Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 1 PDF

Summary

This document is a study guide for 8th-grade students in the Philippines, focusing on physical geography. It covers topics such as the structure of the earth and the five themes of geography. The document includes questions and examples for practice.

Full Transcript

8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Heograpiyang Pisikal ng Daigdig Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiyang Pisikal ng Daigdig Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaar...

8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Heograpiyang Pisikal ng Daigdig Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiyang Pisikal ng Daigdig Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Michael M. Mercado Editor: Michael V. Lorenzana Tagasuri: Michael V. Lorenzana Joan A. Noble Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Patricia Ulynne F. Garvida Patricia S. Montecillo Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] ii Alamin Magandang araw sa iyo. Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang paksang “Heograpiyang Pisikal ng Daigdig”. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod: Aralin 1 – Katuturan ng Heograpiya Aralin 2 – Limang Tema ng Heograpiya Aralin 3 – Katangiang Pisikal ng Daigdig: Estruktura ng Daigdig Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency - MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Naipaliliwanag ang konsepto at tema ng heograpiya; 2. Nailalarawan ang heograpiya at estruktura ng daigdig; 3. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig batay sa estruktura nito (MELC); at 4. Nailalahad ang mga hakbang sa pagtugon sa epekto ng heograpiya sa tao. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Mahalaga ang heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Anong mga titik ang may kaugnayan sa konsepto ng heograpiya? A. Hindi binibigyang pansin sa heograpiya ang likas na yaman. B. Pinag-aaralan sa heograpiya ang katangiang pisikal ng isang lugar. C. Limitado ang pag-aaral ng mga anyong lupa at tubig sa heograpiya. D. Madalas gamitin ang timeline sa pagtukoy ng kinaroroonan ng bansa. 2. May limang tema sa pag-aaral ng heograpiya. Ano ang temang inilalarawan sa pahayag na “Matatagpuan ang Pilipinas sa 15 Hilagang Latitud at 120 Silangang Longhitud”? A. Lokasyon C. Paggalaw B. Lugar D. Rehiyon 3. “Ang daigdig ay natatanging planeta sa solar system.” Alin sa sumusunod ang may wastong pagpapatunay sa nabanggit na pahayag? A. Ang daigdig ay may orbit. B. Ang daigdig ay umiinog sa araw. C. Ang daigdig ay binubuo ng mga bato. D. Ang daigdig ay tirahan ng mga species. 4. Ano ang patunay na patuloy na gumagalaw ang mga bahagi ng daigdig sa ilalim ng lupa? A. Puro kapatagan lamang ang anyong lupa ng daigdig. B. May mga naitalang lindol sa mga kontinente ng daigdig. C. Nagaganap ang pagyanig dahil sa pag-inog ng daigdig sa araw. D. Patuloy ang paghuhukay ng mga tao upang maitayo ang gusali. 1 5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong hakbang upang makatugon sa epekto ng heograpiya sa tao? A. Bilangin kung akma ang bilang ng araw sa pag-inog ng mundo. B. Gawin ang nararapat na paghahanda upang maging ligtas sa lindol. C. Araling mabuti ang mga bahagi ng daigdig at iba’t ibang sphere nito. D. Paghusayan ang koneksyon ng limang tema ng heograpiya sa daigdig. Modyul Heograpiyang Pisikal ng 1 Daigdig Mahalaga ang gampanin ng heograpiya sa kasaysayan at pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Malawak ang impluwensiya nito sa paghubog ng mauunlad na pamayanan at patuloy na pamumuhay ng mga tao mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ang mga dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng daigdig. Balikan Unawain ang dayagram sa ibaba. Ipinakikita sa signal diagram ang mga bumubuo sa Araling Panlipunan bilang isang asignatura. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang iyong masasabi sa mga saklaw na paksa sa Araling Panlipunan mula sa mababang signal hanggang pataas? 2. Ano ang paksa sa Araling Panlipunan na iyong pinag- aralan noong nakaraang taong- aralan? 3. Lumawak ba ang iyong pag- aaralan sa Araling Panlipunan ngayong taon? Bakit mo nasabi? Tuklasin Habang ikaw ay naka-internet, nakita mo ang balita tungkol sa West Valley Fault at ipinakita ang mapa ng NCR. Ayon sa balita, ang West Valley Fault ay kabilang sa Marikina Valley Fault System na lumalandas sa ilang lungsod sa NCR. Ang fault o parang mga bitak ng malalaking bato sa ilalim ng lupa ay maaaring magdulot ng sakuna sa mga apektadong lugar. Kunin ang kuwaderno at sagutin ang mga tanong. 2 1. Ano ang simbolo ng West Valley Fault sa mapa ng NCR? 2. Ano-anong lungsod sa NCR ang bahagi ng West Valley Fault? 3. Ano ang maaaring mangyari kung sakaling gumalaw ang West Valley Fault? 4. May kaugnayan ba ang West Valley Fault sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig? Bakit mo nasabi? Pinagkunan: http://nrcp.dost.gov.ph/feature-articles/279-the-big-one- part-2 https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d7/Desktop_comp uter_clipart_-_Yellow_theme.svg Suriin Katuturan ng Heograpiya Kakambal ng kasaysayan ang heograpiya. Naging matagumpay ang mga sinaunang tao sa kanilang pamumuhay dahil sa mahusay nilang pakikiangkop sa heograpiya ng kanilang lugar. Nagmula ang heograpiya sa mga salitang “geos” at “graphia” na nangangahulugang “daigdig” at “paglalarawan”. Kung gayon, ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal at pantao ng isang lugar o bansa. Nasa ibabang dayagram ang mga paksang pinag-aaralan sa heograpiya. Kabilang sa tinatalakay sa heograpiya ang kinaroroonan o lokasyon ng isang lugar. Sa tulong ng mapa at globo, madaling natutukoy ang mga lugar at bansa sa daigdig gamit ang mga imahinasyong guhit, mga karatig-bansa at katubigang nakapaligid sa isang bansa. Pinagtutuonan din sa pag-aaral ng heograpiya ang mga anyong lupa at tubig ng bansa o kontinente. Gayundin ang taglay nitong likas yaman at behetasyon o vegetation. Tumutukoy ang behetasyon sa kolektibong species ng mga halaman sa isang partikular na lugar o rehiyon. 3 Limang Tema ng Heograpiya Ang heograpiya ay pag-aaral ng tungkol sa pisikal at pantaong katangian ng daigdig. Tinatawag na heograpo o geographer ang mga taong dalubhasa sa pag- aaral ng heograpiya. Iba’t iba ang mga pinag-aaralan sa heograpiya. Dahil dito, isinaayos ng mga heograpo ang pag-aaral ng heograpiya sa limang tema upang mas madaling maunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang pinaninirahan. Ipinakikita sa dayagram ang Limang Tema ng Heograpiya. Lokasyon – Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng anomang lugar sa daigdig. May dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon: Lokasyong Absolute na ginagamitan ng mga linyang latitud at longhitud, at Relatibong Lokasyon kung saan ang mga karatig-bansa at nakapaligid na anyong tubig ang mga batayan sa pagtukoy ng lokasyon ng isang bansa o lugar. Pinakamabisa ang paggamit ng mapa at globo sa pagtukoy ng mga lokasyon ng bansa o lugar. Pinagkunan: https://pixabay.com/vectors/world-map-robinson- projection-globe-42641/ Lugar – Ito ay tumutukoy sa katangiang pisikal at kultural na paglalarawan ng isang lokasyon. Ang bawat lugar ay may natatanging katangiang heograpikal tulad ng uri ng klima, anyong lupa at tubig, at behetasyon. Halimbawa naman sa katangiang kultural ng isang lugar ay wika, relihiyon, populasyon, at paraan ng pamumuhay ng mga naninirahang tao. Nakaaapekto ang Look ng Maynila sa pag-unlad ng ekonomiya ng Maynila at karatig-lugar dahil sa mainam ang Pinagkunan: https://pixabay.com/photos/manila- look bilang daungan ng mga kalakal. city-manila-bay-big-city-1709394/ Rehiyon – Ito ay tumutukoy sa pinagsama-samang lugar na may natatangi at magkakatulad na katangian. Kabilang dito ang pisikal at kultural na katangian ng rehiyon. Gayundin sa aspektong politikal at ekonomikal nito. Halimbawa ng rehiyon ay Timog Silangang Asya, Africa, at Latin America. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran – Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng tao at kaniyang kapaligiran. Nagkakaroon ng interaksiyon ang mga tao sa kapaligiran kapag nililinang nila ang likas yamang matatagpuan sa kanilang lugar. May interaksiyon din kapag nakikiayon ang mga tao sa mga panahong may mga likas na panganib at sakunang dulot ng kalikasan. Paggalaw – Ito ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao, iba pang species, mga bagay, at maging kaisipan mula sa pinagmulang lugar nito patungo sa ibang lugar. Kabilang din sa paggalaw ang mga likas na penomenon tulad ng ulan at ihip ng hangin. 4 Estruktura ng Daigdig Ang daigdig na tinatawag ding mundo ay natatanging planeta sa solar system. Tumutukoy ang planeta bilang isang celestial object na may axis at umiinog sa isang bituin. Sa solar system, tinatawag na araw ang bituin nito kung saan umiinog ang mga planeta at iba pang celestial object. Binubuo ang solar system ng walong planeta, dwarf planets, mga buwan, asteroid, kometa, at meteoroid. Natatangi ang daigdig sa mga planeta ng solar system. Ito lamang ang nag-iisang planeta na nakapagpapanatili ng buhay dahil sa mainam na puwesto nito sa araw. Taglay din ng daigdig ang mga likas na elemento na kinakailangan upang makapanatili ng buhay tulad ng hangin, tubig at iba pa. Makikita sa ibaba ang solar system kabilang ang daigdig na pangatlong planeta umiinog sa araw. Bilang planeta, ang daigdig ay may hugis na oblate spheroid at may kabilugan sa equator o circumference na umaabot sa 40,066 kilometro. Tinatayang ang daigdig ay may edad na 4.6 bilyong taon. Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng 365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 na segundo. Ang lawak ng kalupaan ng daigdig ay umaabot sa 148,258,000 kilometro kuwadrado o 29.1% ng kabuoang lawak ng ibabaw ng daigdig. Samantalang ang lawak ng katubigan ay tinatayang may 361,419,000 kilometro kuwadrado o 70.9% ng kabuoang lawak ng ibabaw ng daigdig. Ang daigdig ay may tatlong bahagi: ang core, mantle, at crust. Ang core ay ang pinakamalalim at sentro ng planetang daigdig. Binubuo ito ng nga elementong bakal at nickel. Nahahati ang naturang layer sa Inner core na isang solidong bahagi at Outer core na likidong bahagi ng core. Samantalang ang mantle ay nasa pagitan ng core at crust. Ito ang may pinakamalaking bahagi sa loob ng planetang daigdig. Ang crust ang pinakabalat ng daigdig. Dito matatagpuan ang mga kalupaan at katubigan ng daigdig. Naninirahan sa bahagi ng crust ang mga tao kabilang ang mga species na halaman, hayop, at iba pang organismo. Ang daigdig ay may atmosphere. Ito ang itaas na bahagi ng crust na binubuo ng iba’t ibang uri ng gas. Ilan sa mga gas na nasa atmosphere ay nitrogen (78%), oxygen (21%), argon, carbon dioxide, neon, helium at iba pa. Mayroon din itong iba’t ibang layer na makikita sa larawan. Karaniwang lumilipad ang mga eroplano sa bahagi ng Troposphere. Mayroon ding ozone layer ang atmosphere na nagbibigay-proteksiyon sa ultraviolet rays ng araw. Tinatawag namang lithosphere ang bahaging kalupaan ng daigdig tulad ng mga kontinente at seafloor o lupain sa ilalim ng dagat. Ang hydrosphere ang bahagi ng katubigan ng daigdig. Kabilang dito ang mga karagatan, dagat, ilog, lawa at iba pang anyong tubig. Patuloy na nagbabago at gumagalaw ang kalupaan ng daigdig. Ang mga lupa at bato sa crust ay nahahati sa malalaking piraso na tinatawag na “tectonic plates”. Nasa ibabaw ng crust ang mga kontinente at karagatan ng daigdig. Samantala, sa ilalim ng crust ay ang magma o mga maiinit at tunaw na bato. Ito ang dahilan kung bakit gumagalaw ang ibabaw ng lupa at karagatan. Ito rin ang sanhi ng pagbitak ng mga bato na tinatawag na fault o hangganan ng mga tectonic plate. 