Buod ng Talakayan sa Mga Kursong AWTKAM 1-3 PDF
Document Details
Uploaded by ExultantChrysoprase7037
Mapúa University
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang buod ng mga talakayan sa asignaturang Filipino, partikular sa mga kursong AWTKAM 1 hanggang 3. Sinasaklaw nito ang kahulugan, layunin, at iba't ibang uri ng pagsulat, kasama na ang paglalagom, talumpati, at panukalang proyekto. Mula sa dokumentasyon, makikita rin ang importansya ng akademikong pagsulat.
Full Transcript
FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN – AKADEMIKS Buod ng talakayan sa Mga Kursong Awtkam 1 hanggang 3 Kahulugan, Gamit, at Pangangailangan ng Pagsulat, Uri ng Lagom, Talumpati, Panukalang Proyekto, at Pulong KURSONG AWTKAM 1: Batayang Kaalaman sa Pa...
FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN – AKADEMIKS Buod ng talakayan sa Mga Kursong Awtkam 1 hanggang 3 Kahulugan, Gamit, at Pangangailangan ng Pagsulat, Uri ng Lagom, Talumpati, Panukalang Proyekto, at Pulong KURSONG AWTKAM 1: Batayang Kaalaman sa Pagsulat, Iba’t ibang uri ng Paglalagom A. Kahulugan ng Pagsulat § Naririto ang ilang kahulugan ng pagsulat mula sa iba’t ibang manunulat at pantas sa larangan: § Ayon kina Xing at Jin 1989, sa Bernales, et al. 2006, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika, at iba pang elemento. Mula naman kay Badayos 2000, ang pagsulat ay isa sa mga kasanayang pangwika na mahirap matamo, subalit napag-aaralan ang wasto at epektibong paggawa nito. § Ayon naman kay Keller 1985, sa Bernales, et al. 2006, ang pagsulat ay isang biyaya, pangangailangan, at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Samantala, mula sa paglalarawan nina Peck at Buckingham sa Bernales, et al., 2006, Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. § Binanggit ni Benwell na sa pagsulat, kailangan ng kaalaman ukol sa wika lalo’t higit sa gramatika kasama na ang bokabularyo. Gaya ng kakayahan sa pagsasalita, tinuturing na mahalaga ang kakayahan ng mga mambabasa. Bagamat maraming pagpapakahulugan, isa lamang ang tiyak, nakasalalay sa kamay ng manunulat ang maaaring makintal sa isip ng isang mambabasa o manonood. Responsibilidad ng tagatanggap ng mensahe ang paraan ng pag unawa at pagtugon sa mga kaalamang kanyang nais taglayin. § Masasabing ang kasanayan sa pagsulat ay kapwa pisikal at mental na aktibiti sapagkat kailangan nating maglaan ng oras at kasanayan upang makabuo ng isang tekstong pagkukuhanan ng iba ng kaalaman. Ito rin ay nangangailangan ng puspusang mental at kakonsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain. Ang pagsusulat ay isang kasanayan na humuhubog sa atin mental na abilidad. B. Layunin ng Pagsulat § May iba’t ibang layunin ang pagsusulat. Sa proseso ng pagsulat ay kasama ang ating pagnanais na makapagpahayag ng iniisip o nadarama na nagpapakita ng layuning ekspresibo -. Samantala, sa layuning transaksyunal, ginagamit ang pagsusulat sa layuning panlipunan o nagsasangkot ng pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan. Ayon naman kay Bernales et al mayroon pang ibang layunin ang pagsusulat gaya ng Impormatibong Pagsulat, Mapanghikayat na Pagsulat, Malikhaing Pagsulat. C. Ang Akademikong Sulatin § Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang daynamiks ng mismong pagsulat, kundi sa isang makabuluhang proseso ng pagsulat sapagkat ito ang pagsasama-sama ng mga kaalaman na nahango mula sa iba’t ibang uri ng teksto kasama na ang mga pananaliksik, sanaysay, ulat at iba pa. Kailangang matutunan ang pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at lipunang Pilipino, dapat din itong ay maiugnay sa iba’t ibang mga akademikong disiplina sa antas ng unibersidad. § Ayon sa http://www.uefap.com ang mga sumusunod ay katangian ng akademikong pagsulat: o Kompleks o Pormal o Tumpak o Wasto o Eksplisit o Obhektibo o Responsible § Ayon naman sa http://www.vsm.sk ang mga sumusunod ay katangian ng akademikong pagsulat: o Malinaw na layunin at may pokus o Malinaw na pananaw o Malinaw na eksplanasyon o Kumpletong eksplanasyon o Matibay na suporta o Lohikal na organisasyon D. IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM D.1 BUOD O SINOPSIS Ang buod ay personal na tala ukol sa narinig o nabasa. Maaring lumikha ng buod para sa artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa. Ang mga sumusunod ay mga ginagawaan ng buod sa paaralan: kwentong binasa, balitang napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik na pinag-aralan, palaas na sinubaybayan , at pelikulang napanood. Samantala, sa larangang pampropesyunal naman ay gumagawa ng buod gaya ng ulat sa trabaho, ulat pangnegosyo, at dokumentasyon. Ayon kina Swales at Feat (1994), ang tatlong pamantayan sa pagsulat ay pagiging buo ng nilalaman, pagiging patas ng mga datos at kasapatan ng ng kaalaman. D.2 SINTESIS Ang Sintesis ay nangangahulugang pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito rin ay nagdurugtong ng mga ideya na mula sa iba’t ibang sanggunian. Ang sintesis ay maaring nasa anyong nagpapaliwanag at maaari ring nasa pamamamaraang argumentatibo. Ito ay may dalawang anyo: explanatory o nagpapaliwanag at argumentative o naghahayag ng posisyon sa isang paksa. May tatlong uri ng synthesis: background synthesis; thesis-driven; at literature driven. Ang ilan sa mga katangian ng sintesis ay nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t aibang estruktura ng pagpapahayag; nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginamit; at napagtitibay ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalalim nito ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay. Tandaan na kung susulat ng sintesis, linawin ang layunin sa pagsulat. Pangalawa pumili ng sanggunian at buuin ang tesis ng sulatin. Isunod ang pagbuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. Isulat ang unang burador at Ilista ang mga sanggunian. Rebisahin ang sintesis at sulat ang pinal na sintesis. D.3 ABSTRAK Abstrak ang tawag sa maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng komperensya. Ito ay nasa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng ano mang akademikong papel. Ginagawa itong lagusan ng isang papel sa isang copyright, patent o trademark application. Ang abstrak ay isang paraan upang mas madaling maunawaan ang malalalim at kompleks na pananaliksik. Kadalasang ginagamit ito ng iba’t ibang organisasyon bilang batayan ng pagpili ng proposal para sa presentasyon ng papel, workshop o panel discussion. Maaaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at kongklusyon ng pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang mga artikulo ng siyentipikong papel upang maunawaan pa ang mga detalye ng metodolohiyam resulta at kritikal nadiskusyon ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos. Layunin ng abstrak na “maibenta” o maipakitang maganda ang kabuoan ng pananaliksik at mahikayat ang mga mambabasa na ituloy pa ang pagbabasa ng buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o pagnili ng buong kopya nito. Ang tatlong uri ng abstrak ay impormatibo, deskriptibo at kritikal. TATLONG URI NG ABSTRAK 1. Impormatibo 2. Deskriptibo 3. Kritikal ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- KURSONG AWTKAM 2: Pagsulat ng Bionote at Talumpati A. Bionote Ayon kina Bernales, Ravina, Pascual, Oliva, at Soriano (2017), ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala niya ang kaniyang sarili sa mga tagapakinig o mambabasa. Dagdag pa na binibigyang-diin nito ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal na nakamit, mga paniniwala, at mga katulad na impormasyon tungkol sa ipinakikilalang indibidwal; hindi lamang upang ipabatid ito sa mga mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin ang kaniyang kredibilidad. Maituturing na pabago-bago ang sulating ito sapagkat kailangan itong maimodipika nang mabilis ayon sa mga naidaragdag na impormasyon sa isang indibidwal at okasyon kung saan at kalian ito kailangan Gayunpaman, bibihirang magamit ang bionote ng isa bilang mag-aaral ngunit pakaisipin na sa takdang panahon ay kakailanganin din ito, kaya mas mainam nang matuto sa pagsulat nito. Inilahad nina Bernales et al., (2017) ang mga paggagamitan ng bionote batay sa pag-iisa-isa ni Levy noong 2015 sa http//www.theundercoverrecruiter.com: 1. Aplikasyon sa trabaho. Sa paghahanap ng trabaho, liban sa isinusumite na resume o curriculum vitae, karaniwan na ring hinahanap ng mga employer ang bionote o maikling pagpapakilala ng sarili kung saan madali nilang makikita ang iyong mga kredensyal at paano mo ito nakamit. Sa madaling sabi, tila nagiging buod ng iyong resume ang bionote sapagkat makikita rin dito ang kakayahan ng isang indibidwal sa kung paano niya dinadala ang kaniyang sarili. 2. Paglilimbag ng mga artikulo, aklat, at/o blog. Karaniwang humihingi ng bionote ang mga manlilimbag mula sa may-akda. Bilang may-akda ay maaari kang magpasulat ng iyong bionote o ‘di kaya’y ikaw mismo ang susulat nito. Dahil malayo ang nararating ng mga limbag na sulatin, isa na rin ang bionote ng may-akda sa paraan upang maipakilala siya sa kaniyang mga mambabasa. 3. Pagsasalita sa mga pagtitipon. Sa mga palihan o mga pagtitipon ay kinakailangang maipakilala ang tagapagsalita sa pamamagitan ng bionote. Karaniwan na humihingi ang mga organizer ng resume sa mga tagapagsalita at sila na ang susulat ng bionote nito para sa pagpapakilala ngunit may mga pagkakataon na ang hinihingi na mismo ng mga organizer ang bionote ng tagapagsalita upang maipakilala sila sa paraan na nais nila. 4. Pagpapalawak ng network propesyonal. Sa paghiling ng membership o subskripsyon sa isang organisasyon o network, lalo pa’t pampropesyunal, ay hinihingian ng bionote. Mahalaga ito sa pagkakaroon ng akmang network sa mga taong kabilang sa iyong propesyon. May mga mahahalagang bagay rin na dapat nating isaalang-alang at dapat tandaan sa pagsulat ng bionote. Inilahad nina Bernales, et al., ang minungkahi sa artikulong Guidelines in Writing Biographical Notes (mula sa http://www.kaowarsom.be). Ito ay ang mga sumusunod: o Balangkas ng Pagsulat. Tandaan na bago pa man ang aktwal na pagsulat ay mainam na malinaw ang magiging estruktura at pagkakasunod-sunod ng iyong isusulat. Kailangan ring maging malinaw kung ano-anong mga impormasyon at detalye ang ninanais na isama sa iyong bubuoing bionote. o Haba ng bionote. Karaniwan nang maiksi lamang ang bionote na binubuo lamang ng isa hanggang tatlong talata ngunit pakaisipin na nagbabago pa rin ang haba nito depende sa pangangailangan. Binanggit nina Bernales, et al., na mayroong tatlong uri ng bionote ayon sa haba nito mula sa social media guru na si Brogan noong 2014: micro-bionote, maikling bionote, at mahabang bionote. o Kaangkupan ng nilalaman. Tandaan na hindi lahat ng mga natamo at mahahalagang impormasyon tulad ng propesyunal na trabaho at edukasyon ay kailangang isama. Nakadepende pa rin ito sa isang tiyak sa tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak sa sitwasyon at pagkakataon kaya mahalagang pakaisipin ang mga impormasyon na kailangang ilagay sa iyong bionote. o Antas ng pormalidad ng sulatin. Tulad ng kaangkupan ng nilalaman, nakadepende ang pormalidad ng wikang gagamitin sa target na tagapakinig o mambabasa. Mahalaga itong isaalang-alang sapagkat sa kabila ng kawastuhan at kagandahan ng pagkakasulat ng iyong bionote, kung ito ay hindi umaayon sa sensibilidad ng mga tagapakinig o mambabasa ay hindi rin ito magiging epektibo. o Larawan. Kalimitan ay nangangailangan ng lakip na larawan ang bionote. Tiyakin na malinaw ang kuhang larawan at hangga’t maaari ay propesyunal o pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan. Iminumungkahi rin na ang lakip na larawan ay larawang kuha ng isang propesyunal na potograpo. B. Pagsulat ng Talumpati a. Uri ng Talumpati batay sa Layunin Impormatibo Ang kabuuang diskurso nito ay maglahad at Mga dapat tandaan sa pagbuo ng magpaliwanag. impormatibong talumpati: Maaaring maging paksa ang: Pagpapaliwanag sa proseso na may Paglimita sa paksang tinatalakay. sistematikong serye ng aksyon Huwag ipagpalagay na ang lahat ng Kronolohiya ng isang pamamaraang pang- tinatalakay ay alam ng tagapakinig. organisasyon. Iwasang maging masyadong teknikal o Mahalaga ang tulong biswal. abstrakto. Simpleng pagpapaliwanag ng iba’t ibang Hal.: SONA ng pangulo na naglalaman konsepto gaya ng teorya, prinsipyo, ng impormasyon tungkol sa naging paniniwala o ideya na nagbibigay tagumpay, plano at hamon na impormasyon. kinahaharap ng bansa. Esensyal ang pagbibigay ng halimbawa, analohiya o paghahambing. Mahalagang mahikayat ang mga tagapakinig Dulog sa Mapanghikayat na Talumpati sa pamamagitan ng kritikal na pagtatanong ng mananalumpati. Pagkuwestiyon sa isang katotohanan. Ang mensahe ay kailangang iangkop sa Nagpapakita ng iba’t ibang katotohanan kaalaman, interes, pagpapahalaga, aktitud, at datos upang suportahan ang Mapanghikayat at mga paniniwala ng target na tagapakinig kaniyang posisyon. Nakatuon sa paksa o isyung kinapapalooban Pagkuwestiyon sa pagpapahalaga. ng iba’t ibang perspktiba o posisyon. Nakasentro sa personal na paghatol Nagbibigay ito ng partikular na posisyon o kung ano ang tama o mali, mabuti o tindig sa isang isyu batay sa malalim na masama, o kaya etikal o hindi etikal. pagsusuri. (Hal. Nangangatwiran laban sa Maaaring maging sentro nito ang probisyong may kinalaman sa aborsyon pagkwestiyon sa isang katotohanan, isang na nakapaloob sa RH Law at sa utos ng pagpapahalaga, o kaya ay polisiya. bibliya.) Pagkuwestiyon sa polisiya. Layuning hikayatin ang mga tagapakinig na magpasyang umaksyon o kumilos. Paglalatag ng isang plano na magpapakita ng praktikalidad ng isang panibagong proposal. b. Uri ng Talumpati Batay sa Paghahanda Biglaan o Daglian (Impromptu) Talumpati na biglaang pagsasabi ng paksa at biglaan ding pagsagot. Karaniwang walang paghahanda hanggang isang (1) minuto lamang ang ibinibigay upang makabuo ng kasagutan sa tanong o talumpati para sa paksa kababasa lamang. Para sa ganitong uri ng talumpati ay mungkahing gamitin ang palasak na estruktura ng pagbuo ng talumpati. Simulan sa pagbati sa nagtanong o sa madling nakikinig; muling ipahayag ang katanungan ngunit sa paraang pasaad; saka sagutin ang tanong sa paraang simple ngunit tatatak sa manonood. Mainam ang talumpating ito upang masukat ang lalim ng kaalaman ng isang indibidwal kaugnay sa paksa. Halimbawa: Tanong at Sagot sa Klase Q&A sa Beauty Pageant Maluwag o Ekstemporanyo Ang talumpati naman na ito ay karaniwang binibigyan ng isa hanggang limang (1-5) minuto upang maghanda ang mananalumpati ng kaniyang maikling talumpati na sasagot sa isang tanong o tatalakay sa isang binigay na paksa. Mungkahi naman para sa isang mabilisang pagbuo ng talumpati ang pagbuo ng tatlong (3) punto upang sagutin o talakayin ang paksang ibinato. Masusukat sa talumpati na ito ang kahusayan ng isang indibidwal na organisahin ang mga punto o argumento na kaniyang ilalatag sa talumpati. Halimbawa: Tanong at Sagot sa isang kompetisyon o timpalak Pag-uulat sa harap ng klase Handa Sa mga pormal na pagkakataon o pagdiriwang, karaniwang makaririnig naman tayo ng mga talumpating binabasa o saulado. Ang handing talumpati ay karaniwang may isang lingo o higit pa upang paghandaan ang pagbuo o pagbigkas ng talumpati sa harap ng mga tagapakinig. Maaaring maging pormal o malikhain sa pagsulat ng talumpati basta’t ito’y nasa tema o paksa pa rin na ibinigay ng mga nag-oorganisa ng selebrasyon kung saan magsasalita ang mananalumpati. Kumbersyonal ang uri ng talumpati na ito na mas inaasahang pulido o memoryado ang bawat linya at kilos. Halimbawa: SONA ng pangulo Pambungad na Pananalita sa isang pagdiriwang Pangwakas o Pampinid na Pananalita sa isang programa Iba pang uri ng talumpati (Bernales et al., 2017): Talumpating Pampalibang Talumpating Pampasigla Talumpating Nagbibigay-galang Talumpating papuri Talumpating binibigkas sa okasyon Seribisyong nekrolohikal Pagtatalaga sa katungkulan Pamamaalam-paghahandog o retirement Pagmumungkahi o pasususporta sa kandidatura. Mga Dapat Bigyang-Diin sa Pagtatalumpati A. Kredibilidad ng nagsasalita o mananalumpati (Kakayahan at Karakter); B. Ebidensya at mahusay na dokumentasyong inilatag sa talumpati; C. Pangangatwiran o mga argumentong isinaad sa sanaysay/ talumpati; at, D. Emosyon sa pamamagitan ng talas ng ideya at husay sa paggamit ng wika habang binibigkas ang talumpati. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- KURSONG AWTKAM 3: Pagsulat ng Panukalang Proyekto at Pulong A. Panukalang Proyekto Ayon kay Nebiu, ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Makikita dito ang detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan ng proyekto (project justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto (activities and implementation timeline), at kakailanganing resources (human, material, and financial resources required). Karaniwang nakasulat, minsan na anyong oral na presentasyon, o kaya’y kombinasyon ng mga ito. Internal – inihahain sa loob ng organisasyong kinabibilangan. Eksternal – sa labas ng oraganisasyong di kinabibilangan ng proponent. Solicited/ invited o imbitado – isinasagawa dahil may pabatid ang isang organisasyon sa kanilang pangangailangan ng isang proposal. Unsolicited/prospecting – kapag wala at kusa o nagbabakasali lamang ang proponent. 2 Anyo ng Panukalang Proyekto a. Maikling bersyon – binubuo ng 1-10 pahina at nasa anyong liham lamang. b. Mahabang bersyon – higit sa 10 pahina, elaborated at may sinusunod na structured format. Mga Tagubilin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto o Magplano nang maagap o Gawin ang pagpaplanao nang pangkalahatan o Maging realistiko sa panukala o Matuto bilang isang organisasyon. o Maging makatotohanan at tiyak. o Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon. o Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin. o Alalahanin ang prayoridad at ang hihingian ng suportang pinansyal. o Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsusulat ng panukalang proyekto. B. ADYENDA a. Ang agenda ay mula sa pandiwang Latin na agere na nangangahulugang gagawin. b. Isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga mapag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong c. Ayon sa pag-aaral ng Verizon Business, maraming oras ang nasasayang sa hindi organisadong pagpupulong (The perfect Meeting Agenda, 2016) d. Ayon naman sa pahayag ng Certikied General Accountants of Ontario, kailangang matanggap ng mga kalahok sa pagpupulong ang agenda upang makapaghanda at mapag-aralan ang mga tatalakayin (How to Conduct a Meeting, 2012) e. Mga Konsiderasyon sa Pagdidisenyo ng Agenda i. Saloobin ng mga Kasamahan ii. Paksang mahahalaga sa buong grupo iii. Estrukturang patanong ng mga paksa iv. Layunin ng bawat paksa v. Oras na ilalaan sa bawat paksa. C. PULONG a. Ang Pulong ay pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal upang pag-usapan ang isang komon na layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng organisasyon o grupong k inabibilangan nila. b. Patunay na Balido ang isang Pulong: i. Ang nagpatawag ng pulong ay may awtoridad para sa gawaing ito. ii. Ang pabatid na magkakaroon ng pulong ay nakuha ng mga inaasahang kalahok. iii. Ang quorum ay nakadalo. iv. Ang alituntunin o regulasyon ay nasunod. D. KATITIKAN NG PULONG a. Ang Katitikan ng Pulong ay opisyal na rekord ng pulong ng isang organisayson, korporasyon o asosasyon. Ito ay tala ng mga napagdesisyunan at mga pahayag sa isang pulong. b. Mga Hindi dapat isama sa pagsulat ng Katitikan ng Pulong: i. Mosyon na nilatag ngunit hindi sinusugan. ii. Mosyon sa pagbabago na sinusugan ngunit hindi sinang-ayunan. iii. Mosyon sa pagbabago ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala. iv. Bilang ng boto ng sumang-ayon at sumang-ayon. v. Pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang kalahok na itala ang paraan ng kaniyang pagboto.