mamamayan."(Mooney, 2011) Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang dalawang mukha ay magkaiba at may kani- kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan. 6 MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN INSTITUSYON SOCIAL GROUPS SOCIAL STATUS GAMPANIN Ang institusyon Tumutukoy ang social Ang status ay Tumutukoy ang ay group sa dalawa o higit tumutukoy sa mga gampaning ito organisadong pang taong may posisyong sa mga karapatan, sistema ng magkakatulad na kinabibilangan obligasyon, at mga ugnayan sa katangian na ng isang inaasahan ng isang lipunan. nagkakaroon ng indibiduwal sa lipunan na Halimbawa: ugnayan sa bawat isa lipunan. kaakibat ng Pamilya at bumubuo ng isang posisyon ng Paaralan ugnayang panlipunan. indibiduwal. Secondary Ascribed Achieved Primary binubuo ng mga Nakatalaga sa Nakatalaga sa tumutukoy indibiduwal na may isang indibiduwal indibiduwal sa sa malapit at bisa ng kaniyang impormal na pormal na ugnayan sa simula nang siya isa’t isa. ay ipinanganak pagsusumikap ugnayan ng Maaaring mabago mga Halimbawa: Hindi kontrolado ng indibiduwal indibiduwal Ugnayan ng amo at ng indibiduwal Halimbawa: ang kaniyang Halimbawa: manggagawa achieved status Ugnayan ng guro at Kasarian – Pamilya Halimbawa: mag-aaral Babae o lalaki Kaibigan Guro - Principal Katuturan ng Kultura Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Dalawang Uri ng Kultura Materyal Di-Materyal Binubuo ito ng mga gusali, Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, likhang-sining, kagamitan, at iba paniniwala, at norms ng isang grupo ng pang bagay na nakikita at tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, nahahawakan at gawa o nilikha hindi ito nahahawakan subalit ito ay ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga maaaring makita o maobserbahan. Ito bagay na ito ay may kahulugan at ay bahagi ng pang-araw-araw na mahalaga sa pag-unawa ng pamumuhay ng tao at sistemang kultura ng isang lipunan. panlipunan. (Mooney, 2011). 7 Mga Elemento ng Kultura Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo. Mga Elemento ng Kultura Pagpapahalaga Paniniwala Norms Simbolo Maituturing Tumutukoy ito Tumutukoy ito Ang simbolo ay itong batayan sa mga sa mga asal, ang paglalapat ng isang grupo kahulugan at kilos, o gawi na ng kahulugan o ng lipunan sa paliwanag binuo at sa isang bagay kabuuan kung tungkol sa nagsisilbing ng mga taong ano ang pinaniniwalaan pamantayan sa gumagamit katanggap- at tinatanggap isang lipunan. dito. tanggap at na totoo. Halimbawa: kung ano ang wika hindi. Batayan gestures ito kung ano ang tama at Mores Folkways Tumutukoy sa Ang folkways ay mali, mas mahigpit na ang batayan ng pangkalahatang pagkilos. Ang batayan ng kilos paglabag sa mga ng mga tao sa mores ay isang grupo o sa magdudulot ng isang lipunan sa mga legal na kabuuan. parusa (Mooney, 2011). Isaisip Ngayong natutunan mo na ang kahulugan ng lipunan, huwag mong kalimutan na ito’y parang isang barya na may dalawang magkaibang mukha pero hindi pwedeng hiwalayin. Una, ang elemento ng istrukturang panlipunan tulad ng mga sumusunod:__________________________,_____________________________,_____________ _____________________________. Ikalawa, ang mga elemento ng kultura tulad ng; ___________________. ___________________________, _____________________________ at _____________________________. 8 Isagawa o Pagyamanin Basahin ang sipi sa ibaba at sagutin ang mga katanungan na susunod dito. Isulat lamang ang sagot sa inyong papel. Ang Tunggalian ng Dalawang Magkaibigan hango sa Talumpati ni Pangulong Osmeña sa paggunita Makikita sa larawan ang dalawa sa magiging pinakamahalagang tao sa Pilipinas, sina dating pangulong Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña Sr. na naliligo sa isang sapa. Kilala ang tunggaliang Quezon at Osmeña mula pa noong sila ay magkaibigan pa lamang ngunit hindi ito naging hadlang upang mapamahalaan nila ang Komonwelt ng Pilipinas. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, noong 1943 sanay matatapos na ang termino ni Quezon bilang Pangulo ng Pilipinas at si Osmeña ang papalit sa kanya, hindi sumang-ayon si Quezon na bumaba sa puwesto, dahil sa mga panahong ito ay ang kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ipinatapon ang Komonwelt ng Pilipinas sa Amerika. Ayon kay Quezon hindi nararapat magkaroon ng ganoong pagbabago sa kritikal na panahong ito. Naging magkasalungat ang kani-kanilang pananaw sa isyu. Dumulog si Osmeña sa kay US Attorney Cummings na sumang-ayon sa kanya dahil mas nararapat ito. Hiningi naman ni Quezon ang opinion ni Pangulong F.D. Roosevelt na iminungkahing hayaan na lang ang opisyal ng komonwelt na lutasin ang problemang ito. Nagpatawag ng meeting si Quezon upang malutas ang isyu, siang-ayunan ni komisyoner JM Elizalde ang mungkahing palawigin ang termino ni Quezon na salungat sa mungkahi ni Osmeña. Pagkatapos ng pagpupulong linapitan ni Osmeña si Quezon at iminungkahing pupunta siya sa Kongreso ng Estados Unidos at hihinging isabatas ang pagpapalawig ng termino ni Quezon hanggang matapos ang digmaan at magbalik sa normal ang lahat. Pamprosesong tanong: 1. Paano ipinakita ni Sergio Osmeña Sr. at Manuel L. Quezon ang kanilang pagkakaibigan? 2. Sa iyong naintindihan naging masama ba ang tunggalian nilang dalawa? 3. Ikaw, naranasan mo na bang may katunggali? Sa pagiging “First Honor?” sa pagsinta? O sa kahit anong patimpalak? Ano ang iyong naramdaman ng nakamit mo ang iyong kagustuhan? Ano naman ang pakiramdam mo noong hindi mo ito nakamit? 4. Maituturing ba na STATUS ang pagiging “First” o pagiging “TAKEN”? 9 B. Aralin 2 – Isyung Personal at Isyung Panlipunan Alamin Magandang araw na naman sa inyo butihin naming mag-aaral. Para sa isang mahusay ninyong pagkatutu na makatulong sa isang obhektibong pagtingin sa kasunod nating talakayan, kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: A. maipaliwanag ang kahulugan ng Sociological imagination; B. napahalagahan ang kaalaman tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan; C. nasusuri ang mga sitwasyon na may kinalaman sa mga isyung personal at isyung panlipunan. Panimulang Gawain Gawain 1. Larawan- Suri : Ang gawaing ito ay naglalayong masuri mo ang mga iba’t ibang isyung panlipunang kinahaharap mo o ng ibang mga indibiduwal. Tingnang mabuti ang larawan at sagutin ang sumusunod na katanungan. Sources: Sunstar.com, Philstar.com Pamprosesong mga Tanong: 1. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na? Ano ang iyong naramdaman? 2. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang Suliraning Personal at Suliraning Panlipunan? Ipaliwanag. Sagutin ito gamit ang chart. 10 Suliraning Personal Suliraning Panlipunan Paliwanag Paliwanag 3. Ano ano sa mga suliraning nabanggit ang mahirap uriin kung ito ba ay suliraning personal o panlipunan? Ipaliwanag. 4. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan? 5. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan? Tuklasin at Suriin Isang pampublikong usapin ang isyung panlipunan. Samakatuwid, nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan. Karaniwang ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Walang maituturing na iisang depinisyon ang suliraning panlipunan subalit lubusang maunawaan ito gamit ang Sociological Imagination. Ang Sociological Imagination Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig-lugar. Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng malawakang suliraning pantrapiko. Isyung Personal at Isyung Panlipunan Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal at isyung panlipunan? Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. 11 Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura. Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na “isyung panlipunan”. Sa malalim na pagtingin, maaaring maging kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dito. Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan. Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Isaisip Gawain 2. Gamit ang venn diagram, ay maari mong mas lantarang maipakita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan. Isyung Isyung Personal Panlipunan 12 Isagawa o Pagyamanin Gawain 3. Pangatuwiranan mo! Basahin ang mga sitwasyon. Ipaliwanag ang sanhi at epekto ng bawat sitwasiyon gamit ang Sociological Imagination. Pagkatapos, punan ng tamang sagot ang kahon ng paglalahat. 1. Sitwasyon: Ayon sa istatistiks, labing limang milyong Pilipino ang walang trabaho. Paliwanag: ____________________________________________________________________ 2. Sitwasyon: Isang mag-aaral ang nahihirapang gumawa ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan. Paliwanag: ____________________________________________________________________ 3. Sitwasyon: Dahil sa biglang paglakas ng ulan, malaking bahagi ng komunidad ang bumaha. Paliwanag: ____________________________________________________________________ 4. Sitwasyon: Ayon sa pinakahuling tala, umaabot na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa mahigit 70, 000. Paliwanag: ____________________________________________________________________ Paglalahat: Kung gayon masasabi ko na ang isyung panlipunan ay _________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Tayahin Panuto: Isulat ang titik ng TAMANG sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa lipunan? A. Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. B. Isang teritoryo na may mga naninirahang grupo ng tao na may kultura, sariling wika, relihiyon at lahi C. Isang hanay, samahan o isang pangkat ng mga indibidwal, maaari silang maging tao, hayop o anumang iba pang uri ng buhay, na nagbabahagi ng mga elemento, katangian, interes, pag-aari o layunin na magkatulad. D. Grupo o pangkat ng mga tao o bansa na nagkasundo-sundo sa iisang layunin. 2. Ano ang papel ng pamilya bilang institusyong panlipunan? A. Dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. B. Pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan C. Ito ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan D. Sila ang nagsisilbing tagapamahala kung maayos at maunlad ba ang ekonomiya ng bansa at ungkulin nilang siguruhin na mayroon at wasto ang produksiyon ng mga produkto at serbisyo na kinakailangan ng mga mamamayan. 13 3. Alin sa mga sumusunod ang ginagampanan ng paaralan bilang institusyong panlipunan? A. Dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. B. Pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan C. Ito ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan D. Sila ang nagsisilbing tagapamahala kung maayos at maunlad ba ang ekonomiya ng bansa at ungkulin nilang siguruhin na mayroon at wasto ang produksiyon ng mga produkto at serbisyo na kinakailangan ng mga mamamayan. 4. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo 5. Ano ang mahalagang papel ng pamahalaan na kanyang ginagampanan bilang institusyong panlipunan? A. Dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. B. Pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan C. Ito ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan D. Sila ang nagsisilbing tagapamahala sa kaayusan sa mga daan at lahat ng mga pampublikong istruktura at guwagawa ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan. 6. “Isang mag-aaral sa grade 10 ang palaging naghintay ng sponsors ng mga sagot sa kanyang mga modyul.” Gamit ang sociological imagination, ano ang pinaka sapat na paliwanag sa ibinigay na sitwasyon? A. Tamad kasi ang mag-aaral na ito. B. Talagang mahina sa klase ang mag-aaral na ito at pumasa lang dahil sa awa ng guro. C. Di na kaya niyang basahin at sagutan ang kanyang mga modyul dahil napilitan siyang magtrabaho pagkatapos ma stroke ang ama at kailangan naman niyang makasama sa moving-up. D. Nakaugalian na ng mag-aaral na yan ang mangopya sa mga pagsusulit nung panahon pa ng face to face classes. 7. Ito ay mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya at ang solusyon nito ay nasa kamay ng indibiduwal. A. Isyung personal C. Sociological imagination B. Isyung panlipunan D. Sociological analysis 8. Ito ay mga isyung pampubliko na karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan at nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. A. Isyung personal C. Isyung panlipunan B. Sociological imagination D. Sociological analysis 9. Ito ay tumutukoy sa posisyon ng bawat indibiduwal sa loob ng isang social group na nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. 14 A. Social groups B. Institusyon C. Status D. Gampanin 10. Ayon sa sosyologong ito, “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain kumikilos at nagbabago. A. Emile Durkheim C. Karl Marx B. Charles Cooley D. Charles Wright Mills 11. Sinabi naman niya na “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan’. A. Emile Durkheim C. Karl Marx B. Charles Cooley D. Charles Wright Mills 12. Ayon sa ulat ng National Statistics Board noong 2013, ay mataas ang unemployment rate ng Pilipinas lalo sa NCR, CARAGA at MIMAROPA. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO? A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas. B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan D. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin 13. Bilang isang indibidwal at mag-aaral, ano ang inyong pinakamahalang tungkulin o gampanin para maging bahagi sa solusyon laban sa pandemyang ating nararanasan sa ngayon? A. Hikayatin ang aking mga magulang na magpabakuna para maiwasan ang masamang epekto ng covid-19. B. Isuot nang tama ang face mask at face shield bawat paglabas at iwasan ang pakikipagkumpolan sa maraming tao. C. Isama sa panalangin na sanay maging masunurin na ang lahat sa ibinigay na health protocols ang IATF at LGUs. D. Hikayatin ang ibang mag-aaral na mag shift sa modular- digital mode of learning at manatili lang sa loob ng bahay habang meron pang pandemya. 14. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng isyung panlipunan? A. Ang pagkahawa ni Ricky sa Delta variant ng COVID-19 dahil sa hindi niya pagsunod sa health protocol gaya ng tamang pagsuot ng face mask at face shield. B. Ang pagdami na naman ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas dahil sa paglagabag ng karamihan sa mga health protocols tulad ng pag- obserba sa social distancing, at tamang pagsuot ng face mask at face shield. C. Ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng Olympic gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo Olympics bunga ng kanyang determinasyon at matinding pagsasanay. D. Ang hindi pagpapabakuna ni Randy bilang epekto sa mga negatibong isyu at fake news tungkol sa bakuna. 15 Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015) Sanggunian: http://michaelamacan.blogspot.com/2015/09/tugon-ng-mga- kabataan-sa-mga-isyu-ng.html Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap. 15. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan? A.Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan Karagdagang Gawain Gawain 4. Ako ay Kabahagi Punan ang kahon ng isang isyu o hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan at isulat ang iyong bahagi sa pagkakaroon at pagtugon sa isyu o hamon sa pamamagitan ng pagkompleto sa nilalaman ng pangungusap. Isyu/Hamong Panlipunan ______________________________________________________ Ang aking bahagi sa Ang aking bahagi sa pagkakaroon ng ganitong pagtugon sa ganitong isyu/hamong panlipunan ay isyu/hamong panlipunan ay ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ 16 Sanggunian http://wpcontent.answcdn.com/wikipedia/en/thumb/1/1c/Charles_Cooley.png/220px Charles_Cooley.png https://www.officialgazette.gov.ph/1945/08/19/speech-of-president-osmena-on-the-occasion-of- president-quezons-birthday-august-19-1945/ http://www.philosophybasics.com/photos/marx.jpg Sanggunian: Salaverria, 2017. TheJakartaPost.com. Retrieved Learners’ Module – Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu Teacher’s Guide – Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu https://media.philstar.com/photos/2020/02/11/psntoon_2020-02-11_21-39-33.jpg https://www.sunstar.com.ph/uploads/images/2020/05/20/228407.jpg https://media.philstar.com/photos/2019/07/18/psntoon_2019-07-18_22-00-01.jpg https://media.philstar.com/photos/2020/04/04/oped_2020-04-04_19-25-30.jpg 17

Use Quizgecko on...
Browser
Browser