Mga Kasanayang Pampangkatuto sa Filipino (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa Filipino, partikular na ang mga kasanayan sa wika, gramatika, pag-aaral ng mga salita, at iba pang konsepto.

Full Transcript

# Magandang araw! ## Kasanayang Pampangkatuto ### Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT-[[IE-87]]). - Ang kakayahang lingguwistika (linguistic competence) ay nauukol sa kasanayan o kahusayan sa paggamit ng wika na ipinahihiwatig ng wastong gamit ng mga salita na angko...

# Magandang araw! ## Kasanayang Pampangkatuto ### Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT-[[IE-87]]). - Ang kakayahang lingguwistika (linguistic competence) ay nauukol sa kasanayan o kahusayan sa paggamit ng wika na ipinahihiwatig ng wastong gamit ng mga salita na angkop sa mensaheng ibig iparating. ### Kailan mo masasabing ang isang tao ay bihasa sa lingguwistika (linguistic competence)? - Ang taong may linguistic competence ay: - May maayos na sintaks o pagkakabuo ng pangungusap. - Mahusay sa tuntuning gramatika at semantika - Ayon kay Chomsky na ang linguistic competence ay sadyang may likas na kakayahan ang taong matutuhan ang mahusay at angkop sa konteksto na paggamit ng wika dahil ito ay natutuhan sa pamamagitan ng prosesong sosyal. - Ang kakayahang lingguwistik/gramatikal ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng **ponolohiya**, **morpolohiya**, **sintaks** at **semantiks**, ayon kina Michael Merill Canale at Swains. ## Gramatika Gramatika ang mahalagang salik sa pag-aaral ng kakayahang ito. Ang gramatika ay tungkol sa tuntunin ng wastong paggamit ng bantas, salita, bahagi ng pananalita, pagbuo ng mga parirala, sugnay, at pangungusap. ### 1. Ponolohiya o Palatunugan - Maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika. - Halimbawa: malapatinig na w at y = bahay. ###### *Reyna, bahaw, agiw* ### B. Ponemang suprasegmental - Pantulong sa ponemang segmental upang higit na maging mabisa ang paggamit sa pakikipagtalastasan at upang higit na maging malinaw ang kahulugan. - Natutukoy ang mga kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono, o intonayon at antala sa pagbigkas ng pagsasalita. ### 2. Morpolohiya o Palabuuan - Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema. - Halimbawa: - pangdesal = pandesal - tawid+in = tawirin - Takip+an = takpan - hati+gabi = hatinggabi ### 3. Sintaks - Estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap. ### 4. Ang semantika - Ang semantika ay tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser