ARALIN 2: MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY - Ikaapat na Pangkat PDF

Summary

Ang dokumento ay nagbibigay ng mga bahagi at mga paraan para sa pagsulat ng isang replektibong sanaysay sa Filipino. Ito ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa panimula, katawan, at wakas ng isang sanaysay. Ang mga bahagi ay may mga halimbawa at mga ideya para sa pagsulat ng mas kapaki-pakinabang na mga sanaysay.

Full Transcript

ARALIN 2: MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikaapat na pangkat MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY PANIMULA Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensiyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa a...

ARALIN 2: MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikaapat na pangkat MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY PANIMULA Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensiyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda. Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakukuha ng pansin ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay. MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY KATAWAN Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa. MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY WAKAS Dito nakalagay ang pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay. PARAAN NG PAGSULAT NG PANIMULA Ang panimula ay ang unang bahagi pero hindi nangangahulugang ito dapat ang unang isinusulat. Bilang isang manunulat, mayroon siyang kalayaan at pagkakataon na unahing tapusin ang anumang bahagi sa sulating ito. Kung nalisip niyang mas handa siyang magtalakay o unahin ang katawan, maaari siyang magsimula rito. Sa katotohanan, maraming mag-aaral ang binabalikan na lamang ang panimulang bahagi matapos isulat ang katawan at kongklusyon. Mahalagang isaalang-alang sa pagsusulat ng panimula ang sumusunod: Pasaklaw na Pahayag. Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye. Tanong na Retorikal. Isang tanong na binibitiwan sa nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya. Paglalarawan. Pagbibigay linaw at deskripsiyon sa paksa. Sipi. Isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay. Makatawag Pansing Pangungusap. Isang pangungusap na makakukuha ng atensiyon ng nagbabasa. Kasabihan. Isang kasabihan na makapagbibigay ng maikling paliwanag ng iyong sanaysay. Salaysay. Isang paliwanag tungkol sa iyong sanaysay. PARAAN NG PAGSULAT NG KATAWAN Ang katawan ng sulatin o mga pagtalakay ay nagsisilbing kapares ng lahat ng mga talatang malilikha sa nilalaman ng sulatin sapagkat naitatampok nito ang iba't ibang aspekto olawak ng iyong mga pagninilay-nilay o pagbubulay-bulay. Mahalagang isaalang-alang ang pagpapangkat ng bawat pagninilay sa mga talata upang mapanatili ang kalinawan ng mga kaisipan o mga usaping tinatalakay ang kaisahan, kaugnayan, at diin. Sa pagsusulat ng katawan ng replektibong sanaysay, mahalagang panatilihin ang pagkakapares ng haba ng bawat talata upang makapagbigay ng pantay na impresyon sa mga pagtalakay. Iba pang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng katawan: Pakronolohikal. Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari Paanggulo. Ipinapakita ang bawat angulo ng paksa Paghahambing. Pagkukumpara ng dalawang problema at anggulo ng isang paksa Papayak oPasalimuot. Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at komplikado hanggang simple PARAAN NG PAGSULAT NG WAKAS O KONGKLUSYON Ang wakas o konklusyon ay ang hulihang bahagi ng sulatin na nagbibigay sa mambabasa ng pangmatagalang impresyon oang kabuoang impresyon. Sa bahaging ito, binibigyan ng huling pagkakataon ang manunulat upang linawin oipaalalang muli ang lahat ng kaniyang tinalakay sa katawan ng sulatin. Isang mahalagang dapat na tandaan sa pagsulat ng wakas o kongklusyon ay ang pagtatagpo ng mga kaisipang ibinukas sa panimula upang makalikha ng isang banghay na nagsasara sa katawan. Maaari ding muling banggitin ang pangunahing kaisipan olayunin ng sulatin sa bahaging ito at pagtibayin odi kaya ay magpaalalang muli sa mga mambabasa Narito ang ilang dapat pang tandaan sa pagsusulat ng wakas o kongklusyon: Tuwirang Pagsabi. Mensahe ng sanaysay Panlahat ng Pahayag. Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay. Pagtatanong. Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong. Pagbubuod. Kabuuang mensahe ng sanaysay. HALIMBAWA NG REPLEKTIBONG SANAYSAY MARAMING SALAMAT Ikaapat na Pangkat: Castillo, Dexie Dimapilis, Katrina Guerrero, Czarmhaine Nichole Palacios, Neil Kevin Tiples, Angel

Use Quizgecko on...
Browser
Browser