Document Details

TriumphalMagicRealism

Uploaded by TriumphalMagicRealism

Notre Dame of Kidapawan College

Tags

Filipino writing professional communication business writing academic writing

Summary

Ang dokumentong ito ay isang introduksiyon sa akademikong pagsulat, lalo na para sa mga mag-aaral na gustong magkaroon ng malinaw na komunikasyon sa professional setting. Inaasahang malaman ng mambabasa ang iba't ibang akademikong sulatin, gamitin ang mga ito nang propesyunal, at mapahalagahan ang mga uri ng pagsulat sa trabaho.

Full Transcript

INTRODUKSIYON PARA SA PAGTATRABAHO Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang: 1.Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat 2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo 3. Napapahalagahan nag aka...

INTRODUKSIYON PARA SA PAGTATRABAHO Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang: 1.Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat 2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo 3. Napapahalagahan nag akademikong pagsulat sa pamamagitan ng mga gawain Ang PAGSULAT PARA SA TRABAHO ay isang uri ng propesyunal na komunikasyon. Gagawin mo ito kapag magpapahayag ng mensahe sa mga tao sa loob ng organisasyon, sa mga kliyente, at iba pang indibidwal o grupong may kinalaman sa inyong organisasyon. Executive Order No.335, s.1988 ang kautusang ito ay naglalayong palaganapin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at korespondensiya sa mga tanggapan. Sa kasalukuyan, masigasig ang Komunikasyon sa Wikang Filipino ( KWF) na ipatupad ang kautusang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga seminar sa pagsulat ng korespondensiya opisyal at iba pang sulating pantrabaho. Ginagamit ang ganitong sulatin ng mga empleyado, namamahala, at may-ari ng kompanya, at ng mga manggagawa sa pamahalaan. Ginagamit din ito sa mga akademikong institusyon, non-governmental organizations at non-profit organizations, at sa iba pang organisasyon sa iba’t ibang larangan. HALIMBAWA NG DOKUMENTONG PANTRABAHO: Liham-aplikasyon, Liham-resignasyon, Liham-pasasalamat Resume, Memorandum, Report, Proposal, Katitikan ng pulong Agenda, Press release Panukalang proyekto, Sulat-kamay na dokumento, E-mail , Chat sa social media Ayon kay Knapp (2006), Isa sa pangunahing layunin ng pagsulat para sa pagtratrabaho ang mabasa ito nang mabilis at maiparating ang mensahe. Ayon sa Harvard Business School (2003), ang mga sumusunod ay ilan pang layunin ng pagsulat para sa pagtratrabaho; Ipaliwanag o ipagtanggol ang mga isinasagawang aksiyon. Halimbawa, Pagpapaliwanag sa isang empleyado kung bakit karapat-dapat sa kaniya igawad ang promosyon. Magbahagi ng impormasyon, katulad ng sa report sa isinagawang pananaliksik, o promulgasyon ng mga bagong posisyon sa kompanya. Hal. nito ang memo na maglalahad ng hindi mabuting dulot ng labis na paggamit ng Social media sa opisina. Maimpluwensiyahan ang sinumang tatanggap ng mensahe na gumawa ng aksiyon. Hal. “Umaasa ang unyon na isaalang-alang ng pamunuan ang papel ng manggagawa sa pag-unlad ng kompanya at ibigay ang dagdag sahod na matagal ng ipinangako”. Isa pang layunin ang pag-utos sa tumatanggap ng mensahe.Hal. “Kailangang matapos ng iyong pangkat ang reportsa susunod na linggo.” “Maghanda ka ng presentasyon dahil ikaw ang napagkasunduan naming haharap sa mga kliyente. Maghatid ng magaganda o masasamang balita. Halimbawa nito ang balitang tumaas ang kita ng kompanya, gumanda ang reputasyon ng kompanya sa mga mamimili , magtataas ng sahod at magkakaloob ng dagdag na benepisyo para sa manggagawa, magsasanib ang dalawang organisasyon, magkakaroon ng tanggalan sa trabaho, namyapa na ang isa sa mga pinuno ng kompanya, at iba pa.. Mga Prinsipyo Ang pagsulat ng konteksto ng pagtratrabaho ay isang sopistikadong gawain. Upang maging epektibo ang pagsulat ng mga dokumentong pantrabaho, maaaring gawing gabay ang mga sumusunod: 1.Alamin kung bakit ka magsusulat at kung ano ang inaasahang resulta. 2. Ang pagpapahayag ng malinaw na mensahe ang pangunahing layunin ng lahat ng komunikasyon. 3. Gumagamit ng mga simple at karaniwang salita. Iwasan ang paggamit ng jargon at mga teknikal na termino. 4.Gumamit ng maiikli at deklaratibong pahayag. 5. Kailangang panatilihin ang propesyonal na tono sa lahat ng isusulat. Iwasan ang paggamit ng balbal o bulgar na mga salita, tandang padamdam, text lingo, o mga impormal na panimulang pagbati. EBOLUSYON NG PAGSULAT PARA SA PAGTATRABAHO Noon, halos dalawang dekada na ang nakararaan, nakalimbag sa papel ang mga sulating ito ( liham, sulat- kamay na tala, brochure, at iba pa), at ang mga ito, lalo na ang mga opisyal na korespondensiya, ay konserbatibo. Kahingian noon ang paggamit ng legal na lengguwahe, ibig sabihin, tumpak, komplikado, pormal, at talaga naming mahirap basahin. Ngunit sa pag-usbong ng Internet, nagkaroon ng malaking transpormasyon sa paraan ng komunikasyon, particular sa mga organisasyon o kompanya. Nagkaroon ng mga pagbabago sa pananaw at pasulat na salita. Ngayon, nananaliksik tayo gamit ang mga search engine, tumitingin at bumibili ng mga produkto at serbisyo sa mga Online na tindahan, ginagamit ang social media upang ipakilala ang produkto, nanghihikayat ng mga kliyente gamit ang e-mail o text, nagpupulong sa pamamagitan ng teleconferencing at marami pang iba. Nagbago na rin ang gamit ng mga salita. Ang pormal na lengguwahe ngayon na ginagamit sa email, blog, cell phone, at maging sa mga pormal na Web site ng mga organisasyon ay iba sa pormal na lengguwaheng ginamit noon. Ngayon, mas maikli at madaling maunawaan ang mensahe dahil sa paggamit ng mga simpleng salita at hindi kumplikadong pangungusap. Dahil sa pagbabagong ito, naging isang mahalagang kasanayan ang pagsulat para sa pagtatrabaho. Masasabing mas marami nang oras ang iginugugol ng mga nagtatrabaho sa mga pagsulat kompara noon (Taylor, 2013).

Use Quizgecko on...
Browser
Browser