YUNIT II Pagproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagpoproseso ng impormasyon para sa komunikasyon. Tinatalakay nito ang mga proseso at mga instrumentong ginagamit. Ito ay isang mahalagang konsepto sa komunikasiyon.

Full Transcript

Ang pananaliksik at ang komunikasyon sa ating buhay Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay...

Ang pananaliksik at ang komunikasyon sa ating buhay Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa. ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. (Webster) proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002) isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. (Greene at Petty) ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha, at pakikipagtalastasan sa kapuwa ang mga kaalamang natutuhan natin mulasapag-oobserba at pagsusurisalipunan. na ibinabahagi din natin sa kapwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao at ating kapaligiran, at sa midya. Ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo nating kaalaman at napanday nating karunungan. Ang kaalaman ay makapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa harapang pakikipag-usap sa kapuwa o pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at talab ng mga ibinabahaging kaalaman na nakabatay sa malalim at malawak na pagsususuri at pagtatahi ng impormasyon. Sa kasalukuyang panahon kung kalian laganap ang kultura ng pang madling midya at virtual na komunikasyon, mas madali nang magpakalat ng tinatwag na disinformation, na mas kilalang fake news. Bahagi ng mataas na antas ng literasing pangmidya ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang midya sa ating lipunan. Walang anumang midya at teksto ng midya na values free. Ang klase ng midya, ang wika at naratibong itinampok dito, ang estraktura at daloy ng kuwento, ang mga tunog at imahen na ginawang representasyon ng realidad, at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral – bagkus may sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolohiya, at kapangyarihang sosyal, kultural, at ekonomik. Ayon kay na Maxwell McCombs at Donald Shaw, ang pangmadalang midya ang nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko. George Gerbner, ang midya lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakakatakot. Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahan nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabing “ang midyum ay ang mensahe.” Dapat isaalang-alang ang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon, ang konsteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan ng impormasyon. Kung si Stuart Hall, ang midya ay nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan. Ang maling pamamaranan ay humahantong sa palso at di angkop na datos. Kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wika ng pag-unawa at pagpapaunawa. Tandaan hindi lamang paggawa ng tesis o papel pantermino isinasabuhay ang metikolosong pagproprosesos ng impormasyon. Mahalaga rin ito sa pagbuo ng anumang harapang pakikipag- ugnayan. Kailangang maging responsible sa harap man o ginagamitan ng midya. Maiisakatupran ang responsableng pagbabahagi o pagpapahayg ng kalaman sa pamamagitan ng masigasig na pananaliksik. Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon Isang maingat at detalyadong pag- aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham. Marami sa malalaking katanungan ng mundo ay nabibigyang linaw ng pananaliksik. Kaya naman may ilang bagay na dapat isaalang- alang ang isang mananaliksik bago pumili ng batis ng impormasyon para sa pagbuo ng kaalamang ipapahayag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik Dapat malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang buong kaalaman. Kailangang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon. San Juan (2017), ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o suliraning panlipunan na maaring pagmulan ng makabuluhang adyendang pananaliksik. Una, “magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba”. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino. Ikalawa, “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya narcis ng Netherlands at diva- portal.org ng Sweden. Ikatlo, “magdebelop ng katiwa- tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects. Ikaapat, “bigyang prayoridad ang Filipiniasayon na lalong maitaas ang edukasyon at ang mga programang gradwado. Ikalima, “atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas.” Mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982) para sa maka- Pilipinong pananaliksik Una, iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. Pangalawa, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga kababayan. Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa kanila. Mulaan ng Imporsyon: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isyu, penomeno, o panlipunang realidad. Primaryang Batis Sekundaryang Batis Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomena. Mula sa harapang ugnayan sa kapwa tao 1.Pagtatanong tanong 2.Pakikipagkuwentuhan 3.Panayam o interbyu 4.Pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturadong talakayan; 5.Umpukan 6. Pagbabahaybahay Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko 1.Awtobiyograpiya 2.Talaarawan 3.Sulat sa koreo at email 4.Tesis at disertasyon 5.Sarbey Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko 6.Artikulo sa journal 7.Balita sa diyaryo, radio, at telebisyon; 8.Mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng pulongkopya ng batas at kasunduan, taunangulat, at pahayagang pang- organisasyon. Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko 9. Orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament 10. Talumpati at pananalita; at 11. Larawan at iba pang biswal grapika Mula sa iba pang batis 1.Harapan o online na survey. 2.Artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera, kagamitan, at damit; 3.Nakarecord na audio at video, 4.Mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon. Mula sa iba pang batis 5.Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet at 6.Mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video Ito ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomino. 1.Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editoryal kuro kurong tudling, sulat sa patnugot, at tsimis o tsika 2.Encyclopedia 3.Teksbuk 4.Manwal at gabay na aklat 5.Diksyonaryo at tesoro 6.Kritisismo 7.Komentaryo 8.Sanaysay 9.Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto 10.Abstrak 11.Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at 12.Sabi-sabi Maaaring pumili ang mananaliksik ng mahigit sa isang batis ng impormasyon para maging hitik sa datos ang binubuo nyang kaalaman, makumpara at mapatotoo niya ang mga katunayan sa bawat batis, at magalugad niya ang iba’t ibang sulok at anggulo ng paksang sinusuri Dahil sa marami ang posibleng batis ng impormasyon, kailangang piliin ang angkop sa paksa, layon, at disensyo ng pananaliksik Sa pagsangguni sa isang espesipikong primaryang batis, maging pamilyar sa paalala ng mga bihasang mananaliksik na gumamit na nito. Iwasan ang nalathala sa mga tinatawag na predatory journal na hindi kinikilala sa akademya bilang kapani- paniwala at katiwa-tiwalang sanggunian Maaari namang sumangguni sa mga teksbuk sa pagbalangkas ng depinisyon ng mga salita, lalo na ng mga teknikal na katawagan Kapuwa-tao Bilang Batis ng Sa pagpili ng mga Impormasyon kapuwa-tao bilang batis ng impormasyon, kailangang timbangin ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag- ugnayan Kapuwa-tao Bilang Sa harapang ugnayan sa Batis ng kapuwa-tao, sinasadya, Impormasyon tinatanong, at kinakausap ng mananaliksik ang mga indibidwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito, o kaugnay nito sa iba’t ibang dahilan Kapuwa-tao Bilang Batis ng Impormasyon Sa mediadong ugnayan naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapuwa-tao sa pamamagitan ng ICT Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan: 1.Maaaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid 2.Makapagbigay ng angkop na tanong (follow-up question) sa kaniya 3.Malinaw niya agad ang sagot 4.Maoobserbahan ang kanyang berbal at di berbal na ekspression Bentahe naman sa mediadong ugnayan 1. Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malayong lugar sa anumang oras at pagkakataon kung kalian nila maisisingit ang pagresponde 2.Ang makatipid sa pamasahe at panahon 3.Ang mas madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung may elektronikong Sistema na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos Midya bilang Kung pipiliin ang midya bilang batis ng batis ng impormasyon, kailangan ding pag-isipang impormasyon mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, ang angkp na uri ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya. Paglubong sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng impormasyon, kailangang paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan at datos. Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik kung kaya inaasahang natukoy na ito ng mananaliksik bago pa man siya pumili ng batis ng impormasyon Kwantitatibong disenyo palasak ang pamamaraang sarbey na ginagamitan ng talatanungan at eksperimento na may pretest at post test. Kwalitatibong disenyo malawak ang pagkakaiba iba ng mga pamamaraan pero mas palasak ang panayam at pangkalahatang talakayan. Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon Maraming disenyo ng pagsasaliksik (halimbawa. Sarbey, eksperimento, sosyomatrikong analisis) kung saan kailangan munang malikom, bago ang pagbabasa at pagsusuri nito. Subalit mayroon ding mga disenyo kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay na mga gawaing ito. Halimbawa sa kaso ng mga midya bilang batis ng impormasyon( halimbawa mga publikasyon, tesis, disertasyn, aklat, ulat ), kailangan ng panimulang Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon pagbabasa habang nangangalap ng impormasyon kung hindi pa natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa isang uri ng batis na napili (halimbawa. Aling partikular na artikulo sa anong journal). Maaaring tingnan muna ang abstrak (artikulosa journal), ang pamatnubay (balita sa diyaryo), at buod (aklat, ulat) para malaman kung mahalaga o kaugnay ba ito ng paksa. Pangangalap ng Ang ating kapuwa-tao ay Impormasyon Mula mayamang batis ng impormasyon dahil marami sa Kapuwa-tao silang maaaring masabi batay sa kanilang karanasan; maaari nilang linawin agad at dagdagan pa ang kanilang mga sinasabi sa mananaliksik; at may kapasidad din silang mag- imbak at magproseso ng impormasyon. Ang pagdedesisyon kung harapan o mediado ba ang interaksyon ay nakasalalay sa pagiging angkop at katanggap-tanggap ng harapan o mediadong ugnayan sa mga tagapagbatid; espesipikong metodo ng pangangalap ng datos; at limitasyon ng mananaliksik at tagapagbatid. Marami ng establisadong pamamaraan ng pangangalap ng katunayan at datos mula sa kapuwa-tao. Ang pinakapalasak sa mga ito ay natutuhan natin mula sa Kanluran, at ang ilan ay maaaring nang isagawa nang online ngayon. Subalit may mga pamamaraan na ring nadebelop mula sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino (SP) na madalas nang gamitin ngayon ng mga Pilipinong iskolar, lalo na sa mga pananaliksik sa agham panlipunan. Madalas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na pangkat ng kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi ginamitan ng interbensyon (kontrol) at pangkat na ginagamitan nito (eksperimental). Isang interaksiyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig, at tagapagbatid na syang tagabahagi ng impormasyon. Strukturadong Interbyu gumagamit ng gabay na tanong Semi-strukturadong Interbyu gumagamit ng gabay na tanong, subalit maaring baguhin ang pagkakaayos depende sa takbo ng interbyu Di-strukturadong Interbyu walang gabay na tanong upang magkaroon ng natural na daloy Isang semi-strukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasang mananaliksik, at anim at hanggang sampung kalahok. Ilan sa mga bentahe ng FGD : naitatama, napapasubalian, o nabeberipika ng mga kalahok ang impormasyong ibinabahagi may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag sila'y magkakasamang nag- uusap (na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu) maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag-usapan sa isang pagtitipon. Kahinaan naman ng FGD kapag : may dominance sa grupo may nag-aagam-agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinigay ng iba may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o matsismis. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang tagapagpadaloy upang maging organisado, mahinahon, masigla,at kawili-wili ang talakayan pakikisangkot sa buhay ng tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa pang araw araw na gawain habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa kapa ang dulog ng pangangalap ng datos, hindi siya nagbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. Ang pagtatanongtanong ay mainamsa sumusunod na pagkakataon: kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapagbatid; kung hindi tuwirang matatanong ang mga taong may direktang karanasan sa paksang sinisiyasat; Kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa; at Kung nais maberipika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal at bernakular na wika ang ginagamit. Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at tagapagbatid hinggil sa isa o higit pang paksa kung saan ang mananaliksik ay walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi nya pinipilit igaya ang daloy sa isang direksyon. Ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksiksa tagapagbatidupang sila ay magkakilala. Ito ay maaringkaakibat din ng ibang mgapamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikiagkuwentuhan at pakikilahok. Nakikisalamuha sa mga tao at nakikisangkot sa ilan sa kanilang mga aktibidad. Inaasahang malalim at komprehensibo ang impormasyong malilikom ng mananaliksik. Ito ay isa sa mga pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa tao. May pagka masaklaw rin ang pagbabahay-bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nagmamasid, nagtatanong tanong, at nakikipagkwentuhan at nakikipag panayan din siya , ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng sarbey. Ito ay pag-oobserba gamit ang mata, ilong, taynga at pandama sa tao, lipunan at kapaligiran. Ang pagmamasid ay kaakibat din ng iba pang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay-bahay at pakikipanuluyan. Complete observer (ganap na tagapagmasid) Complete participant (ganap na kalahok) Observer as participant (tagamasid bilang kalahok) Participant as observer (kalahok bilang tagamasid ·Gumamit ng isang organisado at estrukturadong talatanungan kung ang gagawin ay survey hinggil sa katangiang socio-demographic, kaalaman, persepsiyon, aktitud, at iba pang variable. Maghanda naman ng gabay natanong kung interbyu at talakayan ang pamamaraan. Sa pakikipagkuwentuhan, pagdalaw dalaw, pakikisangkot, pakikipanuluyan, at iba pang etnograpikong pamamaraan, dapat na may baon ding mga tanong ang mananaliksik, subalit hindi niya dapat ito pilit na ipapasok habang nakikipag-usap sa mga tagapagbatid lalo na kung wala sa oras at lugar. Lalo na sa mga kuwantitatibong pananaliksik, ginagamit ang mga instrumentong sumusukat sa kaalaman, kakayahan, aktitud, at kilos ng mga kalahok kagaya ng pagsusulit at eksaminasyon. Ang mga ito ay nararapat ' buuin sa tulong ng mga eksperto sa paksang sinasaliksik. Halimbawa, palasak sa eksperimental na disenyo ng pananaliksik sa sikolohiya, sosyolohiya, at edukasyon ang paggamit ng iba't ibang klase ng pre test at post test; sa case study ng asal ng mga tao, ang samot-saring uri ng sikolohikal na pagsusulit; at sa pagtatasa ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wika, ang pagsulat ng sanaysay o pagtatalumpati na binibigyan ng karampatang iskor batay sa mapagkakatiwalaang rubrik. Ang talaan ay hindi lamang nagsisilbing listahan ng mga tao, bagay, lugar at pangyayari na may kaugnayan sa pananaliksik, kundi naglalaman din ng iniisip, agam agam, repleksiyon, at napagtanto ng mananaliksik habang nangangalap ng datos sa isang lugar. Dito isinusulat ang mga obserbasyong hindi nakuha o nasagap sa elektronikong rekorder; at kung nairekord man ang isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik at tagapagbatid, ang talaan ay mahalaga pa rin sa pagbeberipika ng impormasyon. Audio o video ang nagaganap na usapan ng mananaliksik at tagapagbatid kung ito ay may pahintulot sa huli. Karaniwang inirerekord ang panayam at pangkatang talalakayan kagaya ng FGD. Tinitimbang naman kung kailangang irekord sa anumang elektronikong teknolohiya ang mga interaksyong ginamitan ng etnograpikong pamamaraan lalo na kung minimithi ang likas na daloy at samahan sa interaksyon ng mananaliksik at tagapagbatid. Pangangalap ng Impormasyon galing May mga datos na hindi sa mga Aklatan sa kapuwa tao direkta at tahasang makukuha, kundi mula sa mga midya at iba pang materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan. Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa aklatan. 1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa isang pananaliksik. 2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy. 3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit ng mga pasilidad. Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa aklatan. 4. Rebyuhin ang dewey decimal system at library congress dahil alin man sa dalawang ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan. (Hinampas, 2016, pp.51-54) 5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at ilan pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabsa kung maraming sangunian ang bubulatlatin. Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa aklatan. 6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga sangunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng aklatan. 7. Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunan na online ng aklatan gaya ng subkripsiyon sa journal, e-books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa internet. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Sa kaslukuyang panahon ng Internet at digital na teknolohiya, Online na Materyal maaakses ang maraming primaryang batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at desktop kundi pati sa mas maliit na gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulos sa journal, balita sa online news site, at account ng karanasan sa blog. Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang online news sites na: 1. Walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang panig; 2. Pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata; at 3. Hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, o institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa isyung Pambansa. Website ng pamahalaan website ng ahensiya ng pamahalaan website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan website na gumagawa ng fact check Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos mangalap at magbasa ng mga katunayan at datos para sa binubuong pahayag ng kaalaman. Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng mananaliksik ng kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at bumubuo siya ng buod hinggil dito. 1.Maaaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon. 2.Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon. mga halimbawa: (istriktong paglalakip, espasyal, pagbibigay-katuwiran, sanhi-bunga, lugar ng isang kilos, gamit, paraan- kinayarian, pagkakasunod-sunod , attribusyon) 2.1. Istriktong Paglalakip (strict inclusion)- Ang X ay uri ng Y; Ang komiks magasin ay isang uri ng publikasyon. 