KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK PDF
Document Details
Uploaded by IntegratedBouzouki2073
Zambales National High School
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa kakayahan sa sosyolinggwistika. Tinatalakay dito ang mga elemento ng komunikasyon at kung paano ito naiimpluwensyahan ng lipunan. Nakapaloob din ang iba't ibang mga aspeto ng interaksyon.
Full Transcript
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK Ang sosyolingguwistiks ay pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan at kung paano ito ginagamit sa iba’t ibang sitwasyong panlipunan. Ito rin ay pag-aaral ng epekto ng anumang aspeto ng lipunan,...
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK Ang sosyolingguwistiks ay pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at lipunan at kung paano ito ginagamit sa iba’t ibang sitwasyong panlipunan. Ito rin ay pag-aaral ng epekto ng anumang aspeto ng lipunan, kasama ang kulturang pamantayan ( cultural norms), ekspresyon, at konteksto, sa kung paano ipinapakilala ang bagong horizon sa pag-aaral ng wika. 1/11/2023 PRESENTATION TITLE 2 KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK Ito rin ay tumatalakay bilang lingguwistikong pananda sa epekto ng wika sa lipunan, pangkat, at trabaho gayundin ang pag-aanalisa sa mga diyalektong ginagamit ng iba’t ibang rehiyon at kung paano sinasalita ng mga tao sa isang naturang pagkakataon. 1/11/2023 PRESENTATION TITLE 3 MGA MODELONG S.P.E.A.K.I.N.G AT PENTAD NI BURKE Makatutulong din sa pag-aaral sa sosyolingguwistiks ang pag-unawa muna sa iba’t ibang modelo na ginamit sa pagsasalita. Isa na rito ang limang elementong batayan na tinatawag na Dramatic Pentad ni Kenneth Burke, isang Amerikanong eksperto sa panitikan. Sa modelong ito, binibigyang–halaga na ang ating pang-araw-araw na buhay ay nakaakibat sa pagkukuwento ( narrative) tungkol sa ating buhay gayundin sa buhay ng iba. 1/11/2023 5 Ayon kay Walter Fisher, isang Amerikanong propesor, ang mga tao ay homo narrans ( tagapagkuwento o tagapagsalaysay) dahil ito ay isang mahalagang aktibidad na ginagawa ng bawat tao. Ang mga kuwentong ito ang may malaking bahagi sa pakikipag- ugnayan, kung kayat kailangan nating maglaan ng oras sa paggalugad kung paanong ang isang tao ay nagsasalaysay at nagpapaliwanag sa kanyang kilos ayon sa kanyang kuwento. 1/11/2023 6 Ang modelong Pentad ni Burkes ay naging batayan ni Dell Hymes, isang Amerikanong lingguwista at antropologo, sa pagbuo ng balangkas na S.P.E.A.K.I.N.G. Ikinonsedera niya ang modelong ito bilang malaking impluwensya sa kanya gawa. Sabi niya, “ Ang halaga ng kanyang gawa ay malamang na malaking utang niya kay Kenneth Burkes kaysa sa iba.” 1/11/2023 7 1/11/2023 8 Burke’s Dramatic Pentad Scene ( Setting) – Saan ito naganap? Agent ( Character) – Sino ang mga sangkot? Act ( Single event or sequence) – Ano ( Katotohanan o detalye) ang nagaganap sa oras? Agency ( Plotline) –Paano ( kung paano dapat) nagaganap ang kilos? Purpose – ( Outcome) – Bakit ( Ano ang naging kinalabasan o mithiin?) 1/11/2023 9 Modelong S.P.E.A.K.I.N.G S Setting Lugar ng Pinag-uusapan ( Oras at Lugar ng speech acts ) P Participants Sino-sino ang nag-uusap ( Ispiker at awdyens) E Ends Ano ang layon sa pag-uusap? ( Intensyon, mithiin, at kalalabasan) A Act Sequence Ano ang takbo ng pag-uusap? ( Uri at pagkasunod –sunod ng pangyayari) K Keys Pormal o di-pormal ba ang pag-uusap? ( Palatandaan na naisagawa ang “ tono, paraan at layunin/diwa ng speech acts) I Instrumentalities Pasalita o pasulat ba ang pag-uusap? ( Porma at estilo ng pag-uusap) N Norms ( Pamantayang panlipunan na namamahala sa pangyayari at ang aksyon at reaksyon ng mga participant. G Genre Pasalaysay, palarawan, paliwanag, pangangatuwiran ba ang pag- uusap. 