MASINING NA PAGPAPAHAYAG/RETORIKA: KATUTURAN AT KALIGIRAN Filipino 3 PDF

Summary

This document is an excerpt from a Filipino 3 module focusing on the definition and context of rhetoric. The document includes questions, activities, and information related to famous quotes by personalities.

Full Transcript

MASINING NA PAGPAPAHAYAG/RETORIKA: KATUTURAN AT KALIGIRAN Filipino 3: Retorika at Pagsusuri at Pagpapahalagang Pampanitikan Module Code: __Fil3____ Lesson Code: _...

MASINING NA PAGPAPAHAYAG/RETORIKA: KATUTURAN AT KALIGIRAN Filipino 3: Retorika at Pagsusuri at Pagpapahalagang Pampanitikan Module Code: __Fil3____ Lesson Code: __1.1_____ Time Limit: _30 min___ TA: _1 min___ ATA: _____ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. Natutukoy at naipapaliwanag ang kahulugan ng retorika; 2. Naipapahayag ang pinagmulan ng retorika; at 3. Naiisa-isa ang maaaring mangyari kung walang retorikang ginagamit ang bawat indibidwal. TA: __3 mins___ ATA: _____ Linya Ni Idol Patok! May inihanda ang guro na mga patok na linya ng mga kilalang personalidad/artista. Bibigkasin ito ng mga mag-aaral at tutukuyin nila kung sino ang nagsabi ng mga pahayag na ito. “Usap-usapan po sa “Am I not enough,? Pangit opisina, demonyo raw ba ako? Kapalit-palit ba kayo sa lupa.” ako?” “Huwag mo akong “Huwag kang pa-victim, mahalin dahil mahal kita, hindi ikaw ang biktima. mahalin mo ako dahil Manloloko ka lang talaga.” mahal mo ako.” Filipino 2 Page 1 of 9 Narito ang mga tanong ng guro? 1. Sino ang nagsabi ng pahayag 1? 2? 3? 4? 2. Bakit kaya tumatak sa isipan ng mga manonood ang mga linyang nabanggit? 3. Manonood ka rin ba ng kanilang pelikula kung magagandang linya ang bibitiwan ng mga artista? Bakit? TA: _16 mins_ ATA: _____ Iba ang tingin ng nakararami sa isang indibidwal na may natatanging kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat. Malaki ang bentaha nila sa mga taong walang ganitong kakayahan at ang mga ito kasama ang husay sa paggamit ng teknolohiya ang tunay na kinakailangan natin sa kasalukuyang panahon. Kinakailangan ito ng sinuman lalo na ang mga propesyonal sapagkat isa ito sa mga rekisito sa paghahanap ng trabaho. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang mahasa ng mga pamantasan ang kanilang mga mag-aaral sa dalawang kasanayang ito. Kailangang lumikha ng magagaling na mag-aaral na mahusay sa mga larang nabanggit. Nililinang ng mga pamantasan ang kakayahan ng mga mag-aaral sa tulong ng mga guro na nagbibigay ng mga pagsasanay at mga gawain na makapagpapagaling sa kanilang mga angking talento. Sa loob ng silid-aralan, napalalago niya ang kaniyang kakayahan, ang kaniyang kaalaman at patuloy na nahihitik ang kaniyang kaisipan. Dito nila makikita ang sariling nangungusap, nangangatuwiran, nagtatanong at humihingi ng paliwanag. Nakapagpapahayag siya ng saloobin at ng damdamin at mga aral na natamo niya mula nang magsimulang at mamuhay at mag-aral. Ngunit paano siya nakapagpapahayag? Paano nagiging mabisa ang kaniyang pagpapahayag? Paano tinatanggap ng tagapakinig ang kaniyang sinasabi? Diyan papasok ang retorika. Dahil mahusay siyang mangusap, pinag-iibayo niya ang kakayahan sa retorika – ang sining ng mabisang pagpapahayag pasulat o pasalita man. Pinaghuhusay niya ang kakayahang ito upang taglayin ang galing sa pagsulat. Filipino 2 Page 2 of 9 Pagpapakahulugan sa Retorika Ang retorika ang tinatawag ni Aristotle na wika at diskusyon sa kaniyang diskursong pinamagatan niyang P ̋ oetics” na walang iba kundi ang sining ng publikong pagsasalita. Sa ibang pananalita, ang retorika ang sining ng epektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasaanyong kumbersasyon. Ito ang pag-aaral ng iba’t ibang mahuhusay na pamamaraan sa preparasyon at presentasyon ng mga sasalitain. Ang retorika rin ay sining ng mabisang pagpapahayag. Masining ang pahayag kung ang daloy ng mga pangungusap ay mabisa, malinaw, kaakit-akit, tiyak at epektibo. Sangkap ang tamang gramatika/balarila, angkop na mga salita/leksikon at wastong panuntunan/tuntunin ng wika na ginamit sa pagpapahayag, pasulat o pasalita. Para kay Plato "ang retorika ay sining ng pagwawagi ng kaluluwa sa pamamagitan ng diskors/diskurso." Ang kakayahang magsalita ng isang tao ay nakapagdudulot sa kanya ng kasiyahan at tagumpay sa pakikipagkapwa. Sinabi naman ni Cicero na "ang retorika ay isang mataas na sining na binubuo ng: invention (invention); dispositio (argument); elocutio (style); memorya (memory); at pronounciation (delivery)." Si Quintillan ay nagwikang, "ang retorika ay ang sining ng pagpapahayag nang mahusay.“ Winika ng bantog na si Francis Bacon na nagsabing "ang retorika ay aplikasyon ng rason sa imahinasyon at pagpapatuloy ng "will". Sinabi naman ni Bazerman Charles tungkol sa retorika na, "Ito ay pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika at ibang simbolo upang matamo ang kanilang mga layunin at maisagawa ang kanilang mga pantaong gawain. Isang praktikal na pag-aaral." Ang Kasaysayan ng Retorika Ang eloquence na ipinamalas nina Nestor at Odysseus sa Illiad ay naging dahilan upang kilalanin si Homer ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo. Ang pagkakatatag ng mga demokratikong institusyon sa Athens noong 510BC ay nagtakda sa lahat ng mga mamamayan ng pangangailangan ng serbisyong publiko. Mula noon, naging esensiyal na pangangailangan na rin ang oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro ang nakilala. Tinawag Filipino 2 Page 3 of 9 silang mga Sophist. Sila’y nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining. Si Protagoras, ang kauna-unahang Sophist, ay nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo sa kaniyang mga mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay magagawang malakas sa isang pahayag o talakayan. Homer Protagoras Isocrates Sinasabing ang aktuwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham ay si Corax ng Syracuse na noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay artificer o persuasion at umakda ng unang handbook hinggil sa sining ng retorika. Ang iba pang guro ng retorika sa panahong ito ay sina Tisias ng Syracuse, isang mag-aaral ni Corax; Gorgias ng Leontini na nagpunta sa Athens noong 427BC; at Thrasymachus ng Chalcedon na nagturo rin sa Athens. Si Antiphon naman, una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika. Ngunit si Isocrates, ang dakilang guro ng oratoryo noong ika- 4 na siglo BC, ang nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal. Tinutulan naman ni Plato, isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa retorika. Binigyang diin ni Plato ang panghikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang Gorgias at tinalakay niya ang mga simulaing bumubuo sa esensiya ng retorikal na sining sa Phaedrus. Samantalang sa akdang Rhetoric, inilarawan ni Aristotle, isa pang pilosopong Griyego, ang tungkulin ng retorika, hindi bilang isang panghihikayat. Samakatuwid binigyang diin niya ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng katotohanan at Plato Aritotle Filipino 2 Page 4 of 9 hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng apil o emosyon. Itinuturing niya ang retorika bilang counterpart o sister art ng lohika. Samantala, sa Roma ay nakilala sina Cicero at Quintillian, bagama’t ang mga unang guro ng pormal na retorika noon doon ay mga Griyego. Sila ang tinaguriang dakilang maestro ng retorikal at praktikal na retorika, kahit pa sila mga modelong Griyego. Si Cicero ang umakda ng On the Orator, Institutio Oratoria at The Training of an Orator na hanggang sa kasalukuyan ay ipinapalagay na masusing pagdulog sa mga simulain ng retorika at sa kalikasan ng eloquence. Hanggang sa unang apat na siglo ng Imperyo ng Romano, ang retorika ay itinuro ng mga tinatawag na Sophist na sa panahong iyon ay naging isang titulong akademiko. Modernong Retorika Sa simula ng ika-18 siglo ay nabawasan ng importansiya ang retorika, bagama’t sa teoretikal na aspekto lamang at hindi sa praktikal , sapagkat nagpatuloy ang paglaganap ng mga oportunidad para sa epektibong oratoryo sa politikal na arena. Sa ikalawang hati ng siglo, patuloy na nabawasan ang mga eksponent ng retorika. Mangilan-ngilan lamang ang mga kaugnay na akdang naging popular sa panahong ito kabilang ang Lectures on Rhetoric (1783) ng paring Scottish na si Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric (1776) ni George Campbell, isang teologong Scottish at ang Rhetoric (1828) ni Richard Whately, isang Britong eksperto sa lohika. Hugh Blair (1783) George Campbell (1776) Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal na retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng semantiks, isang agham ng