FIL 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kakayahang PDF
Document Details
Uploaded by StylizedPyramidsOfGiza
University of San Carlos
Tags
Related
- Buwan ng Wika 2023: Filipino at Katutubong Wika (PDF)
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Kahulugan ng Wika: Isang Panimula (PDF)
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- Modyul 5: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino PDF
- Komunikasyon sa Wika at Pananaliksik PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay may kaugnayan sa wika at komunikasyon sa Filipino. May mga bahagi na naglalarawan ng mga konsepto ng Sosyolinggwistiko. May mga gabay na mga tanong at mga sanggunian na ibinigay sa dokumentong ito.
Full Transcript
FIL 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino KAKAYAHANG 7 KOMUNIKATIBO: SOSYOLINGGUWISTIK Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit Pangnilalaman ng wika sa...
FIL 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino KAKAYAHANG 7 KOMUNIKATIBO: SOSYOLINGGUWISTIK Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit Pangnilalaman ng wika sa lipunang Pilipino. Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Mga Layunin Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan; Natutukoy at nagagamit ang mga dapat isaalang-alang ng isang epektibong komunikasyon gamit ang modelong SPEAKING ni Dell Hymes; at Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto / sitwasyon ayon sa konteksto Duration 180 minutes (1 week) Developed by: Charlotte Ablen, MA; Rochelle Iah Devilleres, MaEd; Ivy Garcia, MAPF; Niza Lirasan, MATF; Ma. Renecita Solicar, LPT MAHALAGANG TANONG Bakit dapat isaalang-alang ang kaangkupan ng sinasabi sa sitwasyon, sa taong kinakausap, at sa lugar na pinangyayarihan ng pakikipagtalastasan? 1 KOMPONENT NG MABISANG KOMUNIKASYON Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ni Dua (1990), ang ilan sa mga pangunahing dahilan sa hindi pagkakakunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay pwedeng mag-ugat sa tatlong posibilidad na maaaring magsimula sa taong nagsasalita tulad ng: Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kaniyang intensiyon. Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kaniyang intensiyon. Pinipili ng nagsasalitang huwag nalang sabihin ang kaniyang intensiyon dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa. Ayon pa rin kay Dacua (1990), ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay maari ring mag-ugat sa tagapakinig tulad ng sa sumusunod na sitwasyon: Hindi marinig at hindi maunawaan. Hindi gaanong narinig at hindi gaanong naunawaan. Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkaunawa sa narinig at naunawaan. Gayunpaman, kahit parehong may kontribusyon ang nagsasalita at tagapakinig sa hindi pagkakaunawaan, madalas na mas matindi ang nagawa ng isa sa kanila. Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Sannoniya (1987), ang tagapakinig ay nagbibigay ng maling interpretasyon sa narinig kahit hindi naman ito ang ibig sabihin ng kaniyang kausap base sa kaniyang inaasam, inaakala, kalagayang emosyonal, at personal na relasyon sa nagsasalita. Dito makikita ang higit na pangangailangan sa pagkakaroon ng kakayahang pangkomunikatibo partikular ang kakayahang sosyolingguwistiko upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaang nag-uugat sa pagbibigay ng maling pakahulugan sa sinabi o narinig. Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon Sa ikalawang aralin nabatid mong hindi sapat na ang tao’y matuto ng lenguwahe at makapagsalita, dapat ding maunawaan at magamit niya ito nang tama. Ayon sa lingguwestang si Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang Gamit ni Dell Hymesang SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin ang mga dapat siaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso 2 Ang Modelong S-P-E-A-K-I-N-G KOMPONENT PALIWANAG HALIMBAWA Ang lugar kung saan nag-uusap o Kapag tayo ay nanonood ng nakipagtalastasan ang mga tao. isang pormal na palatuntunan, Mahalagang salik ang lugar kung hindi tayo nakikipag-usap sa iba S – Setting saan nag-uusap ang mga tao. na parang tayo ay nasa kalsada ( Saan nag-uusap?) Katulad na pananamit, lamang o nasa isang kasayahan. ikino-konsidera din natin ang lugar na pinangyarihan ng pakikipagtalastasan. Ang mga taong Hindi natin kinakausap ang nakikipagtalastasan. ating guro sa paraang ginagamit P – Participant Isinasa-alang-alang din natin angnatin tuwing kausap natin ang ( Sino ang kausap o ating kausap upang pumili ng mga kaklase o kaibigan ay nag-uusap) paraan kung paano siya kaswal o kampante ang ating kakausapin. pamamaraan. Nararapat na isaalang-alang ang Kung nais nating kumbinsihin E- Ends layunin natin upang maiangkop ang kausap ay mag-iiba ang (Ano ang layon ng natin ang paraan ng ating pamamaraan sa usapan?) pakikipagtalastasan. pakikipag-usap. Ang isang mahusay na Minsan ay nag-uumpisa tayo sa A – Act Sequence komyunikeytor ay nararapat mainit na usapan at kapag (Paano ang takbo ng lamang na maging sensitibo sa mahusay ang nakikipag-usap ay usapan) takbo ng usapan. madalas ito humahantong sa mapayapang pagtatapos. Tono ng pakikipag-usap. Katulad Wala sigurong magkakagusto K - Keys ng setting o pook nararapat ding kung mga salitang balbal ang (Estilo o speech register, isaalang-alang ang sitwasyon ng gagamitin natin sa isang pormal Prmal ba o do porma?) usapan, kung ito ba ay pormal o na okasyon. impormal. Tsanel o midyum na ginagamit, Kung magtatanong ka sa iyong I - Instrumentalities pasalita o pasulat. guro tungkol sa iyong grado ay ( Pasalita ba o pasulat?) nararapat lamang na kausapin mo siyang harapan. Paksa ng usapan. Sa Kadalasan ang paksa ng mga N – Norms komunikasyon ay naaayon sa kabataan ay nakatuon din sa (Ano ang paksa ng pangangailangan ng mga mga pambatang mga bagay pag-uusap?) partisipant batay sa kanilang kumpara sa mga paksa ng mga panlasa, layunin, interes o nakatatanda. kagustuhan. G – Genre Diskursong ginagamit, kung Pagsasalaysay ang gagamitin ( Anong ng nagsasalaysay, nakikipagtalo o kapag nagkukuwento ng isang pagpapahayag o nangangatwiran. Dapat iangkop pelikulang napanood. diskurso ang ginagamit?) ang uri ng diskursong gagamitin pakikipagtalastasan. 3 PAG-USAPAN NATIN Mga gabay na tanong: 1. Ano- ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang tungo sa epektibong komunikasyon? 2. Ano-ano ang kahalagahan ng bawat nabanggit na konsiderasyon? 3. Alin sa palagay mo ang pinakamahalagang dapat isaalang-alang sa mga ito? 4. Kinakailangan ba talagang isaalang-alang ang mga ito bago makipag-usap? Patunayan ang sagot. 5. Bakit kaya itinaguyod ni Dell Hymes ang model na ito? KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO Pag-unawa batay sa Pagtukoy sa Sino, Paano, Kailan, Saan, Bakit Nangyari ang Sitwasyong Komunikatibo. Sa ikalawang aralin ng yunit na ito ay nabatid mo ang kahalagahan ng kakayahang pangkomunikatibo. Sa modelong ginamit nina Canale at Swain, inisa-isa nila ang tatlong kakayahang pangkomunikatibo, una ang lingguwistiko o gramatikal na kakayahang tinalakay sa ikalawang aralin, ikalawa ay ang sosyolingguwistiko na ating tatalakayin sa araling ito. Sa pagtalakay ng kakayahang sosyolingguwistiko ay maaari nating balikan ang mga usapin tungkol sa pagkakaiba ng competence o kagalingan o kakayahan sa performance o pagganap. Sa gitna ng maraming diskusyon, maganda ang naging pananaw ni Savignon (1972), isang propesor sa University Illinois, sa pagkakaiba ng competence at performance. Ayon sa kanya, ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Idinagdag niya na ang kakayahan o kaalaman ng tao sa wika ay makikita , malilinang, at matataya lamang gamit ang pagganap. Itinitumbas niya ang kakayahang pangkomunikatibo sa kakayahang gamitin ng tao ang isang wika. 4 Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasaalang-alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Sa mga bagay na dapat isaalang-alang para sa epektibong komunikasyon na inisa-isa ni Hymes sa kanyang acronym na SPEAKING, mapapansing tatlo sa mga ito ay ang participant, setting, at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may kakayahang sosyolingguwistik. Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan, 2004), isang propesor sa wika, may mga salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay inaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang kausap ba ay bata o matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtapos lokal ba o dayuhan. Iniaangkop din niya sa lugar ang pinag-uusapan, tulad ng kung nasa ibang bansa o lugar ba siya na hindi masyadong nakauunawa ng kanyang wika. Isinaalang-alang din niya ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba't ibang paniniwala tungkol sa politika, o tungkol sa iba-ibang pananampalataya. Kailangan alam at magagamit ng nagsasalita ang angkop na wika para sa hinihinging pagkakataon. PAG-USAPAN NATIN Mga gabay na tanong: 1. Ayon kay Savignon, ano ang pagkakaiba ng competence at performance? 2. Sa pagtataya sa kakayahan ng isang taong nakikipag-ugnayan, mapaghihiwalay mo ba ang competence? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Paano ba nakikita kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibong sosyolingguwistiko? 4. Sa pakikipag-usap, ano ang mga binibigyang-konsiderasyon ng isang taong may kakayahang pangkomunikatibong sosyolingguwistiko? 5. Ano ang maaring mangyari sa isang taong hindi isinaalang-alang ang kausap, ang lugar kung saan nag-uusap, at ang pinag-uusapan? 5 Ang pagsasanay ay ibibigay ng guro sa klase. MGA SANGGUNIAN: Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario. 2016. Pinagyamang PLUMA (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. Alvin Ringgo C. Reyes. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City: Diwa Learning System Inc. Inihanda nina: Ivy P. Garcia Charlotte Ablen Ma. Renecita Solicar Niza Lirasan Rochelle Iah Devilleres 6