Gabay sa Pagsulat ng Talumpati PDF

Summary

Ang dokumento ay nagbibigay ng mga gabay sa pagsulat ng isang talumpati sa Filipino bilang isang asignatura sa sekundarya. Ito ay isang panimulang gabay sa pagbuo ng organisado at epektibong presentasyon gamit ang mga elemento ng isang mahusay na talumpati.

Full Transcript

# AQ1Wk 7 TALUMPATI ## Filipino sa Piling Larangan: Akademik - Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pinakinggang halimbawa. ## Ang Talumpati - Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasasalita sa...

# AQ1Wk 7 TALUMPATI ## Filipino sa Piling Larangan: Akademik - Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pinakinggang halimbawa. ## Ang Talumpati - Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. - Maaaring uriin ang talumpati ayon sa layunin nito: impormatibo, nanghihikayat, nang-aaliw, at okasyonal. - Ang talumpati ay _impormatibo_ kung ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. Halimbawa, talumpati tungkol sa mga epekto ng schizophrenia sa dumaranas nito, mga balakid sa pag-aaral ng ikalawang wika, at mga katangian ng isang mabuting mamamayang Pilipino. - _Nanghihikayat_ naman ang talumpati kapag ang layunin ay hikayatin ang tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. Halimbawa, talumpati tungkol sa mga kasamaang maaaring idulot ng kontrasepsiyon sa kababaihan; mga kabutihang maaaring idulot ng marijuana bilang gamot sa ilang karamdaman; at mga kontrobersiyal na isyung panlipunan katulad ng aborsiyon, diborsiyo, same-sex marriage, at iba pa. - Ang talumpati ay maaari ding _mang-aliw_. Halimbawa nito ang mga pagpapatawa sa mga comedy bar o pagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga nakatatawa niyang karanasan. - Ang mga _okasyonal_ na talumpati naman ay isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa. Bagaman may mga manunulat na pinaghahalo-halo ang iba't ibang uri ng talumpati sa isang piyesa, umaangat ang isang layunin kaysa iba. - Maaari ding uriin ang talumpati ayon sa _kahandaan_. - Madalas na pareho ang pakahulugan ng mga diksiyonaryo at O batayang aklat sa talumpating impromptu at extemporaneous: talumpating may kaunti o walang kahandaan. - Ngunit para sa mga guro ng pagtatalumpating pampubliko, malinaw ang kaibahan ng dalawa. - Sa _talumpating impromptu_, halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati. Halimbawa nito ang biglaang pagtawag sa may kaarawan upang magbigay ng maikling talumpati. - Ang _talumpating extemporaneous_ naman ay nagmumukha lamang walang paghahanda. Sa katotohanan, pinaghahandaan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas. - May ilang nagtatalumpating binabasa ang kanilang sinasabi upang walang makaligtaang mahahalagang impormasyon. May iba namang kinakabisado ang kanilang talumpati. - Sa _binabasang talumpati_, may tendensiya ritong mabagot ang tagapakinig dahil limitado ang eye contact at walang gaanong kilos sa bahagi ng nagtatalumpati. - Sa _kinabisadong talumpati_, may andensiya namang makalimutan ng nagsasalita ang kaniyang talumpati. Bilang solusyon, ginagawang magaan ng mga mananalumpati ang wika at tono ng talumpati upang hindi mahirapan ang mga tagapakinig. Inaayos din ng mananalumpati ang organisasyon sa paraang lohikal upang madali niyang maalaala ang teksto. ## Proseso sa Pagsusulat ng Talumpati - May sinusundang pormula sa pagsulat ng talumpati. Isipin mo na ang talumpati ay paglalakbay paakyat at pababa ng bundok. - **Paghahanda.** Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang. Kaya sa pagsulat ng introduksiyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay. Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay, at kung bakit kailangan nilang sumama. - **Pag-unlad.** Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Sa pagsulat, siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ng tensiyon, magkuwento. magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig. - **Kasukdulan.** Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok. Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon. - **Pagbaba.** Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati. Paano ba ito tatapusin? Maaaring ibuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati. Maaari din namang mag-iwan ng mga tanong. Anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang mahuli ng kongklusyon ang diwa ng talumpati. ## Gabay sa Pagsulat ng Talumpati - Paano ba magsulat ng talumpati? Maaaring tanungin ang sarili ng mga sumusunod bago magsulat ng talumpati. ### Tuon - Bakit ako magsusulat ng talumpati? - Ano ang paksa? - Ano ang mensaheng nais kong ipahayag? - Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig? - Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko? ### Tagapakinig - Sino ang aking mga tagapakinig? - Bakit sila makikinig sa talumpati? - Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig? ### Pagsulat - Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig? - Anong lengguwahe ang gagamitin ko? - Ano ang tono ng aking talumpati? - Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati? - Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati? ### Pagsasanay - Basahin mo nang malakas ang iyong isinulat upang malaman kung natural at madulas ang daloy ng wika. - Basahin mo sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang talumpati upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser