Week 1 Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat PDF

Summary

This document is a discussion of writing in Filipino, covering topics like the definition and nature of writing, different types of writing (academic, technical, journalistic, etc.), and the writing process. It's a helpful guide for those learning or reviewing writing in Filipino.

Full Transcript

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT PAGSULAT - Isa sa makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. - Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasali...

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT PAGSULAT - Isa sa makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. - Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT “Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.” - Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al.,2006) “Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika.” -Badayos (2000) SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT “Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.” -Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006) “Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.” -Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006) SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Mga Pananaw sa Pagsulat Ang pagsulat ay Biswal na pakikipag-ugnayan. Ito ay isang gawaing personal at sosyal. Ang multi-dimensyonal na proseso ng pagbasa ay binubuo ng dalawang dimensiyon: 1. Oral na Dimensyon - nagbabasa 2. Biswal na Dimensyon – nakikita Mga Layunin sa Pagsulat Ang mga layunin sa pagsulat na inuri nina Bernales, et al. (2001) 1. Impormatibong pagsulat – expository writing - naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag 2. Mapanghikayat na pagsulat – persuasive writing - naglalayong makumbinsiang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. 3. Malikhaing pagsulat – ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Ang Proseso ng Pagsulat Mga batayang tanong sa mahalagang masagot para sa paghahanda ng isang sulatin: 1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? 2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito? 3. Saan at paano ako makakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa? 4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa? 5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito? 6. Paano ko pa madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito? Tatlong pangunahing hakbang sa pagsulat 1. Pre-writing - Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. 2. Actual Writing – Isinasagawa ang aktwal na pagsulat. 3. Rewriting – Nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika. Bago Mag-sulat (Pre-writing) Aktwal na Pagsulat (Actual Writing) Muling Pagsulat (Rewriting) Pinal na Awtput (Final Output) Mga Uri ng Pagsulat 1. Akademiko – Ang mga sulatin sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas primarya hanggang sa doktorang pag-aaral. Halimbawa: kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahol papel, thesis o disertasyon. 2. Teknikal – Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging mga manunulat mismo. Halimbawa: feasibility study, scence and technology 3. Journalistic – Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Halimbawa: balita, editorial, kolum, lathalain at iba pang makikita sa pahayagan 4. Reperensyal – ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Halimbawa: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. 5. Propesyonal – ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Halimbawa: pulis - police report imbestigador – investigative report abogado – legal forms, briefs, pleadings doktor at nars - medical report at patient’s journal 6. Malikhain – Masining na uri ng pagsulat at maararing piksyonal at di-piksyonal, karaniwang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito. Halimbawa: tula, nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay

Use Quizgecko on...
Browser
Browser