Filipino Past Exam Paper 10, 2020 PDF

Document Details

MasterfulHeptagon

Uploaded by MasterfulHeptagon

2020

DepED

Tags

Filipino exam paper Filipino Language Filipino Secondary School Exam Education

Summary

This is a Filipino study material module for Grade 10 students. It covers speeches (talumpati) from Brazil and related literary topics within the context of a secondary education curriculum. The document is written in Filipino.

Full Transcript

10 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin) CO_Q2_Filipino10_Module6 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin) Unang Edis...

10 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin) CO_Q2_Filipino10_Module6 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Justin Carlos G. Villanueva Editors: Luisito V. Libatique, Alvin D. Mangaoang Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado, Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Eric Carino, Joselito D. Daguison Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Tagalapat: Alvin D. Mangaoang Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Atty. Donato D. Balderas Jr., Arlene A. Niro, German E. Flora, Gina A. Amoyen, Virgilio C. Boado, Editha T. Giron, Alejo R. De Sesto Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] 10 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin) Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May gabay sa pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. ii Alamin Magandang araw mahal kong mag-aaral! Kumusta ka? Binabati kita sa iyong pagpupursigi! Ako ay humahanga sa kagalingang ipinamalas mo sa nagdaang modyul. Batid kong nais mo pang madagdagan ang iyong mga kaalaman kung kaya naman sasamahan kita sa mga talakayan sa mga susunod pang aralin. Natuklasan mo sa Modyul 5 ang iba’t ibang mga impormasyon patungkol sa nobela at iyong nabasa ang tampok na nobela ng bansang Cuba. Bukod pa rito, ikaw ay nakagawa ng isang suring-basa at nalinang ang iyong kakayahan sa pananaliksik at ang paggamit ng mga angkop at mabisang mga pahayag. Ang Modyul 6 ay tungkol sa sanaysay na binibigkas – ang talumpati at iba pang anyo. Ang bansang Brazil ay matatagpuan sa Timog America at kilala bilang panlima sa pinakamalawak na bansa sa buong daigdig at pang- anim sa dami ng populasyon. Dahil sa lawak ng kalupaan nito, iba-iba rin ang kultura na mayroon sa iba’t ibang bahagi ng bansang ito. Ang bansang Brazil bagaman bahagi ng Suprakontinenteng America ay hindi Ingles ang gamit na wika bagkus ang kanilang ginagamit na wika ay Portuges sa kadahilanang noong 1500, ang bansang Brazil ay napasailalim sa Portugal. Ang pangalan ng bansang Brazil ay hinango sa pulang dye na ang tawag ay pau-brasil. Kilala ang bansang Brazil na mayaman sa produktong kape at dito rin matatagpuan ang Amazon Forest at Amazon River. Tampok din sa Modyul 6 ang talumpati ng kauna-unahang babaeng pangulo ng bansang Brazil na si Dilma Rouseff. Ayon sa UNESCO, ang Brazil ay kilala sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa aspektong sosyal, ekonomiko at kultural. Si Dilma Rouseff ay naihalal noong Enero 1, 2011 na tumapos sa dalawampu’t isang diktaturyal sa kanilang bansa. Malilinang sa modyul na ito ang iyong kakayahan sa pagsulat ng isang talumpati at iba’t ibang anyo ng sanaysay (Talumpati o Editoryal). Matutukoy mo rin ang kahalagahan ng balita at editoryal at kung papaano ito naiiba sa talumpati. Bukod pa dito, matatalakay rin ang iba’t ibang pamamaraan sa pagpapalawak ng pangungusap. 1 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Sa araling ito malilinang ang mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) na: 1. Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati, at iba pa. (F10PN- IIg-h-69); 2. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda. (F10PB-IIg-h-70); 3. Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal). (F10PB-IIi-j-71); 4. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association. (F10PT-IIg-h-69); 5. Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa paksa, paraan ng pagbabalita at iba pa. (F10PD-IIg-h-68); 6. Naipahahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang talumpati. (F10PS-IIg-h-71); 7. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (F10PU-IIg-h-71), at 8. Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap. (F10WG-IIg-h-64) Subukin Bago tayo magsimula sa ating aralin, sagutin mo muna ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman sa aralin. PAUNANG PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. _____ 1. “Ayon sa Department of Health (DOH), ang biktima ay isang 44-anyos na Chinese at naging kasama ng 38-anyos na babaeng Chinese na unang nag-positive sa nCoV19. Ayon pa sa DOH, galing Wuhan City sa China ang lalaki. Ang Wuhan ang epicenter ng nCoV outbreak na sa kasalukuyan ay 400 na umano ang namamatay.” Ano ang paksa ng artikulo? A. Ang nCoV19 ay nagmula sa Wuhan, China. B. Bagong kaso ng nCoV19 na isang 44-anyos. C. Peligrong hatid ng sakit na nCoV19 sa mahahawaan nito. D. Mayroon ng 400 na namamatay dahil sa sakit na ito. _____ 2. “Upang paghandaan ang District School’s Press Conference, nagsagawa sa ikalawang pagkakataon ang Tanglag National High School ng Seminar-Workshop na nilahukan ng mga karatig na paaralan noong Setyembre 6-7” Ang pahayag ay isang uri ng _________. 1 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 A. editoryal C. talumpati B. balita D. sanaysay _____ 3. “Oras na upang tayo ay magkaisa. Dahil kung tayo ay magtutulungan, naniniwala akong mapagtatagumpayan natin ang mga pagsubok sa ating bansa.” Ano ang layunin ng pahayag? A. nagpapaalam C. nagbibigay impormasyon B. nagbibigay ng payo D. nanghihikayat _____ 4. “Magandang umaga po sa inyong lahat, isang karangalan po ang magsalita sa inyong harapan at iulat ang mga napagtagumpayan ng ating bansa sa loob ng nakalipas na isang taon.” Anong bahagi ng talumpati kabilang ang pahayag? A. panimula C. paninindigan B. paglalahad D. konklusyon _____ 5. “Maraming ipinagbawal mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso 16. Kabilang dito ang pagtitipon-tipon ng mga tao. Bawal ang magkumpol-kumpol. Huwag magdikit-dikit. Kailangan ay may physical distancing. Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask.” Ano ang paksa ng artikulo? A. Pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong bansa. B. Mga dapat at hindi dapat gawin habang may Enhanced Community Quarantine. C. Mga gamit na dapat na bilhin upang masigurong ligtas habang may Enhanced Community Quarantine. D. Pagsasagawa ng mga gawain habang may Enhanced Community Quarantine. B. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. __________ 1. Mahalaga sa pag-uulat ng balita ang kompiyansa sa pagsasalita. __________ 2. Kinakailangan na bihasa sa paksang tinatalakay ang isang mananalumpati. __________ 3. Sa pagsulat ng isang editoryal, hindi dapat ito naglalaman ng opinyon ng awtor. __________ 4. Ang talumpati ay hindi isang uri ng sanaysay. __________ 5. Kadalasang nababasa ang balita at editoryal sa mga pahayagan. C. Panuto: Magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa salitang nasa loob ng kahon. Gumawa ng bagong kahulugan ng salita gamit ang mga ibinigay na mga salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. 2. 3. Plataporma Kahirapan Kalayaan D. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ay pinalawak o hindi. Isulat ang OO kung ito ay napalawak at HINDI naman kung ito ay hindi napalawak. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel. __________ 1. Si Jorge pala ang nagwagi sa paligsahan. __________ 2. Nakita kong naglinis si June. __________ 3. Dahil sa bagyong Ulyssess, maraming lugar ang nalubog sa baha. __________ 4. Kulay pula ang nakasabit na tuwalya. 2 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 __________ 5. Marami ang nagpunta sa palengke upang bumili ng mga pang- regalo sa Pasko. Mahusay! Nagawa mo ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating mga mapag-aaralan. Sinisiguro kong sa pagtatapos ng araling ito, mas marami pa ang maidaragdag sa iyong kaalaman. Aralin Talumpati mula sa Brazil Panitikan: Talumpati ni Dilma Rouseff 1.1 sa Kaniyang Inagurasyon Wika at Gramatika: Kaisahan sa Pagpapalawak ng Pangungusap Sa Aralin 1.1 matutuklasan mo ang kahalagahan ng kasanayan sa pagtatalumpati. Makikilala mo rin ang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansang Brazil na si Pangulong Dilma Rouseff. Si Dilma Rouseff ay isinilang sa Belo, Horizonte, Brazil noong Disyembre 14, 1947. Estudyante pa lamang si Dilma Rouseff, nagpamalas na siya ng alab at pagpupursigi upang labanan ang diskriminasyon na siyang pangunahing problema noon ng bansang Brazil. Noong 1970, siya ay nakulong at nakaranas ng mga pagpapahirap sa loob ng kulungan dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktadurya. Tumagal ang kaniyang pagkakakulong ng tatlong taon at nang makalaya, siya ay nagdesisyong pumasok sa politika noong 1977. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni Rouseff ang pagiging consultant at mahusay na tagapamahala ng Democratic Labor Party. Bago siya naging pangulo ng bansang Brazil, siya ay nanungkulan bilang Minister ng Enerhiya sa panahon nang noo’y Pangulong Luis “Lula” Silva noong 2002. Dahil sa ipinamalas na angking kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay hinirang na Chief of Staff ni Pangulong Silva noong 2005. Siya ay nailuklok bilang pangulo ng bansang Brazil noong Enero 1, 2011. Siya ang ika-36 na pangulo ng bansang Brazil at tumagal ang kaniyang termino mula Enero 1, 2011 hanggang Agosto 31, 2016. Sa kasalukuyan, ang bansang Brazil ay pinamumunuan ni Pangulong Jair Bolsonaro na naihalal noong Enero 1, 2019. Sa pagpapatuloy mo sa araling ito, mababasa mo ang talumpati ni pangulong Dilma Rouseff sa kaniyang mga kababayan sa kaniyang inagurasyon. Dito mo mababatid ang kahalagahan ng talumpati sa paglalahad ng mga impormasyon at idea sa mga tagapakinig. Balikan Natutuhan mo sa Modyul 5 ang panunuri ng isang nobela at ang paggamit ng mga angkop at mabisang pahayag sa pagsasagawa ng isang panunuri. Bukod dito, nabigyang-diin rin sa nakaraang modyul ang pang-abay na pananggi at panang- ayon. Bago ka magpatuloy sa ating talakayan, susukatin natin ang iyong kaalaman 3 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 sa mabisang pamamahayag. Ilalapat mo rin ang iyong kaalaman sa pang-abay na pananggi at panang-ayon. Sagutin mo ang mga susunod na gawain. Gawain 1: Makialam at Mangatuwiran! Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang pang-abay na pananggi at panang-ayon batay sa sumusunod na mga isyu. 1. Pagbabalik ng 2. Pagsasabatas ng asignaturang GMRC Anti-Terror Bill sa mga paaralan Pananggi: Pananggi: ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Panang-ayon: Panang-ayon: ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ 3. Pagpapababa ng criminal 4. Malayang Pamamahayag liability mula 15 to 13 taong gulang. Pananggi: Pananggi: ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Panang-ayon: Panang-ayon: ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ 4 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag- aaral. Tuklasin Gawain 2: Sapot ng Konsepto Panuto: Sa sagutang papel, ibigay ang iyong sariling hinuha o palagay sa maaaring nilalaman ng talumpating bibigkasin ni Pangulong Dilma Rouseff sa kaniyang mga kababayan. Halimbawa Ekonomiya Ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa kaniyang kababayang Brazilian? Bakit? Basahin at unawain mo ang talumpati ni Pangulong Dilma Rouseff sa kaniyang inagurasyon para sa kaniyang mga kababayan at sagutin mo ang mga gawaing kaugnay nito pagkatapos. 