2.2. espasyal (spatial)- Ang X ay isang lugar sa Y; Ang silid-aralan ay bahagi ng pisikal at simbolikong espasyo ng buhay-estudyante. 2.3. pagbibigay katwiran (rationale)- Ang X ay isang rason para gawin ang Y; Ang kawalan ng sapat na pagkakakitaan ang dahilan bakit pinapahinto ng magulang ang anak sa pag-aaral. 2.4. Sanhi-bunga/kinalabsan (cause & effect)- Ang X ay resulta ng Y; Sa panig ng kalalakihan, ang tuksuhan ng kapwa lalaki ay sanhi ng pakikiapid sa ibang babae. 2.5. Lugar ng isang kilos (place of action)- Ang X ay isang lugar para vgawin ang Y; Ang sinehan ay isang lugar para sa romantikong igawan. 2.6. Gamit (function)- Ang X ay ginagamit para sa Y; Ang edukasyon ay ginagamit sa estado bilang kasangkapang ideolohikal para hubugin ang kaisipan ng mga mamamayan. 2.7 Paraan-kanayarian (means-ends) Ang X ay isang pamamaraan para gawin ang Y; Ang pagdedeklara ng Martial Law ay isang paraan para makontrol ng pamahalaan ang midya at lahat ng sangay ng gobyerno. 2.8 pagkakasunod-sunod (sequence)- X ay hakbang sa Y; Ang pakikipagpalagayang-loob ay isa sa mga unang hakbang sa pakikipanuluyan 3. Gumamit ng mga pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik. Sa kwantitatibong dulog sa coding, ang mga datos na nagmula sa instrumentong ginamit ay karaniwang binibilang at ginagawan ng pagsusuri na estadistikal para malaman ang katuturan. Sa kwalitatibong dulog naman, humahalaw ang mananaliksik ng mga kategorya ng impormasyon at tema ng kaalaman mula sa datos. Sa pagbubuod ng teksto, pinapalitaw ang mga pangunahing puntong makukuha sa mga pinag- ugnay-ugnay at tinahi-tahing impormasyon. Makatutulong nang malaki sa pagbubuod kung may abstrak at sumaryo ang binasang materyal. 1. Basahin ng mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga susing salita na gagamit sa pagbuod. 2.Kahingian sa ilang uri ng materyal na angkop sa elemeto at ekstraktura ng buod. 3.Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang pamamaraan. 4.Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinatanong Sa bahaging ito, kailangan ng pagpasyahan o iorganisa ng mananaliksik ang pangunahing tema at karampatang detalye na lalamanin ng kaniyang pahayag ng kaalaman. 1.Pumili ng mga angkop na salita nasumasalamin sa mga katunayan at datos ng ginawang pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong komunikasyon, at makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino. 2.Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon 3.Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng kalituhan 4.Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience. 5. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw: una(ako, ko akin, tayo, natin, kami ); pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo,); at pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila, kanila,). Mas pormal at neutral ang pangatlong panauhan dahil “inilalayo nito ang manunulat sa tuksong makialam “ at “pinababayaang ang mga datos at impormasyon ang kumumbinsi sa mambabasa” (Alamario 2016b, p. 32). Subalit hindi naman ito nangangahulugan na hindi makatotohanan ang anumang pahayag na ginagamitang una at pangalwang panauhan, lalo na kung kailangan, kung mas inilalapit sa karanasan ng audience at nagtatangka ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. Ang paggamit ng pantayong pananaw o “pag uulat sa sarili” (Navaro et al. 1997, p.2 ) sa komunikasyon sa pangkalahatan ay mahalaga rin para bigyang diin na ang mga kababayang Pilipino ang kinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang Pilipino ang minimithi ng pahayag ng kaalaman. 6. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid (Creswell 2014 p. 99-100). Kailngang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy. Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat (Creswell 2014). 7. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at palakasin ang mga punto, argument, o pahayag 8. Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian (halimbawa sa journal article). May tatlong kilalang estilong pangsanggunian na ginagamit sa mga journal, term paper, aklat, manwal at iba pang publikasyon: modern languages association (MLA) American psychological association (APA), at Chicago manual of styles (CMS). Ang pahayagan naman tulad ng Philippine Daily Inquirer ay naglabas ng sarli nitong stylebook. Sa telibisyon at bidyo, ang mga batis ng impormasyon ay maaaring banggitin sa iskrip o ipakita sa screen. Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsusulat ng mga katunayan at datos na magpapatibay sa pahayag at kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo, mas importante ang kapani paniwalang paglalahad. ang kapani paniwala ay “nakasalig sa mga katayuan” (Almario, 2016, p.27) MARAMING SALAMAT, KLASE

Use Quizgecko on...
Browser
Browser