Kakayahang Sosyolingguwistiko PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga paliwanag tungkol sa kahalagahan ng kakayahang sosyolingguwistiko sa komunikasyon, kasama ang mga salik na dapat isaalang-alang, tulad ng kausap, paksa, lugar at konteksto. Ipinapaliwanag din kung paano natutukoy ang pagkakaiba ng competence at performance sa wika.
Full Transcript
Bakit mahalagang magkaroon ng kakayahang sosyoligguwistiko? Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyon pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasa-alang-alang dito ang kontekstong sosyal ng is...
Bakit mahalagang magkaroon ng kakayahang sosyoligguwistiko? Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyon pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasa-alang-alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Ayon kay Savignon (1972) - ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Samga bagay na dapat isaalang- alang para sa epektibong komunikasyon na inisa-isa ni Hymes sa kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mga ito ay ang participant, setting, at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may kakayahang sosyolinggiwistik. Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan, 2004), isang propesor sa wika, may mga salik-panlipunang dapat isaalang- alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay iniaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang kausap ba ay bata o matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtatapos, lokal ba o dayuhan. Iniaangkop din niya sa lugar na pinag-sapan, tulad ng kung nasa ibang bansa o lugar ba siya na hindi masyadong nakauunawa ng kanyang wika. Isinasa-alang-alang din niya ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba-ibang paniniwala tungkol sa politika, o tungkol sa iba-ibang pananampalataya. Kailangang alam at magamit ng nagsasalita ang angkop na wika para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na maaaring magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya’y walang galang, mayabang, o naiiba. SAGUTIN 1. Ayon kay Savignon, ano ang pagkakaiba ng competence at performace? 2. Sa pagtataya sa kakayahan ng isang taong nakikipag- ugnayan, mapaghihiwalay mo ba ang competence at performance? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Paano ba nakikita kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibong sosyoligguwistiko? 4. Sa pakikipag-usap, ano ang mga binibigyang- konsiderasyon ng isang taong may kakayahang pangkomunikatibong sosyolingguwistiko? 5. Ano ang maaaring mangyari sa isang taong hindi isinasaalang-alang ang kausap, ang lugar kung saan nag-uusap, at ang pinag-uusapan? 1. Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon. 2. Kailangang may positibong persepsyon siya sa kanyang sarili, sa tagatanggap ng kanyang mensahe o pidbak, sa kanyang mismong mensahe o pidbak, at sa kabuuan ng prosesong pangkomunikasyon. 3. Kailangang marunong silang mag- encode at mag-decode ng mensahe. 4. Kailangang may sapat din siyang kaalaman at kasanayan sa paggamit 5. Kailangang mauunawaan niya ang mga batayang konsepto at simulain ng komunikasyon at kailangang alam niya kung paano gagamitin ang mga iyon sa mga partikular na sitwasyon sa iba't ibang antas o uri ng komunikasyon. Maliban sa mga konsiderasyong tinalakay, may mga iba pang pangangailangan upang ang mga sangkot sa isang prosesong pangkomunikasyon ay maging mga epektibong partisipant: 1. Paggamit ng mga tiyak na salita 2. Pagbanggit sa panahon 3. Pag-iwas sa paglalahat o kongklusyon 4. Pag-iwas sa paggamit ng mga salita, parirala o pahayag na higit sa isa ang kahulugan 5. Pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa mga salitang jargon at slang Pagpapalinaw ng Mensaheng Berbal 1. Ang Nagpapadala ng Mensahe 2. Ang Mensahe 3. Ang Daluyan/Tsanel ng Mensahe 4. Ang Tagatanggap ng Mensahe 5. Ang Tugon/ Pidbak 6. Mga Potensyal na Sagabal 7. Lugar o Konteksto 8. Layunin ng Komyunikeytor Mga Elemento o Sangkap ng Komunikasyon