1/11/2023 10 KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK 1/11/2023 PRESENTATION TITLE 11 Kakayahang Sosyolingguwistiks Ang kakayahang sosyolingguwistiks ay pag-alam at pag- unawa kung paano nagsasalita ang isang tao sa isang sitwasyong nakabilang siya. Ito rin ay karaniwan sa indibidwal na nag-aangkop ng kanyang pananalita sa isang panlipunang sitwasyon. Halimbawa nito ang mga sosyo-kultural na baryasyon na tinatawag na register sa isang lipunang ginagalawan o kinabibilangan. Sa sitwasyong ito, kapag hindi kabilang sa kanilang pangkat o grupo,maaaring maging isang suliranin ng isang dayo ang unawain ang kanilang pinag-uusapan. 1/11/2023 12 Kakayahang Sosyolingguwistiks Halimbawa nito ang register ng iba’t ibang nasa ikatlong kasarian sa Maynila na iba sa wika ng Ikatlong kasarian sa Bacolod. Sa kakayahang sosyolingguwistiks, ang paksa ay hindi lang nakadepende sa okasyon at relasyon sa pagitan ng participant , kasama rin ang rehiyon , etnisidad, sosyoekonomik, estado, edad, at kasarian ng mga ito. 1/11/2023 13 Kakayahang Sosyolingguwistiks Sa madaling salita, ang kakayahang ito ay masalimuot at komplikado. Sa kakayahang ito, kahit mahusay ka sa paggamit ng kakayahang gramatika o lingguwistika, hindi maipapadala ang kahulugan nang maayos sa kabuuan kung hindi isasaalang-alang ang kultura at konteksto ng kausap, dahil kung gayon, magbubunsod lamang ito ng kakaibang kahulugan sa kausap ( communication breakdown ) 1/11/2023 14 PRESENTATION TITLE KONSIDERASYON SA KOMUNIKASYONG PANSOSYOLINGGUWISTIKA 1/11/2023 15 Ang kakayahang sosyolingguwistika ay tumutukoy sa pagtukoy sa kung sino, paano, kailan, saan, at bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo. Bilang pagpapalawak sa kahulugan nito, inaasahang matukoy ang iba’t ibang konsiderasyon sa kakayahang sosyolingguwistiks para sa epektibong komunikasyon. Malaki ang kaugnyan sa sosyolingguwistiks ang paggamit ng mga kodang di-berbal o non-verbal codes. Ang kodang di-berbal ay mga simbolo na hindi gumagamit ng salita. Halimbawa nito ay mga extralingguwistikong ( extralinguistic) paglalarawan tulad ng kilos, ekspresyon ng mukha, gamit ng espasyo, oras, pandama, cues sa vocal, pananamit at iba pang artifacts. 1/11/2023 16 IBA’T IBANG DI- BERBAL NA KOMUNIKASYON KINESICS Nagmula ito sa Griyegong salita na kinesis na nangangahulugang “ pagkilos”. Sa kinesics, hindi lamang pagtukoy ng kilos ang gagawin kundi mag-oobserba, mag-aanalisa, at magbibigay- kahulugan sa kanyang ikinikilos. Nahahati ang kinesics sa tindig, galaw, at eye contact. Sa bawat bahagi, maging ito ay indibidwal o pinagsama, ang mga tanda o cues ay nagpapadala ng mensahe tungkol sa relasyon ng ispiker o ng awdyens sa paksang tinatalakay o maging sa sitwasyon. 18 KINESICS Ang tindig ay tumatalakay sa posisyon ng katawan habang naisasagawa ang interaksyon: maaaring relaks, nag-eenganyo, o nagtataboy. Ang galaw ay tumatalakay sa kilos ng katawan o kahit anong bahagi nito kung saan nagpapadala ng ideya, intension, o nararamdaman bilang ebalwasyon sa sitwasyon. Nahahati ito sa kategorya ng kilos ayon sa gawain, origin at kahulugan ( Ekman at Friesen ) ( 1969) 19 KINESICS Emblem- Ang kilos na substitute sa mga salita o parirala. Halimbawa ng emblem ay ang kilos sa pagkukumpas ngmestro sa orchestra. Illustrator- Ang kilos na sinusundan o nagpapalakas sa berbal na mensahe. Halimbawa nito ang pagkaway sa kaibigan na sinusundan ng pagsabi ng kumusta ka? Eye contact- Ang eye contact naman ay direktang pagtingin sa mata ng kausap at kung paano niya ibinabalik ito sa iyo. Halimbawa nito ay ang pagtingin ng direkta sa mata ng kausap para sabihin na siya ay nagsasabi ng totoo, salungat naman sa gawaing ito ay pagsisinungaling. 20 KINESICS Adaptors – Ang adaptors naman ay di-berbal na kilos na madalas na nagagawa sa mga pribadong lugar subalit limitado lamang ito sa pambulikong setting.Halimbawa nito ay ang simpleng pagtanggal ng dumi sa ilong o kulangot gamit ang daliri na magiging hindi katanggap tanggap kapag ginagawa mo sa pampublikong lugar tulad sa MRT/LRT at pormal na okasyon. Regulator – Kilos na kumokontrol sa daloy o hakbang ng komunikasyon. Halimbawa nito ay pag-alis sa pangkat upang ipahiwatig na hindi interasado at nais ihinto ang usapan gayundin ang paghikab o pagtingin sa orasan na naghuhudyat ng pagkabagot. 