Filipino Q2-MODULE-3 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document contains a Filipino exam module, with questions and answers related to essays, expressing opinions and suggestions using conjunctions
Full Transcript
## 9 ## Filipino ## Ikalawang Markahan ## Modyul 3 -Ikaapat at ## Ikalimang Linggo ## SANAYSAY (Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon,Paninindigan at Mungkahi Gamit ang mga Pangatnig) ## Panimula Ang araling ito ay naglalaman ng sanaysay na pinamagatang: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nak...
## 9 ## Filipino ## Ikalawang Markahan ## Modyul 3 -Ikaapat at ## Ikalimang Linggo ## SANAYSAY (Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon,Paninindigan at Mungkahi Gamit ang mga Pangatnig) ## Panimula Ang araling ito ay naglalaman ng sanaysay na pinamagatang: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon “ na isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina. Nagbago na kaya ang kalagayan ng Kababaihang Taiwanese sa kanilang lipunan? Ang sagot ay malalaman mo sa pagbasa mo ng sanaysay. Aalamin mo kung paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya.Gayundin, kung paano mo mabisang maipahahayag ang iyong mga opinyon at pananaw gamit ang mga pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang at di-magkatimbang na yunit. ## MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: - F9PN-Ild-47-Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan; - F9PB-IId-47-Naipaliliwanag ang mga: kaisipan,layunin,paksa at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay; - F9PT-Ild-47-Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap ; - F9PD-Ild-47-Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati; - F9PS-IId-49-Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan; - F9PU-Ild-49-Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya; - F9WG-IId-49-Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. ## Subukin Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot batay sa hinihingi nito. Isulat sa isang buong papel ang sagot.( Huwag kalimutang isulat ang pangalan, taon at pangkat at bilang ng modyul.) 1. Ito'y isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa; A. Tula B. Pabula C. Maikling kwento D. Sanaysay 2. Ang isang manunulat ng sanaysay ay tinatawag na ; A. mananaysay B. mananalaysay C.tagasalaysay D.tagasaysay 3. Ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.Kaya't ang sinumang susulat nito ay nangangailangan ng malawak na karanasan,mapagmasid sa kapaligiran, palabasa o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat. Ito ay ayon kay A. Jose B. Arrogante B. Alejandro Abadilla C. Jose Corazon de Jesus D. Celeste Marie R. Cruz 4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang sanaysay MALIBAN SA ISA; A. lathalain B. artikulo C. pabula D. pamanahong papel 5. Kung ang isang sanaysay ay nagmimithing mangganyak,magpatawa o kaya'y nanunudyo, ito'y mauuri bilang sanaysay na A. pormal B. personal C. inpersonal ; D. inpormal 6. Ito'y uri ng sanaysay na nagnanasang magpaliwanag,manghikayat,at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip,moral at hilagyo ng mga mambabasa. A. pormal B. personal C. inpersonal D. inpormal 7. Kung ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang na parang usapang magkaibigan lamang, ito'y katangian ng sanaysay na; B. personal C. inpersonal D.inpormal 8. May katangiang Obhetibo o di-kumukiling sa damdamin ng may-akda ang sanaysay na ito. B. personal C.inpersonal D. inpormal 9. Sa pakikipag-usap,madalas na nakapagbibigay tayo ng sariling opinyon. Ibigay ang kahulugan sa salitang sinalungguhitan. A. iniisip B. guni-guni C. pananaw D. pangitain 10. Alin sa sumusunod ang di dapat gawin sa paglalahad ng opinyon. A. Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap B. Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong opinyon C. Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong opinyon sa opinyon ng iba D. Maging madiskarte at magtaas ng boses kung sakaling kailangan mong namang sumalungat. 11. Ayon sa nabasa kong datos, tumataas pa rin ang bilang ng mga nahawaan sa covid-19 sa ating bansa ngunit marami din ang gumaling. Alin sa pangungusap ang angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon. A. Covid-19 sa ating bansa B. Ayon sa nabasa kong datos C. ngunit marami rin ang gumaling D. tumataas pa rin ang bilang ng mga nahawaan 12. Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap. A. Pang-ukol B. Pangatnig C. Panghalip D. Pang-uri 13. Ang mga babae sa taiwan ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.Ang salitang sinalungguhitan ay; A. Pang-ukol B. Panghalip C. Pang-uri D. Pangatnig 14. Ang babae at lalaki ay may pantay na karapatan na ngayon. Sa pangungusap ang salitang sinalunggguhitan ay halimbawa nga pangatnig na; A. magkatimbang B. di-magkatimbang C. magkatuwang D. di-magkatuwang 15. Kung makikiisa ang lahat, matatapos ang krisis na ating kinakaharap ngayon. Ang salitang sinalungguhitan ay pangatnig na A. magkatimbang B. di-magkatimbang C. magkatuwang D. di-magkatuwang ## Aralin ## 3 ## SANAYSAY Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon. (Taiwan) (Mga pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon, Paninindigan at Mungkahi gamit ang mga pangatnig) (Una at ikalawang Araw) ## Alamin 1. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan; 2. Naipaliliwanag ang mga kaisipan,layunin,paksa at paraan ng pagkakabuo ng Sanaysay; 3. Naibibigay ang katangian ng isang sanaysay at ang mga uri nito. ## Balikan/Pagganyak Panuto: Ibigay ang katangiang sinisimbolo sa mga hayop sa pabulang iyong binasa sa nakaraang modyul. Isulat sa sagutang papel ang sagot. 1. Kuneho 2. Tigre 3. Baka 4. Matsing 5. Tutubi ## Tuklasin Panuto: Basahin at unawain ang maikling talata sa loob ng kahon at subuking sagutin ang sumusunod na gawain. Isulat ang sagot sa papel. “Namasyal pa sa Luneta nang walang pera.....”isang linya ito ng awiting sumasalamin sa simpleng libangan ng mga kabataang Pilipino noon. Subalit hindi maitatanggi na sa pagdami ng malls sa lungsod,unti-unti na ring nagbabago ang uri ng pamumuhay ng kabataang Pilipino. Binura na ng panahon ang kanilang simpleng interes na mamasyal sa mga liwasang-bayan o tabing-ilog. Napalitan ito ng kanilang pagkahikayat na magpunta sa mall. Katulad din ng iba pang kabataan,dito na sila namamasyal, naglalaro,kumakain ng kung ano-ano at nabibighani sa mga samu't saring paninda na makikita sa mga naglalakihang estanteng salamin. Nang lumaon ang mga mall ay hindi na lamang nagsisilbing isang pasyalan, kung hindi naging bahagi na rin ito na sistema na modernong kabataang Pilining ◆SINO ang kinakausap ng may-akda? ◆SAAN madalas mamasyal ang mga kabataan? ◆ANO ang nais sabihin ng may-akda? ◆BAKIT nagbago ang uri ng pamumuhay ng mga kabataan? ◆PAANO nakaapekto ang pagkakaroon ng mga mall sa pamumuhay ng mga Pilipino? ## Ang talatang iyong binasa ay halimbawa ng isang ## sanaysay. Sa iyong palagay anong uring sanaysay ito? ## Suriin / Talakayin Alam mo ba na... Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa? Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao,hayop,pook pangyayari,bagay at guni-guni. Ayon kay Alejandro Abadilla,ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.kaya't ang sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na karanasan,mapagmasid sa kapaligiran,palabasa,o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat. Nararapat na magpokus sa isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya. Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-aaral at kasanayan ang sinumang susulat nito. Katunayan,kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon,pamanahong papel at panunuri,at ang mga sulating pampamahayagan gaya ng tanging lathalain. -mulasa Panitikang Pilipino: Antolohiya ni: Jose B. Arrogante _et. al_, 2003 Ang Sanaysay ayon sa panlahat na pag-uuri ay dalawa: pormal o maanyo at pamilyar o personal. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pagkakaiba ng dalawang-uri. | Paksa o Tema | Pormal o Maanyong Sanaysay | Pamilyar o Personal na |---|---|---| | | * Naghahatid o nagbibigay ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng impormasyon. | * Mapang- aliw,nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw- araw at personal | | Gamit ng Salita | * Maingat at pinipili ang pananalita kaya't mabigat basahin | * Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang sa parang usapan lamang ng magkaibigan | | Pananaw ng Pagsulat | * Mapitagan at gumagamit ng ikatlong panauhan o pananaw sa paglalahad | * Ang may-akda ang tagapagsalita at ang mambabasa ang tapakinig kaya magaan at madaling maintindihan. | | Nilalaman | * Maanyo kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag- aralan,makahulugan,matalinghaga at matayutay | *Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may- akda ay maaring maka- ugnay o makisangkot ang mambabasang madla | | Tono | * Seryoso,pang-intelektuwal at walang halong pagbibiro | *Palakaibigan kaya pamilyar ang tono dahil ang panauhang ginamit ay unang panauhan | | Obhetibo o Subhetibo | *Obhetibo o di- kumikiling sa damdamin ng may-akda | *Subhetibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may- akda ang pananaw | Ang dalawang uring ito ng sanaysay sa panlahat na pahayag ay parehong naglalayong magbigay-kaalaman at magdulot ng aliw. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Ang Pormal na Sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag,manghikayat,at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip,moral at hilagyo ng mga mambabasa. Samantalang ang Pamilyar na Sanaysay ay nagmimithing mangganyak,magpatawa, o kaya'y manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa. ## Isaisip Panuto:Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan nito. Isulat sa papel ang sagot. Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa sanaysay. Ito ay isang Tinatawag na na nasusulat sa anyong ang manunulat ng ## Isagawa Panuto: Suriin ang halaw na bahagi ng dalawang sanaysay mula sa blogspot.com at alamin kung anong uri nito. Kopyahin ang kahon sa ibaba at ilagay ang sagot sa loob nito. | Sanaysay 1 | Sanaysay 2 | |---|---| | Uri ng Sanaysay | | | Paksa o Tema | | | Tono | | ## (Ikatlo at ikaapat na Araw) ## Alamin 1. Naipaliliwanag ang mga kaisipan,layunin,paksa at paraan ng pagkakabuo ng Sanaysay; 2. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng Pangungusap; 3.Natutukoy ang uri at katangian ng sanaysay. ## Balikan Panuto: Sagutin ang mga katanungan.Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. Ano ang sanaysay? 2. Ibigay ang mga dapat taglayin ng isang manunulat ng sanaysay? ## Tuklasin Karamihan sa mga Taiwanese ay may mga tradisyonal na pagpapahalaga batay sa Confucian Ethics. Kasama rito ang mga kagandahang-asal,mga karunungan at angkop na ugnayang sosyal.Ang mga Taiwanese ay nahaharap ngayon sa hamon na mapanatili ang mga pagpapahalagang ito sa kabila ng pagkakaroon ng industriyalisadong lipunan. Bagamat isang industriyalisadong bansa ang Taiwan,hindi pa rin nakatatanggap ng pantay na karapatan ang kababaihan sa larangan ng trabaho. Isang patunay nito ay ang tinatanggap na buwanang sahod ng kalalakihan kung saan 78.5% na mataas ito sa tinatanggap ng mga kababaihan. Ito ay ayon sa aklat ni Yan Chen na pinamagatang Women in Taiwan in Socio-Cultural Perspective. ## Suriin / Talakayin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay upang malaman kung paano masasalamin ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya. ## Ang kababaihan ng Taiwan,Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan.Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: Una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan. Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon,ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho,inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita,dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumaas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaeng namamahala.Isa pa,tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno,higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon. At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip ng 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang pagwawakas,naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang mga asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan. (posted by admin sa Free Papers: Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years Ago) http://women-in-taiwan- essay-htm/oct.1,2013) ## Isagawa ## A. Paglinang ng Talasalitaan: Panuto:Suriin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa sanaysay. Isulat sa papel ang sagot. 1. Parehong pagkakataon 2. Pantay na karapatan 3. Naiiba na ang gampanin 4. Hindi makatarungan ang trato 5. Higit na mapanghamon ## B.Grapiko ng Talakayan: Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong na nasa loob ng kahon ayon sa hinihingi nito. Isulat sa papel ang sagot. Magbigay ng mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan ngayon at noong nakaraang 50 taon. 1. 