lingguwistika. Ito ay naganap sa kabuoan ng lahat ng mga bansang gumagamit ng wikang Ingles sa daigdig. Ang mga modernong edukador at pilosopong nakagawa ng mga Filipino 2 Page 5 of 9 mahahalagang kontribusyon sa pag-aaral na ito ay sin I.A. Richards, isang Britong kritiko ng literatura at Kenneth Duva Burke at John Crowe Ramsom, mga Amerikanong kritiko rin ng literatura. TA: __5 mins____ ATA: _____ I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa inyong kuwaderno ang sagot na hinihingi sa bawat bilang. (non-graded ang gawaing ito). Retorika _________ 1. Ito’y tinatawag ni Aristotle na wika at diskusyon sa kaniyang diskursong pinamagatan niyang “Poetics” na walang iba kundi ang sining ng publikong pagsasalita Retorika 2. Tumutukoy sa sining ng epektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasa- _________ anyong kumbersasyon Quintillan _________ 3. Ayon sa kaniya ang “retorika ay ang sining ng pagpapahayag nang mahusay.“ _________ Homer 4. Siya ang tinaguriang ama ng oratoryo _________ Sophist 5. Sinikap ng grupong ito na gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining Protagoras _________ 6. Siya ang kauna-unahang Sophist na nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo sa kaniyang mga mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay magagawang malakas sa isang pahayag o talakayan Ika-20 siglo _________ 7. Sa taong ito’y nagkaroon ng muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal na retorika bunga ng pagganyak ng mga eksponent ng semantiks retorika ________ 8. Ito ang pag-aaral ng iba’t ibang mahuhusay na pamamaraan sa preparasyon at presentasyon ng mga sasalitain Antiphon9. Siya ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika ________ ________ 10. Isang teorya at praktika ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat retorika Filipino 2 Page 6 of 9 TA: __5_mins__ ATA: _____ Ang retorika ang sining ng epektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasa- anyong kumbersasyon. Ito ang pag-aaral ng iba’t ibang mahuhusay na pamamaraan sa preparasyon at presentasyon ng mga sasalitain. Bawat isa sa atin ay nakasusulat nang maayos, malinaw, masining at mabisang komposisyon. Nakapagsasalita ng tuloy-tuloy gamit ang mga salitang pinili, may lalim ang sinasabi at ramdam ng mga tagapakinig/kausap ang sinseridad ng ipinahahayag. Ano kaya ang maaaring mangyari kung walang ginagamit na retorika sa pakikipag- ugnayan ang bawat isa. Isa-isahin ang iyong sagot at i-email sa akin. Kung walang ginagamit na retorika … Filipino 2 Page 7 of 9 Rubric sa Pagbuo ng Komposisyon: Pamantayan 10 8 6 4 Nilalaman Napakagaling ng May alam sa Masyadong Walang pagkakabuo, paksa. Kaya limitado ang kinalaman sa malaman at lamang ay kaalaman sa paksa ang mahusay na kulang isang paksa kaya nilalaman nailahad ang (1) may kulang ng limang (5) pangyayari. dalawang (2) hinihinging sagot pangyayari. sa tanong Organisasyon Napakagaling ng Hindi Kulang na Walang pagkakaorganisa. gaanong kulang sa mabuting May lohikal na organisado detalye. detalyeng pagkakasunod- nakapaloob. sunod ang mga pangungusap. Kaayusang Mahusay na May kaunting Kulang ang Walang Panggramatika naisaalang-alang kamalian sa diwang nais kaalaman sa ang tuntuning paggamit ng ipabatid ng wastong panggramatika, mga salita. ilang paggamit ng kawastuhan ng pangungusap, gramatika at bantas, gayundin may hindi makabuo kaangkupan ng pagkakamali sa ng malinaw na salita, kaayusan sa gramatika at punto. ispeling, atbp. kapansin- pansin na hindi naisaalang- alang ang tuntuning panggramatika. Mga Sanggunian: Bernales et.al. (2006). Masining na Pagpapahayag sa Filipino: Mga Prinsipyo at Proseso. Valenzuela City. Mutya Publishing House, Inc. Bernales, Rolando A. (2002). Mabisang Retorika sa Wikang Filipino: Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 3, Antas Tersyaryo. Valenzuela City. Mutya Publishing House, Inc. Tanawan et.al. (2003). Retorika: Mabisang Pagpapahayag sa Kolehiyo. Quezon City. Trinitas Publishing Inc. https://www.scribd.com/document/427789675/Maikling-Kasaysayan-Ng-Retorika- Lecture Filipino 2 Page 8 of 9 Inihanda ni: KENDRA L. INUMERABLE Posisyon: Special Science Teacher II Kampus: CALABARZON Sinuri ni: SALVADOR DLS. LUMBRIA Posisyon: Special Science Teacher I Kampus: Bicol Filipino 2 Page 9 of 9

Use Quizgecko on...
Browser
Browser