Kakayahang Sosyolinggwistiko PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga konsepto at kasanayan sa sosyolinggwistiko. Ang papel ay nagbibigay ng mga halimbawa at konsepto para sa wika, konteksto, pag-uusap at pakikipagtalastasan.

Full Transcript

"KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO" ginawa ni: Edith Senorio Lysa Mea Narciso Kakayahang sosyolinggwistiko Ito ay kaalaman kong kailan angkop gamitin at tumugon na naayon sa wika na isinasaalang-alang ang tagpuan, paksa at ang ugnayan ng mga taong sangkot. Ang taong may...

"KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO" ginawa ni: Edith Senorio Lysa Mea Narciso Kakayahang sosyolinggwistiko Ito ay kaalaman kong kailan angkop gamitin at tumugon na naayon sa wika na isinasaalang-alang ang tagpuan, paksa at ang ugnayan ng mga taong sangkot. Ang taong may mataas na kakayahang sosyolinggwistik ay mag tatanong (TEACHING GOALS AND METHODS,2004) Sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang sosyolinggwistik ay isang kakayahan na gumamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit. Sinasabi rin niyang sa sapat lamang na kaa laman sa mga bagay na ito masasabing angkop ang isang pahayag Bernales, et al., 2016). Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyonni Dell Hymes 1974 1. Setting- Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao? 2. Participants- Sino-sino ang mga kalahok sa pag- uusapo pakikipagtalastasan? 3. End- Anoang pakay o layunin ng pag-uusap o pakikipagtalastasan? 4. Act sequence- Paano ang takbo ng usapan? 5. Keys- Ano ang tono ng pag-uusap Pormal o di pormal? 6. Instrumentalities- Anong tsanel ang ginagamit?Pasalita ba o pasulat? 7. Norms- Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtatalakay sa nasabing paksa? 8. Genre-ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba, nangangatuwiran o nakikipagtalo? Ano ang espesipikong sitwasyong ginamit? Picture ko, kwento mo! TANDAAN Ang sosyolinggwistik ay kakayahan ng isang tao na makipag-usap o makipagtalastasan na kung saan ang alam niya kung paano at ano ang nararapat sabihin upang maging angkop sa sitwsyon kausap, panahon, lugar at grupong kinabibilangan. At para na rin hindi magiging iba ang maging dulot ng mga sinasabi mo sa iyong kinakausap. A. Panuto: Bumuo at sumulat ng isang maikling iskrip batay sa iyong sariling konsepto na tumutugon at nagsasaalang-alang ng mga konsiderasyon tungo sa mabisang komunikasyon. Isulat ito sa sariling kuwaderno. Maaaring pumili sa mga sumusunod na sitwasyon: 1. May dumating na isang Amerikano sa iyong lugar. Siya ay isang guro at nais kumuha ng mga bata na maging iskolar. Paano mo kakausapin siya? 2. Sa isang job interview, paano mo ipakilala ang iyong sarili, at ano ang tamang pagpapahayag? 3. Sa isang silid-aralan na may pagpupulong ang isang guro sa mga magulang na galing sa bundok, paano kakausapin ng guro ang mga magulang? 1. Ang pag-aaral ng kakayahang sosyolinggwistik ay mas higit na magkaunawaan ang nag-uusap. AS OM 2. Hindi tama na piliin lamang ang sasabihin sa kausap at iangkop sa kinapapaloobang sitwasyon. Heal 3. Nakatutulong ang pag-aaral ng sosyolinggwistik sa pagkakaroon ng Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang salitang "Heal" kung tama ang pahayag, at "As One" naman ang isulat kapag mali. Isulat ito sa kuwademo 1. Ang pag-aaral ng kakayahang sosyolinggwistik ay mas higit namagkaunawaan ang nag-uusap. 2. Hindi tama na piliin lamang ang sasabihin sa kausap at iangkop sa kinapapaloobang sitwasyon. 3. Nakatutulong ang pag-aaral ng sosyolinggwistik sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay at pakikipagtalastasan ng bawat tao. 4. Nagpipili ang mga angkop na mga salita at paraan ng paggamit nitosa kausap o talakavan o maging sa sitwasyon, lugar, panahon at grupong kinabibilangan. 5. Hindi mahalagang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng sosyolinggwistik sa pagkat pinag-aralan naman natin ang wastong gamit ng mga salita Edith Senorio

Use Quizgecko on...
Browser
Browser