5 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rouseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil) (Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina) Minamahal kong Brazilians, Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayondin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat. Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayonpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na Iginuhit ni: Ernesto F. Ramos Jr. nawawalan ng pag-asa at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan. Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahang dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang pamamahayag at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa kapwa. Sa pagsugpo ng labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Nangangahulugan ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakaaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak akong hindi natin papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya. Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na ipinakikipaglaban. 6 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan. Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan. Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad. Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng Pangulo ng Republika at ng mga Ministro. Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buoin ang pangmatagalang mga pondong pampribado. Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon. Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian. Maaaring panoorin sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=3dJce-96QL4 Naunawaan mo ba ang talumpati ni Dilma Rouseff? Kung hindi mo ito gaanong naunawaan, huwag kang mag-alala, maaari mo ulit basahin ang talumpati. Ngunit kung ito ay naunawaan mo na, gawin mo ang mga sumusunod na mga gawain. Alam mo bang… Ang Word Association ay pagbibigay ng mga salita na may kaugnayan sa isa pang salita na di-lantad ang kahulugan upang makabuo ng isang idea. Mainam itong gawin upang mas lumawak ang idea at makabuo ng bagong pagpapakahulugan. Halimbawa: Basehang Salita: La Union-Norte-Rehiyon 1-Ilocano-matipid-masayahin 7 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Nabuong pagpapakahulugan: Sa dakong Norte kilala ang La Union na matatagpuan sa Rehiyon 1, bilang tirahan ng mga kababayan nating Ilocano na kilala sa kanilang angking katangian bilang matipid at likas na pagiging masayahin. Maaari ding gamiting paraan upang malaman ang kahulugan ng isang salitang hindi lantad ang kahulugan ay sa kung papaano ito ginamit sa pangungusap. Gamitin ang iba pang mga salita sa pangungusap na maaaring may kaugnayan sa salitang di-lantad ang kahulugan Halimbawa: 1. Basehang Pangungusap: Mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. 2. Basehang salita: Inabandona-kahirapan-mag-isa 3. Nabuong pagpapakahulugan: Naiwang mag-isa dahil sa kahirapan. Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Bigyang pagpapakahulugan ang mga salita sa loob ng kahon gamit ang word association. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan. 1. Inflation 2. Multilateral 3. Insentibo 4. Deposito Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pangunahing paksa ng talumpati ni Pangulong Dilma Rouseff? 2. Sumasang-ayon ka ba sa mga sinabi ni Dilma Rouseff sa kaniyang talumpati? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. 3. Iugnay ang nilalamang isyu ng talumpati ni Dilma Rouseff sa iyong nabasa o napanood na balita. 4. Sa pamamagitan ng venn diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sitwasyon ng Brazil sa sitwasyon ng Pilipinas sa kasalukyan. Brazil Pilipinas 8 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Suriin Matapos mong mabasa ang akda, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawaing nakahanda para sa iyo. Sa bahaging ito ng modyul matatalakay ang iba’t ibang anyo ng sanaysay-talumpati o editoryal na magagamit mo sa mga mahahalagang okasyon sa iyong buhay. Bukod dito, matututuhan mo rin ang mga kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap. Mahalagang maunawaan mo ito upang magabayan ka sa paggawa ng sarili mong talumpati. Inaasahang masasagot mo ang pokus na tanong na – bakit mahalaga ang talumpati bilang isang akdang pampanitkan sa pamamahayag? Alam mo bang… Talumpati ang tawag sa isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng madla? Ang layunin ng isang talumpati ay mapaniwala ang mga nakikinig sa pangangatuwirang ibinibigay ng kaalaman ng nagsasalita o kaya ay humihimok na gawin ang isang bagay ayon sa kaniyang paniniwala at higit sa lahat, mabago ang paniniwala ng mga nakikinig. Mga Anyo ng Talumpati Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbigay ng sariling pananaw. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa. Maaari ring binabasa, isinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Mga Uri ng Talumpati 1. Talumpati na Nagpapaliwanag Layunin ng talumpati na magbigay ng impormasyon o paliwanag sa pamamagitan ng pag-uulat at paglalarawan. Simple at direkta ang paglalahad ng impormasyon upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig. 2. Talumpati na Nanghihikayat Layunin nitong makaimpluwensiya sa pag-iisip at kilos ng mga tagapakinig. Nagbibigay ng sapat na mga katibayan upang mahimok ang mga tagapakinig na paniwalaan ang sinasabing idea o pananaw. Kinakailangang maalam ang nagsasalita sa kaniyang pinupunto o sinasabi. 3. Talumpati ng Pagpapakilala Isinasagawa ito upang ipakilala ang isang panauhin sa isang pagtitipon o gawain batay sa kaniyang mga karanasan at posisyon upang mabigyan ng kaalaman ang mga tagapakinig tungkol sa kaniyang buhay at upang maihanda ang mga tagapakinig sa sasabihin ng magtatalumpati. 4. Talumpati ng Pagsalubong Madalas itong isinasagawa sa mga programa o okasyon. Ito ang paunang pagbati at pagpapaliwanag sa kahalagahan at layunin ng idinaraos na okasyon bago ito isagawa. 9 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 5. Talumpati ng Pamamaalam Isinasagawa ito sa huling bahagi ng isang programa o okasyon. Laman nito ang mensahe ng pasasalamat sa mga dumalo at panghihikayat sa mga panauhin na pahalagahan ang layunin ng isinagawang programa. Paano ang Pagsulat ng Mabisang Talumpati? Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati? Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na layunin: magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at bumatikos Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati 1. Paghahanda sa Pagsulat – Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at mga idea para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano sa paglikha, pagtuklas, pagdedebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga idea. 2. Aktwal na pagsulat – Sa hakbang na ito isinasalin mga idea sa mga pangungusap at talata. Malayang gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng mga ideya. Maaari ring magdagdag at magbawas ng mga impormasyon o ideya na angkop sa pangunahing paksa o tema ng ginagawang talumpati. 3. Pagrerebisa at Pag-eedit – Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan upang masigurong handa na ang talumpati. Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga idea at sa estruktura ng mga pangungusap at talata. Mga Bahagi ng Talumpati 1. Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig. Kadalasang gumagamit ng anekdota o mga linya/pahayag na panawag-pansin ang nagtatalumpati upang pukawin ang interes ng mga tagapakinig. 2. Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang layunin ng kaniyang talumpati sa mga tagapakinig. 3. Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kaniyang mga katuwiran hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig. 4. Pamimitawan/Konklusyon – Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng masining na pangungusap upang mag-iwan ng kakintalan sa mga tagapakinig. Maaari ring panoorin sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0 10 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Gawain 5: Pagsusuri sa Talumpati Panuto: Suriin ang talumpating binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na mga katanungan. Sagutin ito sa iyong sagutang papel. Mga Tanong Sagot Ano ang anyo ng binasang talumpati? Anong uri ito ng talumpati? Patunayan. Ano ang layunin ng talumpati? Paano sinimulan ang talumpati? Paano ito nakaapekto sa kabuoan ng talumpati? Paano winakasan ang talumpati? Naging epektibo ba ito upang lahatin ang nilalaman ng talumpati? Patunayan. Mahusay! Ngayon naman, iyong matutuklasan ang mga paraan sa pagpapalawak ng pangungusap. Mahalagang maunawaan mo ito dahil magagamit mo ito sa iyong gagawing talumpati. Huwag kang mag-alala, gagabayan kita upang ito ay iyong maunawaan. Alam mo bang… ang pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri? Ang bawat bahagi ng pangungusap ay maaring buoin pa ng maliliit na bahagi. Sa pagpapalawak ng pangungusap, pinapalawak ang mga maliliit na mga bahagi sa paksa at panaguri. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap. Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak. Upang masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang mga paraan kung paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa gayondin ang pagsasama-sama o pag- uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap. Hindi dapat na pinalalawak lamang ang pangungusap, kailangang suriin ang kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito. Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri 1. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplimento, pang-abay, at iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa tulong ng paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari. Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa. 1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay. Halimbawa: Batayang Pangungusap: Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil. Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil? Batayang Pangungusap: Ibinaba ang poverty income threshold. Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilya na may limang miyembro. 11 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 2. Komplimento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap. Halimbawa: Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. (Tagaganap) Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa bata. (Tagatanggap) Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (Layon) Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan) Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan) Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. (Sanhi) Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa talumpati ng pangulo. (Direksyunal) 3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang- abay. Halimbawa: Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo. Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat. Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap. 1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng pangungusap Halimbawa: Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon. Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo. 2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar Halimbawa: Inaayos ang plasa sa Brazil. Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati. 3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari. Halimbawa: Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral. Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko. Gawain 6: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Panuto: Mula sa mga nakatalang paksa sa ibaba, bumuo ng mga pangungusap. Sikaping mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa. Ipaliwanag ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. pandemyang COVID-19 ___________________________________________________ 2. pag-aagawan ng teritoryo___________________________________________________ 3. pagtaas ng presyo ng mga bilihin___________________________________________ 4. pagkakaisa ng mga bansa__________________________________________________ 5. diskriminasyon____________________________________________________________ 12 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Pagyamanin Gawain 7: Idea Mo’y Ipahayag! Panuto: Ang sumusunod na mga pahayag ay binanggit ni Dilma Rouseff sa kaniyang talumpati, ano ang pananaw o opinyon mo kaugnay nito? 1. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan, gayondin ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat. 2. Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mga mamamayan. 3. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng pag-asa at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. 4. Matibay ang aking paniniwala sa kasalukuyan na ang inflation ang nagdudulot ng kaguluhan sa ating ekonomiya at sumisira sa kita ng ating mga manggagawa. 5. Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinangangalagaan ang sariling interes na siya namang nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. 6. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mga mamamayan. Gawain 8: Suriin Mo! Panuto: Basahin at unawain ang usapan sa loob ng kahon. Pumili ng limang pangungusap at suriin ang ginamit na paraan sa pagpapalawak ng pangungusap. Tukuyin kung ito ay pinalawak sa panaguri o sa paksa. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Isang araw, nag-uusap ang tatlong miyembro ng Student Government. Lois: Naisip mo ba kung saan napupunta ang basurang itinatapon mo? Justin: Siyempre kinukuha ng mga basurero at ito ay dinadala sa tambakan ng basura. Lois: Eh, paano kung hindi naitapon nang maayos? Halimbawa, ang lata na itinapon sa kalsada ay maaaring makabara sa kanal. Paulyn: At ang balat ng kendi na itinapon sa dagat ay maaaring makain ng mga isda. Justin: Tama! Halikayo at basahin natin ang tekstong ito na pinamagatang “Pangangalaga ng Basura.” 13 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Ang bawat Pilipino na naninirahan sa pook rural ay lumilikha ng humigit- kumulang 0.3 kg na basura habang sa pook urban o siyudad ay mayroon kada araw 0.5 kg na basura. Nasa 60% ng mga basura na itinatapon ay biodegradable o nabubulok, 20% ay recyclable o maaaring mabalik-anyo, at 18% ang residual waste o mga hindi na magagamit pang muli na basura. Higit kumulang 80% naman ang mga basura na hindi naman dapat itinatapon at dinadala sa tambakan. Dahil sa dami ng basura sa tambakan dumadami rin ang nililikhang methane galing sa mga nabubulok na basura. Ito ay sanhi rin ng pagkapal ng greenhouse gases sa atmospera at nagdudulot ng pandaigdigang pag-init ng mundo. Lois: Ah, ganoon pala! Kaya sabi ng mama ko ibang-ibang na ang mundo ngayon. Hindi mo masabi kung kailan uulan o aaraw. Justin: Kaya bago mo itapon ang bagay na hawak mo, isipin mo muna kung ito ay kailangan mo, maaari mong i-reduce o bawasan ang paggamit. Paulyn: O dapat bang i-reuse o tingnan kung magagamit pa itong muli? Lois: O i-recycle o magbalik-anyo sa pamamagitan ng paglikha ng bagong bagay mula sa lumang bagay? Pangungusap Paraang Ginamit sa Pagpapalawak ng Pangungusap Isaisip Gawain 9: Natutuhan Ko! A. Panuto: Batay sa mga napag-aralan mo sa araling ito, gawin mong batayan ang grapikong presentasyon upang mabuo ang konsepto. Kopyahin ito at isulat sa iyong sagutang papel. Natutuhan ko sa aralin ito… 14 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 B. Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang grapikong presentasyon. Kopyahin ito sa iyong sagutang papel. Paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati? Isagawa Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw tungkol sa talumpati, gawin mo ito. Goal Ikaw ay makasusulat ng isang talumpati patungkol sa isang kontrobersyal na isyu Role Ikaw ay magiging isang manunulat at mananalumpati Audience Guro, mga kapwa mag-aaral. Situation Ipagpalagay na ikaw ay nasa isang paaralan at naatasan kang gumawa ng isang talumpati na magbibigay impormasyon at nangihikayat kaugnay sa isang kontrobersyal na isyu Product Sariling-gawang talumpati na ipo-post sa Facebook o Youtube. Standards A. Panimula (Malinaw na naipaliwanag ang layunin) …….……….… 20 puntos B. Katawan (linaw at tibay ng argumento) ………...……………….... 40 puntos C. Pangwakas (pagbibigay lagom o konklusyon).…....……………..….. 20 puntos D. Kaisahan at Kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap………………………………………..……..20 puntos Kabuoan.……….…………..………………..…...........….100 puntos Mahusay! Binabati kita! Natapos mo ang unang aralin. Ako ay humahanga sa ipinakita mong katalinuhan at tiyaga upang matapos ang araling ito. Nagawa mo ang lahat ng mga gawain at dahil yan sa iyong pagpupursigi. Sa susunod na aralin, iyo namang matututuhan ang isa pang anyo ng sanaysay – ang editoryal at pagbabalita. 15 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Pamamahayag: Balita at Aralin Editoryal 1.2 Panitikan: Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino Binabati kita mahal kong mag-aaral! Ako ay nagagalak sapagkat ikaw ay kasama ko pa rin sa pag-aaral ng modyul na ito. Sa Aralin 1.1 iyong natutuhan ang paggawa ng isang talumpati at ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap. Sa Aralin 1.2, matutuklasan mo ang kaibahan ng talumpati sa iba pang uri ng sanaysay – ang editoryal at pagbabalita. Malalaman mo kung bakit mahalaga ang editoryal sa pamamahayag at sa ating lipunan. Tampok sa araling ito ang isang natatanging editoryal na tumatalakay sa kasalukuyang isyu na hinaharap ng ating bansa. Inaasahang sa pagtatapos ng araling ito masasagot mo ang pokus na tanong na – Bakit kailangang bigyang-pagpapahalaga ang editoryal at balita bilang akdang pampanitikan? Balikan Gawain 1: Panindigan Mo! Panuto: Kung ikaw ay magtatalumpati sa harap ng iyong mga kababayan, papaano mo bibigyang opinyon ang isyu sa kahirapan ng ating bansa? Gumawa ng maikling sanaysay patungkol dito. Ano ang iyong opinyon patungkol sa pagkakaroon ng Face to Face na klase sa panahon ng pandemya? Tuklasin Ngayon naman, basahin at unawain mo ang isang editoryal patungkol sa kahirapan. Unawain mo itong mabuti upang masagot mo ang mga gawaing nakahanda para sa araling ito. 16 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Kailan Lalaya sa Korapsiyon, Kahirapan at Krimen? (Pilipino Star Ngayon, Hunyo 12, 2020) Ngayon ay ika-122 anibersaryo ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Kastila. Kasunod ng deklarasyon ay ang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas habang inaawit ang “Lupang Hinirang” sa balkonahe ng mansiyon ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 1898. Noon ay mga Kastila ang kalaban ng mga Pilipino. Pero ngayon, makalipas ang 122 taon, mas marami pang naging kalaban ang mamamayan na wala ring ipinagkaiba sa mababagsik na mananakop. Mas matindi ang mga kalaban ngayon sapagkat nagdudulot sa pagkahilahod ng bansa. Unang kalaban: Korapsiyon. Maraming korap sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayon. Walang patawad. Kahit na nasa gitna ng paglaban sa COVID-19 ang bansa, patuloy ang pangungurakot ng mga taong gobyerno. Maski ang pondo sa Social Amelioration Program (SAP) ay kinukurakot ng mga kapitan ng barangay. Sa halip na ibigay nang buo ang SAP na para sa mahihirap, kalahati lang ang ibibigay at ang kalahati ay sa sariling bulsa nila nilalagay. Hanggang ngayon, marami ang nagrereklamo na hindi sila nakatanggap ng SAP sa unang tranche. Iyon ay dahil kinurakot ng mga opisyal ng barangay. Ikalawang kalaban: Kahirapan. Maraming mahirap na Pilipino at ngayong sinalanta ng COVID ang bansa, inaasahang darami pa ang bilang ng mga magsasalat sa buhay. Lolobo ang bilang ng mga walang trabaho sapagkat marami nang nagsarang kompanya, establisimyento, pabrika at paktorya. Maraming magugutom na pamilya dahil walang pagkakakitaan. Ikatlong kalaban: Krimen Patuloy ang mga nangyayaring krimen. Sumasalakay ang riding-in-tandem at walang awang pumapatay. Patuloy rin naman ang pagdagsa ng ilegal na droga. Kahit naka-lockdown ang bansa, nakapapasok ang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso. Paano nakapapasok ang salot na shabu gayong walang biyahe ang barko at eroplano. Kabi-kabila rin ang checkpoint at napakahigpit ng mga awtoridad. Mababangis ang tatlong kalaban ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Kailangan ang mahusay na paglaban ng gobyerno sa mga ito. Kailangan ang mahusay na plano para mapalaya ang mamamayan sa korapsiyon, kahirapan at krimen. EDITORYAL - Kailan lalaya sa korapsiyon, kahirapan at krimen? kinuha noong Setyembre 25, 2020 mula sa (https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/opinyon/2020/06/12/2020291/editoryal-kailan-lalaya-sa-korapsiyon- kahirapan-krimen) 17 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Mga Pamilyang Pinoy, Malubhang Naapektuhan ng Pandemic sa ASEAN: Survey (Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News, Setyembre 20, 2020) Wala nang panggastos ang senior citizen na si Anita Calpito matapos matigil sa trabaho ang kaniyang mister bilang tricycle driver dahil sa quarantine. Gipit din ang anak na babae ni Calpito, na kailangan pang mangupahan sa maliit na kuwarto para mapalapit sa trabaho. "Hindi po namin alam kung saan namin kukunin ang pang-araw-araw namin na panggastos," ani Calpito. "May nag-aaral akong apo, ang nanay naman single parent... wala na kaming pambili ng gadget para sa kanila," aniya. Base sa isang sarvey na inilabas kamakailan ng Asian Development Bank Institute, mas maraming pamilya sa Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan dahil sa COVID-19 kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia. Pito sa bawat 10 household na sinurvey ang nagsabi na may nawalan ng trabaho o nabawasan ng kita sa kanilang pamilya dahil sa pandemya. Sa ibang bansa sa Southeast Asia, 4 lang sa bawat 10 pamilya ang may naranasang ganoong paghihirap. Sa parehong survey, halos kalahati o 46 porsiyento ang nagsabing tumigil sa pag-aaral ang kanilang mga anak. "The most common reason is not having computers or tablets, not having internet connections, or too slow or unstable connections," ani Peter Morgan, Vice Chair of Research at the ADB Institute. Sa isa pang report ng ADB Institute, sinabi nito na higit 8 milyong senior citizens ang apektado ng pandemya at 20 porsiyento lang sa kanila ang may nakukuhang benepisyo. Aminado naman ang Palasyo na maraming tinamaan ng pandemya. "Nakapalungkot po talaga niyan na nakapadami pong naghirap dahil sa pandemya, hindi natin ninais ito," ani Presidential Spokesperson Harry Roque. "Kung hindi naman tayo nag-ECQ (Enhanced Community Quarantine), mas marami talaga sa'tin ang nagkasakit," dagdag ng kalihim. Kinuha noong Oktubre 17, 2020 mula sa (https://news.abs- cbn.com/news/09/20/20/mga-pamilyang-pinoy-malubhang-naapektuhan-ng- pandemic-sa-asean-survey) Ngayon naman, sagutin mo ang mga sumusunod na mga gawain. Maaari mong balikan ang artikulo upang mas maunawaan mo pa ito. Gawain 2: Unawain Mo! Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang paksa ng binasang editoryal? 2. Ano ang iyong pananaw sa inilahad na tatlong kalaban ng bayan sa kasalukuyan na binanggit sa editoryal? Ipaliwanag. 3. Ano ang layunin ng awtor sa kaniyang ginawang editoryal? Ipaliwanag. 4. Ihambing ang nilalaman ng editoryal na binasa sa talumpati. Ano ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad? Patunayan. 5. Ano ang pangunahing paksa ng binasang balita? 6. Ano ang istilo ng tagapag-ulat sa binasa mong balita? 18 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 7. Sa iyong palagay, naging malinaw ba ang nilalaman ng balitang iyong binasa batay sa naging istilo ng pagbabalita ng tagapag-ulat? Ipaliwanag. 8. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mabisang hakbang sa paglutas ng kahirapan ng bansa? Patunayan. Suriin Alam mo bang… Editoryal ang tawag sa uri ng pamamahayag na kadalasan ay nasa anyong sanaysay na naglalaman ng mga kuro-kuro, opinyon, at puna sa mga napapanahong isyu o balita? 2. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa. 3. Mahalaga ang editoryal upang maimulat ang mga mata ng mga mambabasa patungkol sa isang isyu sa ating lipunan upang magkaroon ng kamalayan at pagkamakabayan. Kadalasan itong nababasa sa mga diyaryo at napapakinggan rin sa radyo. Iba’t ibang Uri ng Editoryal 1. Editoryal na nagpapabatid 2. Editoryal na nagpapakahulugan 3. Editoryal na pumupuna 4. Editoryal na nagbibigay parangal at papuri 5. Editoryal na nagpapahalaga sa isang natatanging-araw o okasyon 6. Editoryal na nanlilibang Bukod sa editoryal, mahalaga rin ang ginagampanan ng pagbabalita. Isa ito sa mga pangunahing paraan upang maglahad ng mga napapanahong isyu na kinakaharap ng ating bansa, maging sa ating mga karatig bansa. Balita ang tawag sa isang uri ng pamamahayag na nagsasaad ng mga impormasyon patungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. 1. ‘Di tulad ng editoryal, tuwiran ang paglalahad ng mga detalye sa isang balita at batay sa pangyayaring nasaksihan o narinig ng nagbabalita o sumulat ng balita ang nilalaman nito. 2. Kakaiba ang pagsulat ng isang balita sapagkat sinusunod nito ang tinatawag na “inverted pyramid” na paraan ng pagsulat na kung saan nauuna ang mga importanteng detalye kaysa sa mga hindi importanteng detalye. 3. Ito ay maaaring nababasa, napapakinggan at napapanood. Sa kasalukuyan, mahalaga ang balita upang masigurong ang mga mamamayan ay mulat sa mga pangyayari sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa. 4. Ito ay nababasa sa mga pahayagan at madalas natin itong napapanood sa telebisyon at napapakinggan sa radyo. 5. Bukod pa dito, mas lumawak pa ang nasasakop ng balita dahil na rin sa Social Media. 19 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Dalawang Bahagi ng Isang Balita 1. Pamatnubay – kadalasang nasasagot mga tanong na sino, saan, kailan, ano, bakit at paano. Sa bahaging ito makikita ang pinakatampok o nilalaman ng balita. Sa pamatnubay, magkakaroon ka na agad ng konsepto kung patungkol saan ang nilalaman ng balita. Ang impormasyon na inilahad sa pamatnubay ay mas lalo pang papalawakin ng mga detalye na mababasa sa katawan ng balita. 2. Katawan ng balita – nakasaad sa bahaging ito ang pantulong na mga detalyeng susuporta sa pamatnubay. Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulat ng Balita 1. Kinakailangang malinaw ang pagsasalita at pagbigkas ng mga salita. Bigyang- pansin ang intonasyon at tamang bigkas ng mga salita upang maiwasan ang pagkalito sa mga tagapakinig. 2. Mahalaga rin ang sariling estilo ng isang reporter o tagapag-ulat. Bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang paraan kung papaano ibahagi ang balita. Kadalasan ito ay sa pamamagitan ng kanilang tono ng pananalita o kasanayan sa pagbigkas ng mga salita. Makatutulong ito upang mapukaw ang interes ng mga tagapakinig. 3. Ang isang tagapag-ulat ay dapat nagtataglay ng kompiyansa at malawak na kaalaman sa kaniyang ibinabalita. Dapat ito ay pinaghandaang maigi. Ingatan ang mga ibabahaging balita at siguruhing tama ang impormasyong nakalap. 4. Kinakailangan na sa pag-uulat ng balita, ang tagapagbalita ay tapat at walang pinapanigan. Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay? Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at balita ay naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan at maunawaan ng mga tagapakinig samantalang ang editoryal at balita ay nababasa sa mga diyaryo/pahayagan at napapakinggan rin sa radyo at napapanood sa telebisyon. Gawain 3: Natuklasan Ko! Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng talumpati, editorial at balita. Kopyahin ang pormat sa pagsagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Pagkakatulad Pagkakaiba Talumpati Editoryal Balita Pagyamanin Gawain 4: Nabalitaan Mo Ba? 20 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 A. Panuto: Basahin at unawain mo ang artikulo. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Bilang isang mag-aaral, nararamdaman din namin ang nangyayaring implasyon sa ating bansa. Matinding pasakit ito sa aming mga magulang lalo na’t ang mga pangunahing pangangailangan namin sa paaralan ay apektado rin ng implasyon. Tulad na lamang ng mga ginagamit namin sa paaralan tulad ng papel, notebook, lapis, ballpen at iba pa ay naapektuhan ng pagtaas ng presyo. Napipilitan ang ilan sa amin na i-recycle na lamang ang mga hindi nagamit na mga lumang notebook kaysa bumili ng panibago. Ang pagbaba ng halaga ng salapi dahil sa taas ng presyo ng bilihin ay lantad na lantad. Ang dating baon na sampung piso ay tila ba kulang na kulang na dahil sa mahal ng pamasahe, mahal na mga bilihin na mabibili sa canteen dahil na rin sa maging sila ay naapektuhan ng implasyon. Malaking pasakit ito sa mga mag- aaral na kapus-palad kung kaya naman ang ilan sa kanila ay nagtitiis na lamang sa mga alternatibo at pagsasakripisyo. - Mara Shanelle Obello (2018) Hinango mula sa The Carrier ng Tanglag National High School 1. Ano ang pangunahing paksa ng binasang artikulo? 2. Anong uri ito ng editoryal? Ipaliwanag. 3. Ano-ano ang mga inilahad na mga impormasyon na sumusuporta sa pangunahing paksa? 4. Ano ang iyong reaksiyon sa binasang artikulo? Papaano ito nakaapekto sa iyong damdamin? B. Panuto: Manood ng balita sa telebisyon o sa internet. Pumili ng balita na may kaugnayan sa mga isyung panlipunan na binanggit sa Inagurasyong Talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff. Gawing batayan ang grapikong presentasyon. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Nilalaman Istilo ng Kaugnayan Paksa reporter sa sa ng Balita pag-uulat talumpati Isaisip Gawain 5: Parte Ka ng Solusyon! Panuto: Batay sa binasang editoryal, paano ito nakaapekto sa iyong damdamin? Ano ang iyong repleksyon sa isyung binanggit sa artikulo? Sagutin ito gamit ang grapikong presentasyon. Kopyahin ito sa iyong sagutang papel. Ang Sa binasa ko, repleksyon ko aking nadama sa binasa ko na… ay… 21 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Isagawa Panuto: Sumulat ng isang editoryal patungkol sa distance o online learning na alternatibong solusyon para sa paraan ng pagkatuto. Ikaw ay pupuntusan batay sa: Nilalaman ng editoryal……………………………………………………………..20 puntos Organisasyon ng mga idea….…………………………………………………….10 puntos Orihinalidad…………………………………………………………………………..10 puntos Gramatika at wastong bantas…………………………………………………….10 puntos Kabuoan…………………………………………………………………..………….50 puntos Tayahin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop sa sinabi ni Dilma Rouseff na “Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan.”? A. Kinakailangan ng malawakang protesta upang mapakinggan ng mga namumuno sa isang bansa. B. Talamak ang karahasan kung kaya naman marami ang nagalit at nagkaroon ng hidwaan sa bansa. C. Maraming mga mamamayan ang umalis sa Brazil dahil sa kawalan ng tiwala sa pamahalaan. D. Nagising ang pagkamakabayan at pagkakaisa ng mga mamamayan. _____ 2. Ano ang tema ng talumpati ni Dilma Rouseff? A. Pagsugpo sa talamak na bentahan ng droga. B. Pagharap sa climate change ng bansang Brazil. C. Pagbibigay solusyon para sa pagsugpo sa kahirapan. D. Pagkakaroon ng malakas na hukbong sandatahan. _____ 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat taglaying ng isang mananalumpati? 22 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 A. Kinakailangang malakas ang boses at malinaw ang pagsasalita upang maintindihan ng mga tagapakinig. B. Mas mainam kung magyayabang sa harap upang makita ng mga panauhin na sigurado ka sa sinasabi mo. C. Panatilihing interesado ang mga manonood, iwasang magkaroon ng mga patay na sandali. D. Ugaliing tumingin sa mga manonood upang maramdaman nila na sila ang iyong kinakausap. _____ 4. Bakit kailangan ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap? A. Upang mas maging mahaba ang gagawing sanaysay o talumpati. B. Para hindi mabagot ang mga babasa dahil maikli lamang ang sanaysay. C. Upang mas malinaw ang mga idea na nais iparating sa mga mambabasa. D. Para maiwasan ang pagkaulit ng mga nasabi nang idea at hindi maging paikot-ikot ang sanaysay. _____ 5. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagtatalumpati? A. Upang magkaroon ng kompiyansa na humarap sa maraming tao. B. Mahalaga ang kasanayan sa pagtatalumpati upang maipahayag ang sariling idea sa ibang tao. C. Para magmukhang magaling sa harap ng maraming tao upang maniwala sila sa iyo. D. Nakakatulong ito upang magkaroon ka ng maraming kaibigan at maging sikat ka. B. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na mga artikulo ay talumpati, editoryal o balita. 1. Sa pangunguna ng SK Federated Chairman ng Rosario na si Hon. Lucky Nath Fuentes, naglunsad ang SK Federation ng elimination para sa gaganapin na panlalawigang patimpalak para sa Araw ng mga Kabataan. Ang nasabing patimpalak ay ginanap sa OSCA Hall, alas-8 ng umaga. Sagot: ______________________________ 2. Hindi maitatanggi na habang tumatagal ay unti-unti nang nagbabago at lumalago ang teknolohiya, kasabay na rin nito ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na gumagamit ng smartphone. Dahil dito, hindi naiiwasan ang maling paggamit ng mga kabataan ng social media. Sagot: ______________________________ 3. Mga mahal kong kamag-aral! Oras na para gisingin ang natutulog na diwa ng ating pagmamahal sa ating bansa! Huwag mong ikahiya ang iyong wika bagkus ito ay iyong pahalagahan, tulad ng pagpapahalaga mo sa iyong sarili. Sagot: ______________________________ 23 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 4. Sa ikalawang pagkakataon, nagsagawa ng pandistritong eliminasyon para sa Festival of Talents na pinangunahan ng Pansangay Tagamasid sa Filipino na si Luisito Libatique kasama ang mga guro sa Filipino ng distrito ng Rosario sa pangunguna ng Ulong Guro sa Filipino na si Armi Valdez. Sagot: _____________________________ C. Panuto: Tukuyin kung ano ang ginamit upang palawakin ang panaguri. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Pagpipilian: Ingklitik, Komplimento, Pang-abay __________ 1. Si Danica pala ang nakatanggap ng liham ko. __________ 2. Mahusay na nagtanghal ang banda kahapon. __________ 3. Dahil sa katigasan ng ulo, nahulog si Jayson sa puno. __________ 4. Nagtungo kami sa harap ng tindahan paaralan upang salubungin ang mga bisita. __________ 5. Si Bryan ba ang kumuha ng tinapay sa lamesa? D. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung papaano pinalawak ang paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Pagpipilian: Atribusyon, Lokatibo, Pagmamay-ari. __________ 1. