Modyul sa Estruktura ng Wikang Filipino PDF

Summary

This Filipino language module provides an overview of the structure of the Filipino language and its history, from its linguistic perspectives to its societal concepts. It covers topics such as vocabulary, grammar, and phonetics. There are designated exercises and quizzes on the material.

Full Transcript

**YUNIT 1** **ANG WIKA AT ANG WIKANG FILIPINO** **ANG WIKA** **KAHULUGAN NG WIKA** Inuri at inilahad sa batayang aklat na ito ang mga kahulugan ng wika ayon sa ibat bang pananaw. **Linggwistikong Pananaw** Ayon kina Block at Truger (1942), isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog...

**YUNIT 1** **ANG WIKA AT ANG WIKANG FILIPINO** **ANG WIKA** **KAHULUGAN NG WIKA** Inuri at inilahad sa batayang aklat na ito ang mga kahulugan ng wika ayon sa ibat bang pananaw. **Linggwistikong Pananaw** Ayon kina Block at Truger (1942), isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog ang wika ng ginagamit sa isang pangkat panlipunan sa pakikipagtalastasan. **Pananaw Istruktural** Salita o speech ang wika at ang wika ang salita at isa lamang sekondaryang representasyon ng wika ang pasulat na anyo nito (Fries, 1940). **Kognitivist** Inakala ng mga kognitivist na isang prosesong mental ang wika. May unibersal na gramatika at sa mataas na abstrak na antas, may magkakatulad na katangiang linggwistik ang lahat ng mga wika (Chomsky, 1957). **Teoryang Sosyo-linggwistik** Ayon sa mga siyentistang panlipunan o social scientist, hindi lamang set ng mga tuntunin ng pagbuo ng mga anyong linggwistik ang wika kundi set o kalipunan na rin ng mga tuntunin ng paggamit nito (Hymes, 1972). Samakatwid, isa itong kasanayang panlipunan at makatao Ayon kay Paz (1977), may mga kogneyt ang mga wika ng Pilipinas na ang mga anyo at tunog ay magkahawig, kundi man parehong-pareho. Halimbawa nito ang adlaw:aldaw, bituin-butuon-bituen at buwan-bulan. **ANG WIKANG FILIPINO** **ANO ANG WIKANG FILIPINO?** \* **Pambansang Linggwa Frangka** Filipino ang wikang ginagamit sa dalawa o higit pang tao na magkaiba ang katutubong wikaat kabilang sa magkaibang etnolinggwistikong grupo. Sa Pilipinas, sinasabing pambansang linggwa Franka ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao mula sa ibat ibang grupong etnolinggwistiko upang magkaunawaan at makipag-ugnayan. **Bilang realidad,** repleksyon ito n gating magkakaibang katutubong kultura at mayamang historical na karanasan bilang isang lahi. **Bilang isang ideyal**, dinamikong nabubuo ang Filipino bilang ekspresyon ng pambansang kaluluwa. **\*Konstitusyunal na Pambansang wika ng Pilipinas** Nakasaad sa 1987 konstitusyon ang tatlong bahagi ang pambansang patakaran tungkol sa wikang pambansa. Art. XIV, sek. 6, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino". Art. XIV, sek. 7, "Para sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinakda ang batas, Ingles". Art. XIV, sek. 8, Habang ito'y nabubuo, patuloy itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. **\*Wika sa Opisyal na Komunikasyon** Dahil pambansang wika ang Filipino, ginagamit ito at nararapat gamitin ng mga sangay at ahensiya ng gobyerno sa lahat ng opisyal na komunikasyon sa -deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas -pag-isyu ngmmga dekrito at kautusang ehekutibo -pormulasyon ng mga pambansang patakaran -pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman -pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon -mga opisyal na form, dokumento (lisensya, sertipiko, pasaporte at iba pa) -mga tungkulin at gawain ng estado **\*Opisyal na Wikang Panturo** Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto. Layunin nitong mapabilis ang pagkatuto ng mga estudyante, maiangat ang antas ng literasi ng taong bayan at malinang ang kaisipang siyentipiko at pagpapahalagang Pilipino. **KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO** **Panahon ng kastila** -Hindi itinuro sa mga katutubo ang wikang kastila, bagkus ang mga prayleng Kastila mismo ang nag-aral ng katutubong wika ng ibat ibang etnolinggwistikong grupo. -Napalitan ng Alpabetong Romano ang katutubong alibata silabaryo. -Wika ng katutubo ang naging midyum ng komunikasyon at ang mga ito rin ang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pagtuturo ng relihiyon sa ibat ibang grupo. **Panahon ng Amerikano** -Ingles ang ginamit na midyum ng instruksyon sa mga paaralang pampubliko. -Kasaysayan, kultura, literature, ekonomiya at politika ng Amerika ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng klase. -Nilimita ang mga pag-aaral ng mga paksang nauukol sa Pilipinas kaya naman hindi naging interesado ang mga karaniwang estudyante sa mga abagy na may relasyon sa sariling bansa at kultura. **Panahon ng Komonwelt** -Nagsimula ang pormal na kasysayan ng wikang pambansa. -Pinagtibay ang probisyon ng 1935 Konstitusyon ng Pilipinas, Art. XIV: *Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa umiiral na wikang katutubo. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang mananatiling mga opisyal na wika.* **Panahon ng Hapon** -Ipinagbawal ang paggamit ng lahat ng libro at peryodikal na nauukol sa Amerika. -Wikang tagalong ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa mga paaralang pampubliko bagamat itinuro rin ang wikang Niponggo sa lahat ng antas. -Ginawang wikang opisyal ng bansa ang Tagalog at Niponggo sa bias ng Ordinansa Blg. 13. **Panahon ng Pagsasarili at Ikatlong Republika** -Hulyo 4, 1946, ipinahayag na Tagalog ang opisyal na wika ng Pilipinas batay sa batas Komonwelt Blg 570, subalit nabalam ang pagpapaunlad ng wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at sa gobyerno. -Agosto 13, 1959, tinawag na Pilipino ang pambansang wika. Ito ay sa bias ng Kautusan Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon ng panahong iyon. **Panahon ng Pagsasarili at Ikatlong Republika** -Hulyo 4, 1946, ipinahayag na Tagalog ang opisyal na wika ng Pilipinas batay sa batas Komonwelt Blg 570, subalit nabalam ang pagpapaunlad ng wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at sa gobyerno. -Agosto 13, 1959, tinawag na Pilipino ang pambansang wika. Ito ay sa bias ng Kautusan Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon ng panahong iyon. **PAGSASANAY 1** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** Sa isang buong papel, gumawa ng timeline ng kasaysayan ng wikang pambansa. Itampok ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ito. \*Panahon ng Kastila \*Panahon ng Amerikano \*Panahon ng Komonwelt \*Panahon ng Hapon \*Panahon ng Pagsasarili at Ikatlong Republika **DEBELOPMENT/PAGPAPAYAMAN NG WIKANG FILIPINO** **\*Impluwensiya ng Ibang katutubong Wika sa Pilipinas** Pangunahing batayan ng pagyabong at pagyaman ng Filipino ang mga **wikang katutubo** sa Pilipinas. Mahalagang makilala sa puntong ito ang ilang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas upang lubos na maunawaan ang katangian ng wikang Filipino bilang linggwa Franka ng bansa. Ayon kay Constantino (1990), may pagkakaiba sa tunog, salita, pangungusap at maging sa ispeling ang mga wika sa Pilipinas. Sa kabila nito, marami rin ang pagkakahawig ng mga wikang katutubo. Ayon pa rink ay Constantino, may ilang katangiang morpolohikal at sintaktikal ang taglay ng halos lahat ng wika sa Pilipinas, ang mga ito ay ang mga sumusunod: -May tatlong paraan ng pagbubuo ng salita, ang paglalapi, pag-uulit at pagtatambal. -Magkatulad ng estruktura ng pangungusap. -May mga pang-ugnay na nagpapakita ng mga sintaktik na relasyon Bukod dito, may ilang pagkakatulad din ang mga wika sa Pilipinas: -Ang salitang mata, langit, hangin, tubig at asin ay mga salitang ginagamit halos lahat ng mga wika sa Pilipinas. Ang mga ito ay bahagi ng umuunlad na bansa at mga inisyal na kontribusyon sa wikang Filipino ng mga wika sa Pilipinas. Ngunit napapabilis pa ang proseso ng pagpapaunlad ng Filipino sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsusulat at patuloy na pagsasalin tungo rito. Gayundin lalong lalawak ang bokabularyong Filipino sa pagdaragdag ng mga salitang katutubo sa Pilipinas. **Ang Panghihiram** Natural ang panghihiram ng isang wika sa iba pang wika. Ginagawa ito ng lahat ng buhay na wika. Nangyayari ito dahil sa pakikipag-ugnayan ng ibat ibang kultura sa isat isa lalo na sa mga banyagang wikang nagkakaroon ng impluwensiya sa o naging bahagi ng kasaysayan ng isang bayan. Halimbawa nito ang mga salitang Espanyol tulad ng sabi (saber), bintana (vintana), sabon (jabon), kilatis (quelates) at silahis (celajes).May mga salitang Ingles din tulad ng kompyuter (computer), istambay (standby), at rali (rally). **Iba pang Paraan ng Pagpapaunlad** **Narito ang ilan at mga halimbawa nito:** **\*Paghalaw** Gahum jihad masjid Hadji bana kawatan **\*Paglikha** Askal tapsilog balarila Pantaserye teleserye tulawit **\*Pag-angkin** Lomi jet bolpen Iskwater titser kompyuter **\*Paglalapi** Tinarget pakitayp kateybol Kodakan minemuhan pagdebelop **\*Pagtatambal** Taingang-kawali asal-hayop abot-kamay Balikbayan bagong-tao isip-bata **\*Idyomatikong Pagsasalin** Kaalamang nasa dulo ng dila-tip of the tounge phenomenon Palabigasan-milking cow Pusong mammon-soft-hearted Balat-sibuyas-onion-skinned **\*Paggamit ng mga salitang Kolokyal** Peke jologs sosi Pabling tsikas chicks **\*Paggamit ng mga Salitang balbal** Yosi tipar todits Erap tokat lespu **GRAMATIKA NG WIKANG FILIPINO** **MAKAHULUGANG PAG-AARAL NG GRAMATIKA** Isang pag-aaral o isang anyo ng wika ang gramatika na nakatuon sa mga tuntunin ng ortograpiya, ponolohiya, morpolohiya, sintaktika/sintaks at semantika/semantics. Ang gramatika ay bahagi ng communicative competence o kahusayang komunikatibo sa pamamaraang pasalita o pasulat. **MORPOLOHIYA SEMANTIKA** **YUNIT 2** **PONOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO** Ang pag-aaral ng mga tunog ng letra/titik sa salita ay tinatawag na **ponolohiya**. Binubuo ng mga makabuluhang tunog ng wikang Filipino at ang isang makabuluhang tunog ay tinatawag na **ponema**. May dalawamput isang ponema ang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod: -Ponemang Patinig /a/ /e/ /i/ /o/ /u/ -Ponemang katinig /b/ /k/ /d/ /g/ /h/ /l/ /m/ /n/ /ἠ/ /p/ /r/ /s/ /t/ /w/ /y/ / ?/ Sa dalawamput isang ponema ng Filipino, lahat ay kinatawan ng titik o letra sa paraang pasulat, maliban sa tunog na impit o glottal na pasara na kinakatawan sa pamamagitan ng tuldik. Dapat tandaan na ang mga letra ng Filipino ay nagsisilbing sagisag o simbolo ng mga tunog na binibigkas. Ang **articulatory phonetics** ay isang paraan upang ilarawan kung paano binibigkas ang ponema ng isang wika (De Castro, et.al., 2007). Ginagawa ito sa pamamagitan ng **punto at paraan ng artikulasyon**. Inilalarawan ng mga ito kung saan o anong bahagi ng bibig ang gumagana sa pagbigkas ng isang katinig at kung paano gumagana ang nasabing sangkap ng pananalita. Ito ang paraan sa paglalarawan ng mga tunog na katinig. Ang tunog na impit ay itinuturing na isang ponema sapagkat ang pagkakaroon o pagkawala nito ay nagpapabago rin ng kahulugan ng isang salita. Ang impit ay kinakatawan ng tuldik na **paiwa (̀ ) o pakupya** ( ) kung tunog ay matatagpuan sa posisyong pinal ng salita. Kinakatawan din ito ng gitling sa pagitan ng katinig at patinig. Itinuturing din itong impit kung nagbabago ang kahulugan ng salita kapag inalis ang gitling (De Castro, et., al. 2007). **ANG PAGSASALITA** May tatlong sangkap upang makapagsalita ang tao o mga kinakailangang salik sa pagsasalita. **(1)** **ang pinanggagalingan/pinagbubuhatan ng enerhiya, (2) ang artikulasyon o kumakatal na bagay , at (3) ang resonador o patunugan.** Ang **enerhiya** ang nalilikhang presyur ng pagpapalabas ng hiningang galing sa baga na siyang nagpapakalat sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganap na **artikulador**. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya naming nagiging patunugan o **resonador**. Mga **guwang ng ilong** ang itinuturing na resonador. **Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog;** \*ang dila at panga (sa ibaba) \*ngipin at labi (sa unahan) \*matigas na ngalangala (sa itaas \* malambot na ngalangala (sa likod) **ANG PONEMANG SEGMENTAL** Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa tunog na ginagamitan ng letra upang mabasa at mabigkas (Francisco et. Al., 2007) **\*Pares Minimal** -mga pares ng salitang magkaiba ang kahulugan at magkatulad ang kapaligiran maliban sa isang ponema at magkatulad ng paraan ng pagbigkas. Halimbawa: Pantay;bantay labis:rabis wari:yari Sabaw:sabay lata:bata tela:tila **\*Diptonggo** -Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y sa loob ng isang pantig. Halimbawa: Reyna kasoy kalabaw aray sisiw **\*Klaster/ Kambal Katinig** -Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa loob ng isang pantig na maaaring matagpuan sa unahan, gitna at hulihan. Halimbawa: Klima pwersa pampleto apartment bayk **MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN AT MGA PONEMANG NAGKOKONTRAST** Sa wikang Filipino, may mga ponema o makabuluhang tunog na malayang nagpapalit ngunit nagbabago ang kahulugan ng salitang sinasamahan nito. Hindi nagkokontrast o nagsasalungatan ang mga nasabing mga tunog. **Arkiponema** ang mga simbolong /i/ at /u/ na maaaring sa pagsulat o pagbigkas ay nagkakapalitan ang /e/ at /i/ tulad ngsalitang babae:babai at noo: nuo. **PAGSASANAY 2** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: A. Isulat ang klaster o mga klaster sa katapat na patlang kung may klaster ang** **salita.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Klase \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Drama \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Parte \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Propesyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Sorbetes \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Istrayk \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Garden \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Doble \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Kutsilyo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Dyambol **B. Isulat ang diptonggo sa katapat na patlang**. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Liwanag \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Tibay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Giliw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Diwa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Beywang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Galaw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Malinaw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Ayos \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Aliw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Awit **C. Magbigay ng limang halimbawa ng mga salitang pares.** 1. 2. 3. 4. 5. **MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL** -makabuluhang yunit ng tunog na hindi tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang mga paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag (Resuma, 2002 mula sa aklat nina Francisco et. Al., 2007). **\*Tono, Intonasyon at Punto** \- Pagtaas at pagbabang tinig sa pagbigkas ng salita. Ayon kay Gonzales (1992), bawat tao ay may kanya kanyang paraan ng pagbigkas ngunit may kinakailangan ding norm sa pagsasalita upang higit na magkaunawaan ang nagsisipag-usap.Inilarawan ito ni Gonzales sa tatlong lebel na makikita sa ibaba: Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang. **\*Haba at Diin** -tumutukoy ang haba sa haba ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Tumutukoy naman ang diin sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Halimbawa: tubo̒-sugarcane tUbo-pipe -Magkaugnay ang haba at diin sa pagbigkas ng mga salita dahil may mga salita na kasama ang diin ng patinig ng salitang binibigkas. Nagkakaroon ng paghahaba kung saan matatagpuan ang diin ng salitang binibigkas. -Nagbabago rin ang kahulugan ng salita kapag naililipat ang diin mula sa isang pantig tungo sa ibang pantig. Ganoon din nagyayari ito sa pagpapahaba ng pagbigkas ng pantig ng salita. **\*Notasyong Ponemiko** -Notasyong ponemiko ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas. Kung hindi sa katinig nagsisimula ang salita, nagsisimula ito sa /Ɂ/ at kung hindi namna nagtatapos sa katinig, nagtatapos ito sa /Ɂ/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Ang /./ ay nangangahulugan paghahaba ng patinig. Halibawa: /pa.koɁ/ 'nail' /pakoɁ/ 'fern' Sa loob ng salitang magkasunod nagkakaroon ng /Ɂ/ sa pagitan ng mga ito. Halimbawa: /kaɁibi.gan/ 'friend' /kaɁibigan/ 'sweetheart' **ANTALA/HINTO** Ito ay ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais nating ipahiwatig o ipabatid sa ating kausap. Sa pagsusulat, maaaring bantas na kuwit at \# ang gaming simbolo para kumatawan sa hinto o antala at gamitin ang tuldok ng pangungusap. Halimbawa: 1. Hindi pula.\# 2. Hindi, \# pula.\# **PAGSASANAY 3** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** Panuto: Ilagay ang simbolong notasyong ponemiko ng mga salita. 1. asawa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 2. katiwala \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 3. hapon (japanese) \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 4. hapon(afternoon) \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 5. bata (child) \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 6. bata (duster) \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 7. namiminsala \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 8. naglalako \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 9. masiyahin \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 10. halintulad \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **ANG PAGPAPANTIG/SILABIKASYON/PALAPANTIGAN** **Mga Ayos ng Pantig** Apat lamang ang kinikilalang ayos ng pantig sa lumang balarila. a. ***P*** - payak; pantig na binunuo ng isang patinig lamang. Halimbawa: aamin - [a]-[a]-min aalis - [a]-[a]-lis b. ***KP*** - tambal-una; pantg na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan. Halimbawa: babae - [ba]-[ba]-e tama - [ta]-[ma] susi - [su]-[si] c. ***PK*** - tambal-huli; pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan. Halimbawa: mais - [ma]-is isda- is-[da] d. ***KPK*** - kabilaan; pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at hulihan. Halimbawa: pantig - [pan]-[tig] kambing - [kam]-[bing] **Iba pang Ayos ng Pantig** a. ***KKP*** - ito ay may tambal na magkakasunod na mga katinig sa isang pantig b. ***PKK*** - ito ay ayos ng pantig na binubuo ng magkasunod na katinig sa hulihang bahagi ng isang pantig. c. ***KKPK*** - paraan ito ng pagpapantig na binubuo ng dalawang magkakasunod na katinig sa unahan at isang katinig sa hulihan ng isang pantig. d. ***KPKK*** - ang anyo naman ng pagpapatinig na ito ay binubuo ng katinig at patinig at dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang pantig. e. ***KKPKK*** - ito naman ay paraan ng pagpapantig na may magkasunod na dalawang katinig na sinusundan ng patinig at katinig sa loob ng isang pantig. Ang ibang panawag sa morpolohiya ay palabuuan. Ito ay ang pagbubuo ng mga salita at pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. **MORPEMA** Tinatawag na morpema ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Halimbawa: m*a*damo m*a*talino m*a*tubig m*a*galang m*a*putik m*a*sunurin Ang morpemang ma- sa madamo, matubig at maputik ay nangangahulugang marami. Sa matalino, magalang at masunurin naman ay nangangahulugan ng katangian ang morpemang ma-. **MGA URI NG MORPEMA** 1. *Mga morpemang may kahulugang panleksikal*. Sa uring ito, masasabing tiyak ang pangalan ng lugar, ng tao o bagay. 2. *Mga morpemang may kahulugan pangkayarian.* Sa uring ito, kapag nag-iisa ay walang walang kahulugang ipapahayag. **MGA ANYO NG MORPEMA** **Panlapi** Isa itong morpema na nagtataglay ng kahulugan. Maaari itong: panlaping makauri, panlaping makadiwa at panlaping makangalan. Kapag ang nabuong slita ya pang-uri ito'y tinatawag na panlaping makauri; kapag ang nabubuong salita'y pandiwa, ito'y tinatawag na panlapiing makadiwa at kapag ang nabubuong salita'y pangngalan, ito'y tinatawag na panlaping makangalan. Tunghayan natin ang panlaping --han. Ito ay maaaring isang panlaping makauri, kung nagsasaad ng katangian; maaaring maging panlaping makadiwa kung nagsasaad ng kilos at panlaping makangalan kung nagsasaad ng lugar o ganapan ng pamimili. Halimbawa: **Makauri** panga+han= pangahan (malaki ang panga) **Makadiwa** sama+han=samahan (pagsabay sa iba) **Makangalan** tinda+han= tindahan (lugar ng pamimili) **Salitang-ugat/Batayang salita** -ito ay mga simpleng salita na walang kasamang panlapi. Halimbawa: Bango talon ganda Tulak unan ayos **Ponema o isang makabuluhang tunog** **Halimbawa:** Doktor**a** dekan**o** Mayordom**o** tit**a** Ang mga halimbawa sa itaas na mga salitang nagtatapos sa **a** at **o** ay isang makabuluhang tunog sapagkat nagpapakilala ito ng kasarian ng isang tao. **5 PARAAN NG PAGBUBUO NG MGA SALITA** Ang mga salita ay maaaring payak, inuulit, maylapi at tambalan. **\*Payak** Hindi ito sinasamahan ng panlapi. Halimbawa: Tula init bukas bulaklak Aray aral bango linis **\*Inuulit** Binubuo ito ng ganap at di-ganap na pag-uulit. Kapag inuulit ang buong salitang ugat ay tinatawag itong ganap na pag-uulit. Maaari rin itong ulitin na may linker na ng at na. Kapag bahagi lang ng salitang ugat ang inuulit ay tinatawag itong di-ganap na pag-uulit. Halimbawa ng ganap: Araw-araw ilan-ilan Magandang-maganda mabatong-mabato malamig na malamig Halimbawa ng di-ganap: Magka-magkano tatalon baha-bahagi tatakbo Kapag inuulit naman ang isang bahagi at kabuuan ng salita, ito ay magkahalong ganap at di-ganap na pag-uulit. Halimbawa: Tatalun-talon aalis-alis papanhik-panhik kakain-kain **\*Maylapi** -ito ang pagkakabit ng mga panlapi sa isang salita na maaaring sa unahan, gitna at hulihan. a\. unlapi: mag-ingat, umawit, ipagluto b\. gitlapi: sumabay, sumakay, tumalon c\. hulapi: samahan, sulatan, awitin d\. Kabilaan: kasiyahan, kagandahan, magyakapan e\. laguhan: magdinuguan, ipagsumikapan **\*Pagtatambal** -Pagsasama ng dalawang salita sa pagbubuo ng isa lamang salita. Binubuo ng dalawang uri: **Tambalang di-ganap**- nananatili ang literal na kahulugan ng ganitong mga salita.. Maaari itong ipakahulugan bilang layon, gamit, pagtitimbangan, paglalarawan at pinagmulan. Halimbawa: Agaw-dilim silid-aklatan silid-tulugan Balikbayan bahaykubo panik-panaog **Tambalang ganap**- Nagkakaroon ng ibang kahulugan o ikatlong kahulugan ang pinagtambal na dalawang salitang pinagsama. Halimbawa: Ningas-kugon basag-ulo bahaghari Anakpawis agaw-buhay kapitbisig **PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO** Ang pagkakaroon ng pagbabgo sa anyo ng mrpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Tinutukoy ng kaligiran ang mga katabing ponema na dahilan sa pagbabago ng anyo ng morpema. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko **Asimilasyon** Saklaw ng uring ito ang pagbabagong nagaganap sa / ~ᵑ~ / sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog (Santiago, 2003 mula sa Franncisco et al.,2007) saklaw nito ang mga panlaping nagtatapos sa ponemang / ~ᵑ~ / gaya ng (pang-), (mag-), (sing-) at iba pang panlaping may mga alomorp dahil sa impluwensya ng kasunod na ponema. **Uri ng Asimilasyon** a. **Asimilasyong Parsyal o Di-ganap** b. **Asimilasyong Ganap** **Metatesis** **PAGSASANAY** **4** 1. Tumawad \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 2. Inilawan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 3. Pamamaraan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 4. Tingni \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 5. Niluto \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 6. Magsindami \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 7. Manahi \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 8. Pamukaw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 9. Hagkan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 10. Sumambulat \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 11. Manalamin \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 12. Pamalo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 13. Magkasimbait \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 14. Panawagan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 15. Kasuluk-sulukan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **YUNIT 4** **MGA BAHAGI NG PANANALITA** Inuri sa modyul na ito ang mga bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan: **A. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words, Santiago, 2003), (Full Words, Bloomfield, 1971), (Substance Words, Lopez, 1940)** **1.Mga Nominal** a\. Pangngalan b\. Panghalip **2. Pandiwa** **3. Mga Panuring** a\. pang-uri b\. Pang-abay **B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)** **1. Mga Pang-ugnay** a\. Pangatnig b\. Pang-angkop/linker c\. Pang-ukol **2. Mga Pananda** a\. Pantukoy/marker b\. Pangawing/ Panandang Pampanaguri Ang **pangngalan** at **Panghalip** ay kailang sa kategoryang **nominal** dahil kapwa ginagamit na panawag sa tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Ang **pang**-**uri** at **pang**-**abay** naman ay sa kategoryang **panuring** dahil ginagamit ang mga ito bilang panuring bagamat magkaiba ang binibigyang-turing. Ang mga pangatnig, pang-angkop at pang-ukol naman ay tinatawag ding **pang-ugnay**. Ang mga ito ang nagpapakita ng kaugnayan ng isang salita o parirala sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Kabilang naman ang mga pantukoy at pangawing sa kategoryang pananda. Itinuturing na ang ay ang pangawing. Magiging pangawing ang ay kung nag-uugnay ito sa simuno at panaguring pangngalan, panaguring panghalip, panaguring pang-uri at pang-abay. Halimbawa: \*Siya ay nars ng bayan. \*Ang mga ito ay iyo. \*Si Ana ay mapagbigay. \*Kapag nagbabakasyon siya ay taun-taon. Pantulong naman ang gamit ng ay kapag ang kasunod na salita nito ay pandiwa at ang panawag na naturang pandiwa ay pandiwang pamadya. Halimbawa: \*Ang mga mag-aaral ay naglilinis. \*Ikaw raw ay magbabakasyon sa ibang bansa. \*Tayong lahat ay sasama sa lakbay-aral. **MGA SALITANG PANGNILALAMAN** **MGA NOMINAL** **Pangngalan** Dalawang pananaw ang gagamitin sa pagbibigay katuturan sa pangngalan: **kahulugang pansematika at linggwistikang Istruktural.** Sa pananaw na pansemantika, ang katuturan ng isang bahagi ay ng pananalita ay ibinabatay sa kahulugang ibinibigay nito. Gumagamit ng mga katawagang pansemantika at pasalitang simbolo batay sa balarilang tradisyunal. Sa pananaw linggwistikang Istruktural naman, ang pagbibigay ng katuturan ay batay sa kayarian at gamit sa pangungusap. Hindi isinasaalang-alang dito ang kahulugang tinutukoy o binibigyang katuturan. **Apat na Kayarian ng Pangngalan** **\*Salitang-ugat** halimbawa: ayos, bango, ilaw at litaw **\*Inuulit** Halimbawa: sinu-sino, araw-araw at hapun-hapon **\*Nilapian** Halimbawa: kasiyahan, kalinisan at kabuhayan **\*Pinagtatambal** Halimbawa: bahay-kalapati, bahaykubo at balikbayan Tinutukoy pa rin ng kayarian ang gamit ng salita sa loob ng wika o ang kayarian ng mga pariralang maaaring mabuo nito kasama ng iba pang salita o kataga. Samakatwid, sa makabagong paraan ng paglalarawan ganito ang katuturan ng pangngalan. **ANG MGA MARKER NG PANGNGALAN** Nagpapakilala ang mga marker ng relasyon ng pangngalan sa ibang bahagi ng pangungusap. Naipapakita rin ang kaukulan (Cases) ng pagngalan sa pamamagitan ng mga marker**.** ---------------------------------- --------------- --------------------------- ------------ --------------- **Pambalana** **Tanging Ngalan ng Tao** **Isahan** **Maramihan** **Isahan** **Maramihan** Pangngalan sa ang **Nominatibo** Ang Ang mga Si Sina Pangngalan sa ang **Posesibo** Ng Ng mga Ni nina Pangngalan sa ang **obhektibo** Sa Sa mga Kay kina ---------------------------------- --------------- --------------------------- ------------ --------------- **MGA URI NG PANGNGALAN** **PANTANGI**- Tumutukoy ito sa tanging ngalan ng tao, bagay, pook at pangyayari. Sinisimulan ito sa malaking titik kapag isinusulat. Ang mga pangngalang pantanging ngalan ng tao ay pinangungunahan ng pantukoy na si/sina, ni/nina at kay/kina ayon sa taglay ng kanilang pangngalan. Halimbawa: Bb. Reyes, Brownie, Manila Bulletin, Bundok Apo, Buwan ng Wika **PAMBALANA**- Tumutukoy ito sa pangkalahatang diwa. Pinangungunahan ito n gang/ang mga, ng/ng mga, sa/samga ayon sa kinikilalang kailanan. Ang mga pangngalang pambalana ay sinisimulan ng maliit na titik maliban sa simula ng pangungusap. Halimbawa: salu-salo, lalawigan, aso, tandang, abogado **TAHAS**- Tumutukoy ito sa mga material na bagay. Halimbawa: kasangkapan, bag, bolpen, damit, pagkain Dalawang Uri ng Pangngalang Tahas 1\. Palansak. Tumutukoy ito sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Halimbawa: hukbo, lahi, tumpok, kawan, buwig, kumpol **KAILANAN NG PANGNGALAN.** May tatlong kailanan ang pangngalan: Isahan, dalawahan at maramihan **1.Isahan**- pinangungunahan ito n gang o may bilang na isa. **2. Dalawahan**- pinangungunahan ng panlaping ma gang salitang-ugat o ng bilang na dalawa. **3. Maramihan**- pinangungunahan ng panlaping ma gang salitang-ugat o ang mga o sina o bilang na higit sa dalawa. **KASARIAN NG PANGNGALAN**. Ang mga sumusunod na salita ay buhat sa mga katutubong wika na isinagawa ni Eusebio Daluz noong mga 1910. (Gonzales, 1993). May apat na kasarian ang pangngalan, di-tiyak na pambalana, pambabae, panlalaki, walang kasarian o pambalaki. -------------- --------------- -------------- --------------------- **Pambabae** **Panlalaki** **Di-Tiyak** **Walang kasarian** Babae Lalaki Guro Silya Nanay Tatay Magulang mesa Ate Kuya Kaibigan pluma -------------- --------------- -------------- --------------------- **PAGSASANAY 5** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto:A Tukuyin kung pangawing o pantulong ang mga sumusunod na pangungusap.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Ang mga mag-aaral ay masaya. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Sila raw ay mag-aalay ng tulong sa mga nangangailangan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Kami ay pupunta rin sa Boracay. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Ang pagkaing ito ay talagang masarap. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Ikaw ay matalinong nilalang. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Bakit? Kayo ay nagliliwaliw na naman sa Japan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Mahirap din kung tayo ay hindi makikisama sa kanila. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Sila ay mahirap na nilalang. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Ang babaeng ito ay kahali-halina. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Siya ay dahan-dahang makikisabay sa amin. **B. Kahulugang Pansemantika o linggwistikang Istruktural** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Kabahayan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Kulay-kulayan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Sining ng Pakikipagtalastasan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Balat-sibuyas \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Makulimlim \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Hapag-kainan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Lungsod ng Makati \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Tagapangulo ng Kagawaran \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Inday \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Lapis, iskul **C. Ibigay ang pambabae o panlalaki ng mga sumusunod na pangngalan:** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Ale \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Manang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Madrina \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Tiya \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Senador \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Diko \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Bayaw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Padrasto \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Ilokano \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. bana **PANGHALIP** Ginagamit ito bilang pamalit o panghalili sa pangngalan. Nauuri ito sa apat: panghalip na panao, pananong, panaklaw at pamatlig. **Panghalip na Panao**- Ito ang mga panghalip na panghalili sa tiyak na ngalan ng tao. Mayroon itong tatlong grupo. Nahahati ito ayon sa kailanan, anyo at panauhan. Makikita ito sa tsart sa ibaba. KAUKULAN KAILANAN Anyong ang Palagyo Anyong ng paukol Anyong sa Paari P A N A U H A N 1 2 N 1 2 n 1 2 n Una ako Kita kata Kami Tayo Ko natin Namin Akin Atin amin Ikalawa Ikaw Ka Kayo Kayo mo Ninyo ninyo Iyo inyo inyo Ikatlo Siya Sila Sila Niya Nila Nila Kanya Kanila kanila **Panghalip na Pananong**- ito ay mga salitang ginagamit sa panghalili sa ngalan ng tao, bagay, pook at pangyayari na ginagamit sa pagtatanong. Napapangkat ito sa dalawang kailanan- ang isahan at maramihan. Isahan Maramihan Sino sinu-sino Ano anu-ano Alin alin-alin Kanino kani-kanino Ilan ilan-ilan Saan saan-saan Kailan kai-kailan Bakit bakit-bakit Paano paa-paano **Panghalip na panaklaw**- tawag ito sa panghalip na sumasakop sa kaisahan, dami o kalahatan ng pangngalan. Halimbawa: Isa lahat alinman madla Iba sinuman gaanuman sanlibutan Ilan kaninuman balana pawang Kapwa anuman tanan **Panghalip na Pamatlig**- ito ay nagpapahayag ng agwat, layo o distansiya ng mga tao, bagay sa nagsasalita o kinakausap. Nahahati ito sa tatlo: **Ang pamatlig sa ang** Ito-ginagamit ito sa pagtuturo ng mga bagay na malapit sa nagsasalita o nag-uusap Iyan- malayo naman ito sa nagsasalita ngunit malapit sa kinakausap Iyon- ang tinutukoy ng panghalip na ito ay bagay o tao na kapwa malayo sa nag-uusap **Ang pamatlig sa ng** Nito-malapit sa nagsasalita Niyan malapit sa nakikinig Niyon/noon-malayo sa nag-uusap **Ang pamatlig sa sa** Dito Diyan doon **PAGSASANAY 6** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: A. Tukuyin kung anong panghalip na pananong ang magagamit kung ang mga sumusunod ang sagot:** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Kina ana at Fe ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Ang pulong ay gaganapin sa Convention Hall. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Sa darating na Oktubre ang Anibersaryo ng pamantasan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Nasa likod ang mga gamit ni kuya Melo. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Sa Manila ang lakbay-aral ng mga bata. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Sasakay sila ng eroplano papuntang Cebu. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Dahil sa ugali niya kaya siya pinatalsik sa trabaho. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Tiglimandaang piso ang mga gamit na iyan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Pupunta siya sa Davao. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Bumili siya ng bolpen. **B. Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang mga sumusunod at ibigay ang maramihang anyo nito.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Ito \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Ka \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Mo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Kanya \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Ikaw \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Ako \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Niya \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Akin \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Siya \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. iyo **YUNIT 5** **MGA PANURING** **PANG-URI** **Pang-uri** ang mga salitang nagsasaad o nagpapahayag ng katangian o salitang naglalarawan. Nakikilala ito ayon sa pamamaraang istruktural sa pamamagitan ng implikasyong nagaganap ayon sa kasidhian at hambingan. **Mga Gamit ng Pang-uri** **1.Panuring ng pangngalan** Halimbawa: Masisipag na nilalang ang nagtatagumpay. Magagalang na mga mag-aaral ang ikinararangal ng marami. **2. Panuring ng panghalip** Halimbawa Kayong masisipag ang nagtatagumpay sa buhay. **3. Pang-uring ginagamit bilang pangngalan** Halimbawa: Ang mababait ang pinagpapala sa hinaharap. **4. Pang-uring kaganapang pansimuno** Halimbawa: Mga maaalahanin ang mga Pilipino. Iniuugnay rin ang pang-uri sa pangngalan at panghalip sa pamamagitan ng ng mga pang-angkop. Halimbawa: Malalawak na kapaligiran ang aming natatanaw. Magagaling na mga mag-aaral ang aming nakasalubong. **Kayarian ng Pang-uri** **\*Payak**-likas o batayang salita lamang na walang panlapi. Halimbawa: Ang mga bayaning ito ay dakila. Lahat ng mga gamit dito ay bago. **\*Maylapi**- salitang pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa salitang ito ay tinatawag na panlaping makauri. Halimbawa: Palangiti ang mga Pilipino. Mabato ang sapang ito. **\*Inuulit**- ito ang mga salitang-ugat na may pag-uulit. Maaaring ganap o di-ganap na pag-uulit. Halimbawa: **Pag-uulit na ganap**- malinis na malinis, masarap na masarap, dakilang-dakila **Pag-uulit na di-ganap**- malalaki, mapupula, malalawak **\*Tambalan**- Binubuo ito ng dalawang salitang pinag-isa. Maaaring may kahulugang karaniwan o patalinhaga. Halimbawa: **Karaniwang kahulugan** Taus-puso ang pasasalamat ko sa iyo. Dalagang-bukid ang turing sa kanya. **Patalinhagang kahulugan** Di mahulugang-karayom ang mga bisita ni Aling Maria. Tinagurian siyang may pusong mammon sa kanilang klase. **Kailanan ng Pang-uri** -Ang kailanan ng pang-uri ay **isahan at maramihan**. Sinasabing ang mga salitang-ugat na pang-uri ay magiging maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng katagang **mga** at sa pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. **Isahan Maramihan** Mabango mababango Matalino matatalino Bago mga bago Dakila mga dakila **MGA PAMILANG** Ang mga pamilang ay ginagamitan din ng panuring nga pangngalan at panghalip sapagkat itinuturing din itong pang-uri.Nagpapahayag ang pamilang ng bilang ng pangngalan kaya inihiwalay ito sa pang-uri. Nahahati ito sa lima: Halimbawa: **Patakaran/Kardinal** Isa isang daan/sandaan Tatlo isang libo/sanlibo Sampu isang laksa/sanlaksa Labing-isa isang araw/sang araw Dalawampu isang milyon/sang milyon **Panunuran/Ordinal** Ika ikalawa ikaapat Ikatlo ikalabing-isa Pang pangalawa pang-apat Pangatlo panlabing-isa Oras ala-una alas nueve Alas-dos alas onse Petsa a-uno a-tres a-dos a-onse **Pamahagi** Ikatlong bahagi kalahati tatlong kapat Ikalimang bahagi katlo apat na kalmia Ikasmapung bahagi bahagdan **Palansak** Isa-isa tatluhan lilima Dala-dalawa apatan aanim Dala-dalawampu animan pipito Sanda-sandaan sasandaan **Patakaran/Pahalaga** Tigtatatlo tigalawampu Tiga-tigatlo mamiso Tig-aapat mamiseta tiga-tigapat **KAANTASAN NG PANG-URI** -Ayon kay Gonzales (1993), isang katangian ng pang-uri na ikinaiiba nito sa ibang salitang pangnilalaman ay ang pagkakaroon nito ng kaantasan. **\*Lantay**- Iisa lamang ang tinutukoy, maaari itong salitang-ugat o panlaping makauri.. Ito ay karaniwang anyo lamang. Halimbawa: Dakila bago dukha payat Luntian pula mahirap magaling **\*Katamtamang Antas** (Santiago, 2003)- Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti o sa pag-uulit ng salitang ugat. Halimbawa: Maganda-ganda na ngayon ang pamumuhay ng pamilya Reyes. Labis nang bahagya ang pagkain natin ngayon. Medyo di pa makain ang saging, manibalang pa. **\*Pahambing na Kaantasan**- Kapag may pinagtutulad o pinag-iiba. Dalawa ang uring ito. Ang magkatulad at di magkatulad. Nahahati pa rin sa dalawa ang di magkatulad sa palamang at pasahol. **Magkatulad**. Ginagamitan ito ng panlaping sing, kasing, magsing, magkasing at ka kung ang pinaghahambing ay pareho o magkakapantay ng uri o katangian. Ginagamitan din ito ng salitang pampanulad tulad ng gaya, tulad, paris at kapwa. ------------- ------------------------------- **Lantay** **Magkatulad na Antas** 1.talino Sing+talino= sintalino 2\. lawak kasing+lawak=kasinlawak 3.laki Magkasing+laki= magkasinlaki 4\. matamis Magkasing+tamis=magkasintamis ------------- ------------------------------- b\. **Di-magkatulad**. Nahahati sa palamang at pasahol. Sinasabing palamang kapag nakahihigit sa isa ang pinagtutulad at pasahol kapag kulang sa katangian ng isang itinutulad. ----------------------------------------------------------------------------------------------------- ---------------------------------------------- **Palamang**- Ginagamitan ng mga katagang mas lalong, higit na, kaysa, di tulad, di gaya, di hamak. **LANTAY** **PALAMANG** 1.magalang Mas magalang kaysa kay/kay 2\. maalat Higit na maalat kaysa sa 3.palatawa Lalong palatawa kaysa kay/kay 4.sariwa Sariwa ang hangin sa nayon di tulad sa nayon 5.mabuti Mabuting di-hamak sa kalusugan ang gulay ----------------------------------------------------------------------------------------------------- ---------------------------------------------- ------------------------------------------------------------------------------------------------ --------------------------------------- **Pasahol**- Ginagamitan ito ng mga katagang di gaanong o di gasing na katulad ng tulad ng/ni. 1.matamis Di -gaanong matamis...tulad ng 2.makalat Di- gaanong makalat...tulad ni 3.masunurin Di -gaanong masunurin....tulad ng/ni 4\. mataba Di -gaanong mataba...tulad ng/ni ------------------------------------------------------------------------------------------------ --------------------------------------- **\*Panukdulan/Pasukdol**- Pinangungunahan ng sukdulan ng, hari ng, ubod ng, napaka, pinaka at pinagsamang walang kasing. Halimbawa: ------------- -------------------- **LANTAY** **PANUKDULAN** 1.payat pinakapayat 2.makinis Walang kasingkinis 3.maliksi napakaliksi 4.matapang Ubod ng tapang 5\. berde Berdeng-berde 6\. malinis Sukdulan ng linis 7\. dakila Hari ng dakila ------------- -------------------- **PAGSASANAY 7** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: A. Tukuyin kung anong gamit ng pang-uri sa mga salitang may salungguhit. Isulat sa patlang ang tamang sagot.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Mga matulungin ang mga kabataan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Kayong matatalino ay dapat mamuno sa proyektong iyan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Mga mapang-unawa ang mga ina. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Pinapangarap ng mga Pilipino ang maaliwalas na buhay. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Tayong maralita ay may pag-asa pang magtagumpay. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Maningning na bituin, kay inam malasin. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Ikaw na masipag ay papalarin balang araw. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Mayuyuming dalaga ang mga kababaihan noong unang panahon. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Mga mapanghusga ang mga tao sa lipunan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Ang mapagbalatkayo ay ikinaiinis ng marami. **B. Isulat ang anyong maramihan ng mga sumusunod na salita.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_1. Balisa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_6. Taas \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_2. Mangmang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_7. Dalita \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_3. Sigasig \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_8. Lungkot \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_4. Tayog \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_9. Giray \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_5. Dukha \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_10. Bango **C. Tukuyin ang pang-uri sa sumusunod na pangungusap at tukuyin din ang pangngalang tinuturingan. Isulat sa patlang ang sagot.** 1\. Alam mo, ang makukulay na karanasan at ang magagandang pangarap ng mga hamak na api ay muling masisinag pagdating ng maaliwalas na araw. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 2\. Taos-pusong pasasalamat sa masisikap at mahabagin sa lahat ng nangangailangan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 3\. Maliit na bayan, pinakamatandang pook, makasaysayang pook, pagmamay-ari ng mamamayan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 4\. Sa maulap na panahon, ating yakapin ang malamlam na gabi, upang maasahan nating muli ang masayang bukas. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 5\. Magandang buhay ay inaasam-asam ng maralitang mag-anak na iyan. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **D. Isulat ang Pahambing at Pasukdol ng mga lantay na pang-uri.** +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **LANTAY** | **PAHAMBING(PALAMANG | **PASUKDOL** | | | AT PASAHOL)** | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 1.matamis | 1. | 1. | | | | | | | 2. | 2. | | | | | | | 3. | 3. | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 2.malawak | 1. | 1. | | | | | | | 2. | 2. | | | | | | | 3. | 3. | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 3.malikot | 1. | 1. | | | | | | | 2. | 2. | | | | | | | 3. | 3. | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 4.matayog | 1. | 1. | | | | | | | 2. | 2. | | | | | | | 3. | 3. | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 5.maligaya | 1. | 1. | | | | | | | 2. | 2. | | | | | | | 3. | 3. | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ **PANG-ABAY** Bahagi ito ng pananalita na naglalarawan sa mga salitang pandiwa, pang-uri at isa pang pang-abay. Alinsunod sa istruktural na kahulugan, ang pang-abay ay nakikilala dahil kasama ito ng isa pang pang-uri o sa kapwa pang-abay. Nahahati ang pang-abay sa dalawang pangunahing pangkat: 1\. **Inklitik/kataga**- may tiyak na iisang posisyon ito sa pangungusap. 2\. **Salita/parirala**- maaaring mailipat ang posisyon sa pangungusap. **Mga pang-abay na Ingklitik**- ito ay mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. May labing-anim na ingklitik sa Filipino. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Pa tuloy naman kasi Man nga yata na Muna lamang/lang ba sana Pala din/rin kaya daw/raw Halimbawa: 1.Umaasa **pa rin** ako sa iyo hangngang ngayon. 2\. nahahalata ko **naman** ang mga ligaw tingin niya sa akin. 3\. Hayaan mo **muna** siya sa kanyang desisyon. 4\. Ikaw **pala** ang nobya ni Felina. 5\. Hindi **tuloy** ako nakasama kay Mang Delfin. 6\. Ikaw **na nga** ang anak na hinanap ko ng matagal. 7\. Siya na **yata** ang ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. 8\. Si Maria **kasi** ang nagpakalat ng balitang iyan **kaya** naniwala ang mga tao. **Mga Pang-abay na salita o Parirala**- Ang mga pang-abay na salita ay nahahati sa sampu: pamamaraan, panlunan, pamanahon, pang-agam, kondisyonal, panang-ayon, panggaano/pampanukat, kausatibo benepaktibo at pananggi. Halimbawa: **Pamamaraan Pang-agam** Nang+mahigpit marahil Nang+mahinahon tila Nang+mahigpit baka Nang+malakas waring Nang+padapa siguro **Panlunan Kondisyonal** Sa likod kung Sa bakuran kapag Sa ibabaw pag Dito pagka Doon **Pamanahon Panang-ayon** Bukas opo tunay Ngayon oho talaga Tag-ulan oo sadya Buwan-buwan Araw-araw **Kausatibo Benepaktibo** Dahil sa para sa Dahil para kay **Panggaano/Pampanukat Pananggi** Nang +pitong libra hindi Nang+isang oras di Nang+dalawang guhit ayaw Nang+apat na metro Nang+isang pulgada katamtaman **PAGSASANAY 8** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: A. Isulat ang nararapat na pang-abay na pamaraan, panlunan at pamanahon sa mga** **sumusunod na pangungusap.** 1\. May ibon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 2\. Matarik umakyat \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 3\. Kinamayan niya ako \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 4\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ siya bumibisita sa Baguio. 5\. Kinakausap niya ako \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 6\. Iniwan niya ako \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 7\. Mabato \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 8\. Dumaan ako sa makipot na daan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 9\. Nanghaharana siya \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 10\. Pinapadalhan niya ako ng pera \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. **B. Isulat ang nararapat na pang-abay na pang-agam, kondisyonal, panang-ayon at pananggi sa mga sumusunod na pangungusap.** 1\. Ingat! \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ madapa ka. 2\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ hihintayin naming sila mamayang gabi. 3\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_, aasahan ko ang pagdating mo. 4\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_bale, ako na lang ang pupunta sa kanila. 5\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ko lubos maisip \_\_\_\_\_\_\_\_\_ paano niya nagawa sa iyo ang mga iyon. 6\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ganyan ang buhay ng tao sa mundo. 7\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ magiging guro ang anak mo baling araw. 8\. Gagawin natin ang lahat \_\_\_\_\_\_\_\_\_ tutulong sila sa atin. 9\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ naming akalain na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ napakabilis ng pag-unlad ng inyong nayon. 10\. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ malaki ang naitulong ninyo sa mga maralita. **YUNIT 6** **MGA SALITANG PANGKAYARIAN** Tinatawag na **pangkayarian** ang mga salitang kailangan sa pagbubuo ng pangungusap. Ito ang ikalawang panlahat na grupo ng mga salita kasunod ng mga salitang **pangnilalaman** sa bahagi ng pananalita ng wikang Filipino. Ang mga salitang napapabilang sa grupong ito ay walang gaanong naibibigay na kahulugan sa pangungusap subalit kailangan ito sa pagbuo ng malinaw na pangungusap o pahayag. May dalawang uri ang mga pangkayarian. Ito ay ang mga (1) pang-ugnay at (2) ang mgaa pananda. 1. **Pang-ugnay**. Ito ang nag-uugnay sa mga salitang pangnilalaman upang makabuo ng malinaw na pahayag. Sa medaling sabi, ito ang mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap sa pagitan ng pag-ugnay sa dalawang yunit sa pangungusap sa pagitan ng pag-ugnay sa dalawang salita, parirala o maging sa dalawang sugnay. Binubuo naman ng tatlong bahagi ang mga pang-ugnay, ito ay ang: pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. 2. **Pananda**. Ito ang nagpapakita ng relasyon ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap. Kabilang sa tinatawag na pananda ang: pantukoy/ marker, panandang pansimuno, at panandang pampanaguri o pangawing. **Ang mga Pang-ugnay** **Pangatnig** Ito ay mga katagang nag-uugnay sa mga slaita, parirala o sugnay. Ang mga pangatnig ay maaaring panimbang o pantulong. Panimbang. Nag-uugnay ito sa magkatimbang na mga salita, parirala o sugnay. Binubuo ito ng *ngunit, subalit, datapwat, at, pati, o, ni, man* at *maging.* Halimbawa sa SALITA Si Lablab *o* si Analisa. mandurukot *at* mangongotong ikaw *at* pati ako halimbawa sa PARIRALA ang masipag na magsasaka *at* mapagkatiwalaang trabahante ang magarbong salu-salo *at* masayang kaarawan halimbawa sa SUGNAY **Pantulong**. Nag-uugnay ito sa isang sugnay na umaasa lamang sa isang punoo pangunahing sugnay. Binubuo ito ng upang, nang, samakatuwid, habang, sapagkat, kapag, pag, kung, at iba pa. Halimbawa 1. Habang may buhay, may pag-asa. 2. Nagkakamali tayo sapagkat tayo ay tao lamang 3. Kung mabibigyan ka muli ng pagkakataon, ayusin mo na ang buhay mo. 4. Upang makapagtapos ka ng iyong pag-aaral, sipag at tiyaga ang kailangan. 5. Kapag wala ng gulo sa bayan, iiral na ang kapayapaan at katahimikan sa kapaligiran. **Mga Pang-ukol** Ito ay mga katagang iniuugnay sa direksyon, lugar at kinauukulan. Binubuo ito ng *alinsunod sa, tungkol sa, ayon sa, ukol sa, laban sa*. Napapalitan naman ng ka yang sa kapag ang tinutukoy ay tao. Halimbawa 1. *Ayon kay* Dr. Jose Rizal, nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. 2. Ang pinag-uusapan naming ay *tungkol sa* seminar. **Mga Pang-angkop/ Linker** Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Dalawa ang anyo ng pang-angkop/ linker; ang *+na* at *--ng*. Magkaiba ng distribusyon ang dalawang linker na ito. Ginagamit ang pang-angkop na *--ng* sa mga salitang nagtatapos sa patinig maliban sa *n*. sa kabilang banda, ginagamit naman ang *+na* kung ang inaangkupan na salita ay nagtatapos sa ponemang katinig maliban sa /n/. Ginagamit ang simbolong (+) sa pang-angkop na na dahil nangangahulugan itong hindi ikinakabit ang na sa salitang inaangkupan. Sa kabilng banda naman, ang (-) ay ginagamit sa pang-angkop na ng bilang simbolo ng mga pang-angkop na ito ay ikinkabit sa salitang inaangkupan. Sa lumang balarila, tatlo ang kinikilalang mga pang-angkop: *+na*, *-ng*, at -*g*. sa Batayan at Sanayang-aklat na ito, dalawang pang-angkop lamang ang bibigyang-tuon: *+na* at*-ng*. Hindi kinikilala bilang pang-angkop ang *--g* sapagkat ito ay asimilasyon lamang mula sa pang-angkop na *--ng*. kayat kapag iinaangkupan ang salitang nagtatapos sa /n/ ang nangyayari ay hindi inuugnay ng *--g* ang salita kundi ang /n/ ay napapalitan ng /ᵑ/. Halimbawa (na) **Pang-uri + Pangngalan** mabait na matanda maulap na kalangitan matiwasay na pamumuhay **Pangngalan + Pangngalan** semento na bahay kahoy na dingding upuan na kahoy Halimbawa **(ng)** batang malikot magandang dalaga mabuting babae malawakang pagsasaka walang bantay pahirapang pagsasanay sinabawang gulay sinampalukang isda **ANG MGA PANANDA** May dalawang uri ng pananda. Ito ay binubuo ng mga marker o pantukoy na magpapakilala ng relasyo ng pangngalan sa mga bahagi ng pangungusap gaya ng si/sina, ang/ ang mga, ng/ ng mga, sa/ sa mga. Ang ikalawang uri ng pananda ay mga panandang pampanaguri o pangawing. Ito ay makikilala bilang ay at makikita ito sa pangungusap bilang pananda ang ayos nito. Ang normal na ayos ng pangungusap o na karaniwang ayos ng pangungusap ay walang ay at nauuna ang panaguri kaysa simuno. Samantalang, makikita naman ang ay sa mga pangungusap na nasa kabalikan o baliktad na ayos ng pangungusap dahil niuugnay nito ang simuno sa panguri. Pansinin ang pattern na ito. Karaniwang ayos ng pangungusap **PANGURI + SIMUNO/PAKSA** Halimbawa 1. Malikhain ang kanyang mga kaibigan. 2. Guro ang kanyang mga kapatid. Makikita sa pamamagitan ng sumusunod na balangkas ang ayos ng pangungusap: (1). Pangungusap (2). Pangungusap Karaniwang ayos ng pangungusap **PANGURI + (ay) PANAGURI** Halimbawa 1. Ang kanyang mga kapatid ay magaganda. 2. Ang panganay nyang apo ay babae. Narito naman ang balangkas ng ayos ng pangungusap: Pangungusap **PAGSASANAY 8** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** A. **Punan ang bawat patlang ng nararapat na pangatnig.** 1. Nanunuod ng telebisyon ang mga anak \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ nakatanaw lamang ang nanay sa kanila. 2. Ang pagtatanim ng mga gulay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_pag-aalaga ng mga hayop ay karagdagang hanapbuhay. 3. Ang pag-inom ng bitamina \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ pag-inom ng tubig ay para rin sa ikalulusog ng katawan. 4. Mag-aral ka ng mabuti \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ magtagumpay ka sa iyong pag-aaral. 5. Maaari mong makamtan ang lahat ng iyan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ masigasig ka lang. 6. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ di mo kinallimutan ang lahat ng bilin ng iyong mga magulang. 7. Laganap ngayon ang pag-uubo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ dapat mag-ingat tayong lahat. 8. Huwag kang mabahala \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_hanggang matataas ang mga grado mo, patuloy kang mag-aaral. 9. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ikaw o sinuman ay dapat matutong makisama sa kapwa. 10. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ tumibok ang pus sa ngalan ng pag-ibig nagiging bulag ang pananaw ng tao. B. **Punan ang bawat patlang ng nararapat na pang-ukol.** 1. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ kalooban ng bawat isa ang ipinapahayag niya. 2. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ balita, makatatanggap na raw kami ng bonus. 3. Sayang, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Rosie, may iba nang itinitibok ang puso nya. 4. Ang pinag-uusapan naming ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ mga kandidato sa nalalapit na halalan. 5. Mamaya mo na ibigay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ kanya ang aklat. 6. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ iyo ang dala kong keyk. 7. Ang ginawa ng masamang element ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_ pamahalaan. 8. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ pahayag ng punog-guro, dadalo raw ang tagamasid sa kanilang paaralan. 9. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ kanya, mamamasyal daw ang kanyang mga magulang sa Cagayan de Oro. 10. Harinawa'y ang lahat nang iyan ay \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ amin. **YUNIT 7** **SINTAKSIS/SINTAKTIKA NG WIKANG FILIPINO** Ang posisyon ng mg Salitang Pangnilalaman (Content Words, Santiago, 1977; Substance Words, Lopez, 1940; Full Words, Bloomfield, 1993) at mga salitang pangkayarian sapangungusap ang tinatawag na **sintaksis**. Pag-uugnay-ugnay rin ito ng mga salita at pagsasama-sama nito para sa pagbubuo ng mga pangungusap. Batay sa pag-aaral ng Makabagonng Grammar sa Filipino at sa asignatura ng Mga Piling Akda sa Gramar at Ang Analisis ng Estruktura sa Wikang Filipino sa klase nina Dr. Nelly Cubar at Dr. Lydia Fer Gonzales-Garcia ng Unibersidad ng Pilipinas (1991-1992), nahahati sa dalawang uri ang pangungusap sa Filipino: (1) Pagpapanaguri at (2) Di-pagpapanaguri. **PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP** Nag karaniwang ayos ng dalawang sangkap ng pangungsap (simuno at panaguri) ay panaguri + simuno. Kaya sa normal na ayos ng mga pangungusap, nauuna ang panaguri sa simuno at kabalikang ayos, nahuhuli ang panaguri sa simuno. Halimbawa Normal o Karaniwang Ayos : Naliligo sila. Magalang na bata si Bebe. Kabalikang Ayos o di-normal na ayos : Sila ay naliligo. Si Bebe ay magalang na bata. Tinatawag na pagpapanaguri ang mga pangungusap na *may paksa/tapik/ simuno at panaguri*. Ang paksa o ang simuno ang pinag-uusapan. Tumutukoy sa paksa ang panaguri. **ANG SIMUNO** Makikilala ang paksa sa pangungusap sa pamamagitanng panandang (pantukoy) ang. Ang panghalip na panao at pamatlig ay isang panghalili sa pangngalan at ang dalawang bahagi ng pananalitang ito ay gianagamit bilang simuno o paksa. Tinatawag na parirala (phrase) o fragment ang lipon ng mg salitang walang simuno't panaguri. Maaaring pariralang nominal (pangngalan at panghalip), pandiwa, pang-uri, pang-abay, pang-ukol at eksistrensyal ang simuno. Ang marker na ang nagpapakilala sa mga ito. 1. **Pariralang Nominal** Halimbawa: Naglilinis ang mag-anak. Nag-uusap sina Ivan at Linda. Nagkakaintindihan ang mga iyan. 2. **Pariralang Pandiwa** Halimbawa: Mahirap ang umaasa. Hindi madali ang magpaaral. Dumating na ang mga mag-aaral. 3. **Pariralang Pang-uri** Halimbawa: Pinararangalan ang matatalino. Hinahangaan ang magagaling. Mapagkunwari ang madadaya. 4. **Pariralang Pang-abay** 5. **Pariralang Pang-ukol** Halimbawa: Pagmamahal ang nasa magulang. Pagtutulungan ang nasa sambayanan. Pagtulong ang para sa iyo. 6. **Pariralang Eksistensyal** Halimbawa: Masaya ang may mga mahal sa buhay. Malungkot ang walang mga tunay na kaibigan. Mainam ang may sariling desisyon. **Balangkas ng Pagpapanaguri** Halimbawa ng mga pangungusap gamit ang Balangkas Pagpapanaguri/ Pagpaparirala sa wikang Filipino. Normal na Ayos 1. Guro si Melinda. 2. Magagaling ang mga estudyante. O Pl su ang mga estudyante O Ma ctorg Magagaling ang mga estudyante 3. Nag-lalakbay sila. Naglalakbay sila 4. Umaawit ang bata. Umaawit ang bata **PAGSASANAY 9** A. **Balangkasin ang mga pangungusap batay sa mga tuntunin ng Pagpapanaguri/ Pagpaparirala sa Filipino.** 1. Matalino si Fely. 2. Nagmamasid ang mga Amerikano. 3. Maunawain ang mga matatanda.. 4. Siya si doctor. 5. Masaya kami. 6. Nagdadasal sila. 7. Matayog ang mga punongkahoy. 8. Sumama si Wen. 9. Umaawit ang mga tao. 10. Masipag si Shanaya. 11. Lumipad ang ibon. 12. Nagsunog siya ng kilay. 13. Napakaganda ng tanawin. 14. Mabango ang sampaguita. 15. Pinakamatangkad siya. **Pariralang Berbal** Tinatalakay sa pariralang berbal ang hinggil sa komplemento/kaganapan at pokus ng pandiwa. Isang katangian ng pandiwa na ikinaiiba nito sa ibang bahagi ng pananalita ay ang pagbabago ng anyo nito batay sa aspekto. Nababanghay ang pandiwa sa naganap (nasimulan), ginaganap, at gaganapin na aspekto. **Ang Kaganapan o Komplemento ng Pandiwa** Tumutukoy ang kaganapan sa pangngalan o panghalip na nagpapakita ng kaugnayan sa panaguring pandiwa. May pitong komplemento o kaganapan ng pandiwa: instrumental o kagamitan, kausatib, o sanhi/dahilan, benepaktibo o tagatanggap, gol, o tuwirang layon, lokatib o ganapan, actor o tagaganap/ pansimuno at direksyunal. 1. **Kaganapang Aktor-** Nagsasaad kung sino ang tagaganap o gumaganap ng kilos at ginagamit ang panandang ni at ng: Pandiwa Kaganapang Aktor Simuno Kinuha ni Aira ang keyk. 2. **Kaganapang Gol-** tagatanggap ng kilos at ginagamit ang panandang ng. 3. **Kaganapang Benepaktib**- nagsasaad ng paglalaanan at ginagamit ang pang-ukol na para sa o para kay. Pandiwa Gol Simuno Benepaktib Pumili ng damit si Lyka para kay Ayesha. 4. **Kaganapang Instrumental**- nagsasaad ng kagamitan na siyang gagamitin sa pagkilos. Naipapakilala ang naturang kagamita sa paggamit ng pariralang sa pamamagitan ng. Pandiwa Tapik o paksa Gol Kompletong Instrumental Pumutol siya ng sanga sa pamamagitan ng lagari. 5. **Kaganapang Lokatib-** nagsasaad ng lugar ng kaganapan ng kilos ang pook na pinangyarihan ng kilos. Ginagamit ang pang-ukol na sa. 6. **Kaganapang Kawsatib-** nagsasaad ng sanhi o dahilan ng kilos; ginagamit ang pang-ukol na dahil sa o dahil kay. 7. **Kaganapang Direksyunal-** nagsasaad ng direkysyon o nagpapahayag kung sino ang taong pupuntahan ginagamit ang mga panlaping sa at sa kay. **Ang Pokus ng Pandiwa** Ang relasyong panggramar o panggramatika ng pandiwa at ng kaganapan o komplemento ang tinatawag na **pokus.** 1. **Aktor Pokus-** Ang paksa, tapik o simuno ang tagaganap ng kilos. 2. **Gol Pokus-** Ang gol o ang tuwirang layon ang siyang pokus ng pangungusap. 3. **Instrumental Pokus-** Ang kagamitan ang siyang paksa o simuno ng pangungusap. 4. **Direksyunal Pokus**- Ang pinagtunguhan o ang pinag-ukulan ang siyang simuno o paksa ng pangungusap. 5. **Benepaktib Pokus**- Ang pinaglalaanan ang siyang paksa o simuno ng pangungusap. 6. **Lokatib Pokus**- Ang lugar o pook ang siyang simuno o paksa ng pangungusap. 7. Kawsatib Pokus- Ang kadahilanan ang siyang simuno o paksa ng pangungusap. 8. **Resiprokal Pokus**- Ang ctor/gumaganap at ang gol o tumatanggap ng kilos ang pokus/simuno ng pangungusap. Ang pandiwa ay banghay sa panlaping kabilaan na mag-an. **PAGSASANAY 10** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** A. Basahin at unawain ang isinasaad ng bawat pahayag. 1. Baguhin ang pangungusap sa ibaba at gawing pokus na layon, ganapan at direksyunal. Pokus na tagaganap: Nagtatanim ng palay ang magsasaka sa bukid. Pokus sa layon: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. Pokus na ganapan: ­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. Pokus na direksyunal: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 2. Gawing pokus na layon, pinaglalaanan at ganapan ang pangungusap sa ibaba na kung saan ang pandiwa ay kaganapang pinaglalaanan. Pumili ako ng damit para kay Isaac. Pokus sa layon: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. Pokus na pinaglalaanan: ­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. Pokus na ganapan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 3. Gawing pokus na instrumental ang pangungusap na ito: a. Naglinis ako ng bakuran sa pamamagitan ng walis. b. Binalot ko ang isda sa dahon ng saging. c. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. d. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 4. Gawing pokus na sanhi ang sumusunod na mga pangungusap. a. Matamlay sya dahil sa paglisan ng kanyang minmahal. b. Natuwa sila sa pagdating ng kanilang lola. c. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. d. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 5. Gawing resiprokal pokus ang sumusunod na mga pangungusap. a. Si Laila ay kaaway ni Naila. b. Kinausap ni Ron si Wen. c. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. d. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. **ASPEKTO NG PANDIWA** Ang **aspekto** ay nagsasaad o nagpapahayag kung ang kilos ay nasimulan na, natapos na o sinisimulan na o sisimulan pa. May tatlong aspekto ang pandiwa. 1. Naganap/perpektibo 2. Ginaganap/imperpektibo 3. Gaganapin/kontemplatibo Ang anyong pawatas o pautos at nabibilang sa anyong neutral dahil iisa ang anyo ng pawatas o pautos. simbolo para sa panlapi, ang s.u. para sa salitang ugat at ng u.p. para sa unang pantig ng salitang-ugat. Ang paradym sa ibaba ay pattern ng pagbabagong anyo ng pandiwa sa aspekto. Halimbawa: Aspekto Neutral Banghay sa mag- pl + s.u. Pawatas magbasa mag- + basa Pautos magbasa mag- + basa naganap na nagbasa mag- + basa ginaganap nagbabasa nag- + (u.p)2 basa gaganapin magbabasa mag- + (u.p)2 basa Aspekto Neutral Banghay sa --an/han s.u. + pl Pawatas ilawan ilaw + an Pautos ilawan ilaw + an naganap na inilawan ilaw + -in + an ginaganap iniilawan ilaw + -in + (u.p) 2 + an gaganapin iilawan ilaw ilaw + an Aspekto Neutral Banghay sa --in/hin s.u. + pl Pawatas sakahin saka + hin Pautos sakahin saka + hin naganap na sinaka saka + -in ginaganap sinasaka saka + -in + (u.p)2 gaganapin sasakahin (u.p) 2 saka + hin Halimbawang pangungusap: 1. Nais niyang magbasa ng mga kwentong mapaghimala. 2. Magbasa ka ng magbasa para maging matalino ka. 3. Nagbasa na ako ng sanaysay kanina. 4. Nagbabasa pa sila ng kwento. 5. Magbabasa sila ng kwento sa kaarawan ni Jose. Ang mga salitang gaya ng ibig, ayaw, dapat, kailangan at maaari ay kinonsider ni Cecillo Lopez na mga pandiwang pantulong. Ganito rin ang pananaw ni Teresita Ramos hinggil sa mga katagang ito. Gaya sa pag-aaral sa Ingles, kinonsider rin ni Ramos ang ibig, ayaw na mga pandiwang pantulong. Pseudo-verbs naman ang tawag nina Otanes at Schacter sa mga pandiwang ito dahil kinonsider nilang mga pang-uri ito pero tinanggap nilang mala-pandiwa ang kahulugan nito. Hindi rin nababanghay sa iba't-ibang aspekto o panahunan ang mga naturang pandiwa. 1. Ibig ng mag-asawa na ilawan ang kanilang dinadaanan. 2. Ilawan mo namn ang bata para hindi madapa. 3. Inilawan na nga siya ni Marcos. 4. Iniilawan pa siya hanggang ngayon. 5. Huwag kang mag-alala, lagi kang iilawan ng Poong Maykapal para sa isang maaliwalas na landas. **PAGSASANAY 11** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** A. **Isulat sa patlang ang mga wastong ayos ng pandiwa.** 1. Maligaya kami dahil \_\_\_\_\_\_\_\_(matanaw) namin ang bukang liwayway araw-araw. 2. Hindi ko akalain, hindi pala siya \_\_\_\_\_\_\_\_\_(maunawaan) ang aking ipinahayag. 3. Saying, bakit hindi \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(tanggapin) ang lahat ng kanyang paliwanag sa bawat panahon na kanyang isinasaad. 4. Bawat araw, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(iluha) niya ang iyong paglisan. 5. Ayon sa isang Imam, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(alukin) ka raw ni Ustadz salem ng trabaho noong nakaraang araw. 6. Araw-araw, gabi-gabi, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(manalangin) ang mga Muslim kay Allah. 7. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(Sambahin) ng bawat nilalang ang Tagapaglikha ng sanlibutan. 8. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(Tulungan) niya ang mga batang lansangan na malimit nagpapalimos sa gilid ng kalsada. 9. Kapag malakas ang alon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(humampas) ang mga ito sa batuhan sa may dalampasigan. 10. Mabait siyang kaibigan, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ (akayin) niya ang kanyang kapwa kamag-aal sa maaliwalas na daan. 11. Oo nga, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(subukin) ng mga guro ang kanyang kakayahan sa matematika. 12. May tao bas a sala? \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ (subukan) kong tingnan. 13. Bakit \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(umawit) ba siya sa paligsahan tuwing Sabado. 14. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(alisin) niya ang kanyang kulisap sa halaman kapag \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(magdilig) sya sa hardin. 15. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ (Ikalungkot) niya ang balak mong pag-alis. 16. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(Magpaalam) na ako sa kanya. 17. Ayaw niyang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(sasama) sa lakbay-aral. 18. Bakit ka \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(mapaiyak) nang binigyan kita ng regalo. 19. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(samahan) mo pala siya nang pumunta siya ng Cagayan de Oro? 20. Nais kong \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(maririnig) ang ginintuang tinig ni Ustadz Ali. 21. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(Basahin) ko ang sinuulat mong kwento kani-kanina lamang at \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(mapatangis) ako. 22. Kailan ka \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(bumalik) nang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(naihanda) naman namin ang iyong pagdating? 23. Sayang, hindi niyo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(pagbutihin) ang inyong pag-aaral kaya hindi kayo \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(makapagtapos). 24. Baling araw \_\_\_\_\_\_\_(maabot) ninyo rin ang inaadhikaing tagumpay. 25. Noong Disyembre, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(magbakasyon) kami sa Bohol at \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(makita)\ namin ang Chocolate Hills saka \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_(sasakay) kami ng floating restaurant. B. **Bilugan ang titik na nagsasaad ng wastong sagot.** 1. Ang paggamit ng pandiwa sa naganap at sinimulang anyo ng pagsasaad. a. pangnagdaan b. panghinaharap c. pangkasalukuyan 2. Ang tawag sa anyo ng pandiwang nasa imperpektibo o nagaganap na aspekto ay: a. panghinaharap o magaganap b. nagaganap o pangkasalukuyan c. sinimulan o naganap 3. Hindi pa nangyari nag kilos ng pandiwa, magaganap pa lamang, ito ay nasa anyong: a. nagaganap o ginagawa pa b. ginagawa pa o sinisimulan na ang kilos c. kontemplatibo o panghinaharap 4. Ang pandiwang sumama, maglakbay, isayaw, mag-ipon, basahin. Ilawan, makapagtapos ay tinatawag na: a. Pawatas b. Pang-abay c. Pang-uri **DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP** May isang salita o lipon ng mga salita na walang simuno, ngunit nagpapahayg naman ng diwa o kaisipan. Sa madaling sbai, matatawag itong pangungusap. Mapapansin walang ang (marker) na makikita rito. May mga pangungusap din naming walang panaguri ngunit may diwang ipinapahayag. **EKSISTENSYAL** Nagpapahayag ang ppangungusap na ito ng pagkamayroon o wala. Halimbawa: May mga bata sa veranda. May programa sa awditoryum, Walang klase. Walang macaroni sa tindahan. **TEMPORAL** Oras o panahon ang tinutukoy ng pangusap na ito, saka mga kalagayang panandalian lamang. Halimbawa: Sa makalawa na. Pasko na. Biyernes na. Tag-ani pa. **PENOMENAL** Tumutukoy ang pangungusap na ito s akondisyon o kalagayan ng panahong dulot ng kalikasan. Maaaring banghayin ang salita kapag ang ginagamit ay wika Halimbawa: Maalinsangan. Bumabagyo. Tag-init. **AMENIDAD O PORMULASYONG PANLIPUNAN** Nagsasaad ng paggalang o pamimitagan, at mga pagbati. Halimbawa: Magandang gabi po. Tao po. Kumusta po kayo? Maraming salamat po. **PAGHANGA** Ginagamit pa sa mga pangungusap na ito ay mga panlapi sa kaantasang pasukdol tulad ng napaka-, kay at ang na sinusundan ng morpemang salitang-ugat. Halimbawa: Napakabango ng Ilang-ilang. Ang sipag ninyo. Kay galang ng mga estudyante. **MODAL** Ang ibig ipakahulugan ay gusto, nais, ibig. Halimbawa: Gusto nya ng inihaw na tilapia. Nais naming makilahok. Ibig nilang sumali sa programa. **PANDAMDAM O MAIKLING KATAGA** Halimbawa: Naku! Talaga! Tulong! Sayaw! **PANGUNGUSAP NA MAY KA ANG PANDIWA** Halimbawa: Kaaalis pa lang. Kararating lamang. **PAGSASANAY 12** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** I. **Basahin at unawain ang mga di-pagpapanaguring pangungusap at tukuyin kung anong uri ang mga ito.** **PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP** Mahalagang bahagi ng pangungusap ang simuno at panaguri. Maaaring buuin pa ng mahigit na bahagi ng bawat isa sa dalawang bahging ito. Napapalawak ang pangungusap dahil sa maliliit na bahaging ito. Maaaring pahabain ang pangungusap sa ibat iban paraan (Gonzales, 1992). Maaaring pahabain ang simuno't panaguri sa pamamagitan ng panuring o pagpapahabang nominal, ng mga kataga, kaganapan at pagpapaloob. **\*Pagpapahabang Nominal/ Pagpapahaba sa pamamagitan ng Panuring** Sa pamamaraang ito, idinaragdag ang na at ng sa pagitan ng salitang tinuturingan. Idinaragdag ang mga salita sa pamamagitan ng na at ng at karaniwang idinaragdag sa pangngalan kaya ito ay nagiging panuring. Pangngalan + na/ng +pangngalan Siya ang batang nars. (Siya ang nars.) Pang-uri +na/ng +pangngalan Mabait na kaibigan si Fely. (Mabait si Fely.) Bagong bahay ito. (Bago ito.) **\*Mga Kataga bilang Pagpapahaba ng Pangungusap** Narito ang ilang talaan ng mga kataga na maaaring gamitin sa pagpapahaba ng pangungusap. Nga na naman ba lamang Lang sana daw/raw din/rin man Pala muna pa yata atbp Batayang Pangungusap: **Umaawit si Minda.** Umaawit *pala* si Minda. Umaawit *nga pala* si Minda. Umaawit *pa ba* si Minda? Umaawit *na naman yata* si Minda. **\*Pagpapahaba sa Pamamagitan ng Komplemento o Kaganapan ng Pandiwa** Halimbawa ng pagpapahaba ng batayang pangungusap sa paglalagay ng mga kaganapan. **Batayang Pangungusap Nagluto ang ina.** Kaganapang layon Nagluto ang ina ng sinigang. Kaganapang tagatanggap Nagluto ang ina ng sinigang para sa mag-anak. Kaganapang ganapan Nagluto ang ina ng sinigang sa kusina para sa mag-anak. Kaganapang kagamitan Nagluto ang ina ng sinigang sa kusina para sa mag-anak sa pamamagitan ng paghalo ng sandok sa iba't ibang sahog. Nasa sumusunod ang halimbawa ng pandiwang kaganapan at maaaring panghalili sa kasunod ng pandiwa. Ang simuno, pagkatapos ng layon, ang ganapan ng paglalaanan at ang instrumental na kaganapan. **Kaganapang tagaganap**- pinangungunahan ito ng panandang ni at mga panghalili nito. Inalok niyang pumasyal sa ibang bansa. Inalok ni Dindo pumuntang ibang bansa. **Kaganapang Tagatanggap**- pinangungunahan ito ng panandang ng at ng mga panghalili nito. Nagbigay ang guro. Nagbigay ng pagkain ang guro. Nagbigay niyan ang guro. **Kaganapang Paglalaanan**-pinangungunahan ito ng pariralang pang-ukol na para sa at mga panghalili nito. Nagpaluto ang ina. Nagpaluto ang ina para sa mga anak. Nagpaluto ang ina para kina Keng at Suna. Nagpaluto ang ina para sa kanila. Nagpaluto ang ina para roon. **Kaganapang Ganapan** Namitas ang mga mag-aaral ng prutas sa gubat. Namitas ang mga mag-aaral ng prutas doon. Namitas ang mga mag-aaral ng prutas sa kanila. **Kaganapang Kagamitan** Naglinis si Nena sa pamamagitan ng pamunas. Naglinis si Nena sa pamamagitan nito. **\*Pagpapahaba sa pamamagitan ng Pagtatambal** Maaaring pag-ugnayin ang dalawang pangungusap sa pamamagitan ng ng, ngunit, datapwat, subalit, pero at at. Matatawag din itong tambalang pangungusap. 1.Nagsasalita ang guro. 2\. Hindi siya nakikinig. Nagsasalita ang guro ngunit hindi siya nakikinig. 1.Nais niyang sumali sa paligsahan sa pagsulat ng sanaysay. 2\. Kulang ang kanyang kaalaman sa paksa. Nais niyang sumali sa paligsahan sa pagsulat ng sanaysay subalit kulang ang kanyang kaalaman sa paksa. **\*Pagpapahaba sa pamamagitan ng Pagpapaloob** Maaaring bumuo ng hugnayang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapaloob ng mga pangungusap sa pangunahin o matrix na pangungusap. Halimbawa: (sinabi ni Ana) na (dumalo si Fe sa palatuntunan). Sinabi ni Ana na dumalo si Fe sa palatuntunan. Pinag-uugnay ng na ang buong pangungusap sa **dumalo si Fe** sa paatuntunan sa pangunahing pangungusap na **sinabi ni Ana**. **PAGSASANAY 13** **Pangalan:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Taon/Sek:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor:\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: Palawakin ang mga sumusunod na pangungusap gamit ang pagpapahabang nominal,** **panuring at kataga.** 1\. Naglalaro ang mga mag-aaral. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 2\. Sumama siya sa lakbay-aral. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 3\. Nagsusulat ang mga mag-aaral. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 4\. Maunawain si Ronie. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 5.Namasyal si Tonie. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. **B. Palawakin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng pagtatambal.** 1.Nais niyang mamasyal. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 2\. Magaling siyang magbasa. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 3\. Ayaw niyang mag-aral. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 4\. Gumaganda ang kanilang buhay. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. 5\. Masaya ang pamilyang iyon. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. **TALASANGGUNIAN** Komisyon sa Wikang Filipino. 2001. 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Quezon City:KWF. Llamzon, Teodoro A. et. Al; 1974. Makabagong Balarila ng Wikang Tagalog. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. Santiago, Alfonso et. Al. 1991. Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Book Store. Santos, Lope K. 1946. Balarila ng Wikang Pambansa.Maynila: Kawanihan ng Palimbagan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser