Gawaing Pampagkatuto sa Filipino - Aralin 1 - PDF

Summary

This document is a Filipino 7 worksheet for lesson 1 of quarter 2. It includes questions and activities related to Filipino literature and history. It features an excerpt about the mythical origin of Bohol island.

Full Transcript

7 Kuwarter 2 Gawaing Pampagkatuto Aralin sa Filipino 1 Sagutang Papel sa Filipino 7 Kuwarter 2: Aralin 1 (para sa Unang Linggo) TP 2024-2025 Ang kagamitang panturong ito ay eksklusibo sa mga gurong kalahok para paunang papapatupad o implementasyon...

7 Kuwarter 2 Gawaing Pampagkatuto Aralin sa Filipino 1 Sagutang Papel sa Filipino 7 Kuwarter 2: Aralin 1 (para sa Unang Linggo) TP 2024-2025 Ang kagamitang panturong ito ay eksklusibo sa mga gurong kalahok para paunang papapatupad o implementasyon ng MATATAG K - 10 na kurikulum sa taong panuruang 2024- 2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Mga Manunulat: Mercy B. Abuloc ((Philippine Normal University - Mindanao) Mga Tagasuri: Joel C. Malabanan, Ph.D. (Philippine Normal University - Manila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMERR National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631-6922 o mag-email sa [email protected]. IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO Asignatura: Filipino Kuwarter: 2 Bilang ng Aralin: 1 Petsa: Pamagat ng Mga Tuluyan Sa Panahon Ng Katutubo (Alamat) Aralin/Paksa: Baitang at Pangalan: 7 Pangkat: I. Bilang ng Gawain 1: Pinatnubayang Pagbasa (10 minuto) II. Mga Layunin: Tukuyin ang mahahalagang element (tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian) at detalye sa tuluyan. III. Mga Kailangang Materyales: papel at panulat IV. Panuto: Sama-samang basahin ang isang alamat. Gawing gabay ang mga munting gawain upang lubusan na maunawaan ang tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian ng akda. Ang Pinagmulan ng Bohol Alamat Mula sa Kabisayaan Noong unang panahon, ang mga tao ay naninirahan sa ulap kung saan ang kaisa-isang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Nagdulot ito ng bagabag sa Datu at hindi mapakali kung kaya’t ipinatawag niya agad-agad sa tanod ang manggagamot. Nang dumating ang matandang manggagamot sa tahanan ng Datu, winika ng Datu na maaari nitong gawin ang lahat na makakapagpapagaling sa kaniyang anak. Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang nag-iisang anak ng Datu at kinausap ang Datu sa labas ng tirahan nito. Matapos nito ay ipinatawag ng Datu ang kaniyang nasasakupan sa isang pagpupulong. “Makinig kayong lahat sa akin. Para sa mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay, may sakit ang aking anak na babae at hinihingi ko ang inyong tulong. Upang maibalik ang mabuting kalusugan ng aking anak, kinakailangan ninyong ang tagubilin ng manggagamot,” wika ng Datu. A. Si ______________ ay isang ________________ na lider at _____________na ama. Handang siyang magsakripisyo para sa kaniyang anak. 1 Filipino 7 Kuwarter 2 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Ipinag-utos ng manggagamot na dalhin ang anak ng Datu sa malaking puno ng Balite at ipinahukay ang mga lupang nakapaligid sa ugat nito. Agad na sinunod ito ng mga kalalakihan tanda ng kanilang pagmamahal sa kanilang Datu. Binuhat nila ang anak ng Datu gamit ang duyan at masigasig na hinukay nila ang lupang nakapalibot sa ugat ng puno. Matapos nilang maghukay ay ipinag-utos ng manggagamot na ilagay ang anak ng Datu sa kanal na nabuo mula sa paghuhukay. “Ang ugat ng puno ng Balite ang makakapagpapagaling sa anak ng Datu,” wika ng manggagamot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa at nahulog ang anak ng Datu. Humingi ito ng tulong ngunit huli na ang lahat. Nalaglag ang anak ng Datu sa isang daluyan ng tubig at nagpagulong-gulong dito pababa. Nakita ng dalawang bibe ang pagkahulog ng anak ng Datu at agad tinulungan. Namahinga ang dalaga sa likod ng mga ito at nangangailangan ng tulong upang gumaling kung kaya’t nagkaroon ng pagpupulong. “Kinakailangan niya ng tirahang matutulugan.” Ipinag-utos ng pagong sa palaka na kumuha ng dumi mula sa puno ngunit hindi nito kinaya. Sumunod na inutusan naman ang daga ngunit nabigo rin ito. May isang nagnais na sumubok. “Ako! Susubukan ko,” wika ng isang palaka ngunit pinagtatawnan lamang siya. Sinubukan ng palakang gawin ito at sa wakas ay nakapagdala siya ng ilang butil ng buhangin. Isinabog sa paligid ng pagong at lumitaw ang isang pulo at naging pulo ng Bohol. Dito nanirahan ang babae ngunit ito ay nanlalamig kung kaya’t nagkaroon ng pulong muli. “Kailangan mainitan ang dalaga.” Nagsalita ang maliit na pagong at sinubukang kumuha ng kidlat sa ulap upang makagawa ng liwanag. Isang araw, gumalaw ang ulap at tinangay ang pagong kung kaya’t nakakuha ito ng kidlat. Mula rito ay nakalikha sila ng araw at buwan na nagbigay ng init at liwanag sa dalaga. Simula noon ay nanirahan ang dalaga sa pulo kasama ang isang matandang lalaking kaniyang nakilala. Nagsama sila at nagkaroon ng kambal na anak, ang isa ay naging mabuti at ang isa naman ay naging masama. Ang mabuting anak ay inihanda ang Bohol para sa pagdating ng mga tao. Gumawa siya ng kapatagan, mga ilog, at maraming hayop ngunit ang ilan dito ay sinira ng masamang anak. Nagkaroon ng pagtatalo ang mabuting anak at ang masamang anak at dahil dito naglakbay ang masamang anak sa kanluran at dito siya namatay. Nagpatuloy ang mabuting anak sa pagpapaganda sa Bohol at inayos ang lahat ng ginawa ng masamang anak. Nilikha ng mabuting anak ang mga Boholano mula sa lupa at dinuraan kaya sila ay nabuhay. B. Batay sa nabasa magbigay ng tatlong salita na puwedeng ilarawan sa lugar na Bohol. 1. ________________ 2. ________________ 3. ________________ 2 Filipino 7 Kuwarter 2 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM “Kayo ay naging lalaki at babae, iiwan ko sa inyo ang katangiang kasipagan, mabuting pakikitungo, kabutihang-loob, pagpapahalaga sa kapayaan, at katapatan. Ikinasal sila ng mabuting anak at hinandugan ng iba’t ibang butong itatanim upang gawing magandang tirahan ang Bohol. Hindi nagtagal, lumikha ang mabuting anak ng isang igat at isang ahas. Lumikha siya ng malaking alimango at sinabihang humayo at tumango sa lugar na nais nila. Sinipit ng alimango ang igat at lumikha ng isang lindol na naging dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol. Naging paboritong pagkain ito ng mga Boholano, samantalang ang mga palaka at pagong naman ay kanilang iginagalang. C. Isulat ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa nabasang alamat gamit ang arrow ladder. D. Magbigay ng mga situwasyon mula sa alamat na nabasa na maglalarawan sa sumusunod na tunggalian sa kuwento. Tunggalian Mga Pangyayari mula sa Alamat Tao laban sa tao Tao laban sa sarili Tao laban sa kapaligiran 3 Filipino 7 Kuwarter 2

Use Quizgecko on...
Browser
Browser