2. 3. 4. ## KONGKLUSYON ## A. Sanaysay ay Suriin: Panuto: Sagutin nang mahusay ang mga tanong tungkol sa binasang talataan. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. Ano ang paksa ng binasa? 2. Ano ang layunin ng sumulat nito? 3. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan: Isulat sa tapat na kahon ang sagot. A. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan.” B. "Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung ihahambing 50 taon ang nakalipas.” C."Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian." 4. Anong uring sanaysay ang iyong binasa? 5. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangan Asya? ## (Ikalima at ikaanim na Araw) ## Alamin 1. Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati; 2. Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan; 3. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya. ## Balikan Panuto: Ibigay ang kalagayan ng babaing Taiwanese Ngayon, at Noong nakaraang 50 taon. Isulat sa kahon ang iyon sagot. | Noong Nakaraang 50 Taon | Ngayon | |---|---| | 1. | | | 2. | | | 3. | | ## Tuklasin Panuto: Basahin at unawain ang talumpati at sagutin ang katanungan sa ibaba ayon sa iyong pagsusuri. ## Kabataan, Pag-asa ng bayan Talumpati ni Judy Anne Carpo Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang kabataan ang magpapaunlad sa susunod na henerasyon. Ang kabataan ang mag-aangat sa Pilipinas. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan?Kaya nga ba nating mapaunlad ang susunod na henerasyon? Mapapa-angat nga ba natin ang Pilipinas o tayo pa ang magpapabagsak dito? Maaaring ang ilan sa inyo ay sasagot ng hindi na.Para sa akin, kung magsisikap tayong mga kabataan maaari pa rin tayong matawag na pag- asa ng bayan. Kung babaguhin lamang sana natin ang mga maling kaugalian natin sa panahon ngayon. Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba't tuwing ika-anim ng gabi ay nasa loob na ng kani-kaniyang bahay ang lahat. Ang pananamit, ang kilos ng kababaihan ay kagalang-galang, “Maria Clara” nga kung sila'y ating tawagin. Kung gusto naman ng isang binata ang isang dalaga ay hindi niya agad nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pang sumuot ng butas ng karayom. Sa ilang programang ating napapanood sa telebisyon, kailangan munang mamanhikan ng lalaki upang masigurong magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak sa piling ng lalaki. Ang mga kabataan noon ay masunurin, magalang, walang bisyo at maka-Diyos. Ang mga kabataan rin noon ay tutok sa kanilang pag-aaral. Subalit ngayon, napakadali na lamang para sa isang lalaki na mapasagot ang isang babae. Ang ilan nga'y sa text na nagkaligawan at nagkatuluyan. Maging sa pananamit, karamihan sa mga kadalagahan ngayon ay hindi na iginagalang dahil sa paraan ng kanilang pananamit. Ngayon halos hindi na iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin sila marunong sumunod. Karamihan din sa kabataan ngayon ay walang inatupag kundi mag-Dota. Hindi iniisip kung anong hirap ang dinaranas ng kanilang magulang mapag-aaral lamang sila. Nakakalungkot mang isipin, ngunit ito na ang larawan ng kabataan ngayon. Tayong mga kabataan lalo na sa mga kababaihang katulad ko, dapat nating tandaan, balikan at muling isabuhay ang mga kaugaliang noon. Wala man ito sa uso ngayon ngunit maaari natin itong ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at ngayon, ang mahalaga'y hindi natin malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Mga mahal kong kamag-aral, kaklase at kapwa kong kabataan, sama-sama at tulong-tulong nating patunayan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patunayan nating kaya nating mapaunlad ang susunod na henerasyon. Patunayan nating kaya nating iaangat ang Pilipinas sa kasalukuyang estado nito. Oras na para kumilos dahil ako, ikaw, sila, tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-kabataan ## Mga Tanong: Isulat ang sagot sa papel. 1. Sa iyong pagsusuri anong uring talumpati ang iyong binasa? 2. Ibigay ang iyong opinyon sa paksa ng talumpati. 3. Ano ang naging paninindigan ng nagsasalita sa kanyang talumpati? 4. Ano mga dapat mong isaalang-alang kapag ikaw ay nagbibigay ng opinyon? ## Suriin / Talakayin ## Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling ## Opinyon/Pananaw Sa araw-araw nating pakikipag-usap sa ating kapwa ay madalas na nakapagbibigay tayo ng sarili nating opinyon o pananaw tungkol sa isang bagay Mga dapat tandaan sa Paglalahad ng Opinyon o Pananaw: - Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit na salungat ang iyong pananaw sa pananaw ng iba. - Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan. - Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon a pumania sa iyong рарараw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw. - Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo namang sumalungat. - Makabubuti kung ang iyong ipahahayag ay nakabase sa katotohanan o kaya'y sinusuportahan ng datos. - Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw.Kung sakaling magpapahayag ng opinyon sa isang pormal na okasyon,gumamit ka rin ng pormal na pananalita at huwag mong kalilimutang gumamit ng katagang “po” at “opo”. ## Mga Angkop na pahayag na maaari mong gamiting panimula sa ## pagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw. - Sa aking palagay... - Sa tingin ko ay... - Para sa akin... - Kung ako ang tatanungin... - Ang paniniwala ko ay.... - Ayon sa nabasa kung datos... - Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil... - Mahusay ang sinabi mo at ako man ay... - Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit... - Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi? - Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo? ## Isagawa ## A.Panuto: Magbigay ng iyong sariling pananaw o opinyon mula sa ## paninindigan ng nagsasalita sa talumpating nasa ibabaw. Gumamit ng mga ## angkop na pahayag. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. 2. 3. 4. 5. ## B. Panuto: Mula sa sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan.....” Magbigay ng ## sariling opinyon o pananaw mula sa mga sumusunod na kaisipan.Gumamit ng mga ## angkop na pahayag. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. “Ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.” 2. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. 3. "Higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.” 4. "Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.” 5. "Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.” ## Karagdagang Gawain Panuto: Bumuo ng sariling argumento na naglalahad ng iyong sariling pananaw o opinyon hinggil sa naapapanahong isyu sa ating lipunan. Pamatayan sa pagbuo: 1. Isulat sa short bond paper.(Huwag Kalimutang lagyan ng Pangalan, Taon at Pangkat at bilang ng modyul) 2. Malaya kang pumili ng napapanahong isyung panlipunan. 3. Lagyan ng Pamagat 4. Gumamit ng mga angkop na salita sa pagpapahayag ng iyong opinyon. 5. Isang talata lamang at binubuo ng sampung pangungusap o higit pa. 6. May Kabuuang limampung puntos ang binuong sariling argumento. ## (Ikapito at Ikawalong Araw) ## Alamin 1. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,matibay na paninindigan at mungkahi gamit ang mga pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na yunit; 2. Naipapahayag ang opinyon o pananaw gamit ang mga pangatnig na magkatimbang at di magkatimbang; ## Balikan Panuto: Salungguhitan ang angkop na pahayag sa pagbuo ng opinyon o pananaw sa loob ng pangungusap. Isulat ang sagot sa papel 1. Para sa akin, kung magsisikap tayong mga kabataan maaari pa rin tayong matawag na pag-asa ng bayan. 2. Hindi masama ang iyong mga pinaplano pero maaari po bang magbigay ng aking mungkahi? 3. Kung ako ang tatanungin dapat pantay ang karapatan ng babae at lalaki sa lipunan. ## Tuklasin Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Halimbawa:1.Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipaglaban ng kababaihan. Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan. Halimbawa: 2. Sila'y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Ang pangatnig na at ay nag-uugnay sa dalawang sugnay. Unang Sugnay: Sila'y karamay sa suliranin. Ikalawang Sugnay: Kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. ## Suriin / Talakayin ## Dalawang Panlahat na Pangkat ng mga Pangatnig ## Unang Pangkat: Yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit ## Ikalawang Pangkat: Yaong nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit Maakatimbana na Yunit: Kabilang ana maa pangatnia na at, pati,saka,o,ni,maging,ngunit, subalit.atbp. Ang mga pangatnig na ito ay nag- uugnay ng mga salita,parirala at sugnay na magkatimbang o mga