GAWAING PAGKATUTO MODYUL Mitolohiya PDF

Summary

This document provides information about Filipino mythology, including the definition, elements such as characters and plot, and examples of classic tales. It is a study module, not a past paper.

Full Transcript

Filipino 10 GAWAING PAGKATUTO MODYUL Mitolohiya Pangalan:_________________________________Q2W1 Seksiyon:_________________________________ Petsa:_____________________ Isaisip Panimula (...

Filipino 10 GAWAING PAGKATUTO MODYUL Mitolohiya Pangalan:_________________________________Q2W1 Seksiyon:_________________________________ Petsa:_____________________ Isaisip Panimula (Susing Konsepto) Ang Mitolohiya ay… 1. Pag-aaral ng mga mito o “myth”. 2. Ang salitang mito ay galing sa salitang Griyego na “mythos” na ang kahulugan ay kuwento. 3. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar nanaglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan. 4. May kaugnayan sa mga ritwal at teolohiya. 5. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani ito ay itinuturing na isang sagrado, at pinaniniwalaang naganap. 6. Ito rin ay sumasagot sa tanong na: a. Paano nabuo ang mundo? b. Bakit iba-iba ang kulay ng balat ng tao? Mga Elemento ng Mitolohiya 1. Tauhan Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibangkapangyarihan. 2. Tagpuan May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon. 3. Banghay Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa mga sumusunod: a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyongnagaganap sa araw, buwan at daigdig 4. Tema Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa mga sumusunod: a. magpaliwanag sa natural na pangyayari b. pinagmulan ng buhay sa daigdig c. pag-uugali ng tao d. mga paniniwalang panrelihiyon e. katangian at kahinaan ng tauhan f. mga aral sa buhay Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al ,1993) at Enjoying Literature, (Ferrara et. al, 1991) 1 Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni Snorri Sturluson Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Mga Tauhan: diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng AesirLoki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan higante: Skymir – naninirahan sa kakahuyanUtgaro-Loki - hari ng mga higante Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki Mga tao: Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karuwahena hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka.Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor. Nagalit ito nang husto at nanlilisik angkaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawasila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging alipin niya pagkatapos. Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon. Hatinggabina nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niya ang kaniyang maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang malakas na ungol. Kinaumagahan,nakita ni Thor sa labas ang isang higante. Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor ang pangalan ng higante. Siya raw si Skymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni Thorang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang tinulugan atang hintuturo nito ang inaakalang silid. Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skymir ang baon niyang bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si Thor, kaya’t pinagsama ni Skymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thorang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skymir at inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang malakas na hilik ng higante. Nagising 2 si Thor, kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante. Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?”sabi ng higante. Sinabi nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog. Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skymir ay maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang higante. Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito. Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan. Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito. Sumunod si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman na naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan nagngangalang Logi.Inilagay sa gitna ng mesa ang mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, butonalamang ang naiwan sa parte ni loki ngunit walang butong natira sa parte ni Logi. kaya’t malinaw na natalo si loki sa nasabing labanan. Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang siThjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi. Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. “Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng pinunong mga higante. Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niyanang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok. Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong pagkakataon.Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman. “Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro- Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isangabuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. “Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor. “Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.” 3 Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang maayos. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto. Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyoang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agadkitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-mangha sa akinnang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo atbuntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumangparaan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin. Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala nasi Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d. Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral Inilimbag ng vibal Group, Inc.n.d. Alamin KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS) Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan(collocation). F10PT-IIa-b-71 Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ngmga tauhan. F10PN-IIa-b-71 4 Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood. F10PD-IIa-b-69 Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. F10PU-IIa-b-73 Suriin GAWAIN 1: Talasalitaan Panuto: Isama ang ibinigay na salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan. Isulat ang pinagsamang salita at ibigay ang kahulugan nito sa sagutang papel. Halimbawa: sibuyas kayo kalabaw balat buto balat sibuyas – maramdamin / sensitibobalatkayo – pagkukunwari balat kalabaw – makapal / di marunong mahiyabuto’t balat – sobrang payat 1. silid 2. tubig 3. bahay 4. kwento 5. buhay Pagyamanin / Isagawa Gawain 2 Panuto: Suriin ang elementong taglay ng binasa/napanood na mitolohiya sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor. 2. Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda. 3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay? 4. Ano ang paksa o tema ng binasa/ napanood na akda? Tayahin Rihawani Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon. Ang Diyos daw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa. Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon. Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o 5 mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagagabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglalakad-lakad naman at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang puting usa na sinasabi ng matanda. Nang mapadako ito sa tabing-ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan ng mga mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting- puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha nang ang usa ay mag- iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga nangangaso ang dakong iyon ng kagubatan. -Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. al, 1991) GAWAIN 3 Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram , ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino. Gawin sa sagutang papel. MGA SANGGUNIAN Aklat Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag- aaral Inilimbag ng Vibal Group, Inc. Online The Exploring Series ,” Exploring Norse Mythology: Thor, God of Thunder” March 12,2018. Accessed on August 39, 2020 https://www.youtube.com/watch?v=_VvvueCaXaY Susi sa pagwawasto Sariling sagot ng mga mag-aaral Gawain 3 Gawain 2 Sariling sagot ng mga mag-aaral (maaaring magbigay ang mag-aaral ng ibang sagot) buhay-alamang, hanapbuhay, agaw-buhay, talambuhay 5. 6 kwentong –bayan, kwentong-kutsero, kwentong –barbero, kwentong katatawanan 4. bahay-kubo, bahay-ampunan, bahay-bata, bahay-bahayan 3. tubig-alat, tubig-kanal, tubig-pampaligo, tubig-tabang 2. silid-aklatan, silid- tulugan, silid –kainan, silid- dalanginan 1. Gawain 1 Inihanda ni: LESLEY A. ANGELES ACScihs 7 FILIPINO 10 GAWAING PAGKATUTO MODYUL DULA Pangalan:___________________________________ Q2W2 Seksiyon:___________________________________ Persa:________________ Isaisip (Susing Konsepto) Isa sa mga makulay na uri ng panitkan ay ang Dula. Ito ay hango sa salitang Griyegona “ drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ang dula ay isang uri ng akdang panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Makulay ang uri ng panitikang ito dahil sa malikhain at detalyadong pagkakasulat nito. Sa uri rin ng panitikang ito ay makikita mo ang iyong sarili na tila kabilang ka sa mga eksena sa kuwento dahil binibigyan mo ito ng buhaysa paraan nang iyong pagbasa. Maaari rin namang ikaw ang magbigay ng buhay nito bilang isa sa mga karakter sa pagtatanghal sa entablado. Ang Dula ay may tatlong sangkap ito ang simula, gitna at wakas. Sa Simula ay mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin, samantalang sa Gitna ay matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan, habang ang Wakas naman ay matatagpuan dito ang kakalasan at ang kalutasan. MGA URI NG DULA 1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. 2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo. 3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi. 4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawa-tawa. 5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito. Epistemolohiya/epitimohiya - ang pag-aaral sa kaalaman at ang kalikasan nito, posibilidad at pangangatuwiran. Kasaysayan ng Pilosopiya: ang pag-aaral tungkol sa mga akda ng mga pilosopo hanggangsa kasalukuyan. https://tl.wikipedia.org/wiki/Dula https://www.slideshare.net/anneng15/mga-sangay-ng-pilosopiya-70266251 8 Sintahang Romeo at Juliet Hango sa Romeo at Juliet Gawain 1 Ni: William Shakespeare Unang Tagpo na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza 9 (Sa pag-iisa ni Romeo. Kinakausap ang sarili) ROMEO: Bata pa ba ang araw? Mahaba ang malungkot na mga oras.Walang paglingap ng aking minamahal. O, nag-aaway na pag-ibig!O, pag-ibig na nagagalit! O, kahit na anong sa wala nanggagaling! Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit, Di ba’t ganda nito’y isa lamang pantawag ng isipSa lalo pang may malaking kagandahan? Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan. (Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili.) JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina, Mga dalaga dito ay nagiging ina na. Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?Maiibig ko ba ang ginoo? Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko. Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha, Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa; IKALAWANG TAGPO (Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan.Darating si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.) ROMEO: Liwanag ng tanglaw, sa pagtuturo niya’y lumalaki,Para siyang nakabitin sa pisngi ng gabi, Katulad ng mamahaling hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia, Kagandahang di dapat gamitin pagkat lubhang mahalaga,Parang puting kalapating kasama ng mga uwakAng binibini ko sa piling ng mga hamak. Pagkatapos nitong sayaw, titingnan kung saan siya uupo, Mabibindita ang kamay kong magaspang pag ang kaniya ay nahipo, Puso ko ba’y mayroon nang minahal? Itakwil mo, mata, Pagkat ang tunay na ganda’y ngayon ko lamang nakita.(Makikita ni Tybalt si Romeo. Sisitahin niya ito.) TYBALT: Ito sa tinig ay marahil isang Montague. Bakit naparito ang aliping itong mukha’y di mapinta?Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya? Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan, Ang patayin siya’y hindi masasabing kasalanan. CAPULET: Bakit pamangkin ko, ano ang ipinagpuputok mo? TYBALT: Tiyo, ito ay ating kaaway na isang Montague; Isang buhong na dahil sa galit naparito, Upang libakin ang kasayahang ito. CAPULET: Siya ba ang batang si Romeo? TYBALT: Siya nga, si Romeong buhong. CAPULET: Masiyahan ka pinsan ko, pabayaan siya.Parang maginoong tunay ang mga kilos niya, Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti.Kahit ibayad sa akin ang yaman ng buong bayan, Hindi ko siya sisiraan sa aking tahanan. Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin. TYBALT: ‘Pag panauhin ay isang buhong ay angkop iyan.Hindi ko siya mapagtitiyagaan. CAPULET: Pagtitiyagaan siya. Bakit, ihoGaniyan ang sabi ko. Alis ka diyan! Ako ba ang panginoon dito o ikaw? Alis ka diyan! Nais mong sumikat, nais mo na ikaw ang masunod! TYBALT: ‘Pag ang pasensiya’y pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw,Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman. Ako ay aalis; subalit ang ganitong panghihimasok Na ngayo’y waring matamis ay magiging mapait na lubos. (Lalabas si Tybalt. Magtatagpo ang paningin nina Romeo at Juliet) 10 ROMEO: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;Ang mga labi kong dalawa’y namumulang mamamakay Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay. JULIET: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasalaSa kamay mong mabuting kilos ang nakikita; Mga santo’y may kamay na hinihipo ng may-pakay;At ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal. ROMEO: Kung gayon, santa ko, bayaang gawin ng labi ang gawain na pangkamay!Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay. (Hahalikan ni Romeo si Juliet.) JULIET: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha. ROMEO: Salang buhat sa labi ko? O salang malambing na iyong binanggit, Ang sala ko ay muling ibalik (Hahalikan niyang muli si Juliet.) JULIET: Parang pinag-aralan mo ang paghalik. NARS: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.ROMEO: Sino ang kaniyang Ina? NARS: Aba, binata. Ang nanay niya ay ginang nitong tahanan. ROMEO: Siya ba’y Capulet?O kay samang kapalaran! Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway. Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi mapalagay. IKATLONG TAGPO JULIET: O Romeo, Romeo! Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig, At hindi na ako magiging Capulet ROMEO: Maghintay pa kaya ako, o ngayon din ay tumugon? JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa, Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.O, magpalit ka na ng pangalan! Ang rosas kung tagurian, Sa ibang taguri’y mananatiling mabango ang pangalan ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan. Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan; Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo. JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,Na nakatuklas sa aking lihim? ROMEO: Sa pangalan, Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring katauhan. Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko Pagka’t yao’y isang kaaway mo. Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko. JULIET: Hindi ko pa nalalanghap,’ sandaang kataga,Ng sinabi ng dilang yan, ngunit alam ko na yata. Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague? ROMEO: Hindi ang kahit alin, o santang butihin, kung kamumuhian mo rin. JULIET: Paano ka naparito, sabihin sa akin, at saan nanggaling?Pader dito ay mataas. Mahirap akyatin, At kung iisipin, ang pook ay kamatayan, ‘Pag natagpuan ka rito ng sino mang aking kasamahan. ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal; Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang.Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin, Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka. ROMEO: Tamisan mo lang ang titig, Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit. JULIET: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito. ROMEO: Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin, Hindi baleng matagpuan nila ako, iyo lamang11 mamahalin.JULIET: Sinong nagturo sa iyo ng lugar na ito? ROMEO: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas. JULIET: O mabait na Romeo, Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo.O kung akala mo’y ako’y napakadaling mahuli, Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal; Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat akoKaysa mga mukhang mahiwaga dahilan sa tuso. ROMEO: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyonNa nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy. JULIET: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman Na buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran. Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal! ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan? JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan? ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig. JULIET: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi. ROMEO: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay? JULIET: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan. 12 Maging tapat ka Montague kong matamisMaghintay ka, ako ay muling babalik. ROMEO: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong gabi’y bakaito ay pangarap lamang, Masyadong mapanlito upang maging katotohanan. JULIET: Tatlong salita, mahal kong Romeo’t paalam nang tunay.Kung marangal ang hangarin ni’yong iyong pagmamahal, at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako,Sa tulong ng isang susuguin ko sa iyo, Kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay ganapin; Ang lahat kong kayamana’y sa paanan mo ay ihahain,Sa buong daigdig kita susundin. JULIET: Subali’t kung hindi wagas ang iyong hangarin,Hinihiling ko sa iyo- Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwananBukas ako’y magpapasugo sa iyo. ROMEO: Mabuhay nawa ang kaluluwa ko JULIET: Adios, adios matamis na lungkot ng paghihiwalay Di ako titigil ng kapapaalam hanggang kinabukasan. IKAAPAT NA TAGPO PADRE: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang pagsisisi’y huwag nating kamtin. ROMEO: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin Sa sandaling siya’y aking masilayan. At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumatingKasiyahan ko nang siya’y maging akin. PADRE: Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay, Naghahalikan ay nauubos. Ang pulot na matamis na lubha Dahilan sa sarap ay nakasusuya, At ang tamis ay nakasisira sa panlasa. Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta;Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta. JULIET: Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko. PADRE: Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.JULIET: Gayon din ako sa kaniya; O, ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan. ROMEO: A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at ang kakayahang iyong angkin. Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga JULIET: Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi,Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti, Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman; Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan. Kahit kalahati ay hindi ko mabilang PADRE: Madali nating tatapusin na, Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa IKALIMANG TAGPO BENVOLIO: Si Tybalt na nahulog kay Romeong kamay;Si Romeo ang nagsabi sa kaniyang malumanay Na walang k’wenta ang pagtatalunan, Itong lahat – sinabi niya nang buong hinahon, maaamo ang tingin at yukod ang tuhod –Hindi makapayapa sa pusong mapusok ni Tybalt na bingi sa payapang panawagan, Umulos ng armas sa dibdib ni Mercutiong matapang; Sa galit, ay lumaban, armas sa armas, At parang isang sundalo’y tinabig ng isang kamay niya Ang kamatayang malamig, saka ibinalik ng ikalawang kamayKay Tybalt na dahilan ang liksing taglay ay biglang gumanti. Isang inggit na saksak ni Tybalt ang lumagot Sa buhay ng matapang na si Mercutio. Kumaykay ng takbo si Tybalt at saka binalikan si RomeoNa bago la’ng nakaisip na gumanti rito, At parang kidlat silang nagtagis; bago ko nakuha Ang armas upang sila’y nabubuwal ay tumakbo si RomeoIto ang katotohanan, mamatay man si Benvolio PRINSIPE: At dahil sa kasalanang iyan.Siya’y aking ipatatapong biglaan. Palayasin agad si Romeo, Katapusan niyang araw pag nahuli rito. Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin Ang awa’y nakamamatay sa paglingap sa salarin. 13 IKAANIM NA TAGPO JULIET: Huwebes ng umaga! Ako’y namamangha sa pagmamadali, Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw.Hay, ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin. Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat,O, matamis kong ina, h’wag akong talikuran! O kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasalSa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan. Ako’y tutungo kay Padre Laurence na silid, Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit. IKAPITONG TAGPO PADRE: Ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis;Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip. Narinig kong kailangan at hindi mapipigilang Sa Huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan. JULIET: H’wag sabihin, padre, na narinig mo ‘yan Kundi masasabi kung paano ninyo’y ito maaaring hadlangan.Kung sa karunungan ninyo’y di makatutulong, Sabihin man lamang na tama ang nilalayonAt sa tulong ng lansetang ito’y gagawin ko.Huwag nang mag- atubili, nais kong mautas Kung ang inyong sasabihin ay hindi makalulunas. PADRE: Umuwi ka, matuwa’t pumayag kay Paris pakasal.Miyerkules bukas. At bukas ng gabi, mahiga kang nag-iisa; Matapos mahiga’y kunin ang garapang ito At ang lamang alak nama’y tunggain mo. Pagkatapos nito’y sa mga ugat mo’y maglalagos Ang pagdaramdam ng antok at ang tibok Ng pulso mo’y titigil at mawawala, Walang init o hiningang sa buhay mo’y magbabadha; Ang rosas mong labi’t mga pisngi ay kukupas Parang kamatayang nagpipinid sa araw ng buhay: Bawa’t bahaging malambot ng iyong katawa’y Maninigas, manlalamig at parang tunay na patay;Sa ganitong hiram na anyo ng kamatayan Mamamalagi ka sa loob na apatnapu’t dalawang oras. IKAWALONG TAGPO NARS: Binibini! Ano ba, binibini! Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli? Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini! Juliet! Naku, naku, naku. Tulong, tulong ang binibini ko’y patayO kay sawi, bakit pa ba ako isinilang Kumuha ng alak, madali! Aking ginoo! Aking ginang! Araw na kasumpa-sumpa, malungkot, hamak, nakamumuhi! KASIYAM NA TAGPO (Romeo at Baltazar.Dumating si Baltazar mula sa Verona dala ang masamang balitapara kay Romeo.) ROMEO: Balitang buhat sa Verona! Baltazar, anong iyong masasabi?Wala ka bang dalang sulat na buhat sa Padre? Kumusta ang aking ginang? Mabuti ba ang aking ama? Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet? Walang magiging masama kung mabuti ang kalagayan niya BALTAZAR: Kung gayo’y mabuti, siya’y walang magiging masama.Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa, At ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel. ROMEO: Gayon ba? Kung gayon ay humarang na ang mga bituin! Aalis ako ngayon din! Wala bang sulat ang Padreng sa iyo’y padala? BALTAZAR: Wala po, mabuti kong panginoon.ROMEO: Ano ang dapat kong gawin? May naalala akong isang butikaryo, Na sa dakong ito nakatira, napansin ko.(Sa may Butikaryo) BUTIKARYO: Sinong tumatawag nang kaylakas? ROMEO: Nakikita kong ikaw ay mahirap.Heto ang apatnapung ducado. Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat Upang mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na. BUTIKARYO: Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng Mantua’y kamatayan sa magbili na pangahas. ROMEO: Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan; Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman; Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan. 14 BUTIKARYO: Ilahok mo ito sa kahit na anong tunaw at saka inumin.At kung ang lakas mo’y katimbang Ng sa dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay. IKASAMPUNG TAGPO JUAN: Banal na padreng Pransiskano, kapatid ko!Samantalang humahanap ng kasama, Pinakuan ang pintuan at di kami pinalabas Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa Mantua ay napigil agad. PADRE: Sino ang nagdala ng sulat ko kay Romeo? JUAN: Wala akong mapagdala – narito nang muli – PADRE: Malungkot na kapalaran! Ang sulat ay hindi biro kundi mayrong nilalamang mahalagang bagay IKALABING-ISANG TAGPO ROMEO: O mahal ko! O asawa ko! Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hiningaSa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling, Dito, dito na ako tatahan Kasama ng mga uod na iyong utusan. O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakanMga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam (Iinumin ang lason.) O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason. Matapos ang isang halik, mamamatay ako. (Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni Juliet.) JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa akin?Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.Oh, mabuting balaraw! Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay. (Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.) BABAE: Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umagaAng araw ng kalungkuta’y hindi ngayon pakikita Lumakad na kayo’t pag-uusapan pa ang malungkot na naganapAng iba’y patatawarin at sa iba’y parusa ay ilalapat; Sapagkat wala pang makakasinlungkot Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog. http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/sintahang-romeo-at-juliet.html Alamin KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS) Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya) ( F10PT-lla-b-72) Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sadaigdig (F10PB-lla-75) Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PN-lla-b-72) Naipapaliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa napanood na bahagi nito.(F10PD-lla-b-70) Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kulturakung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa ( F10PU-lla-b-74) Suriin Gawain 1 Panuto: Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba, isagawa ang hinihingi sa bawat bilang. 1. Ang salitang kastilyo ay hiram na salita natin mula sa Espanyol na CASTILLO.Ang kahulugan ng kastilyo ay. 2. Ang salitang AMBISYON ba ay salitang hiram o likas na sa atin? Magbigay ng paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito. 3. Ang salitang REPERENSYA ay madalas gamitin sa mga aklat at sa pang-araw-araw na pananalita. Saan kaya hinango ang salitang ito at ano ang katumbas na salita sa wikang Filipino? Ipaliwanag 15 4. Ang salitang TEKNIK ay hango mula sa salitang ingles na TECHNIQUE. Ang kahulugan ng TEKNIK ay. 5. Ang salitang INOSENTE ay mula sa salitang kastila na inocente. Ang kahulugan ng INOSENTE ay. Pagyamanin / Isagawa GAWAIN 2: Ihambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda (England) sa ating bansa (Pilipinas). Paghahambing batay sa: Bansang tagpuan ng Bansang Pilipinas dula (England) Pinuno ng Estado Uri ng Pamahalaan Tawag sa kabisera Tirahan ng mga pinuno Kalagayan ng buhay ng nakararami sa mamamayan Iba pang kaugalian ng dalawang bansang nabanggit Tayahin GAWAIN 3: STOP MOTION Matapos mong mabasa at maunawaan ang nilalaman ng akdang Sintahang Romeo at Juliet ay nakatitiyak akong kayang-kaya mo ang susunod nating gawain! Alam kong sabik ka na! kaya simulan na natin! Nakakita ka na ba ng tinatawag na stop motion? Batid ko ay oo, at kung hindipa ay nais kong panoorin mo itong maikling stop motion na ito sa youtube upang magkaroon ka ng ideya ukol sa iyong gagawin. https://www.youtube.com/watch?v=TswOsGQoUfc Ngayong napanood at alam mo na ang stop motion, narito ang iyong gawain. PANUTO: Gumawa ng sariling stop motion na naglalahad ng kultura ng lugar napinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan sa mga tauhan. Pamantayan sa paglikha ng stop motion ng Sintahang Romeo at Juliet 1. Suriin ang akdang Sintahang Romeo at Julie atb pumili ng ilang tagpo nanagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan ng akda (England). 2. Maaaring gumamit ng mga ginupit na larawan sa paggawa ng stop motion. 3. Ang stop motion ay hindi hihigit sa 1:50 minuto at hindi kukulang sa 1:00minuto. 4. Lagyan ito ng musika o background music upang magkaroon ito ng buhay. 5. I-post ito sa twitter account at gamitin ang #RomeoAtJuliet10 6. Maging masining sa paglikha. Rubrik sa Pagmamarka NATATAN PINAKAMAHUS MAHUSA MAY GI 15 AY 10 Y6 KAKULA NGAN 3 Ang lahat ng nakita sa Ang karamihan ng Ang ilan sa nakita sa Walang nakita na presentasyon ay nakita sa presentasyon ay presentasyon na presentasyon naglalaman ng ay naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng totoong totoong totoong kultura at tradisyon ng totoong kultura at kultura at tradisyon ng kultura at tradisyon ng England batay sa tradisyon ng England England batay sa England batay sa akdang akdang Romeo at batay sa akdang akdang Romeo at Romeo at Juliet. Juliet. Romeo at Juliet. Juliet. Ang kabuoan ng stop Ang karamihan ng 16 ilan sa stop Ang Wala sa stop motion ang stop motion motion ay may motion ay may ay may maayos na may maayos na daloy ng maayos maayos na daloy ng ideya at na daloy ng ideya at daloy ng ideya at ideya at pangyayari pangyayari pangyayari pangyayari Ang kabuoan ng Ang karamihan ng Ang ilan ng Ang kabuoan ng presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay hindi ginamitan ng angkop ginamitan ng angkop ginamitan ng angkop ginamitan ng angkop na na musika at anyo ng na musika at anyo ng na musika at anyo ng musika at anyo ng mga mga tauhan mga tauhan mga tauhan tauhan Mga Sanggunian: Alma Dayag et.al,- Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 1),Phoenix Publishing House,201 Filipino:Panitikang Pandaigdig 10- Departamento ng Edukasyon https://tl.wikipedia.org/wiki/Dula http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/sintahang-romeo-at-juliet.html https://brainly.in/question/58643 https://www.google.com/search?q=dula+kahulugan&oq=dula&aqs=chrome.1.69i59j0 l2j46j0l2j69i60l2.6480j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 SUSI SA PAGWAWASTO (DULA- SINTAHANG ROMEO AT JULIET) GAWAIN 1 1. Castillo-Kastilyo-Kaharian 2. Ambition-Ambisyon-Pangarap/nais 3. Reference-Reperensya-Sanggunian/Talababa4.Technique-Teknik-Pamaraan 5. Inocente-Inosente-Walang muwang GAWAIN 2-May sariling pagpapaliwanag ang mag-aaral batay sa kung paano niya pinaghambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda (England) saating bansa (Pilipinas) GAWAIN 3 - May pamantayan at rubrik sa paglikha ng stop motion Inihanda ni: ROSTUM M. CARBUNGCO CMRICTHS 17 Filipino 10 GAWAING PAGKATUTO MODYUL Tula Pangalan:______________________________________ Q2W3 Seksiyon:______________________________________ Petsa:______________________ Isaisip (Susing Konsepto) Ang Tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipan nais ipahayag ng isang manunulat. Mga Elemento ng Tula 1. Sukat – ito ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Karaniwangmay sukat ang tula na waluhan,labing-dalawahan at labing-animan na pantig. Halimbawa: /Ang/ /la/ki/ /sa/ /la/yaw/ /ka/ra/ni/wa’y/ /hu/bad 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 2. Tugma -ang tawag sa pagkakatulad o pagkakapareho ng tunog ng mga huling salita sabawat taludtod. Dahil sa tugma, nagkakaroon ng indayog o aliw-iw ang tula. Uri ng Tugma a. Tugma sa patinig (Ganap) Halimbawa: Sa loob at labas ng bayan kong sawì, Kaliluha’y siyang nangyayaring harì, Kagalinga’t bait ay nilulugamî, Ininis sa hukay ng dusa’t pighatî. (Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838) Ang mga salitang pantugmang sawì, harì, nilulugamî, at pighatî ay pare-parehongnagtatapos sa patinig na i, at pare-parehong may impit ang tunog sa dulo. b. Tugma sa katinig (Di-ganap) Sa karaniwang tugmang katinig, inuri ni Jose Rizal noong 1887 sa dalawang pangkatng mga tunog ang mga katinig: malakas at mahina. Malakas ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t. Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubád, Sa bait sa muni’t sa hatol ay salát Masaklap na bunga ng maling paglingáp, Habag ng magulang sa irog na anák. (Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838) Ang mga salitang pantugmang hubád, salát, paglingáp, at anák ay pare-parehong nagtatapos sa huling patinig na a at sa mga patinig na d, t, p, at k, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y malakas ang tunog sa dulo. Mahina ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa katinig na l, m, n, ng, r, w, y. Ang wikang Tagalog tulad din sa Látin, Sa Ingles, Kastila, at salitang ánghel, Sa pagka ang Poong maalam tumíngin 18 Ang siyang nagbigay, naggawad sa átin. (Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869) Ang mga salitang pantugmang látin, ánghel, tumíngin, at átin ay nagtatapos sa mga patinig na i-e, at sa mga katinig na n, l, n, at n, ayon sa pagkakasunod, at sa gayo’y mahina ang tunog sa dulo. 3. Talinghaga o makabuluhang diwa –Tinutukoy nito ang mensaheng ibig ipabatid ngmakata sa kanyang tula Tumutulong o gumagabay ang diwang ito sa mambabasa upang suriin o pagtuunan ng pansin ang buhay. Higit na maganda at may lalim ang tula dahil sa paggamit ng talinghaga. 4. Kariktan o kagandahan -Tinutukoy nito ang lahat ng pamamaraang ginamit ng makata upang higit na maging mabisa at matingkad ang diwang ipinahahayag ng kanyang tula. Ito rin ang sangkap na tumutulong sa tula upang makatawag-pansin. Ang Ilan sa pamamaraang ginagamit ng makata upang magtaglay ng kariktan ang tula: paggamit ng piling-piling mga salita at imahen na nagpapayaman sa imahinasyon ng mambabasa, paggamit ng mga simbolo at tayutay, at pagpapatingkad sa isang karanasang malimit a hindi pinahahalagahan. https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan https://teksbok.blogspot.com/2017/07/tugma.html Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d. Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral Inilimbag ng vibal Group, Inc. Lacsamana, Leodivico C. Ph. D. 2003. Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon III, MakatiCity,Pilipinas. Diwa Scholastic Press Inc. Dayag, Alma M. ,Baisa-Julian, Aileen G., del Rosario, Mary Grace G. at Lontoc, Nestor S.2014.Pinagyamang Pluma 9,Quezon City,Pilipinas, Phoenix Publishing House, Inc. Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43). Basahin at unawaing Mabuti ang mensaheng nakapaloob sa tula. Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) Ibig mong mabatid, ibig mong malamanKung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan,Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagayNg kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaningMarunong umingos sa mga papuri. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalagaMalibing ma’y lalong iibigin kita. Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant. n.d. Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral Inilimbag ng vibal Group, Inc.n.d. Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang Damdamin o Liriko. Ang tulang ito ay mula sa Inglatera na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakaaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang sining. Kung kaya’t ang soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito ay karaniwang damdamin at kaisipan na nagpapakilala ng matinding damdamin. Isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito. Maaaring ang mga ito ay salawikain, kasabihan o sawikain o kaya’y idyoma. Sa pamamagitan ng mga ito napagaganda 19 ang mga pahayag. Narito ang ilan sa mga halimbawa at kahulugan ng mga ito: magsunog ng kilay - mag-aral nang mabuti balitang kutsero - hindi totoo mababa ang luha - iyakin bugtong na anak - kaisa-isang anak Alamin KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA (MELCS) Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-llc-d-70) Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-llc-d-72) Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula (F10PT-llc-d-70) Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-llc-d-72) Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10wg-llc-d-65) Suriin Gawain 1 Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito sa pamamagitan ng mga taludtod at saknong. A. Balagtasan B. Dula C. Maikling Kuwento D.Tula 2. Ito ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. A. kariktan B. sukat C. talinghaga D. Tugma 3. Anong elemento ng tula na kung saan ang mga salita ay may natatagong kahulugan? A. kariktan B. sukat C. talinghaga D. tugma 4. Anong uri ng Tulang Damdamin ang binubuo ng 14 na linya at tumatalakay sa kaisipan at diwa ng makata? A. Awit B. Elehiya C. Oda D. Soneto 5. Tukuyin ang sukat o bilang ng pantig ng mga sumusuod na taludtod: Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. A. 8 B. 12 C. 14 D. 16 6. Ito ay isang uri ng tula na sumasalamin at nagbibigay-diin sa damdamin o emosyon ng sumulat. A. Tulang Liriko B. Tulang Pantanghalan C. Tulang Pasalaysay D. Tulang Patnigan 7. Anong tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian at ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y at animo? A. Pagtutulad o simile B. Pagwawangis o metapora C. Pagmamalabis o hyperbole D. Pagtatao o personipikasyon 8. Ano ang kahulugan ng pariralang nakasalungguhit? Nahihiga sa salapi ang angkang kaniyang pinagmulan. A. kilala sa lipunan B. may-ari ng bangko C. maykaya sa buhay D. nakahiga sa pera 9. Paano naiiba ang tula sa ibang uri ng panitikan? A. nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa. B. nagsasalaysay ng mahalagang pangyayari na may aral o mensahe. C. naglalaman ng mga mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. D. nangangailangan ng pagpili ng mga salita, bilang ng pantig, at tugmang mga salita. 10. Tukuyin ang maaaring pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit sa taludtod. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan A. kabutihan at balakid B. kabutihan at katarungan C. kariktan at kapangyarihan D. kagandahan at kasamaa 20 Pagyamanin / Isagawa GAWAIN 2 Basahin at unawain mong mabuti ang mensahe ng isa pang halimbawa ng tula napinamagatang “Babang Luksa”. “Babang-Luksa” salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante sa isang “Pabanua” ni Diosdado Macapagal Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw Tila kahapon lang nang ika’y lumisan; Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di malilimutan. Kung ako’y nasa pook na limit dalawin Naalala ko ang ating paggiliw; Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin Kung nagunita kong tayo’y magkapiling. Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay Na kung saan una tayo’y nag-ibigan Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw Sa matandang bahay napuno ng saya Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta; Ang biyayang saglit, kung nababalik pa Ang ipapalit ko’y ang aking hininga. Bakit ba, mahal ko, kay agang lumisan At iniwan akong sawing kapalaran Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay At sa pagyaon mo’y para na ring namatay? Marahil tinubos ka ni Bathala Upang sa isipa’y hindi ka tumanda At ang larawan mo sa puso ko’t diwa Ay manatiling maganda at bata Sa paraang ito kung nagkaedad na Ang puting buhok ko’y di mo makikita At ang larawan kong tandang tanda mo pa Yaong kabataan taglay na tuwina At dahil nga rito, ang pagmamahalan Ay hanggang matapos ang kabataan, Itong alaala ay lalaging buhay, Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan. Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay, Ang ating pagsintang masidhi’t marangal Hindi mamamatay, walang katapusan Ang kaugalian ng ninuno natin Isang taon akong nagluluksa mandin; Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim; Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling. - Mula sa Panitikang Filipino nina Sulit et. al. 1989. Grandwater Publication Suriin ang pagkakabuo ng tulang binasa at ihambing sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”. Isulatsa papel ang iyong sagot. Sundin ang pormat. 21 Paghahambing “Ang Aking Pag-ibig” “Babang Luksa” Elemento: Sukat,tugma,kariktan, talinghaga Paraan ng paglalarawan ng pag-ibig Kadakilaan ng pag-ibig na inialay sa minamahal Mga pahayag na ginamit na nagpapatunay sa kahulugan ng pag- Ibig Tayahin GAWAIN 3 1. Sumulat ng sariling tula na ang paksa ay pag-ibig. 2. Bubuuin ng may apat na taludturan na may lima hanggang anim na saknong. 3. Sundan ang elemento nitong may sukat, tugma, kariktan at paggamit ngmatatalinghagang salita o tayutay. Pamantayan 10 15 25 Iskor Hindi gumamit ng Gumamit ng 4-5 Lubhang mga idyoma, idyoma, napakahusay sa Pagkamasining talinghaga, talinghaga, pagsulat ng tula tayutay o tayutay o iba pa dahil sa mga larawang diwa sa sa tula. idyoma, tayutay o tula. Talinghagang ginamit. Hindi angkop ang Ilang bahagi sa Lubusang Kaangkupan sa mga ginamit na tula ay angkop sa Napakaangkop Paksa salita sa paksa. ng mga taludtod pagtalakay sa at saknong sa paksa. paksa. Hindi naging May bahaging Ang buong tula malinaw ang naging malinaw ay naging Presentasyon detalyeng ang malinaw ang inilahad sa tula. pagkakalahad ng pagkakalahad ng mga detalye sa mga detalye. tula Hindi malinaw May ilang bahagi Lubusang ang mensahe / sa tula na malinaw ang Mensahe kaisipang malinaw ang Mensaheng ipinahahatid ng mensaheng ipinahahatid ng tula. ipinahahatid. tula. Hindi naging Ang ilang bahagi Lubusang malinis at ng tula ay malinis napakalinis at Kalinisan at maayos ang at maayos ang napakaayos ng Kaayusan pagkakasulat ng pagkakasulat. pagkakasulat ng tula. tula. KABUUAN MGA SANGGUNIAN Aklat Jocson, Magdalena O. at Abiera, Aura Bert A. mga Konsultant Kagarawan ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Departmnet of Education-Instructional Materials Council Secretariat(Dep-ed-IMCS), Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral Inilimbag ng Vibal Group, Inc. Lacsamana, Leodivico C. Ph. D. 2003. Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon III, Makati City,Pilipinas. Diwa Scholastic Press Inc. Dayag, Alma M. ,Baisa-Julian, Aileen G., del Rosario, Mary Grace G. at Lontoc, Nestor S. 2014.Pinagyamang Pluma 9,Quezon City,Pilipinas, Phoenix Publishing House, Inc Bernales,Rolando A.et al.2006.Masining na Pagpapahayag sa 22 Publishing House,Inc. Filipino:Mga Prinsipyo at Proseso.Malabon City,Pilipinas.Mutya Reyes,Alvin Ringgo C. 2012. Tanglaw sa Wika at Panitikan, Ikalawang Edisyon, Makati City,Pilipinas Diwa Learning Systems Inc https://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan https://teksbok.blogspot.com/2017/07/tugma.html https://www.tagaloglang.com/matalinghagang-pahayag/ 23 DCNDSMHS LEA S. CULIO Inihanda ni: Gawain 1 1.D 6. A 2.D 7. A 3.C 8. C 4.D 9. D 5.B 10.A Gawain 2 Pagsulat ng sarilingsagot (paghahambing ng dalawang tula) Gawain 3 Paglikha ng sariling tula Susi sa pagwawasto Filipino 10 GAWAING PAGKATUTO MODYUL Maikling Kwento Pangalan:________________________________ Q2W4 Seksiyon:________________________________ Petsa:________________ Isaisip (Susing Konsepto) Ang maikling kwento o maikling katha gaya ng taguri rito ay sangay ng salaysay (narration) na may iisang kakintalan. Ito ay may sariling katangian nasiyang ikinaiiba sa ibang sangay pampanitikan. Narito ang mga katangiang mayroon ang maikling kwento: a. Iisang kakintalan b. May isang pangunahing tauhan na mayroong suliraning kailanganglutasin c. Tumatalakay sa madulang buhay d. May mahahalagahang tagpo e. May mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan namadaling sinusundan ng wakas Mga Elemento ng Maikling Kwento 1. Tauhan. Ito ay likha ng manunulat na kung saan sa kanya ang sentro ng mga pangyayari (pangunahing tauhan) kasama ang iba pang mga karakter. 2. Tagpuan/Panahon. Dito dinadala ng manunulat ang mga mambabasa sa iba’t ibang panahon at lugar kung kailan at saan gaganapin ang mga pangyayari. 3. Saglit na Kasiglahan. Sa bahaging ito inihahanda ng manunulat ang mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan. 4. Suliranin. Ito ay tumutukoy sa paglalabanan pangunahing tauhan at ngsumasalungat sa kanya. Dito iikot ang kwento. 5. Tunggalian. Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sakalikasan at tao laban sa lipunan. 6. Kasukdulan. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito mahihinuha ng mambabasa kung ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya ay mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 7. Kakalasan. Ito ang kinalabasan ng paglalaban at sumusunod kaagad sakasukdulan. 8. Wakas. Sa puntong ito, tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Sa kabilang banda, melodrama naman ang tawag kapag may malungkot na sangkap subalit nagtapos naman nang kasiya-siya para sa mabuting tauhan. Aginaldo ng mga Mago O. Henry Maikling Kwento mula sa United States of America Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan noonay Pasko. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della. Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay. Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t pitong sentimos lamang para ipambili 24 ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim. Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang- aginaldo kay Jim. Isang pang- aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing karapat-dapat ariin ni Jim. Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok. Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della. At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig. Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang sombrerong kulay- kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas sa lansangan. Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della. “Bumibili ako ng buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura niyan.” ni Della ang alon-alon niyang buhok. “Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang makapal na buhok. “Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della. O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga tindahan sa paghahanap ng maipang- aaginaldo kay Jim. Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya. Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitangpagkakita niya sa kadenangiyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapagnakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit. Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat.Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob. Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne. Si Jim ay hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga yabagni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali. Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulongsiya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.” Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman! Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang guwantes. Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della atang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang damdaming hindi mahulaan. Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim. “Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli –huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon. Malakas namanghumaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.” “Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita. “Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol ang aking buhok?” Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa. “Huwag ka sanang magkakamali tungkol 25 sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.” Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganangluha. Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklayna malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas humaba ang buhok ko, Jim.” At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!” Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoyng kaniyang kaluluwa. “Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.” Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti. Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ngmga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.” Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinaginutan kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan. Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago Alamin Kasanayang Pampagkatuto at Koda Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay nakahulugan; F10PT-lle-73 Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda; F10PN-lle-73 Naisasalaysay ang masining at may damdamin ang isinulat na maiklingkwento; F10PS-IIe-75t Nahihinuha sa mga bahaging napanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig. F10PD-lle-71 Suriin Gawain1 A. Sa pamamagitan ng graphic organizer, magbigay ng mga salita o parirala na may kaugnayan sa salitang makikita sa loob ng bilog. REGALO A. Paglinang ng Talasalitaan Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ang mga kahulugan. Sumalagmak Humagibis Humarot Kulabo Lumuklok Halungkatin Hilam Simbuyo Panlalabo Halukayin Humarurot 26 Walang katinag-tinag Tangis Tumulin Halughugin Napaupo Malakas na iyak Hagulgol Lagablab Silakbo Umalembong Pagyamanin / Isagawa Gawain 2: Pakikipanayam Sa loob ng inyong tahanan, humanap ng limang (5) miyembro ng pamilya na iyong kapapanayamin. Sundin ang mga sumusunod na panuto: a. Isulat ito sa isang malinis na papel. b. Kunin ang kanilang kumpletong pangalan, edad at kasarian. c. Pagkatapos, itanong sa kanila ang isang makabuluhang katanungan na makikita sa ibaba. d. Sunod, sa ilalim ng kanilang naging sagot, ipalagda/ipapirma ito sa kanila. e. Panghuli, bilang paglalagom sa kanilang mga naging tugon pagsama-samahin ang kanilang mga naging kasagutan. Ito ay ilalagay sa pinahuling bahagi ng papel pagkatapos ng kanilang mga naging tugon sa panayam. TANONG: “Anong mahahalagang ari-arian ang isasakripisyo mo alang-alang sa kaligayahan ng taong mahal mo?” KALALABASAN Pangalan: Kasarian: Edad: Sagot: Lagda: PAMANTAYAN PUNTOS Nilalaman (8) (Naging makabuluhan ang kasagutan ng mga kinapanayam at nasagot ang katanungan) Paglalagom (7) (Maayos at malinaw ang paglalagom na ginawa) Pagsunod sa Panuto (5) (Maayos at malinaw na sinunod ng tagapanayam ang pormat na ibinigay) KABUUANG PUNTOS Tayahin Gawain 3: Paghahambing Sa pamamagitan ng tsart na makikita sa ibaba, paghambingin ang katangiang mayroon ang mga Mago, Della at Jim, at ikaw pagdating sa pagbibigay ng regalo. Mga Mago: Pagkakatulad: Della at Jim: 27 IKAW Tayahin Bilang pagpapahalaga sa kulturang mayroon ang bansang Pilipinas, itala ang mga paghahandang ginagawa mo o ng inyong pamilya tuwing papalapit na ang Pasko at ihalintulad ito sa bansang Amerika gamit ang T-Tsart. Maaaring gamitin ang internet upang makapangalap ng datos. Sagutin ito sa isang malinis na papel. Pagkakatulad: Pilipinas: Amerika: Sanggunian 1. Baisa, Ailene G.et al., Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan III. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2004. 2. Panitikang Pandaigdig: Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral (Kagawaran ng Edukasyon) 3. Google. “Aginaldo ng mga Mago ni O. Henry”. Kinuha sa https://www.facebook.com/notes/ernel-galang-jr/baitang-10-modyul-27-aginaldo- ng-mga-mago-ni-o-henry/10153381906776026/ noong Agosto 31, 2020. Susi sa pagwawasto Para sa Gawain 2-3, ang guro ang magtatama sa mga kasagutan ng mga mag-aaral gamit ang mgapamantayan. Humagibis Silakbo Humarot Tumulin Simbuyo Umalembong Walang katinag-tinag Humarurot Lagablab Malakas na iyak Halughugin Hagulgol Lumuklok Halungkatin Tangis Panlalabo Napaupo Halukayin Hilam Kulabo Sumalagmak Gawain 1: (Kahit saang kahon nakalagay basta sama-sama ang magkakasingkahulugan) Inihanda ni: JENALYN Y. DEL ROSARIO ACNTS 28 Filipino 10 GAWAING PAGKATUTO MODYUL Nobela Pangalan: Q2W5 Seksiyon: Petsa: Isaisip (Susing Konsepto) Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing pagsasalaysay ng mga kawil-kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay nito. Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel naginagampanan sa kabuuan ng nobela. Ang nobela ng tauhan ay isang uri ng nobela na ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang may kinalaman sa kanya. Elemento ng Nobela: Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela. Ang damdamin ay ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari sa nobela. Ang pamamaraan ay tumutukoy sa istilo ng pagkakasulat ng nobela. Ang pananalita ay ang diyalogong ginamit sa nobela. Ang pananaw ay ang panauhan na ginamit sa nobela. Ito ay may tatlong uri: una, ikalawa, at ikatlo. Ang unang panauhan ay ginagamit kapag ang may-akda ay kabilang sa nobelang kanyang isinulat. Ang ikalawang panauhan ay ginagamit kapag ang may-akda ang nakikipag - usap o ang nagsasalita sa nobela.Ang ikatlong panauhan ay batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda. Ang simbolismo ay ang nagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa tao, bagay, at pangyayari sa nobela. Ang tagpuan ay ang lugar at panahon na pinangyarihan ng nobela. Ang tauhan ay ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela. Ang tema ay ang paksang-diwa na binibigyang-diin sa nobela. Mga Layunin ng Nobela: 1. Gisingin ang diwa at damdamin ng mga mambabasa. 2. Tawagin ang talino ng guni-guni. 3. Magbigay-aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan. 4. Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan. 5. Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa. 6. Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela. Mga Halimbawa ng Nobela: 1. Gapo ni Lualhati Bautista 2. Titser ni Liwayway A. Arceo 3. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal 4. Ang Huling Timawa ni Servando delos Angeles 5. Pusong Walang Pag - ibig ni Roman Reyes Panunuri o Suring Basa 29 o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng Ang Suring basa ay isang anyo ng pagsusuri nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba pang gawa/ uri ng panitikan. Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o pormat ng suring basa tulad ng mga sumusunod: pamagat, may-akda, genre buod – ito ay maaring isulat sa lima o higit pang mahahalagang pangungusap paksa - ito ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa bisa sa isip - ito ay tumutukoy naman kung paano naimpluwensiya ang pag-iisip/utak ng mga mambabasa bisa damdamin - ito ay tumutukoy sa kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa mensahe – ito ay tumutukoy sa kung ano ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa teoryang ginamit – ito ay sistema ng mga kaisipan na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, layunin ng may akda sa pagsusulat at layunin ng tekstong panitikan na nabasa. Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa nobela, naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman sa pag-unawa sa aralin. Ngayon, tunghayan mo na ang sumusunod na bahagi ng nobelang isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba (1951) at inilabas taong 1952. Nanalo ng Pulitzer for Fiction (1953) at Nobel Prize (1954). Ito ang kahuli- hulihang nobela na nailimbag ni Hemingway. Alam mo ba na ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay nasa pananaw ng Realismo? Ito ay sa dahilang ang mga pangyayari sa akda ay malinaw na tumutukoy sa realidad ng buhay. Ibig sabihin, malinaw na inilarawan sa pamamagitan ng mga tauhan at pangyayari sa tunay na kalagayan ng lipunan. Basahin at unawain ang nobela. Ang Matanda at Ang Dagat Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago “The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway (bahagi lamang) Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig- alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang isda para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating. Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng tubig habang tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim. Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingat-ingat na binasag ang rabaw ng asul na tubig at nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at nagsimulang lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda. Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli, o kahit bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan ito. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban sa kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa kaniyang dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang lumalangoy, halos nasa rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang panga, nakahilig paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha para manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at napakalakas at armadong-armado kaya wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas sariwang amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod. Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda. Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito. Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit nito. Mas mabuti pang naging isang 30 siya mapipigil sa pag-atake sa akin perobaka panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo. Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at naririnig ng matanda ang ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapangna ubos-kayang ipinukol ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala. Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang mga mata nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito matanggap ng pating. Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng isang speed- boat. Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y dahan-dahan itong lumubog. “Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod. Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang sagpangin ang isda, para siya rin ang nasagpang. Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki. Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa mga diyaryo. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Iyonat ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang bagay ‘yon, sa loob-loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi ko malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban noong minsan na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang ibabang binti at kumirot nang napakatindi. “Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y papalapit ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa pagkawala ng kuwarenta libras.” Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob na bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon. “Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sapuluhan ng isang sagwan.” Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag. “Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.” 31 Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang bungad na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa. Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong kasalanan ‘yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka hindi ko ito naiintindihan. Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon. Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para ako mabuhayat mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San Pedro at gayundin ang ama ng dakilang DiMaggio. Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at nang husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong siya’y buhay pa at minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo siya. Omas malaking kasalanan ‘yon? “Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa buhay na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang gumagalang gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang kinakatakutan. “Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda. “At pinatay ko siyang mahusay.” Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano. Kung paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay. Binubuhay ako ngbata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang aking sarili. Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan ng pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng lasa nito. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng matanda na may dumating na malaking kamalasan. Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa may hilagang silangan at alam niya ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo ang matanda pero wala siyang makitang mga layag at wala na rin siyang makitang ni balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang mga dilaw na kumpol ng damong Gulpo.Ni wala siyang makitang isa mang ibon. Dalawang oras na siyang naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa’y ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas, nang makita niya ang una sa dalawang pating. “Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na nakararamdam sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy. “Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na hugis- pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa pahalihaw na galawng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang matinding gutom, naiwawaglit nila at natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan. Pero palapit sila nang palapit. Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isinisiksik ang timon. Pagkaraa’y kinuha niya ang sagwang 32 tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat ito dahil nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga kamay. Pagkaraa’y ibinukas- sara niya ang mga ito roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang sakit at huwag mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating. Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng basura at mamamatay, at kapag sila’y gutom, kinakagat nila ang sagwan o katig ng isang bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang sila ng taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao. “Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.” Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at naglaho sa paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka habang kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang matanda, naningkit ang dilaw na mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita angguhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak at gulugod at inulos ng matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa dilaw, tila sa pusang mata ng pating. Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat habang siya’y namamatay. Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang

Use Quizgecko on...
Browser
Browser