21 KINESICS Affective display – Kilos ng mukha at katawan na ginagamit upang ipakita ang emosyon. Halimbawa nito ang behavior o pag-uugali na ipinapakita ng mga nanood sa kanilang paboritong koponan sa basketbol kapag nanalo ito. 22 Ayon kay Bernales ( 2011) may tatlong uri ang Kinesics Descriptive – Ang descriptive na kumpas kapag naglalarawan ito ng laki, layo, taas, hugis, at haba ng isang bagay. Regulative- Ang regulative naman ay tumutukoy sa hampas o kilos na nagsasaad ng pagkontrol sa iba gamit ang kilos, tulad ng traffic enforcer sa pagmamando gayundin ang paggamit ng guro para sa paggabay sa kilos ng mga bata. Emphatic- Ang emphatic na kilos ay nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng pagpalo sa mesa, pagkuyom ng palad, at pagtaas ng kamay. 23 Paralanguage o Vocalics Tumutukoy ito sa katangian ng boses na ginagamit para bigyang-kahulugan ang berbal na komunikasyon ayon sa inaasahang kahulugan at nararamdaman. Nakapaloob dito ang mga di-salitang tunog o katangian ng isang wika tulad ng tunog, antala, lakas, haba, diin, at kalidad nito. Halimbawa ng paralanguage ang pagsigaw ng “Sunog!” o “Tulong!” na nagpapahiwatig ng mabilisang pagkilos. Nagpapakita ito ng interaksyon sa awdyens na dapat bigyang-atensyon. 24 Paralanguage o Vocalics Sa paralinguistic, sinusuri ang mga vocal cues-lahat ng mga aspeto sa pagsasalita maliban sa salita ( word) mismo. Pitch- Ang pitch ay pagtaas o pagbaba ng tono. Rate- Ang rate ay pagbilis o pagbagal ng kausap. Inflection – Ang Inflection ay barayti o pagbabago ng pitch. Volume- Ang volume ay paglakas o paghina ng boses. 25 Paralanguage o Vocalics Non-word sound – Ang non-word sound ay pagwala ng tunog na ginagamit bilang epekto sa pakikipag-usap. Halimbawa: “ahh” “ha”, “mmmh”, at iba pang tulad gayundin ang paghinto (pause). Pronunciation- Tamang pagbigkas ng mga salita. Articulation- Koordinasyon ng bibig, labi, o ngipin para makabuo ng isang salitang naunawaan ng iba. 26 Paralanguage o Vocalics Enunciation- Pagsasama ng pronunciation at articulation upang makapagprodus ng salitang may tamang linaw at pagkakakilanlan upang mas maunawaan ito isang halimbawa ng problemang sa enunciation ang pag-uutal. ( stuttering) Silence- Pagkawala ng tunog o boses. Sinasabing ito ay maaaring maging positibo o negatibo depende sa pinaggagamitang sitwasyon. 27 Chronemics o Oras Tinatawag din itong temporal communication. Nakapaloob dito ang gamit at ebalwasyon ng oras ng interaksyon kasama ang lokasyon. Dito nasusukat ang paraan ng isang tao na gamitin ang kanyang oras at nabuong mensahe dahil sa organisasyon at gamit nito. Ang oras ay natutukoy sa pagtanaw sa makro lebel, kung saan paano tinitingnan ang nakaraan, kasalukuyan at kinabukasan. 28 Chronemics o Oras Monochronic ang isang tao kapag ay tingin niya sa oras ay seryoso at nakatapos ng isang gawain kung saan ang kanilang trabaho ay importante kaysa sa iba. Polychronic- Kapag nakapagtapos ito ng maraming trabaho sa ibinigay na oras. Tinitingnan ng mga polychronic ang interpersonal na relasyon bilang mas mahalaga kaysa sa kanilang trabaho dahil sa kanilang pakikisalamuha sa iba upang matapos ito. 29 Monochronic People Polychronic People Do one thing at a time Do many things at once Concentrate on the job. Can be easily distracted and manage interruptions well Take time commitments seriously Consider an objective to be achieved, if possible Are low context and need information Are high context and already have information Are committed to the job Are committed to people and human relationships. Adhere religiously to plans Change plans often and easily Are concerned not disturbing others; Are more concerned with those who are follow rules of privacy and closely related than privacy consideration Show great respect for private property Borrow and lend things often and easily ; seldom borrow or lend. 30 Haptics Tumutukoy ito sa pisikal na kontak gamit ang bahagi ng katawan. Sa ating bansa, ang paghawak ay may kaakibat na pamantayan tulad ng iba ang hawak, hipo, palo, tapik, batok, pisil, haplos, at hipo ayon sa sitwasyon. 31 Ayon sa lingguwistang si R. Heslin, may iba’t ibang uri ng haptics: Functional/professional. – Nagaganap ang haptics sa katanggap-tanggapna konteksto. Halimbawa ang mga physical examination na ginagawa sa pagsusuring medical. Social/polite- Nakapaloob dito ang panlipunang konteksto ng paghawak. Halimbawa nito ang pakikipagkamay o pagmano na nagpapakita ng pakikipagkaibigan, paggalang, o pagpapalagayang-loob sa isa’t isa. Proxemics- Tumutukoy ito sa espasyo o distansya sa komunikasyon. Ang paggamit ng espasyo sa iba’t ibang paraan ay naghuhudyat ng magkaibang kahulugan. 32 Proxemics Territorial space- Nangangailangan ng pagpapanatili ng isang natatanging espasyo para sa pansariling gamit. Ayon kay Knapp at Hall ( 2002) may tatlong uri ito: (1) Primarya, kapag ikaw ang sentro at may pangunahing control ka sa lugar.Halimbawa nito ay sariling bahay, apartment, cubicle o carrel at sasakyan. (2) Sekondarya, kung hindi lang ikaw ang sentro o hindi eksklusibo ang teritoryo para sa iyo. Halimbawa nito ay klasrum, opisina. (3) Publiko, kung ang espasyo ay bukas kahit kanino subalit hindi ito bukas para gawing pansamantalang tirahan. Halimbawa nito ay mga mall at parke. 33 Proxemics Personal space – May namumuong bubble sa palibot ng bawat tagapagsalita. Ang bulang ito ang nagsisilbing distansya at sariling espasyo. Tinukoy ni Edward Hall ang apat na distansya na naisasagawa ng isang tao habang sila ay nakikipagkomunikasyon. 34 Apat na Distansya na naisasagawa ng isang tao habang nakikipagkomunikasyon 1. Intimate distance – Nagaganap ito mula 0 hanggang 18 pulgada (in). Ginagamit ito ng mga taong kapalagayang-loob tulad ng magulang at asawa. Nagpapakita ang distansiyang ito ng pagmamahal, ginhawa, o proteksyon. 2. Personal distance – Nakapaloob mula 18 hanggang 24 na talampakan (ft). Ginagamit ito bilang natural na pakikipag-usap at iba pang walang intimate na pagpapalitan. 35 Apat na Distansya na naisasagawa ng isang tao habang nakikipagkomunikasyon 3. Social distance – Nagaganap ito mula 4 hanggang 12 talampakan (ft). Karaniwang ginagamit ito sa miting, pormal, at hindi personal na sitwasyon. Nakapaloob dito ang distansya ng mga taong nasa posisyon tulad ng boss, pangulo, at sekretari ng isang departamento. 4. Public distance- Nagaganap ito lagpas 12 talampakan (ft). Ginagamit ito sa mga pampublikong talumpati tulad ng mga symposium, seminar, at concert. 36 Iconics ( Simbolo) Nakapaloob dito ang paggamit ng simbolo o icons na nagpapahiwatig ng mensahe. Sa di-berbal na komunikasyon , polysemic ang paglalarawan sa mga simbolo. Ibig sabihin , ang isang simbolong di-berbal ay may kaakibat na iba’t ibang kahulugan. Ang mas mataas na antas ng di mailarawang kalikasan ng simbolo ay kaakibat na mahirap na kahulugan. Halimbawa, ang simpleng pagtaas ng kilay ay naghuhudyat ng pagkainggit, di sang-ayon sa napakinggan, di-interesado, atb. 37 Objectics ( Pananamit at iba pang artifacts) Tumutukoy ito sa paraan ng pananamit at paggamit ng iba’t ibang artifacts bilang kodang di-berbal. Ang artifacts na tinutukoy rito ay mga palamuti o dekorasyong dinidisplay tulad ng alahas, ayos ng buhok, spmbrero, salamin, tattoo, atb. Sa objectics, ang pananamit at mga palamuti ay sumasalamin sa edad, kasarian, estado, tungkulin, kalagayang panlipunan, kinabibilangang pangkat, personalidad, at relasyon sa kapwa. Ito rin ay nagpapakilala ng panahon sa kasaysayan, oras o araw, panahon, kultura, at gampanin sa pangkat. 38