Filipino sa Piling Larang (Akademik) REVIEWER PDF
Document Details
Uploaded by ThoughtfulMagnesium
Luciano Millan National High School
Tags
Summary
This document discusses the nature and characteristics of different forms of academic writing in Filipino. It covers the purposes, elements, and key characteristics of Filipino academic writing, such as structure, objectivity, and use of formal language.
Full Transcript
Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kalikasan at Katangian ng Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Akademiko AKADEMIKONG PAGSULAT Isang uri ng pagsulat na kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan at pag-iisip, gayundin ay tinatawag itong intelektwal na pagsulat. Ito ay pormal, obhetibo, sistemat...
Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kalikasan at Katangian ng Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Akademiko AKADEMIKONG PAGSULAT Isang uri ng pagsulat na kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan at pag-iisip, gayundin ay tinatawag itong intelektwal na pagsulat. Ito ay pormal, obhetibo, sistematik, organisado, at bunga ng masinop na pananaliksik. Pagsulat na isinasagawa upang matupad ang pangangailangan sa pag-aaral. Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. TATLONG (3) LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN Mahikayat ang mambabasa na maniwala. Pumili ng sagot na may katwirang ebidensiya. Tinatangkang baguhin ang pananaw ng mambabasa. 2. MAPANURING LAYUNIN Pagpili ng pinakamahusay na sagot batay sa pamantayan. Pinapaunlad nito ang mga konsepto o katuwiran tungkol sa isang paksa. Iniimbestigahan ang sanhi o bunga at iniisa ang ideya. 3. IMPORMATIBONG LAYUNIN Pagbibigay ng posibleng sagot upang mabigyan ng bagong impormasyon ang mambabasa. Naglalahad ito ng mga impormasyong makadadagdag-kaalaman ukol sa isang paksa. TATLONG (3) KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. KATOTOHANAN Nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. 2. EBIDENSYA Gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang impormasyong inilahad. 3. BALANSE Wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal upang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. PORMAL Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral. 2. OBHEKTIBO Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa. Ang mga datos ay dapat nakabatay sa kinalabasan ng isang pag-aaral at pananaliksik. Nararapat na ang impormasyon ay pangkalahatan sa halip na personal. 3. MAY PANININDIGAN Mahalagang mapanindigan ang paksa hanggang sa matapos ang sulatin. Ang nilalaman nito ay mga pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog, dinedepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. 4. MAY PANANAGUTAN Ito ay bahagi ng etika ng akademikong pagsulat na nararapat bigyang pagkilala ang mga ginamit na sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. 5. MAY KALINAWAN Ang pagpapahayag ng impormasyon ay direktibo at sistematik upang maging malinaw at mabigyang diin ang bawat impormasyon nang maintindihan ito agad ng mga mambabasa. KAHULUGAN, KALIKASAN, AT KATANGIAN NG PAGSULAT NG SULATING AKADEMIK Ang mgaakademikongdisiplinakung saan maaaring umikot ang paksa at paraan ng akademikong sulatin. Humanidades Wika Literature Mga pinong sining ❖ Arkitaektura ❖ Teatro ❖ Sining ❖ Sayaw at musika Pilosopiya at teolohiya Agham Panlipunan Kasaysayan Sosyolohiya Sikolohiya Ekonomiks Administrsyong pangangalakal Antropolohiya Arkeolohiya Heograpiya Agham political Abogasya Agham Pisikal Eksaktong Agham ❖ Matematika ❖ Pisika ❖ Kemistri ❖ astronomiya Agham Biyolohikal ❖ Biyolohiya ❖ Medisina ❖ Botanika ❖ Agrikultura ▪ Pagsasaka ▪ Paghahayupan ▪ Pangingisda ▪ Paggubat ▪ pagmimina ❖ sosyolohiya KATANGIAN NG AKADEMIKO AT DI AKADEMIKONG GAWAIN Katangian ayon sa Akademiko Di-akademiko Layunin Magbigayng ideya at Magbigayg sariling opinion impormasyon Paraano batayan ng datos Obserbasyon, pananaliksikat Sarilingkaranasan, pamilyaat pagbabasa komunidad Audience Iskolar, mag-aaral, Iba’tibangpubliko guro(akademikong komunidad) Organisasyonng Ideya Planado ang ideya Hindi malinawang estruktura May pagkakasund sunod ang Hindi kailangang estrukturangmga pahayag magkakaugnay ang mgaideya Magkakaugnay ang mga ideya Pananaw Obhektibo Subhektibo Nasa pangatlong panauhan Tao at damdamin ang pagkakasulat angtinutukoy Hindi direktang tumutukoy sa Nasa una at pangalawang tao at damdamin at hindi panauhan ang pagkakasulat gumagamit ng pangalawang panauhan MGA DAPAT NA ISAALANG-ALANG SA PAGHAHANDA NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. MATIYAGA 2. SISTEMATIKO 3. MAINGAT 4. KRITIKAL 5. MATAPAT TALUMPATI Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu. Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa pagpapahayag ng ideya nang may organisasyon, talas ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika. Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla. Uri ng Talumpati Batay sa Nilalaman at Pamamaraan Nahahati ang sa iba’t ibang uri ang talumpati batay sa nilalaman at pamamaraan. Batay sa nilalaman, maaaring impormatibo o kaya ay persweysib o mapanghikayat ang talumpati. Impromptu at extemporaneous o pinaghandaan naman ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatalumpati. 1. Impormatibong Talumpati. Ang uri ng talumpating ito naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa. 2. Mapanghikayat ng Talumpati. Ang isang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon. Ganito naman mailalarawan ang dalawang paraan ng pagtatalumpati: 1. Impromptu o Biglaang Talumpati. Ang impromptu o biglaang talumpati ay isang uri ng talumpati batay sa pamamaraan. Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano mang paunang paghahanda. Mahalaga ang biglaang talumpati upang masukat ang lalim at lawak ng kaalaman ng isang mag-aaral o tagapagsalita sa isang tiyak na paksa kahit walang naunang pagbabasa hinggil dito. 2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati. Kabaligtaran ng impromptu, ang talumpating ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at ineensayo bago isagawa. Sa mismong pagbigkas ng talumpati, gumagamit ng mga miiksing tala ang tagapagsalita upang maalala ang mga mahahalagang punto ng inihandang talumpati. Madalas ding sinasaulo o memoryado ang ganitong uri ng mga talumpati. Mga Gabay Sa Pagsulat ng Talumpati 1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya. 2. Magsulat kung paano ka nagsasalita. 3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa. 4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati. 5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati. Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran - Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari. 2. Talumpating Panlibang – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. 3. Talumpating Pampasigla – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. 4. Talumpating Panghikayat – Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. 5. Talumpati ng Pagbibigay-galang – Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. 6. Talumpati ng Papuri – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o Samahan Mga Dapat Isa-alang-alang sa Pagsulat ng Talumpati a. Uri ng tagapakinig b. Tema ng paksang tatalakayin c. Hulwaran sa pagbuo ng talumpati d. Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati A. Uri ng mga Tagapakinig 1. Ang edad o gulang ng mga makikinig- Iakma ang nilalaman ng paksa at ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig. 2. Ang bilang ng mga makikinig – Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati. 3. Kasarian – Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng mga kalalakihan sa kababaihan. 4. Edukasyon o antas sa lipunan – Malaki ang kinalaman ng edukasnon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig. Dapat mabatid din kung gaano kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. B. Tema o Paksang Tatalakayin 1. Pananaliksik ng Datos at mga kaugnay na babasahin – Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang laman, at may mga maling impormasyon. 2. Pagbuo ng Tesis – Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran, ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag ng damdamin kung layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig. 3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto – Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahahlagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati. C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati 1. Kronolohikal ng Hulwaran – Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. 2. Topikal ng Hulwaran - Ang paghahanay ng mga materyales na talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak an paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito. 3. Hulwarang Problema-Solusyon – Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito – ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon nas maaaring isagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga rui ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati. 1. Introduksyon – Ito ay naghahanda sa gma nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. 2. Diskusyon o Katawan – Dito makikita ang pinakamahahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. 3. Katapusan o Kungklusyon – Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. 4. Haba ng Talumpati – ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minute o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. MGA URI NG PAGSULAT 1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukas ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Maibibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa. 2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study. 3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akaddemya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. 4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa. 5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunanng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. 6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang inidibidwal sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik. ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT ABSTRAK – ito ay isang uri ng lagom na ginagamit upang ipakilala ang nilalaman at ipatangkilik ang isang saliksik/pagaaral/tesis sa mga mambabasa. SINTESIS – ito ay isang nasusulat na diskursong nagmula sa isa o higit pang sanggunian. BIONOTE - ito ay isang maikling talang ginagamit upang gawing pagpapakilala sa isang tao sa mga propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at introduksyion bilang tagapagsalita. PANUKALANG PAPEL – ito ay isang sulating nagtataglay ng detalyadong plano para sa pagbuo at pagsasagawa ng isang proyekto. TALUMPATI – ito ay ang sining ng pagsasalitang maaring nanghihikayat, nangangtwiran o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. ADYENDA – ito ay tala ng mga pakksang pag-uusapan sa isang plano. KATITIKAN NG PULONG - Organisadong idinudokumento ng papel na ito ang mga napag- usapan at napagkasunduan ng mga naging bahagi ng isang pulong. REPLEKTIBONG SANAYSAY – Nakaangkla ang nilalaman ng sanaysay na ito sa karanasan ng manunulat na nakabatay sa isang partikular na paksa. POSISYONG PAPEL – Ito ay isang uri ng sanayeay na nagpapakilala ng isang tingig na nakabatay sa pansariling pananaw ng manunulat na manaring umangkla sa mg paksang pampolitika, panlipunan, pang- akademya, at iba pang kaugnay na larang na manaring kuhanan ng paksa PHOTO ESSAY - Ito ay inang uri ng artikulong nagtataglay ng mg larawang nagsasalaysay ng pangyayari, damdamin, at konsepto. PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG Ano ang Katitikan? Opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisayon. Sa English, ito ang tinatawag na “Minutes”. Mahalagang detalye lamang ang kailangang itala. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT NG KATITIKAN Napapadali na balikan ano mang oras ang mga napag-usapan o napagkasunduan sa pulong. Makakatulong sa mga taong hindi nakarating sa pulong. Makakatulong sa mga gagawing aksyon para sa isang proyekto o gawain. Makakatulong na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagtatalo dahil nakatala kung ano man ang napagkasunduan. Nagsisilbing permanenting record Magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring komunikasyon Pagiging hanguan nito ng mga impormasyon para sa mga susunod na pulong Magagamit bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o higit pang indibidwal o grupo Ginagamit din upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa isang partikular na proyekto o Gawain Haba ng Katitikan Maikli at malinaw Napag-usapang desisyon sa loob ng isang pulong Maaaring isulat nang verbatim sa mga bahaging kailangang itala o sipiin ang mismong pahayag nang nagsasalita Hindi detalyado ang ginagawang katitikan at nakalista lamang ang mahahalagang puntong napag-usapan Tatlong Estilo at Uri ng Katitikan ng Pulong ULAT NG KATITIKAN- lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulongay nakatala. SALAYSAY NG KATITIKAN- Isinasalaysay lamang ang mahalagang detalye ng pulong RESOLUSYON NG KATITIKAN- nakasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan. Mahahalagang Bahagi Ng Katitikan ng Pulong 1. Heading- pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, lokasyon at maging ang oras ng pasisimula ng pulong. 2. Mga Kalahok o Dumalo- nakalagay ang kabuuang bilang ng mga dumalo, pangalan ng lahat ng dumalo maging ang mga liban. 3. Action Items o Usaping Napagkasunduan - mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay, maging ang mga hindi natapos o nagawang proyekto ng nagdaang pulong. 4. Pagtatapos - inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong. 5. Iskedyul ng Susunod na Pulong- itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. 6. Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite. MGA INIREREKORD SA KATITIKAN NG PULONG Napagpasiyahang aksiyon Rekomendasyon Mahahalagang isyung lumutang sa pulong Pagbabago sa polisiya Pagbibigay ng mga magandang balita Bago ang pulong 1. Ihanda ang sarili bilang tagatala 2. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat 3. Basahin na ang inihandang agenda upang mapadali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong 4. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop o tape recorder Habang Nagpupulong 1. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ang mga desisyon o rekomendasyon 2. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito hindi pagkatapos Pagkatapos ng pulong 1. Repasuhin ang isinulat 2. Kung may mga bagay na di maintindihan lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang mga dumalo 3. Kapag tapos ng isulat ipabasa ito sa namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon 4. Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong Mga Dapat Tandaan Ang katitikan ay opisyal na tala ng mahahalagang desisyong napag-usapan sa isang organisasyon. Sa pagsulat ng katitikan, kailangang nakatala ang pinakaimportanteng desisyong napag- usapan sa pulong. Laging nasa katitikan ang pangalan ng organisasyong nagpulong, petsa, oras, lugar at pangalan ng mga dumalo at hindi nakadalo. Maaaring nakasulat ang katitikan nang nakatalata o nakatalahanayan. Makatutulong sa pagsulat ng katitikan ang pagrerekord ng mga napag-usapan. BIONOTE KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE Ang bionote ay isang sulatin nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang-diin ng bionote ang mga bagay- bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga paniniwala at mag katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi lamang upang ipabatid ito sa mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang kredibilidad. Dahil dito, napakahalagang maisulat nang mabuti ang isang bionote. Dapat ding tandaan na maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat, maaari itong magbago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon sa isang indibidwal. Kabilang sa mga mapaggagamitan nito ang mga sumusunod: 1.Aplikasyon sa trabaho; 2.Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog; 3.Pagsasalita samga pagtitipon; at 4.Pagpapalawak ng network propesyonal. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE 1. Balangkas sa pagsulat. Bago ka pa man sumulat ng bionote, kailangang maging malinaw sa iyo ang balangkas na iyong susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang prayoritasyon ng mga impormasyong isasama sa bionote. 2. Haba ng bionote. Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ngisa hanggang tatlo, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote. Ayon kay Brogan (2014), isang social media guru, may tatlong uri ng bionote ayon sa haba nito: micro-Bionote, maikling bionote, at mahabang bionote. a. Micro-bionote – isang halimbawa nito ang impormatibong pangungusap na inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginaagawa, at tinatapos sa mga detalye kung paano makokontak ang paksa ng bionote. Karaniwang makikita ito sa mga social media bionote o business card bionote. b. Maikling bionote – binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga impormasyon ukol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang bionote ng may- akda sa isang aklat. Karaniwan din ang ganitong uri sa mga journal at iba pang babasahin. c. Mahabang bionote - ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging panauhin. Ito ay dahil may sapat na oras para sa pagbasa nito o espasyo para ito ay isulat. 3. Kaangkupan ng nilalaman Dapat mong malaman na hindi lahat ng mga natamo at mahahalagang impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote. Ang bionote ay isinusulat para sa tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Dahil dito, mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong kailangang isama sa iyong bionote. 4. Antas ng pormalidad ng sulatin. Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin sa bionote. Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong audience at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito. 5. Larawan. Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan. Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang propesyonal na potograpo. ADYENDA Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakin sa isang pulong. (Sudprasert, 2014) Isa sa mga susi ng ikatatagumpay ng pulong ay ang maayos at sistematikong adyenda. KAHALAGAHAN NG ADYENDA 1. Nagbibigay ng impormasyon: paksa, taong magtatalakay sa bawat paksa, oras na nakatakda sa bawat paksa. 2. Nagtatakda ng balangkas sa pulong. 3. Nagsisilbing talaan o tseklist para makasigurong natalakay ang lahat ng paksa. 4. Nagbibigay ng kahandaan sa mga kasapi ng pulong ukol sa paksang tatalakayin. 5. Nakatutulong upang maipokus lamang ag pulong sa mga paksang kailangan. HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA 1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o nakalaan sa e-mail. 2. Ilahad sa memo na kailangan itong lagdaan bilang katibayan ng kanilang pagdalo, kung e- mail naman kailagan nilang magpadala ng tugon. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakin, mas mainam kung ito ay Nakata-table format. 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago gawin ang pulong. 5. Sundin at gamitin ang nasabing adyenda sa pulong. MGA BAHAGI NG ADYENDA Petsa, oras, lugar, at paksa Pangalan, at katungkulan ng dadalo. Paksa o adyenda, taong tatalakay at oras. TANDAAN Lahat ng kasapi ay nabibigyan ng direksyon sa mga mapag-uusapan at napapanatili ang impormasyong natalakay sa pulong gaya ng business meeting, one-on-one, teleconference, videoconference at online meeting. Katumbas ng pagkakaroon ng malinaw at maaayos na layunin at ambisyon sa buhay, mahalagang maging malinaw ito upang magkaroon ng ganap na direksyon. ABSTRAK - Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. DALAWANG URI NG ABSTRAK 1. Deskriptibo * Inilalahad sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel. * Ito ay binubuo ng 50 hanggang 100 na salita. * Naglalaman ito ng kaligiran, layunin at tuon ng papel. * Hindi sinasama ang metodolohiya, konklusyon, resulta at rekomendasyon. 2. Impormatibo * Inilalahad sa mga mambabasa ang mahahalagang detalye na nakapaloob sa papel. *Ito ay binubuo ng 200 na salita. *Binubuod dito ang kaligiran, layunin, metodolohiya, konklusyon at resulta ng papel. NILALAMAN RATIONALE (Rationale Of the Problem) Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag- aaral SAKLAW AT DELIMITASYON (Scope and Limitations) RESULTA AT KONKLUSYON (Results and Conclusion)