DepEd ESP 10 Modyul 1, Revalidated PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Document Details

InexpensiveQuail

Uploaded by InexpensiveQuail

null

DepEd

Shirley R. Gotanco, Mary Jane B. Roldan

Tags

Filipino exam Education ESP Ethics

Summary

This is a module from the Department of Education (DepEd) for Grade 10 Filipino students regarding responsible decision-making using intellect and conscience. It includes questions for students to answer and discussions of concepts.

Full Transcript

Department of Education National Capital Region 10 S CHOOLS DIVIS ION OFFICE MARIK INA CITY Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul 1 Mapanagutang Pagpapasya Gamit ang I...

Department of Education National Capital Region 10 S CHOOLS DIVIS ION OFFICE MARIK INA CITY Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul 1 Mapanagutang Pagpapasya Gamit ang Isip at Loob May – Akda: Shirley R. Gotanco Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan 0 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Alamin Ang modyul ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang maging mapanuri sa pagpapasaya gamit ang isip (intellect) at loob (will). Isinasaad dito na ikaw bilang tao ay may kapangyarihan na gamitin ang iyong isip na magpapabukod- tangi sa iyo sa ibang nilalang ng Diyos. Maging mapanuri upang maging matatag sa paggawa ng desisyon sa mga alanganing sitwasyon ng buhay. Ang mga aralin ay akmang nakaayos upang matugunan ang mga sumusunod na layunin: 1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at loob 2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito Subukin Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang titik nang may pinaka-wastong sagot. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan. ________ 1.May kakayahan ang isip na magnilay o magmuni-muni kaya naman nauunawaan nito ang kanyang dapat maunawaan. Ito ay ayon kay: A. Agapay C. Dr. Manuel Dy B. Aristotle D. Sto. Tomas de Aquino _________ 2. Nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon). Sa anong sitwasyon sa baba makikita ito? A. Nangungutang si Miriam sa kaniyang mga kaibigan upang may pambili ng mamahaling sapatos. B. Tinatanggal ni Irene ang kanyang face mask kahit nasa labas siya ng bahay ngayong panahon ng pandemya. C. Sinusunod ni Cesar ang 3Rs sa pag-aayos ng kanilang basura sa loob ng tahanan. D. Like ng like si Jessica sa lahat ng post ng kanyang mga kaibigan sa social media kahit taliwas ito sa gusto niya. _________ 3. Ano ang pinakatunguhin ng loob? A. kabutihan C. katotohanan B. kapayapaan D. pagmamahal 1 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE _________ 4. Paano ginamit ni Kondring ang kanyang isip at loob sa pagpapasya sa sumusunod na sitwasyon? Isang taxi driver si Mang Kondring. Isang araw, may nakaiwan ng bag na naglalaman ng malaking halaga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Hindi niya ito pinag-interesan kahit nasa ospital ang kaniyang bunsong anak. Ibinalik niya sa may-ari ang bag. A. Natuklasan ni Mang Kondring na galling sa masama ang pera kaya hindi niya kinuha. B. Magagalit nag asawa niya kapag nalaman na ibinalik niya ang bag sa may-ari. C. Mas lalong nanaig sa kanya ang pagiging ama kaya kinuha niya ang bag. D. Naunawaan ni Mang Kondring na masama ang kumuha ng pag-aari ng iba. _________ 5. Ang kalikasan ng tao na maakit sa mabuti at lumayo sa tama ay ang: A. isip C. loob B. kalayaan D. konsensya Aralin Mapanagutang Pagpapasya Gamit 1 ang Isip at Loob Balikan Sa puntong ito, balikan mo ang iyong natutunan noong nakaraang taon. Punan ang mga patlang upang mabuo ang wastong diwa tungkol sa paksang “Ang katangian ng Pagpapakatao.” Punan ng impormasyon o datos ang patlang upang makumpleto ang talata. Kailangan mong isabuhay ang mga katangian ng pagpapakatao na may 1.___________________ sa sarili, kakayahang kumuha ng 2.________________ sa mga umiiral, at umiiral na 3._______________________. Ang tao ay dapat magkaroon ng pagmamahal sa kaniyang 4._____________________ at magpakita ng 5.___________________ kahit sa munting paraan sa panahon kahirapang dulot ng Coronavirus marami ang naka post sa social media na mga nagpakita ng kabayanihan hindi upang maging tanyag kundi upang maipabatid sa lahat ng tao na ito ang isensiya ng 6.____________________ at ang maghahatid sa kaniya sa tunay na 7. ________________________. 2 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod ay katangian o kakayahan ng tao at ng hayop. Maaaring maging dalawa ang sagot. KAKAYAHAN/KATANGIAN TAO HAYOP 1. Kakayahang mag-isip, pumili at gumusto 2. Magkaroon ng kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pandama 3. Magtakda ng kilos nang wasto at katotohanan 4. May kakayahang gumawa ng paraan upang makuha ang kaniyang nais 5. Magprotekta sa sarili na dikta ng kaniyang mga pangangailangan 6. Hindi buo ang katangian nang ipanganak 7. Kakayahang gumusto na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon 8. Gumawa ng malayang pagpili 9. Makaunawa at humusga 10. Kumilos at gumalaw 3 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Sagutin ang mga gabay na tanong: 1. Ano ang napansin mo sa mga kakayahan na nasa checklist? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Batay sa iyong sagot, ano sa palagay mo ang pagkakaiba sa kakayahan ng tao at hayop? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Noong ikaw ay bata pa, hindi mo nauunawaan ang mga bagay-bagay. Ngunit, habang ikaw ay nagkakaisip at lumalaki ay isa-isang nasasagot sa iyong isipan na ang tao ay kaiba sa ibang nilalang ng Panginoon mula sa mga hayop at halaman. “Bakit kaya iba ako at iba siya (kaibigan)?” Ang isa sa mga tanong na naglalaro sa iyong isipan habang ikaw ay nagkaka-edad, unti – unti mong nauunawaan na natatangi ka pala (Ang pagkalalang sa tao). Naunawaan mo na ang tao pala ay nilikhang kawangis ng Maykapal. Tinawag ng Panginoon na ang tao’y kaniyang “Obra Maestra”. Bakit kaya magkakaiba kami ng nararamdaman at iniisip? 4 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Isip Sa anatomiya ng tao, ang utak ay matatagpuan sa ating ulo. Ito ang nakapagbibigay sa atin ng kakayahang mag-isip at gawin ang isang bagay. Ang isip naman ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na maging bukas sa mga pangyayari at karanasan sa ating mundo. Ito rin ay maaaring ihambing sa talino na mayroong likas ang mga tao. Ang tao ay may kakayahang mag-isip o pag-isipan ang isang bagay. Ang isip ay bunga ng pandama na mayroon ang isang tao, na kadalasan ay bunga ng kaniyang mga nakikita, naririnig, nararamdaman, sinasalita, at nalalasahan. Kung ang ating pandama ay hindi tama, hindi rin magiging tama ang ating pag-iisip, dahil magkaugnay ang dalawang bagay na ito. Bukod dito, ang isip ay bunga rin ng obserbasyon na isinasagawa ng isang tao patungo sa kaniyang sarili, kapwa, kapligiran, at iba pa. Ang isip ay may kakayahan ding manghusga, mangatwiran, at umunawa ng mga pangyayari sa kaniya. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Halimbawa: Ang tao ay nag-iisip sa tuwing siya ay gagawa ng desisyon Ang tao ay nag-iisip sa umaga kung ano ang gagawin niya sa kaniyang paggising Ang tao ay nag-iisip sa tuwina ng pagkain na kaniyang kakainin Ang tao ay nag-iisip sa tuwing siya ay nagsasagot ng mga bagay o hindi naman kaya ay sa kanyang pakikipagtalastasan sa kapwa. Loob Ang katawan ay may kakayahang gawin ang isang bagay. Ang paggawa na ito ay tinatawag na loob o pagkilos. Ang loob o pagkilos ay tumutukoy sa paggawa ng isang bagay ayon sa nais ng ating isipan. Sa madaling salita, ang ating isipan ang siyang nagkokontrol sa ating loob. Kung ano ang ating iniiisip ang siyang nagbibigay direksyon at katwiran sa ating katawan upang gawin ang isang bagay. Ang mga ssumusunod ay halimbawa ng loob: Halimbawa: Pagbangon sa umaga Pagkain Paginom Pagligo 5 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE “Ang loob ay isang talinghaga “Ang loob ng tao ay hindi isang sulok lamang sa dibdib kundi, Isang malawak na daigdig na may makahulugang ugnayan na naging mahalaga sa iyong buhay”. Hindi mo lubos na mauunawaan ang kahulugan ng katangian ng pagpapakatao kung hindi ka papasok sa loob ng tao. Ikaw ay aking inaanyayahan na panoorin ang maikling video ni Fr.Albert Alejo, SJ mula sa Unibersidad ng Ateneo de Manila. Isa siyang Sosyolohiya at Antropolohiya na nagsaliksik at nagmuni-muni tungkol sa kahulugan ng loob ng tao na may pinamagatang “Tao Po! Tuloy! Halina sa Loob ng Tao”. Maisterial Lecture ni Fr. Alberto Alejo: https://www.youtube.com/watch?v=VEvVJe-dgc Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Makikita dito ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at loob ng tao. Isip Loob Gamit Pag-unawa Kumilos/ Gumawa Tunguhin Katotohanan Kabutihan Ang isip ay may kakayahang matuklasan ang katotohanan. Ito ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa ugnayan sa reyalidad sa pamamagitan ng panlabas na pandama. Samakatuwid, tinutulungan ng pandama ang isip upang makamit ang katotohanan. Inilalarawan naman ni Sto. Tomas de Aquino ang loob ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency) dahil naaakit ito sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang tunguhin ng loob ay kabutihan. Ang loob ay umaasa sa impormasyong hatid ng isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng loob. Ang isip at loob ay giagamit sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod at pagmamahal. Gamit ang isip at loob, nakikilala ng tao ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. 6 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa matalinong pagpapasya: 2. Tukuyin ang iyong 1. Alamin ang personal at 3. Magkolekta ng mga suliranin. pampamilyang impormasyon. pagpapahalaga. 4. Pag-aralan ang lahat 5. Isaalang-alang ang ng posibleng solusyon maaring kalalabasan at alternatibo. ng desisyon. Magsagawa ng isang panayam (online or offline) sa tatlo (3) mong mga kakilala o kamag-anak patungkol sa mga karanasan sa buhay o kahinaan na naging dahilan o bunga ng maling pagdedesisyon. Anong mga hakbang ang kanilang ginawa na maipapayo sa iyo bilang kabataan kung ito rin ay dumating sa iyong buhay? Ilagay ito sa tsart sa ibaba: Pangalan (optional) Karanasan Hakbang na Ginawa 7 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Sagutin: Mahalaga ba na pag-isipan natin ang mga desisyon para sa ating buhay? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Isaisip Ano ang mahahalagang nalaman mo sa iyong aralin? Paano nagkakaugnay ang isip at loob sa katangian ng pagkatao ng tao? Gawing gabay ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa ibaba. KATOTOHANAN LOOB ISIP PAGMAMAHAL ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 8 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Isagawa Magbigay ng tatlong sitwasyon o karanasan mo sa pagpapasya bilang isang anak, kapatid, kaibigan at kamag-aral. Tukuyin kung paano mo ginamit ang isip at loob sa bawat sitwasyon o pangyayari. Isulat ang sagot sa bawat hanay. SITWASYON GAMIT NG ISIP AT LOOB Hal. Isip: Hindi agad naniwala dahil sa Nang mabasa mo ang isang balita pagpapahalaga sa katotohanan. tungkol sa lunas ng covid-19 pandemic, agad mong inalam ang Loob: Hindi ikinalat agad sa social media source nito at hindi mo agad-agad upang makaiwas na makapagbahagi ng ikinalat ito sa iyong wall o social media fake news. account. 9 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Tayahin Basahin at suriin ang sitwasyon na nasa kahon. Gamit ang kakayahan ng isip na magsuri at kumuha ng buod ng esensiya ng sitwasyon, maglahad ng limang kilos na gagawin upang hindi mabiktima ng fake news. Naging biktima ka at ang iyong barkada ng fake news sa social media na namimigay ng load. Marami na kayong natatanggap na mga mensahe sa messenger at text na naghihingi ng load. Ano ang iyong gagawin upang itama ang fake news na ito? 1. 2. 3. 4. 5. Karagdagang Gawain Pumili ng isa sa mga sitwasyon na nasa ibaba. Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa kung paano magagamit ang isip at loob upang makabuo ng mapanagutang pasya. a. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na uminom ng alak sa kanilang bahay sapagkat kanyang kaarawan b. Nakita ni Merly ang isang bata na umiiyak sa bukana ng isang mall at hinahanap ang kanyang ina.Tinitignan lamang ito ng mga naglalakad. c. May lagnat si Ronald at masakit ang kanyang katawan dahil naulanan sya habang pauwi sa kanilang bahay. Nagbilin ang ina nito na magpahinga.Biglang tumunog ang celphone nito at may maensahe mula sa kanyang kaibigan na niyaya syang maglaro ng Mobile Legend 10 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Sagot: ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Sanggunian Mula sa aklat: Edukasyon sa Pagpapakatao (Modyul para sa mag-aaral) DepEd –Modyu1 Ang mga katangian ng Pagpapakatao phina 1-18 Mula sa Bibliya: Kawikaan 19:21(Magandang Balita Biblia) Mula sa website: Maisterial Lecture ni Fr. Alberto Alejo: https://www.youtube.com/watch?v=VEvVJe-dgc 11 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Shirley R. Gotanco (Guro, Marikina Heights High School) Mga Tagasuri: Adrian P. Leander (Guro, Kalumpang National High School) Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School) Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP) Tagasuri- Panlabas: Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS) Tagapamahala: Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala Leilani N. Villanueva Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ivy Coney A. Gamatero Superbisor sa Learning Resource Management System Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Schools Division Office- Marikina City Email Address: [email protected] 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989 12 City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE

Use Quizgecko on...
Browser
Browser