Mga Tala sa Pagsusulit sa Ikalawang Markahan ng Filipino (APP 003)

Summary

Ang mga tala ay naglalaman ng mga impormasyon sa iba't ibang aspekto ng pagsusulat ng sanaysay, kabilang ang sanhi at bunga, mga proseso, abstrak, at sintesis.

Full Transcript

**STUDY NOTES** **SECOND QUARTER EXAM** **APP 003** **SANAYSAY** - tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga akda. **MGA PROSESO NG PAGSULAT** Bago magsulat (pre writing) Ito'y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpap...

**STUDY NOTES** **SECOND QUARTER EXAM** **APP 003** **SANAYSAY** - tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga akda. **MGA PROSESO NG PAGSULAT** Bago magsulat (pre writing) Ito'y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. -------------------------------- --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagsulat ng burador (drafting) Ito'y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali. Pagrerebisa (revising) Ito'y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri Pag-eedit (editing) Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat Paglalathala (Publishing) Ito ang panghuling hakbang na kung saan ibabahagi ang nabuong Pinal na kopya ng sulatin sa mga target na mambabasa. **SANHI AT BUNGA** - Ito ay ang pagtunton sa pinagmulan ng isang isang bagay maging ang dahilan at epekto nito. Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katwiran sa teksto. **PROSESO** - Ito ang pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay o kung ano ang mabuting paraan upang matamo ang isang layunin. **ABSTRAK** - Pagbubuod kadalasan sa tesis, tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. **SINTESIS** - Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kwento. Ang salitang **SINTESIS** ay hango sa Griyego na **syntithenai ( syn- magkasama**, **tithenai- ilagay** kaya ibig sabihin sama-samang ilagay). **BIONOTE** - Personal profile madalas academic career ng tao. **PANUKALANG PROYEKTO** - Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema o suliranin. Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya. **1. Titulo ng Proyekto (Project Title).** Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw. **2. Proponent ng Proyekto (Project Proponent).** Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto, adres, telepono ocellphone, e-mail at lagda. **3. Pagpapahayag ng Suliranin.** Dito inilalahad kung anong uri ng proyekto ang nais (pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya, pang-araling-aklat at/o malikhaing pagsulat). **4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed).** Ilagay rito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto. **5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale).** Isaad ang background at kahalagahan ng proyekto. **6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project).** Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain. **7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits).** Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang. **8. Planong Dapat Gawin.** Inilalagay dito ang mga magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng panukalang proyekto. Pagbubuo ng Kasanayan **AGENDA** - Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong. BAHAGI NG AGENDA - Pamagat - Petsa, Lokasyon, Dadalo - Layunin ng Agenda - Iskedyul - Tungkulin **KATITIKAN NG PULONG -** ay tinatawag na minutes of meeting sa wikang Ingles. Ito ay isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang pinag-usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at desisyon na nangyari sa isang pagpupulong o pag-uusap. **[BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG]**  Paksa  Petsa  Oras  Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong  Oras ng pagsisimula  Oras ng pagtatapos  Mga napag-usapan  Mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong **POSISYONG PAPEL** - ay isang paglalahad ng kuro- kuro o sariling paninindigan hinggil sa isang paksa o isyu sa lipunan. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba. Kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohonan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao. Tekstong Argumentatibo ang ginagamit ditto. **HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL** 1\. Pagpili ng paksa batay sa interes 2\. Gumawa ng panimulang saliksik 3\. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa nihanay na mga katwiran 4\. Gumawa ng malalim na saliksik 5\. Bumuo ng balangkas 6\. Sumulat ang posisyong papel 7\. Ibahagi ang posisyong papel **REPLEKTIBONG SANAYSAY** - ay isang uri ng pagsusulat na naglalayong magpakita ng personal na mga karanasan, opinyon, at repleksyon ng isang manunulat tungkol sa isang partikular na paksa. Sa pamamagitan ng replektibong sanaysay, malayang magagamit ng manunulat ang kanyang mga personal na karanasan, damdamin, at mga ideya upang mabuo ang isang mas malalim na pag-unawa at perspektiba sa isang paksa. Ito ay maaaring isang paglalarawan ng kanyang karanasan o isang paglalahad ng kanyang opinyon. **PIKTORYAL NA SANYSAY** - Ito ay isang sulatin na mas maraming mga larawan kaysa sa salita. **[MGA GABAY SA PAGSULAT NG PIKTORYAL NA SANAYSAY]** 1\. Angkop ang mga pahayag o isusulat sa ipinababatid ang larawan 2\. Hindi dapat lalagpas sa 60 na salita ang gagamitin sa pagsulat. 3\. Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato o larawan. 4\. Nakatutok sa isang tema o paksa lamang **LAKBAY SANAYSAY**- isang detalyeng pasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na pinuntahan. **[DAPAT ALALAHANIN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY]** 1\. **Mananaliksik**. Bago pumunta sa isangdestinasyon, mananaliksik muna tungkolsa pupuntahan mo. Alamin moa ngkanilang kultura, paraan ng pamumuhay, pati na rin ang kanilang paraan ng pamumuhay, paraan ng pagpapakita ng pananampalataya. Dito mo matutunan ang kanilang dahilan kung bakit sila namumuhay sa ganong paraan. 2\. **Maging Kakaiba**. Bilang isang manunulat, dapat mong maakit ang iyong mga mambabasa. Huwag lamang ipahayag ang iyong mga pinuntahan o nakita. Subukin moa ng lahat ng inyong naramdaman nang ika'y lumalakbay. Gumamit ng tayutay para maranasan ng inyong mambabasa na sila'y nandoon sa lugar kasama ka. 3\. **Mag-isip na Parang Mananaliksik**. Bilang isang manunulat ikaw ay may pakay na iparamdam sa iyong mga mambabasa na kasali sila sa iyong paglalakbay. Ang isang manunulat ay nang-akit sa kanyang mambabasa para gumawa ng pagbabago sa mga kilos at gawa nila **DULA**- Aktwal na imitasyon ng buhay na itintanghal sa entablado Layunin na itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado **ISKIT** -- Isang uri ng dula na may layuning makalikha ng karikatura ng isang tao. Maituturing din itong istilo ng pagsulat o paraan ng pagkakaganap at pagbibigay interpretasyon ng isang karakter. Maihahalintulad din ito sa isang parodiya. Maituturing din itong isang dula. **[MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG ISKIT]** 1\. **Humanap ng paksa batay sa interes-** Maghanap ng inspirasyon para sa iyong iskit sa pamamagitan ng panonood at pagbabasa ng iba\'t ibang comedy sketches. Maaari kang pumunta sa YouTube at manood ng mga bidyo ng mga kilalang propesyonal at mga amateur. 2\. **Bumuo ng konsepto**- Isulat sa papel o notebook ang lahat ng ideyang ninanais mo. Maari itong gawin kasama ang isang grupo na bubuo ng iskit. Huwag mong limitahan ang iyong sarili sa mga ideya na ninanais mo. 3\. **Sumulat ng burador**- Narito ang aktwal na pagsulat ng balangkas at nilalaman ng isang Iskit. Panatilihing maikli lamang ang iskrip na gagawin 4\. **Pagtatanghal**- Dito ipinapakita ng aktor ang mga kilos o galaw na nakasulat sa iskrip. Maaring gumamit ng mga props o kagamitan at kasuotan na magbibigay kulay sa pagtatanghal. **ONE-ACT PLAY** -- isang uri ng dula na binubuo lamang ng isang yugto o aktong pagganap. Tulad ng isang dula, naglalaman din ito ng parehong mga elemento gaya ng tema, iskrip, tanghalan at mga aktor. **[KATANGIAN NG ONE-ACT PLAY]**  Maikli lamang ang kabuuang daloy ng One-Act play hindi tulad ng ibang dulang pantanghalan. Karaniwang tumatagal lamang ito ng 15 minuto hanggang 60 na minuto.  Umiikot lamang sa iisang tagpo at tema  Limitado ang bilang ng mga tauhan na nasa dalawa hanggang pito lamang.  Maikli ngunit may epektibong dayalogo **MONOLOGO** -- isang uri ng masining na pagtatanghal kung saan ginagampanan ng isang aktor o tauhan lamang. May manonood man o wala. Karamihan sa mga dasal, lirika, at lahat ng lamentasyon ay pawing monologo. **[HAKBANG SA PAGSULAT NG MONOLOGO]** 1\. Pumili ng paksa na kaaya-aya at naayon sa mga manonood. 2\. Humanap ng karakter na naayon sa iyong personalidad upang mas maging kapani-paniwala. 3\. Isaalang-alang ang damdaming nais mong palutangin sa monologo. 4\. Gumawa ng balangkas ng iskrip. Sumulat ng mga mahahalagang dayalogo o pahayag na nais mong sabihin. 5\. Muling basahin ang iyong naisulat na monologo at humingi ng tulong sa mga eksperto sa larang na itoupang maitama ang ilang kailangan paunlarin. **COSPLAY** -- ito ay pinagsamang salitang Hapon na kosupure na nagangahulugang kasuotan (kosu) at play o pagtatanghal (pure).

Use Quizgecko on...
Browser
Browser