5 Makikita sa mapa ang tectonic plates ng daigdig. Ang pinaka- malaki sa mga ito ay ang Pacific at Antarctic Plates. Ang biglaang paggalaw ng mga plate ay may malaking epekto sa mga lupain at karagatan ng daigdig. Higit na malakas ang paggalaw na mararanasan sa mga lugar na dinadaanan ng fault at kalapit-lugar nito. Ang mga paggalaw na ito ay nararanasan ng mga tao sa pamamagitan ng mga paglindol. Ayon sa naitalang kasaysayan, ang pinakamalakas na lindol ng ika-20 siglo ay naganap sa bansang Chile noong 1960. Umabot sa magnitude 9.5 ang lakas ng pagyanig. Sa Larawan ng mga nasirang kabahayan sa Chile noong 1960. Pilipinas, ang lindol sa Luzon noong Hulyo 16, 1990 ay naitala bilang isa sa pinakamapaminsalang lindol sa Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File: bansa na umabot sa 7.8 magnitude. May 1200 katao ang Valdivia_after_earthquake,_1960.jpg nasawi sa lindol at mahigit 10 bilyon pisong halaga ng mga ari-arian ang napinsala. Pagyamanin Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Heograpiyang Pisikal ng Daigdig”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na. Gawain 1.1 Pagtukoy ng Ilustrasyon. Unawain ang mga ilustrasyon. Tukuyin ang hinihinging kaalaman sa bawat bilang. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot. Gawain 1.2 Pagsuri ng Datos. Tukuyin ang epekto ng sumusunod na katangiang pisikal ng daigdig sa mga tao at iba pang organismo. Gayahin ang tsart at isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 6 Isaisip Gawain 1.3 Tinalakay sa modyul na ito angheograpiyang pisikal ng daigdig. Unawain ang sumusunod na tanong at sagutin ang mga ito. Isagawa Gawain 1.4 Info-Poster Making. Ikaw ay kasapi ng Expert Group na nagsasaliksik tungkol sa mga paglindol sa Pilipinas. Inatasan kang ibahagi ang iyong nalalaman sa mga dapat gawin ng mga tao kapag naganap ang isang malakas na lindol sa National Capital Region (NCR). Ito ay bilang paghahanda sa balitang “The Big One” o isang mapaminsalang lindol lalo na sa mga lugar na malapit sa West Valley Fault. Ikaw ay gagawa ng isang poster na naglalaman ng mga paghahanda at mga dapat gawin kapag naganap ang isang lindol. Isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan: 1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng bond paper, pangkulay, lapis at mga panulat. 2. Sundin ang mga bahagi ng gagawing Info-Poster: a. Pamagat ng poster b. Layunin ng poster c. Mga paghahanda at dapat gawin upang maging ligtas sa lindol d. Mga larawan kung maaari 3. Ibahagi ang gawang poster sa miyembro ng pamilya, kaibigan, o kamag-aral, mapa-online o offline. 4. Nasa ibaba ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito. Rubriks sa pagmamarka ng gawain: Pamantayan Puntos Wasto ang nilalaman at angkop sa panuto ng gawain. 15 Malinaw at organisado ang gawang poster. 8 Mahusay ang paglapat ng kulay, larawan, at orihinal ang gawa. 5 Nakapagbahagi ng gawang poster. 2 Kabuuan 30 7 Tayahin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel. 1. Ang daigdig ay isa sa mga planeta ng solar system. Anong katangian ng daigdig ang natatangi kung ihahalintulad sa ibang planeta? A. May sariling orbit at buwan ang planetang daigdig. B. Mayroong organismong nabubuhay sa ibang planeta. C. Nasa Solar System ang daigdig habang umiinog sa araw. D. Perpekto ang hugis at laki ng daigdig kumpara sa ibang planeta. 2. Pinag-aaralan sa heograpiya ang katangiang pisikal ng isang lugar. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa heograpiya? A. Inaral ni Christian ang epekto ng klima sa pamumuhay ng tao. B. Ginamit ni Gina ang mapa at globo sa pagtukoy ng lokasyon ng bansa. C. Tinukoy ni Carlo ang sampung pinakamatataas na bundok sa daigdig. D. Kinilala ni Marie ang mga tanyag na pinuno ng mga dinastiya sa China. 3. May mga nagaganap na lindol sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang karaniwang dahilan ng penomenong ito? A. Dahil ito sa paggalaw ng mga tectonic plate B. Dahil ito sa kawalan ng kahandaan ng mga tao C. Dahil ito sa hugis ng daigdig na oblate spheroid D. Dahil ito sa banggaan ng lithosphere at hydrosphere 4. Binubuo ng limang tema ang pag-aaral ng heograpiya. Anong tema ang inilalarawan sa sitwasyong “Dapat na magtungo sa mas mataas na lugar kapag panahon ng pag-apaw ng tubig sa ilog”? A. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran C. Paggalaw B. Lokasyon D. Rehiyon 5. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod na hakbang ang hindi nararapat gawin upang makatugon sa epekto ng heograpiya ng sariling lugar? A. Makiayon sa klima at panahon na nararanasan sa sariling lugar. B. Ihanda ang sarili kung sakaling maganap ang pagyanig sa lugar. C. Manirahan sa mga lugar na ligtas at may makukuhang kabuhayan. D. Hayaang mangibabaw ang likas na panganib na dulot ng kalikasan. Karagdagang Gawain Gawain 1.5 Pagsasaliksik. Maliban sa iyong napag-aralan, kumuha ng karagdagang datos tungkol sa daigdig bilang isang planeta. Ilan sa mga mungkahing datos ay nasa ibaba. Magbigay din ng pagkakataong maibahagi ang nakuhang datos sa mga kamag-aral, online man o offline session kung nararapat na. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 8 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2 Heograpiyang Pisikal ng Daigdig Ikalawang Bahagi Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pisikal ng Daigdig: Ikalawang Bahagi Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Michael V. Lorenzana Editor: Lorna June S. Vallano Tagasuri: Michael M. Mercado Joan A. Noble Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Patricia Ulynne F. Garvida Patricia S. Montecillo Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] ii Alamin Magandang araw sa iyo. Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang ikalawang bahagi ng “Heograpiyang Pisikal ng Daigdig”. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod: Aralin 1 – Klima ng Daigdig Aralin 2 – Mga Kontinente Aralin 3 – Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig ng Daigdig Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Natutukoy ang mga salik sa pagkakaiba ng klima sa daigdig; 2. Natatalakay ang mga katangiang pisikal ng mga kontinente sa daigdig; 3. Nailalarawan ang mga tanyag na anyong lupa at anyong tubig sa daigdig; 4. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (MELC); at 5. Napahahalagahan ang ginagampanan ng katangiang pisikal ng daigdig sa buhay ng mga tao sa kasalukuyan. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon? A. bagyo B. hangin C. klima D. panahon 2. Ano ang tawag sa dambuhalang masa ng lupain? A. bansa B. karagatan C. kontinente D. plate 3. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamalaking kontinente sa daigdig batay sa sukat at laki nito? A. Africa B. Antarctica C. Asya D. Australia 4. Anong kilalang kabundukan ang naghihiwalay sa kontinente ng Asya at Europe? A. Andes Mountains C. Hindu Kush Mountains B. Himalayas Mountains D. Ural Mountains 5. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran? A. Nakaaapekto ang katangian ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao. B. Naiimpluwensiyahan ng kapaligiran ang uri ng halamanan at klima sa isang lugar. C. Binabago ng kapaligiran ang katangiang pisikal ng isang lugar batay sa paggalaw ng mga tectonic plate. D. Hinuhubog ng kapaligiran ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng hayop na namumuhay sa isang lugar. 1 Modyul Heograpiyang Pisikal 2 ng Daigdig: Ikalawang Bahagi Sa modyul na ito ay iyong matutunghayan ang pagpapatuloy ng talakayan hinggil sa katangiang pisikal ng daigdig. Ito ay sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga natatanging katangian ng mga kontinente sa daigdig. Pagtutuonan mo rin ng pansin ang naging impluwensiya ng kalagayang heograpikal ng kapaligiran sa pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Balikan Buoin ang dayagram sa pamamagitan ng iyong pagsagot sa kasunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1 – 2. Ito ang mga salitang pinanggalingan ng heograpiya. 3. Ano ang heograpiya? 4 – 8. Ano-ano ang tema ng heograpiya? 9 – 11. Ito ang estruktura ng planetang daigdig. Tuklasin 2 Suriin Klima ng Daigdig Ang klima (climate) ay tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang lugar at ito ay tumatagal sa mahabang panahon. Samantala, ang panahon (weather) naman ay naglalarawan sa pabago-bagong kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa loob ng isang araw. Mayroong apat na salik na nakaiimpluwensiya sa uri ng klima sa isang lugar o rehiyon. Ang mga ito ay ang distansiya mula sa karagatan, taas mula sa sea level, latitud, at topograpiya. Ang nararanasang temperatura sa isang lugar o rehiyon ay batay sa pagiging malapit nito sa karagatan o dahil sa malamig na hangin mula sa ocean current. Ang distansiya o taas mula sa sea level ay nakaaapekto rin sa uri ng klima ng isang lugar. Habang tumataas ang elebasyon ng isang lugar mula sa sea level ay bumababa ang lebel ng temperatura. Ayon sa mga eksperto, sa bawat 1,000 talampakan na taas ng elebasyon ng isang lugar ay bumababa ang temperatura ng -15.83° celcius. Hinati ng mga heograpo ang daigdig sa tatlong pangunahing sonang pangklima batay sa lokasyon o latitud ng isang lugar o rehiyon sa mundo: sona ng mababang latitud, gitnang latitud, at mataas na latitud. Ang sona ng mababang latitud o tinatawag ding sonang tropikal ay matatagpuan mula 0° latitud o ekwador hanggang 23 ½° hilagang latitud at 0° latitud mula ekwador hanggang 23 ½° timog latitud. Nararanasan sa sonang ito ang napakainit na klima na kung saan ang mga lugar sa bahaging ito ay nararanasan ang direkta sinag ng araw sa loob ng isang taon. Sa sona ng gitnang latitud o kilala ring sonang temparate o katamtaman ay matatagpuan mula 23 ½° hilaga/timog latitud hanggang 66 ½° hilaga/timog latitud. Sa sonang ito ang mga bansa ay nakararanas ng katamtamang klima, hindi masyadong mainit kapag tag-init, hindi masyadong malamig kapag taglamig. Ang sonang frigid naman ay tinatawag ding sonang polar o mataas na latitud. Matatagpuan ang sonang polar o mataas na latitud ay matatagpuan sa 66 ½° hilaga/timog latitud hanggang hilaga/timog Polo. Nararanasan ang napakalamig na klima sa mga lugar na kabilang sa sona ng mataas na latitud. Mababa ang lebel ng temperatura sa mga lugar na mabubundok samantalang umiinit ang temperatura habang pababa patungong kapatagan. Bunsod ng pagkakaiba-iba ng klima sa daigdig, naaapektuhan ng mga pagkakaibang ito ang uri ng mga hayop at halaman na nabubuhay sa bawat panig ng daigdig. Gayundin ang uri ng halamanan o vegetation sa bawat rehiyon sa daigdig. Inaasahang mas maraming species sa mga lugar na may mainam na klima at kakaunti ang bilang ng mga species sa mga maiinit o malalamig na lugar. Ang mga Kontinente Makikita sa mapa ang mga kontinente ng daigdig. Tinatawag itong kontinente dahil sa dambuhalang masa ng lupa sa ibabaw ng katubigan ng daigdig. Mapapansin mong may mga kontinente na magkakaugnay o magkakadikit samantalang ang iba naman ay pinaghihiwalay ng mga karagatan. Ang mga kontinente ng daigdig ay Asya, Africa, Pinagkunan: Europe, North America, South America, https://www.flickr.com/photos/blatantworld/5052373414 Antarctica, at Australia (na kabilang sa Oceania kung isasama ang iba pang pulo sa Pacific na malapit sa Australia.) Paano ba nabuo ang mga kontinente sa daigdig? Ang mga kontinente sa daigdig ay pinaniniwalaang nagmula sa isang supercontinent na nagkahiwa-hiwalay papalayo sa isa’t isa. Ito ay ayon sa teorya ng Continental Drift na ipinanukala ni Alfred 3 Wegener ng Germany noong 1912. Batay sa pag-aaral ni Wegener, tinatayang 200 milyong taon na ang nakararaan, ang daigdig ay binubuo lamang ng isang supercontinent na tinawag niyang “Pangaea”. Hango ito sa salitang Greek na ang ibig sabihin ay “all earth”. Napalilibutan ito ng isang karagatang tinawag na Panthalassa. Pagkaraan ng ilang milyong taon ay nahati ang Pangaea sa dalawa: ang Laurasia at Gondwana. Sa paglipas pa ng maraming milyong taon ay patuloy na nagiwa-hiwalay ang mga masa ng lupa hanggang sa maging mga kontinente ng kasalukuyang panahon. Maraming siyentista ang naniniwalang patuloy pa ring gumagalaw ang mga kontinente ng daigdig. Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:S%C3%BCperk%C4%B1ta_olu%C5%9Fum.png GURSOY SAU 20 ASYA Ito ang pinakamalaking kontinenteng sa daigdig batay sa lawak at sukat ng kalupaan nito. Ito ay may kabuoang sukat na 44,614,000 kilometro kuwadrado na katumbas ng sangkatlong bahagi (1/3) ng buong lupain ng daigdig. Mga hangganan: sa hilaga ay Rehiyong Arctic at Bering Strait, sa silangan ay Bering Sea at Pacific Ocean, sa timog ay Timor Sea, Indian Ocean at Arabian Sea, at sa kanluran ay Red Sea, Mediterranean Sea, Bosporus at Dardenelles Straits, Caspian Sea, Black Sea, Caucasius Mountains, at Ural Mountains. Ang Ural Mountains ang naghihiwalay sa Europe at Asya. Matatagpuan sa Asya ang Bundok Everest na pinakamataas na bundok sa mundo. Ang Himalayas ang pinakamataas na bulubundukin sa daigdig. Maraming tanyag na ilog sa Asya. Ilan dito ay ang Tigris-Euphrates sa Iraq, Indus River sa India, at ang Yangtze at Huang-ho sa China. Nasa Asya ang Indonesia na pinakamalaking kapuluan sa daigdig. Ang pinakamalaking bansa sa Asya ay ang China. Ang Asya ay may kabuoang populasyon na 4,601,370,000 noong 2019. AFRICA Ang Africa ay pangalawa sa may pinakamalaking kontinente sa daigdig na may kabuoang sukat na 30,218,000 kilometro kuwadrado. Mga hangganan: sa hilaga ay Mediterranean Sea, sa silangan ay Red Sea at Indian Ocean, sa timog ay Southern Ocean, at sa kanluran ay Atlantic Ocean. Matatagpuan sa Africa ang Sahara Desert ang pinakamalaking disyerto sa daigdig o halos ¼ ng lupain ng Africa ang sakop nito. Ang Mt. Kilimanjaro ang pinakamataas na bundok sa Africa. Nahahati ang Africa sa mga rehiyong Sahara, Sahel, Savanna, at Tropical. Ang Nile River sa Egypt ang kinikilalang pinakamahabang ilog sa daigdig. Ang Algeria ang pinakamalaking bansa sa Africa. Ang Africa ay may kabuoang populasyon na 1,308,060,000 noong 2019. 4 EUROPE Ang Europe ay may kabuoang sukat na 10,180,000 kilometro kuwadrado. Mga hangganan: sa hilaga ay Arctic Ocean, sa silangan ay Ural Mountains, sa timog ay Mediterranean Sea at Black Sea, at sa kanluran ay Atlantic Ocean. Ang Mt. Elbrus ng Russia ang pinakamataas na bundok sa Europe. Ang Volga River ng Russia at Danube River ng Eastern Europe ang mahahabang ilog dito. Umabot sa 747,598,300 ang kabuoang populasyon ng Europe noong 2019. NORTH AMERICA Ang North America ay ang pangatlo sa pinakamalaking kontinente sa daigdig na may kabuoang sukat na 24,709,000 kilometro kuwadrado. Mga hangganan: sa hilaga ay Arctic Ocean, sa silangan ay Atlantic Ocean, sa timog ay Caribbean Sea at Panama Canal, at sa kanluran ay Pacific Ocean. Ang Hudson Bay ang pinakamalaking look sa North America. Binubuo ang North America ng mga nagyeyelong lugar sa hilaga at malalawak na kagubatan, bukirin at kapatagan sa ibang bahagi ng kontinente. Ang Canada ang pinakamalaking bansa dito at mayroong 591,693,100 na populasyon ang North America. SOUTH AMERICA Ang South America ay ang pang-apat sa pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay may kabuoang sukat na 17,840,000 kilometro kuwadrado. Mga hangganan: sa hilaga ay Carribean Sea at Panama Canal, sa silangan ay Atlantic Ocean, sa timog ay Southern Ocean, at sa kanluran ay Pacific Ocean. Matatagpuan sa South America ang Andes Mountains na pinakamahabang bulubundukin sa daigdig. Kilala rin sa South America ang Titicaca Lake sa Peru at Bolivia, Amazon River sa Brazil, Atacama Desert sa Chile. Ang Brazil ay ang pinakamalaking bansa sa South America. Umabot naman sa 430,463,100 ang kabuoang populasyon ng South America noong 2019. AUSTRALIA Ang Australia ay ang pinakamaliit na kontinente ng daigdig na may kabuoang sukat na 8,600,000 kilometro kuwadrado. Mga hangganan: sa hilaga ay Timor Sea, sa silangan ay Pacific Ocean, sa timog ay Southern Ocean, at sa kanluran ay Indian Ocean. Ang Oceania ay binubuo ng Australia at iba pang mga karatig-pulong bansa nito. Tanyag sa Australia ang Great Barrier Reef na pinakamalaking grupo ng coral reef sa buong daigdig. Ang populasyon ng Australia ay 42,632,000 noong 2019. ANTARCTICA Ang Antarctica ay ang panlima sa pinakamalaking kontinente sa daigdig na may kabuoang sukat na 14,000,000 kilometro kuwadrado. Matatagpuan ang Antarctica sa South Pole at pinalilibutan ito ng Southern Ocean. Ang Antarctica ang pinakamalamig na kontinente dahil natatakpan ng makakapal na yelo ang buong kontinente. Walang permanenteng mamamayan o residente sa Antarctica maliban sa mga siyentista at mananaliksik sa rehiyon. Matatagpuan dito ang hindi mabilang na species tulad ng penguin, seal at iba’t ibang uri ng seabirds. Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Ang topograpiya ay pag-aaral sa kaanyuang pisikal ng ibabaw ng daigdig na binubuo ng mga anyong lupa at anyong tubig kabilang ang mga likas na yaman at iba’t ibang species ng halaman, hayop at ibon. 5 Pagyamanin Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Heograpiyang Pisikal ng Daigdig”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na. Gawain 2.1 SSKK Chart. Kompletuhin ang nilalaman ng tsart batay sa nakatalang sitwasyon. Gayahin sa papel ang tsart at itala ang iyong mga sagot. 6 Gawain 2.2 MapTinik. Gamit ang mapa, tukuyin ang mga kontinente sa bilang 1 hanggang 7. Tukuyin naman ang mga karagatan para sa bilang 8 hanggang 12. Sa simbolong araw naman ay tukuyin ang mga hangganan ng mga kontinente. Isaisip Kumusta ka? Sagutin ang mga tanong sa pisara. Gawain 2.3 1. Ano ang klima? Tinalakay sa 2. Bakit magkakaiba ang uri ng klima sa modyul na ito ang daigdig? heograpiyang 3. Ano ang continental drift theory? pisikal ng daigdig. Paano nabuo ang mga kontinente sa Unawain ang daigdig? sumusunod na 4. Paano nagkakaiba-iba ang katangian tanong at sagutin ng mga kontinente sa daigdig? ang mga ito. 5. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng katangiang pisikal ng daigdig sa buhay ng mga tao sa ngayon? Bakit? Isagawa Gawain 2.4 GeoNews Reporting. Ikaw ay gaganap bilang isang tagahatid ng balita sa tanyag na news program sa bansa. Ang paksa na iyong ibabalita ay tungkol sa isang kontinente ng daigdig. Sundin ang sumusunod na panuntunan. 1. Gawing gabay ang tsart sa pagsulat ng draft script para sa isasagawang pag-uulat. 2. Ihanda ang script na tatagal mula 2 - 3 minuto. 3. Unawain ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng gawain. 7 Rubriks sa pagmamarka ng gawain: Pamantayan Puntos Nagpakita ng pang-unawa sa balita. Angkop ang mga impormasyong nakapaloob 10 sa balita. Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa balita. 10 Kabuuan 20 Tayahin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel. 1. Ang sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa pagkakaiba-iba ng klima sa daigdig maliban sa isa, ano ito? A. bilang ng hayop at halaman C. taas mula sa sea level B. latitude D. topograpiya 2. Alin sa sumusunod ang may pagkakatulad ng katangian batay sa paglalarawan na nasa loob ng saknong? A. Australia at Europe (batay sa populasyon) B. Africa at North America (batay sa uri ng klima at topograpiya) C. Asya at Pacific Ocean (batay sa laki) D. Antarctica at Arctic Ocean (batay sa lokasyon) 3. Ito ay isang tanyag na dagat na nagsisilbing likas na hangganan ng Asya, Africa, at Europe. Ano ito? A. Bering Sea B. Caribbean Sea C. Mediterranean Sea D. Red Sea 4. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng mga kontinente at karagatan sa daigdig? A. Ang North America at South America ay parehong hugis tatsulok. B. Ang Pacific Ocean ang nagsisilbing hangganan ng North America, South America, Europe, at Africa. C. Ang kaanyuang pisikal ng Africa at South America ay maituturing na isang jigsaw puzzle. D. Ang lokasyon ng Antarctica at Arctic Ocean ay parehong matatagpuan sa polar regions. 5. Paano mo mapahahalagahan ang ginampanang papel ng katangiang pisikal ng daigdig sa buhay ng mga tao mula noon hanggang sa kasalukuyan? A. Iwasang puntahan ang mga bansang nakararanas ng mainit na klima. B. Magsagawa ng protesta sa mga bansang patuloy na gumagamit ng enerhiyang nukleyar. C. Makipagtulungan sa ibang bansa upang masugpo ang terorismo. D. Gamitin nang wasto ang mga likas na yamang taglay ng isang lugar na hindi naisasakripisyo ang pangangailangan ng susunod na hererasyon. Karagdagang Gawain Gawain 2.5 GeoPrivilege Speech. Ikaw ay itinalagang lider ng isang samahan ng mga kabataan sa inyong barangay na magbigay ng isang privilege speech na magtatalakay tungkol sa ugnayan ng pag-aaral ng heograpiya sa pamumuhay ng mga tao sa paglaganap at pagsugpo sa COVID-19 pandemic. 8

Use Quizgecko on...
Browser
Browser