Gabay sa Pagkatuto sa Filipino sa Piling Larang 12, AQA, 2024-2025 PDF

Summary

This learning guide provides instruction on the Filipino subject. It covers topic on writing Pictorial Essay and Travel Essay. It focuses on the use of photo essays and traditional and modern methods of writing.

Full Transcript

ASSUMPTA TECHNICAL HIGH SCHOOL Sta. Monica, San Simon, Pampanga Taong Panuruang 2024– 2025 GABAY SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG 12 MARKAHAN: IKALAWA I. PAKSA: Pagsulat ng Pictorial Essay at Lakbay Sanaysay (Aralin 2)...

ASSUMPTA TECHNICAL HIGH SCHOOL Sta. Monica, San Simon, Pampanga Taong Panuruang 2024– 2025 GABAY SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG 12 MARKAHAN: IKALAWA I. PAKSA: Pagsulat ng Pictorial Essay at Lakbay Sanaysay (Aralin 2) BILANG NG SESYON NG PAGTALAKAY: Una hanggang Ikawalong sesyon II. PINAKAMAHAHALAGANG KOMPETENSI Ang mag-aaral ay… a. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa; a. layunin, b. gamit, c. katangian, d. anyo (lakbay sanaysay at pictorial essay) b. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin c. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin sa pamamagitan ng binasang halimbawa III. PAMANTAYANG PANGKATAUHAN Ang mag-aaral ay… a. Naipapakita ang pagpapahalaga sa kagandahang taglay o mabuting dulot ng paglalakbay lalo na sa sariling bansa b. Natututuhan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng integridad, pagpapakumbaba, kabutihan ng puso, mabuting pagpapasiya, pagiging mulat sa mga isyung panlipunan sa loob at labas ng bansa, pananagutan sa mga mambabasa, disiplina sa sarili, at pagkamasunurin sa mga pamantayan sa pagsulat. (Core Values: Stewardship that assumes and owns) UNANG ARAW MGA LAYUNIN Ang mag-aaral ay… 1. Natutukoy ang kahulugan ng Sanaysay 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin (Pictorial Essay) 3. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa (Pictorial Essay) 4. Naibibigay ang pagkakaiba ng tradisyonal at makabagong paraan ng pagsulat ng Pictorial Essay ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 1 Mahilig ka bang maglakbay o mamasyal sa iba’t ibang lugar? Ano-ano sa mga lugar na napuntahan mo ang iyong labis na nagustuhan? Sa pagbisita mo sa mga lugar na iyong ninanais, paniguradong hindi mawawala ang pagkuha ng mga larawan! Ika nga sa isang pahayag, “A picture is worth a thousand words.” Kaya naman, subukan mong suriin at pagmasdan ang mga larawan sa ibaba, ang mga ito ay walang taglay na caption, hayaang ang iyong malikot na isipan ay bumuo ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mga nakita. Larawang kuha ni Bb. Kate D. Fajardo (ika-15 ng Nobyembre, 2023) Saang lugar kaya maisisilayan ang mga lugar na makikita? Nangungusap ba sa iyo ang mga larawan? Anong nais sabihin kaya ng mga ito? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Ang iyong nasilayang makasaysayang mga larawan o pinta ay makikita sa PINTO ART MUSEUM sa Antipolo Rizal. Ito ay itinayo nina Dr. Joven at Dr. Margarita Cuanang. Si Dr. Joven ay isang neurologist na piniling magtayo ng museo upang ibahagi niya sa publiko ang kanyang kagustuhan sa iba’t ibang uri ng sining sa museo. Ito ay pinangalanang Pinto Art dahil sa pangalan ng kanilang anak na si PINTO, isang artist at si ART naman na isang sculptor, ang kaning museo ay may pitong galleries na maaaring ikutan at pagmasdan. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 2 Bakit sinimulan ang aralin sa tulong ng mga LARAWAN? Sapagkat ang talakayan ay binubuo ng iba’t ibang LARAWAN na dapat ay pagmasdan at mula sa mga ito pa lamang ay maipapahayag na ang nais mong sabihin sa iyong SANAYSAY. Hindi ka nagkakamali! Ang isa sa talakayan natin ay PHOTO ESSAY o NAKALARAWANG SANAYSAY. Sabik ka bang malaman ang kahulugan ng ilang larawan na nakita mo sa unahang bahagi? Narito ang tunay na kahulugan ng mga ito ayon sa artist na bumuo nito: Sanggunian: https://www.travelswithcharie.com/2016/08/the-pinto-art-museum.html Narito ang magiging daloy ng talakayan sa araw na ito: ▪ Kahulugan ng Sanaysay ▪ Maikling introduksyon sa Photo Essay ▪ Kahulugan, Katangian, at Gamit ng Photo Essay ▪ Paunang pagbasa ng halimbawa ng photo essay Bago tuluyang dumako sa PHOTO ESSAY o nakalarawang Sanaysay, balikan muna kung ano nga ba ang SANAYSAY o Essay sa Wikang Ingles. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 3 Ang SANAYSAY ay nilapat lamang ni Alejandro G. Abadilla bilang katumbas ng salitang “ESSAY” sa wikang Ingles at binigyang pagpapakahulugan bilang “Salaysay ng isang Sanay”. Ang salitang Essay ay nagmula sa titulo ng aklat na isinulat ni Michel de Montaigne na nangangahulugang “attempt” o pagsubok na unawain ang iba’t ibang aspeto ng mundo batay sa karanasan ng manunulat. Noong siya ay nagsisimulang magsulat, ang gamit niya ay wikang pang-akademiko – formal at malayo sa kanyang sariling pananaw subalit kalaunan ay naging personal na ang kanyang pagsulat na kahit ang paglalahad sa kanyang ginawa sa loob nang palikuran o toilet ay kanyang inilalahad. Kaya naman, ang “Essays” ay naging genre ng pagsulat. Siya ang tinaguriang “Ama ng Impormal na Sanaysay” o Father of Informal essays. Ayon kay Michel de Montaigne, ang sanaysay ay paglalahad ng iyong iniisip o “what I think”. Ang SANAYSAY ay isang akdang tuluyan na naglalarawan ng matalinong pagkukuro o paglalahad ng kaaalaman sa isang maluwag, maguniguni at pansariling damdamin ng may-akda. Ito ay inilalahad sa isang makatwiran at nakahihikayat na pamamaraan. Kalimitan ay maikli lamang ang sanaysay kaysa ibang akdang tuluyan sapagkat ang layunin nito ay MAKALIBANG, MAKAALIW, at kung may KAALAMANG nais iparating ang sumulat. Ayon naman kay Genoveva Edroza Matute, ang SANAYSAY ay isang payak na anyo ng panitikan na madaling maunawaan at matutuhan. Ang SANAYSAY ay nagsimula noong panahon pa ni Michel de Montaigne, isang pranses. Nagmula ito sa salitang latin na “exagium” na nangangahulugang “pagtitimbang-timbang ng kaisipan.” Noon tinawag itong essais, ang naging batayan ng salitang essay sa Ingles. Ayon naman kay Alejandro G. Abadilla, ito ay SALAYSAY ng isang SANAY. Narito ang dalawang URI NG SANAYSAY: Maanyo o Pormal Karaniwan/Pamilyar o Di-pormal Seryoso ang paksa Ang mga paksa ay nakakatawag pansin ng diwa at damdamin Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng Para lamang nakikipag-usap, magaan at awtor ang kanyang tinatalakay masigla. Pili ang mga salita. Malayang pagbubulay-bulay tungkol sa mga bagay na nais niyang pag-ukulan ng panahon Narito naman ang mga SANGKAP o kailangang makita sa isang Sanaysay: 1. PAKSA – masaklaw ang paksa ng sanaysay sapagkat sakop nito ang lahat ng bahagi at aspeto sa buhay ng tao. 2. KAISIPAN – layunin ng mananaysay na mailapit ang mga ideya o kaisipan nang may diin, lakas at kasanayan. Maaaring ang ideya ay bagong tuklas o kaya’y pahayag ng mga dakilang tao na binigyang makabagong pagpapahalaga. 3. HIMIG – ito ay tinatawag ding tono. Maaaring mapagbiro, seryoso, mapanudyo at iba pa. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 4 MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG SANAYSAY 1. Alamin ang tema. 2. Mangalap ng mga babasahin na may kaugnayan sa tema. 3. Mangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa. 4. Bukod sa tema, lumikha ng kaakit-akit na pamagat. 5. Dapat na magkakaugnay ang pagkakasulat ng mga kaisipan. 6. Maging maingat sa paggamit ng salita, baybay, maliit at malaking titik. 7. Magsaliksik ng makabago at naiibang pamamaraan sa pagsulat ng sanaysay. ‘ Pansinin ang bilin sa ikapitong bilang, KAKAIBANG PAMAMARAAN sa pagsulat ng SANAYSAY. At sa aralin na ito ay matutunghayan ang dalawang kakaibang pammaaraan sa pagsulat ng SANAYSAY. Ito ay ang PHOTO AT TRAVEL ESSAY! PHOTO ESSAY O NAKALARAWANG SANAYSAY Pictorial o Photo Essay Lagi nating naririnig ang kasabihang ang isang larawan ay katumbas ng sanlibong salita. Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga komplikadong ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Kaya naman karaniwang kamangha-mangha ang resulta kapag pinagsama-sama at inayos ang mga larawan. Ang pag-aayos na ito ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya ay tinatawag na photo essay. - Koleksiyon ng mga larawang maingat na isinaayos upang maglahad ng pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto o magpahayag ng damdamin. - Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng paksa sa pamamagitan ng mga larawan. - Isang sulatin kung saan higit na mas marami ang larawan kaysa sa salita. Katangian at Kalikasan ng Pictorial Essay Hindi limitado ang paksa. Gumagamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. Ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa serye ng mga larawan. Ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang. Kailangang kronolohikal din ang ayos ng mga larawan. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 5 GAMIT NG PHOTO ESSAY Tradisyonal na pamamahayag/journalism Makabagong pamamahayag Magasing panturista Mga bloggers sa pag-uupload ng mga Magasing pansiyentipiko larawan Pangkultural Karaniwang tao na may facebook Lifestyle section ng mga pahayagan album Ang mga paksa ay maaaring tungkol sa Maaaring kuhanan ng larawan ang mga pamumuhay sa ibang bansa, mga isyu naganap sa bagyo, sa pagbaha, pasko sa national geographic, kasaysayan, ng mga Pilipino, mga niluto, kultura, maaaring restorasyon ng mga isinagawang ehersisyo, mga tanim, likhang-sining tulad ng “sky burial” sa pag-aalaga ng mga hayop, Nepal, pagkatuklas ng Angkor Wat sa pagpapalamuti o pagsasaayos ng mga Cambodia tahanan Upang higit na mapalalim ang dalawang gamit ng photo essay, maaaring tingnan ang mga pahayagan na dala-dala ng guro sa oras ng klase at pumunta sa life style section nito at makikita ang iba’t ibang klase ng photo essay. Kung mayroon ka mang nais isulat tungkol sa iyong buhay, ano ito? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 6 Ano kaya ang sa dalawang uri ng gamit ng photo essay ang iyong isaalang-alang? Paano mo nasabi? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ MIX-PAIR-SHARE (Brain-Based Learning) 1. Iikot ang lahat ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. 2. Kapag sinabi ng guro na “tigil” ay titigil ang lahat. 3. Kung sino ang pinakamalapit na kamag-aral na katabi ay ibabahagi ang iyong kasagutan mula sa isang tanong. 4. Ibibigay ng guro ang tanong. 5. Magkakaroon ng isang minutong thinking-time o minuto para mag-isip. 6. Kapag sinabi ng guro na maaari ng magbahagi ay magbabahagi na sa pinakamalapit na katabi. Masasabi mo bang sapat na ang paggamit ng larawan upang makabuo ng isang Sanaysay? Paano mo nasabi? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ MGA PUNA: _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ IKALAWANG ARAW MGA LAYUNIN Ang mag-aaral ay… 1. Naitatala ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Photo Essay. 2. Naipapaliwanag ang proseso o hakbang sa pagbuo ng Photo Essay. ADD SOME SPICE! Makikita sa pisara ang T-chart, gayundin ipapakita ng guro ang dalawang photo essay na mayroong magkaibang paksa. Mula sa mga halimbawang pinakita, tukuyin kung ang mga ito ay nagpapakita ng tradisyonal na paggamit o makabagong paggamit. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 7 T-CHART Ang isang photo essay ay sasagutin ng mga Tradisyonal na Makabagong kababaihan at ang isa naman ay para sa mga gamit ng photo gamit ng photo kalalakihan. Isusulat sa isang T-chart na nasa pisara ang essay essay dahilan kung bakit naituring na makabago at tradisyonal na paggamit ng photo essay ang pinapakita. Isaalang-alang ang iba’t ibang anggulo upang matiyak ang kinabibilangang gamit nito. Gayundin, idadagdag sa t-chart ang mga katangian na lumutang mula sa binasang halimbawa. Mayroong pentel pen na ibibigay ang guro at ang bawat kababaihan, sunod-sunod ay magsusulat sa manila paper. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pictorial Essay 1. Isaayos o pag-isipang mabuti ang paglalagay ng mga larawan. – Ito ang magpapakita ng kabuuan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag. 2. Ang mga nakasulat na salita ay suporta lamang sa mga larawan. – Hindi ito kinakailangang napakahaba o napaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito. 3. Magbigay lamang ng pansin sa isang paksa sa larawan. – Hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuuan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng pictorial essay. 4. Isaalang-alang ang mga manonood o titingin sa iyong photo essay. – Upang maibatay sa kanilang interes at kaisipan ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption. BAKIT KINAKAILANGAN PA RIN ANG PAGKUKWENTO SA NAKALARAWANG SANAYSAY? Tandaang ang sinumang lumilikha ng nakalarawang sanaysay ay hindi lamang maituturing na photographer o maniniyot bagkus ay isang ring mananalaysay o storyteller. Marapat na makahanap ng layunin ang mananaysay sa pagkuha ng mga larawan o shots. Hindi lamang ito basta pagkuha ng mga magagandang larawan. Dapat ay may dating o natatanging interes sa isang paksa. Hindi lamang ito pagkuha ng larawan dahil maganda ang tanawin o kaya ito ay nakakapigil-hininga. Dapat ay may maibabahaging bago ang isang mamahayag. Dapat na tandaan na may drama dapat itong ibinabahagi. May suliranin o tunggalian, gaya ng anumang kwento. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 8 Halimbawa ng mga paksa: 1. Gaano kahirap ang magsaing sa isang evacuation center na napapaligiran ng tubig-baha? 2. Paano mamuhay ang mga bata na pinalaki sa sementeryo? 3. Ano ang epekto ng ukay-ukay sa mga komunidad ng Cordillera? 4. Paano nagbago ang buhay dahil sa malalang trapik sa Kamaynilaan? Ito ang mga halimbawa ng paksang may drama. PAANO ANG PROSESO SA PAGBUO NG PHOTO ESSAY? 1. Pagpili ng paksa. Dapat na malapit sa puso gaya ng tradisyon o kaugalian ng isang lugar. 2. Mahalagang may alam ang manlilikha sa kung ano ang mainit na pinag-uusapan sa Lipunan. Hal. Epekto ng pagbabago ng panahon sa mga isla o kaya ay air pollution. 3. Maaaring magsaliksik sa mga gaganaping pagdiriwang tulad ng mga piyestam ritwal sa simbahan at mga gawaing pampaaralan. 4. Makatutulong din kung ang iyong paksa ay tungkol sa libangan, trabaho, at sining. 5. Pagsasaayos ng pagkuha ng larawan. Humingi ng permiso sa kinauukulan kung saan kukuhanin ang mga larawan. 6. Pagsasaliksik sa paksa bago ang pagkuha ng larawan. 7. Alam na ng potograpo o litratista ang tiyak na araw at petsa sa isang pagdiriwang na kukuhanan ng larawan. 8. Paglikha ng balangkas ng sanaysay subalit mahirap kung wala pang mga larawan. 9. Kumuha muna ng maraming larawan at saka na lamang isaayos ang mga materyal. 10. Kapag maayos an ang mga larawan, isulat na ang mga sumusunod: a. Pamagat b. Maikling panimula c. Paglalarawan o caption d. Pagtatapos o kongklusyon 11. Iwasan ang labis na pagsulat, hayaang mangusap ang mga larawang ginamit. 12. Tukuyin ang mga impormasyong hindi makikita sa mga larawan gaya ng pangalan, lugar, petsa, at mga kultural na termino. PAALALA SA PAGKUHA NG LARAWAN 1. Dapat ay sari-sari o may barayti ang mga larawan. 2. May sapat na ilaw ang paligid. Hindi labis na madilim o maliwanag/against the light. 3. Magandang anggulo sa mga larawan. 4. I-save ang file. Huwag i-delete agad. Matutong mag-edit. 5. Kung hindi na kailangan ang kwento sa larawan ay alisin na ito. 6. Bawal umulit ang mga imahen o larawan na magkakaparehas lamang halos. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 9 Kung ang photo essay ay dapat na naglalarawan, sa mga binasang photo essay, naipakita ba ang pagsasalaysay? Paano mo nasabi? (Magbanggit ng tiyak na photo essay na binabanggit) ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ BOTH RECORD RALLY ROBIN! (Integration 21st: Communication) Narito ang proseso kung paano gagawin ang BOTH RECORD RALLY ROBIN: 1. Mayroong katanungan na ibibigay ang guro. 2. Ang iyong katabi ay magsisilbing kapareha mo sa pagsagot ng tanong. Tutukuyin kung sino si Partner A at Partner B sa inyong dalawa. 3. Bago sumagot, mabibigyan ng oras para mag-isip muna. 4. Pagkatapos mag-isip, sasagot si Partner A at makikinig si Partner B. Palitan naman pagkatapos ni Partner A. 5. Maaaring isa sa inyong dalawa ay ibahagi sa kabuoang klase ang naging sagot ninyong dalawa. 1. Ano sa mga proseso ng pagbuo ng photo essay ang hindi mo makalilimutan? Paano ito nakatutulong sa kabuoang photo essay? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ MGA PUNA _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ IKATLONG ARAW MGA LAYUNIN Ang mag-aaral ay… 1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng mga larawan at gamit ng mga ito sa nakalarawang sanaysay 2. Nasusuri ang binasang halimbawa at ang paggamit ng mga larawan nito. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 10 PLUS 1 ROUTINE! Isinasagawa na ang gawaing ito bago pa man ang aralin na ito, balikan lamang ang proseso. Isulat sa iyong kwaderno ang isang proseso na natatandaan mo tungkol sa pagsulat ng photo essay. Mayroong bilang ng minuto na ibibigay ang guro para rito. Kapag tapos na ang binigay na minuto, ipasa na sa katabi ang kwaderno upang makapaglagay sila ng kanilang nalalaman din mula sa iyong sinabi. Parang Mind Mapping kung tawagin lalo na ng natutuhan. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ MYSTERY GAME! Ilalabas ang cellphone ng bawat isa, mula rito ay bubuksan nila ang kanilang gallery at pipili ng isang larawan. Mula sa napiling larawan, ibabahagi sa klase kung ano ang maikling deskripsyon tungkol sa larawang pinakita. Habang nakikinig ang mga kamag-aral, sasagutin ang dalawang pamprosesong tanong sa isipan: 1. Ang binanggit ba na deskripsyon ay may malaking kinalaman sa larawan na pinakita? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Pinapalawig ba ng binanggit na deskripsyon ang larawan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Narito ang magiging pokus sa talakayang ito, ang tamang pagkuha at paglalagay ng deskripsyon sa mga larawang na ilalagay sa photo essay. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 11 MGA ELEMENTO NG NAKALARAWANG SANAYSAY Narito ang mga sangkap na dapat makita sa bubuoing nakalarawang sanaysay, gawing gabay ito o tseklist upang matukoy kung kumpleto ang mga dapat na makita sa iyong photo essay na isinulat o binuo. Ayon sa Collective Lens Photography for Social Change, narito ang mga mahahalagang dapat taglayin ng isang nakalarawang sanaysay: 1. Dapat makapagsalaysay ang piyesa o ang mismong photo essay kahit walang nakasulat na artikulo. 2. Mahalagang mailahok o maipakita ang barayti o iba’t ibang uri ng larawan tulad ng wide angle, close up, portrait. 3. Isaisip ang pagkakaayos ng mga larawan upang makapagkwento ito nang mabisa at sa paraang kaakit-akit. 4. Mahalagang magpakita ng mga larawang nagtataglay ng mga emosyon at impormasyon. Narito ang mga maaaring gabay na tanong sa pagpili ng mga larawan: a. Saan naganap ang eksena? b. Sino ang mga kasama sa larawan? c. Ano ang kanilang pakiramdam sa mga nangyayari? 5. Ang paglalarawan o caption ay mahalaga upang matiyak na maiintindihan ng mambabasa ang kanilang nakikita. Maglaan ng impormasyon sa caption tulad ng petsa, pangalan, at lugar. Sa madaling salita, sabay nating pinauunlad ang kakayahan sa pagsasalaysay at ang pagpili ng mga angkop na salita sa gawaing ito. Tignan sa ibaba ang mga uri ng larawan upang maging mulat ka sa mga ito. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 12 Pagmasdan ang mga halimbawa ng mga larawan sa bawat uri ng mga ito. Gabay lamang ito sa pagpili ng mga larawang ilalagay sa photo essay kapag sinubukan na! 1. LEAD PHOTO o pangunahing larawan – ito ay maihahalintulad sa mga unang pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na sino, saan, kailan at bakit. Ito ang larawan na aakit sa mga mambabasa. Maaari itong emosyonal na portrait o kaya ay action shot. Makikita ang emosyon ng matandang babae sa larawan na kung saan ay makikita rin ang identidad o kultura nito. Masasabing ito ay isang Ifugao LOLA. 2. Ang eksena (scene) ay ang pangalawang larawan na nagbibigay-deskripsyon o paglalarawan sa eksena sa photo essay. Epektibo ang paggamit ng wide angles dito. Sa wide angle ay makikita ang kabuoang object at tao sa larawan. Pinapakita sa malawak na perspektiba ayon sa kanyang lugar o surrounding na kinalalagyan. Makikita ang isang bata na nakatalikod na masasabing mahirap dahil na rin sa lugar kung san ito nakaupo. 3. PORTRAIT o larawan ng tao, ang isang photo essay ay dapat na may portrait shot. Ipinapakita nito ang isang tauhan sa kwento. Maaari itong nagpapahiwatig ng matitinding pakiramdam at makakuha ng pakikiisa o empathy mula sa mga tumitingin ng larawan. Nagpakita na sa itaas ng mga halimbawa ng larawan na ito na minsan ay nagsisilbing lead photo rin sa isang photo essay. 4. CLOSE UP – ito ay katulad ng detailed photo na kung saan ito ay nakatutok sa isang elemento gaya ng gusali, tahanan,mukha o mahahalagang bagay. Sinasabing ang mga larawang ito ay pagkakatao upang kunan ng larawan ang espisipikong bagay. Mahalagang may lakip na impormasyon ang mga larawang ito upang maging edukasyonal. Gaya ng detalyeng larawan, pagkakataon din sa close up na tumuon sa ilang bagay. Ito ay tightly cropped. Pagkakataon din na maglaan ng impormasyon sa paglalarawan o caption. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 13 5. SIGNATURE PHOTO – ay ang larawang magbubuod sa sitwasyong ipinakita sa photo essay. Maaring sa larawan na ito, masasabing ang kabuoang tono o damdamin ng essay ay masaya o ipinagmamalaki ang Pilipinas. 6. CLINCHER PHOTO o ang PANGHULING LARAWAN – ay huling larawan sa serye ng mga retrato o larawan sa isang photo essay. Mahalagang piliin ang huling larawan na magbibigay ng emosyong nais mong iparating tulad ng: a. Pag-asa b. Inspirasyon c. Pagkilos d. Kaligayahan PAGBUBUOD! Ang photo essay ay mayroon ding panimula, katawan at wakas. Ang kaibahan lamang, ang inilalagay sa mga bahaging ito ay mga kalakip na larawan at caption. Narito ang mga uri ng larawan na mas angkop gamitin sa bawat bahagi. Panimula Katawan Wakas - Ginagamit dito - Ginagamit dito - Ginagamit dito ang mga ang mga ay ang mga LEAD photo larawang signature at tulad ng mga nagpapakita ng clincher photo portrait shot eksena para mas - Mga detail maipakita ang shot at close kabuoang up mensahe o nais iparating sa photo essay. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 14 Balikan ang isang photo essay na pinag-aralan partikular ang tungkol sa mga sigay o shells, suriin ito gamit ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang paksa ng nabasang photo essay? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 2. Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na nabasa sa sanaysay? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 3. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang photo essay? Bakit? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 4. Ano kaya ang layunin ng manunulat sa pagbuo niya ng nakalarawang sanaysay o photo essay? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 5. Paano isinaayos at itinanghal ang mga larawan? Nagpakita ba ito ng pagkakasunod- sunod? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 6. Paano sinuportahan ng mga larawan ang teksto? Masasabi mo bang magkaugnay ang mga teksto at larawan? Ipaliwanag. _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ Malaki ang naitutulong ng larawan lalo na sa larangan ng panitikan sa kasalukuyan sapagkat mas nabibigyang-diin o linaw ang mga mensahe na nais iparating mula sa akdang isinulat. Gayundin, nagagamit na ang mga ito hindi lamang sa magasin maging sa mga pahayagan. Halimbawa na lamang ang opisyal na pampahayagan ng paaralan, ang BIGKIS, na regular na naglalabas ng mga balita at iba pang mga akda. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 15 Sanggunian: https://aths.edu.ph/pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika-nag-alab-sa-assumpta/ Tingnan kung gaano kahalaga ang paggamit ng mga larawan maging sa pagbabalita. Pagkatapos talakayin ang detalye tungkol sa photo essay, sagutin ang talahanayan sa ibaba. Akala ko noon, ang photo essay ay… Ngayon alam ko na, ang photo essay ay… ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 16 IKAAPAT NA ARAW MGA LAYUNIN Ang mag-aaral ay… 1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko (Travel Essay) sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa 2. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin sa pamamagitan ng binasang halimbawa (Travel Essay) 3. Naiisa-isa ang mga proseso sa pagsulat ng Travel Essay at mga dapat tandaan sa pagsulat nito. TRAILER TIME! Panonoorin ang trailer ng pelikulang “Through Night and Day” at sagutin katanungan pagkatapos panoorin. 1. Anong nangyari sa dalawang magkasintahan pagkatapos ng kanilang paglalakbay sa Iceland? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Mula sa iyong napanood, ang pagkilos ng mga tauhan sa sitwasyon, kung paano nakararanas ng pagbabago ay may malaking kinalaman sa ating talakayan ngayon. Narito ang magiging daloy ng ating talakayan: Kahulugan ng Travel Essay Layunin sa pagsulat Paalala sa pagsulat Proseso sa Pagsulat Paunang pagbasa ng halimbawa ng Travel Essay ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 17 LAKBAY-SANAYSAY Likas sa mga Pilipino o sa bawat tao ang pumunta sa iba’t ibang lugar upang maglibang o magliwaliw. Sa kasalukuyan, ang paglalakbay ay itinuturing nang isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami. Kaya naman, bagama’t minsan ito ay magastos, ito ay pinag-iipunan at kasama na sa plano ng maraming tao taon-taon. Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mayayamang karanasan. Ito ay kadalasang punumpuno ng masasayang pangyayari, pagkamangha o paghanga sa magagandang lugar na unang napuntahan, mga alaalang magiging bahagi ng buhay ng isang tao. Ang mga kilalang lugar na sa aklat mo lamang nababasa o nakikita ay nagiging totoo at buhay na buhay sa iyong paningin at pandama. Ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng isang taong nakaranas nito. Kaya mahalagang matutuhan ng taong nagsasagawa ng paglalakbay lalo na kung ito ay nagtataglay ng mayayamang kaalaman at karanasan, na maitala o maisulat ang karanasan upang ito ay manatili at mapakinabangan ng mga taong makababasa. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang isa sa pinakapopular na anyo ng panitikan – ang pagbuo ng lakbay-sanaysay at pictorial essay. Lakbay Sanaysay - Travel Essay o Travelogue - Uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. - Sanaylakbay: Binubuo ng; sanaysay, sanay at lakbay - Pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. (Nonon Carandang) - Ito rin ay isang pagkakataon upang maproseso ang karanasan at lalong makita ang naging kabuluhan nito sa buhay. - Mala-talambuhay na tinig ng sanaysay at nakakakuha pa ng simpatya mula sa mambabasa - Dapat na maging bukas ang isipan at iwasan ang diskriminasyon tungkol sa mga banyaga - Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili, pagmumuni-muni sa mga nararanasan sa proseso ng paglalakbay. Layunin sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Isinasalaysay ng may-akda ang kanyang mga paglalakbay upang maging libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan gaya paggawa ng travel blog. Makalikha ng mga patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. Marami ang nakikinabang sa travelogue lalo na sa mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman sa lugar na kanilang bibisitahin bago nila ito puntahan. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 18 Maitala ang mga bagong bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan at iba pa sa kanyang paglalakbay pati na rin ang kanyang mga realisasyon o mga natutuhan sa proseso ng paglalakbay. Kadalasang naisasagawa ito sa paggamit ng journal o diary. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Pinapaalala lamang na sa travel essay ay hindi dapat ibukod ang katutubo o lumikha ng diskriminasyon mula sa mga nasilayan habang naglalakbay. MGA PAALALA SA PAGSULAT NG LAKBAY- SANAYSAY 1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista. 2. Sumulat sa unang panauhang punto de bista. 3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay. 4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan bilang dokumentasyon 5. Ilahad ang mga realisasyon 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. 7. Hindi kailangang lantarang magrekomenda ng mga museo, pamilihan, kainan, at tuluyan para sa manlalakbay. Maliban kung ito ay kinomisyon ng isang magazine. 8. Maging tapat sa sarili at mambabasa. 9. Huwag puro positibo ang isulat. PROSESO SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY 1. Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan. 2. Mahalaga ang pagmumuni-muni sa proseso ng pagsulat. 3. Ibahagi ang realisasyon o natutuhan sa proseso ng paglalakbay. Ito ang nagsisilbing kaluluwa o soul ng sanaysay. 4. Ikumpara ang kulturang nakita sa sariling kultura. Katulad na lamang ng mga pagkaing nakita sa ibang bansa at tumbasan kung anong pagkain ito sa ating bansa naman. 5. Maglaan ng impormasyon sa mga mambabasa – kaunting kasaysay sa lugar. 6. Kailangang may matutuhan ang mambabasa. 7. Kailangang may sapat na detalye sa paligid, ipamalas ang parikala (irony) 8. Huwag kalimutan ang humor PAGBASA NG HALIMBAWA Narito ang halimbawa ang isang lakbay-sanaysay, sa kabila ng kahabaan nito ay matutukoy at masisilayan ang tunay na katangian ng isang travel essay batay sa mga pinag-araalang katangian, proseso at mga paalala sa pagbuo nito. Paalala: Ang kabuoang sipi ay makikita sa MS Teams na naka-PDF file samantala ay mahahalagang bahagi lamang ang ipinakita sa learning guide na ito. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 19 RETURN FLIGHT ni Allan B. Lopez NOONG 2011 LAMANG naging malinaw sa akin na matanda na nga talaga ang nanay ko. Nasa airport kami ng Hongkong. Biyernes ng hapon. Tanging kaming dalawa lang ang nandoon sa malawak na hintayan ng pasahero sa harap ng check-in counter ng Philippine Airlines. Naglalakad siya papunta ng banyo. Pinapanood ko siya – ang kaniyang unti-unting lumiliit na anyo, gatuldok lamang sa maliwanag at higanteng terminal; ang kabagalan niyang maglakad; ang pagsisimula marahil ng kaniyang pagkakuba, na lalong luminaw sa akin nang siya’y lumikong pakaliwa. Naging malinaw sa akin – matanda nan ga talaga ang nanay ko. Alam ko naman siyempre na ilang taon na lang, siya’y magiging 70 na. pero sa pagkakataong iyon lang talaga ang naging malinaw ang pagdating ng kaniyang katandaan. MABAHA ANG KUWENTO ng araw na iyon. Siya ang pinag-asikaso ko ng kotse sa hotel at wake-up call. Akala niya’y alas tres (3:30) ang lipad namin pabalik ng Pilipinas, iyon pala’y ala una (1:30). Akala niya’y magagalit ako. Sa taxi, ang behaved niya. Tahimik lamang siyang nakikinig habang tumatawag ako sa mga hotel na malapit sa airport na maaari naming tukuyan sakaling maiwan nga kami ng fkight at hindi makapagpa-book sa araw na iyon. Pagdating sa airport, nang makita naming sarado na ang check-in counter, at mas kumalma na ako dahil wala na palang magagawa, sinabi niyang masakit pala ang tiyan niya. Kailangan niyang pumunta ng banyo. Isang pagbabago na hindi ko namalayan – hindi ko inasahan. Tatanda din pala ang spunky na nanay ko. Kaya pala nitong mga huling taon mas nabubuo ang kwento ng buhay niya sa akin. Dahil mas madalas niyang balikan ang taon ng kaniyang kabataan sa Cotabato City – mga taong hindi ko naman kilala, mga kaibigang kahit kailan ay hindi ko nakita. NAKAKATAWA, dahil noong bumalik si mama kung saan ako nakaupo at binabantayan ang aming mga bagahe, may dala din siyang isang bag at isang kahon – ng hopia, galing Kee Wah, na minsang natikman namin sa isang malayong MTR station na hindi na nahanap muli sa loob ng limang araw. Gustong-gusto kasi niya ‘yun. Parang seasonal na autum hopia. “O, saan galing ‘yan?”, tanong ko. “May nakita kasi ako na taong may dalang ganito. Sinundan ko kung saan siya galing. Tapos may nakita ako na isa pa. Mukhang Amerikano. Kaya tinanong ko na lang. isang linggo tayong may hopia!” PAGKAIN ang tema ng aming bakasyon, at siya ring unang mga pinag-awayan namin sa Hongkong. Dito kasi umikot ang aming isang linggong pamamasyal, Hindi kasi siya mahilig sa shopping. Nilista ko ang lahat ng masasarap na restawran na alam kong kaya kong kainan (maging iyong may mga Michelin star) at dinala ko siya sa mga iyon. NAPANGITI ako nang husto nang tanungin ko siya habang naglalakad kami papunta sa boarding area kung ano ang paborito niya sa biyahe namin. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 20 Sabi niya, iyong mga kinain daw. Alam daw kasi niya, sina Medy(yung ka-opisina niya), kapag nagpupunta sa hongkong noong bata sila (mayakaya kasi ang asawa noon), nagbabaon pa ng pansit canton. At least siya, natikman niya eaw ang masasarap na restawran. “Thank you anak, ha, thank you.” Hinila-hila niya ang aking kamay. Kako, tse, huwag ka nga magsenti. Ngumiti lamang siya. Napatingin ako sa mga daliri niya bago ko ito tuluyang bitawan. Sa isang mabilis na pagkakataon, parang gusto ko lang sana sabihin, na maski minsan maiinis ako sa kaniya, mawawalan ng pasensiya na hindi ko makakalimutan na ang mga kamay na iyon ang parehong mga kamay na nagtaguyod sa akin. Maski mukha na silang string beans ngayon. Kaya hinawakan ko ang mga kamay niya. Nakakatulog na siya noon. Ang gaspan na talaga. Ang igsi na ng kuko. Ang taba na. Dyahe minsan makipag-holding hands sa matanda (pogi points sa iba – pero wala namang nakakakita sa main. Although, sa tingin ko, sa pagkakataong iyon, parang iyon ang tama. SASALUHIN KO ANG PANGKAT KO! Kasama ng iyong naging pangkat sa PETA para sa markahang ito, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ang mga kasagutan ay ibabahagi sa oras ng klase mismo. Paramihan ng mga katanungang masasagutan mula sa mga katanungan. Mabibigyan ng karampatang Filipuntos ang pangkat na may maraming nasagutan. Paghahandaan muna ito sa Ikaapat na araw at sasagutin sa Ikalimang araw na ng klase. 1. Tungkol saan ang akda? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. Anong panauhan o punto de bista ang ginamit ng may-akda? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 3. Batay sa iyong nalalaman, masasabi mo bang maayos at malinaw ang pagkakasulat nito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 4. Nakita mo ba ang kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista? Sa paanong paraan? ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 21 ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 5. Sa kabuuan, masasabi mo bang nasunod nito ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay? Ipaliwanag. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Paalala: Sasagutin ang gawaing ito sa oras ng asynchronous samantala mayroon pang karagdagang subok-kaalaman mula sa harapang klase. A. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay naglalarawan ng mga katangian, kalikasan at mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay at pictorial essay. Isulat naman ang MALI kung hindi. _______ 1. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang paglalakbay kung gagamitin sa pictorial essay. _______ 2. Mahalagang mailahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat lakbay-sanaysay. _______ 3. Lahat ng larawan sa pictorial essay ay dapat na may kasamang mahabang caption o paliwanag. _______ 4. Kailangang may isang pokus ang bubuoing sulatin. _______ 5. Kailangang maisaalang-alang ang layunin o dahilan kung bakit at para saan ang gagawing lakbay-sanaysay o pictorial essay. B. Panuto: Paghambingin ang lakbay-sanaysay at pictorial essay sa katangian, kahulugan, layunin at gamit sa pamamagitan ng Venn Diagram. Travel Essay Photo Essay ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 22 IKALIMANG ARAW MGA LAYUNIN Ang mag-aaral ay… 1. Nasusuri ang isang halimbawa ng travel essay batay sa mga katanungang ibinigay. 2. Napaghahambing ang dalawang uri ng sanaysay: Pictorial at Travel Essay. Mula sa paunang gawain kahapon, ang pagbasa ng travel essay at pag-iwan ng mga katanungan, mas napaghandaan ang gawain ngayong araw, ang pagsagot sa iilang katanungan. Kaya naman ngayon, maaari nang magtungo kasama ng pangkat upang mas maibahagi sa isa’t isa ang mga kasagutan. 1. Tungkol saan ang akda? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. Anong panauhan o punto de bista ang ginamit ng may-akda? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 3. Batay sa iyong nalalaman, masasabi mo bang maayos at malinaw ang pagkakasulat nito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 4. Nakita mo ba ang kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista? Sa paanong paraan? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 5. Sa kabuuan, masasabi mo bang nasunod nito ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay? Ipaliwanag. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Pagkatapos suriin ang akda, nararapat lamang na lagumin ang naging daloy ng kabuoang Aralin 2 lalo na sa dalawang sanaysay, kaya naman habang kasama mo ang iyong pangkat, mayroong inihandang gawain ang iyong guro. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 23 PANGKATANG-GAWAIN: Dahil tapos na nating pag-aralan ang dalawang uri ng sanaysay, puntahan ang pangkat mula sa pagbuo ng PETA. Mayroon fish chart na ibibigay ang guro. Magbibigay ng tatlong pagkakaiba ng dalawang sanaysay. Ang pangkat na unang makapagbibigay ay tatanghaling panalo at may filipuntos! Paalala: Isusulat ang mga kasagutan sa Manila paper na binigay ng guro. Pumili ng isa hanggang dalawang kinatawan na maaaring magpakita ng mga naging kasagutan. Dahil sa marami ang pangkat (10), bubunot lamang ang guro at titingnan kung sino ang dapat na magpakita ng kanilang kasagutan, sapat na ang tatlong pangkat. Marami ba ang naibigay na pagkakaiba? Mahusay kung ganoon! Palalimin natin ang talakayan para sa dalawang uri ng sanaysay. Sa araling ito, mas bibigyang-diin ang photo essay subalit nais ring madagdagan ang iyong kaalaman tungkol naman sa lakbay-sanaysay. Ang bibigyang-diin sa bahaging ito ay ang pagkakaiba at matandaan mo lamang ang mga mahahalagang paalala kapag sumusulat naman ng lakbay- sanaysay o travel essay. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 24 PAGKAKAIBA NG PHOTO ESSAY AT TRAVEL ESSAY Photo Essay Travel Essay Ginagamit sa anyo ng Travel essay o travelogue ang tawag. Ito ay pamamahayag/journalism tulad ng magasing bahagi ng travel literature. Maaaring gawing panturista, siyentipiko at kultural hanapbuhay ng isang tao. Sa pahayagan naman ay sa lifestyle section. Malawak ang paksa Nakapokus sa paksa ng paglalakbay Ikatlong panauhan madalas Unang panauhan ang gamit/personal ang tono Mas marami ang mga larawan at mahalaga ang Mas nangingibabaw ang teksto ginagampanan nito Ang mga paksa ay maaaring tungkol sa Tungkol sa paglalakbay, pinanggalingan ng lipunan, mga trivia, pamumuhay ng tao isang lugar, pagkain, at kultura Pormal halos ang wika Gumagamit ng mga talinghaga (tayutay, simile, metaphor at iba pa) Maikli lamang ang paliwanag dahil may mga Detalyado ang mga pagbabahagi ng karanasan. larawan na. Madalas ay impormatibo o nakabatay sa paksa Tinuturuan ang mga tao mula sa mga naging ang magiging layunin ng pagsulat. pagkakamali habang naglalakbay. REST! RELAX! RECHARGE! Ang paglalakbay ay isang gawaing nagpapalawak ng pananaw sa buhay at nagbibigay ng mayamang pagkakataon sa pagkatuto. Isa itong paraan sa paglubos ng sandaling buhay. Ang buhay ng tao ay punong-puno ng paglalakbay hindi lamang sa magagandang lugar kundi maging sa kanyang mga nararanasan sa buhay. Ibahagi sa ibaba ang isang yugto o pangyayari sa iyong buhay na nakapag-iwan nang malaking aral at marka sa iyong pusong alam mong makatutulong sa iyo upang lalo kang magpunyagi sa buhay at patuloy na maglakbay sa mundong ating ginagalawan. Gabay na tanong: 1. Anong lugar ang naranasan mo ng lakbayin? Ilang araw ang pamamalagi mo rito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. Anong kakaibang kultura ang natunghayan mo mula sa mga ito? ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 25 ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 3. Anong realisasyon ang tumatak sa iyong puso at isipan? Bakit? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Alin ka sa dalawa tuwing ikaw ay naglalakbay? TURISTA O MANLALAKBAY? Paano mo nasabi? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ Alin sa dalawang uri ng sanaysay ang kaya mong isulat? Photo o Travel Essay? Bakit? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ IKAANIM NA ARAW MGA LAYUNIN Ang mag-aaral ay… a. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin sa pamamagitan ng binasang halimbawa b. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng mga larawan at gamit ng mga ito sa nakalarawang sanaysay c. Napaghahambing ang dalawang uri ng sanaysay; d. Natutukoy ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay at pictorial essay Tingnan sa hiwalay na sipi ang pagsusulit. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 26 Narito ang isang gawain na magsisilbing sumatibong pagsusulit (PHOTO ESSAY). Bumuo ng isang photo essay ayon sa naging proseso ng pagbuo na itinuro ng guro. Tiyakin na mayroong panimula at konklusyon ang photo essay. Ipakita ang wastong posisyon ng mga larawan ayon sa gamit ng mga ito. Ang bubuoing photo essay ay may kabuoang 20 puntos na magsisilbing pagsusulit bukod pa sa pagsusulit na sasagutan sa oras ng harapang klase tungkol sa Aralin 2. Ang bubuoing photo essay ay ilalagay sa isang short bondpaper. Malaya sa font syle at size na gagamitin. Ang larawang gagamitin ay hindi lalagpas ng limang larawan. Ang caption ay hindi lalagpas ng dalawang pangungusap at hindi bababa ng isa. Ang tono ng photo essay ay nakabatay sa paksa na napili kaya naman tiyakin ang tamang paggamit ng panauhang panghalip o POV. Maaaring lumagpasa sa isang pahina ang gamiting bondpaper, depende sa paraan ng pagdidisenyo. Tiyaking hindi nasasapawan ng teksto ang mga larawang ginamit. Higit pa rin ang larawan. Ilagay sa likurang bahagi ng papel ang pangalan, baitang at seksyon, maging ang paksang pinili. Narito ang mga paksang maaaring gamitin: 1. Sariling karanasan (a day in my life) 2. Local events sa paaralan - Buwan ng Misyon, Career Week, Sportsfest 3. Mga kapistahan sa iba't ibang lugar 4. Pag-aalala sa mga yumaong kaanak (Undas), Paskong Pilipino, Bagong Taon 5. Inang Maria 6. School Thrust Narito ang pamantayan: Pamantayan 4 3 2 1 Malinaw na Iisang paksa Iisang paksa Mayroong dalawa Nasa apat paksa lamang ang lamang ang hanggang tatlong hanggang limang pinapakita ng pinapakita ng larawan ang larawan na ang mga larawang photo essay tumataliwas. tumataliwas sa ginamit. Wala ni subalit may isang paksang isang larawan ang larawan ang pinalulutang. taliwas sa tumataliwas mula paksang sa paksa. pinalulutang. Tamang puwesto Ang bawat Mayroong isang Mayroong dalawa Mayroong apat ng mga larawan na larawan ang hindi hanggang tatlong na larawan ang ginamit ay wasto ang larawan ang hindi ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 27 larawan/gamit ng nakaposisyon pagkakalagay o wasto ang hindi wasto ang mga larawan batay sa tamang puwesto. pagkakalagay o pagkakalagay. gamit nito. (Lead puwesto. photo – sa simula ng sanaysay). Lahat ng larawan ay nasa tamang puwesto o pagkakalagay sa kabuoang sanaysay/ Disenyo Lubusang naging Naging angkop Hindi gaanong Tanging larawan malikhain at ang disenyong nilagyan ng lamang at caption malinis sa photo ginamit, angkop disenyo ang ang inilagay. essay na binuo, lamang ang mga photo essay Walang anumang angkop ang inilagay na sapagkat disenyo ang disenyo sa disenyo. mayroon pang inilagay. nilalaman ng suhestiyon ang photo essay na guro na maaaring binuo. ilagay batay sa paksa. Katulad ng paglalagay ng simpleng border sa bondpaper at iba pa Wika/caption Ang binuong May isang Naging malayo Walang caption ay nasa larawan ang hindi nang kaunti ang kaugnayan o tamang haba at naipaliwanang ginamit na koneksyon ang pinapalawig na nang maayos at caption at binuong caption lamang ang lumagpas ng lumagpas ng at lumagpas nang mismong larawan isang dalawa hanggang higit sa apat na na ginamit. pangungusap sa tatlong pangungusap. pagbuo ng pangungusap. caption. (Kabuoang photo essay ang pagbabatayan) Oras ng Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang Nahuli ng tatlo at pagpapasa photo essay bago photo essay sa photo essay higit pang araw ang itinakdang mismong araw na subalit nahuli ng sa pagpapasa ng araw ng guro. itinakda ng guro. isa hanggang photo essay mula dalawang araw sa itinakdang oras mula sa ng guro. itinakdang oras ng guro. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 28 Paalala: Pagbatayan ang dalawang SAMPLE ng Photo Essay, parehas na pinapakita nito ang makabago at tradisyonal na paggamit ng photo essay. Makikita ang mag ito sa MS teams>Aralin2>Sample ng Photo Essay. MGA PUNA _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO PPT, Vidoes, mga pahayagan, sample ng mga akda SANGGUNIAN Mga Aklat: Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor. Pinagyamang PLUMA (K-12) Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, INC., 2017 Reyes, Alvin Ringgo C. DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (Ikalawang Edisyon). Makati City: DIWA Learning Systems, INC., 2019 Evasco Eugene at Ortiz Will (2017). FILIPINO: Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik) Batayang Aklat sa Filipino sa Senior High School. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City. C&E Publishing, Inc. Maria S. Bulaong, Fancelaida F. Baluyot, at Manolito G. Mata (2012). Pagpapahalagang Pampanitikan (Binagong Edisyon). El Bulakeno PRINTING HOUSE. City of Malolos, Bulacan. Lorna Q. Israel. (2017). Creative Nonfiction. Vibal Group Inc., 0290 Nivel Hills, Lahug, Cebu City and Kalamansi St. cor. 1st Ave., Juna Subdivision, Matina, Davao City. ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 29 Mga Websites: ELCOMBLUS. (2024, October 7). Pagsulat ng Sanaysay [online article] kinuha mula https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/ Essay Lib-com. (2018, March 01). How to Write a Pictorial Essay [online article] kinuha mula sa https://essay-lib.com/write-pictorial-essay/ Wordpress.com. (2016, October 17). Replektibong Sanaysay [online article] kinuha mula https://masongsongrickimae.wordpress.com Collective lens. (n.d). How to Create a Photo Essay [online article] kinuha mula sa http://www.collectivelens.com/blog/creating-photo essay/#:~:text=The%20Signature%20Photo%3AThe%20signature,hope%2C%20inspiration%2C%20 or%20sadness. Inihanda nina: Bb. Kate D. Fajardo Bb. Annilyn Garcia ATHS Learning Guide for FPL Aralin 2: Pictorial at Travel Essay 30

Use Quizgecko on...
Browser
Browser