Summary

Ang presentasyong ito ay nagpapaliwanag tungkol sa sanaysay, kabilang ang layunin, mga uri, at mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsulat ng sanaysay. Ang presentasyon ay naglalaman ng mga halimbawa at paliwanag para sa mas malinaw na pag-unawa sa paksa.

Full Transcript

Ikaanim na Linggo -Sanaysay - Tatlong uri ng pang-ugnay na ginagamit sa Pagpapahayag ng sariling pananaw Layunin: 1.Nasusuri ang sariling ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita. 2.Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. SANAYSAY  San...

Ikaanim na Linggo -Sanaysay - Tatlong uri ng pang-ugnay na ginagamit sa Pagpapahayag ng sariling pananaw Layunin: 1.Nasusuri ang sariling ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita. 2.Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. SANAYSAY  Sanaysay -ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. -Sa uring ito ng panitikan nabibilang ang mga sulating pampahayagan---artikulo, tudling,mga akdang pandalub-aral---tesis, disertasyon, diskurso at iba pa.  Sapanlahat ay may dalawang uri ang sanaysay na parehong naglalayong magbigay-kaalam at magdulot ng aliw. Ang natatanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Pormal na sanaysay- ay nagnanasang magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo sa pangkaunlaran-isip moral at hilagyo ng mga mambabasa. Di-pormal /pamilyar na sanaysay ay nagmimithing mangganyak, magpatawa, o kaya’y manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng saloobin at kondisyong pansikoholikal ng mga mambabasa. Mga Pang-ugnay at mga Pahayag na ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw. 1.Pang-angkop -ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring o salitang tinuturingan nito. na- ito’y ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. hal. mapagmahal na tao makapal na aklat  kapag nagtatapos naman sa n, ikinakabit ang g hal. huwarang bata balong malalim ng- ang pang-angkop na ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa patinig. hal. mabuting nilalang mapulang labi 2.Pang-ukol- ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa iba pang mga salita sa pangungusap. hal. kay/kina hinggil sa laban sa/kay tungkol sa para sa/kay 3.Pangatnig- tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay sa dalawang salita , parirala o sugnay. hal. at, saka,subalit, pati, datapwa’t ,maging, kaya ,

Use Quizgecko on...
Browser
Browser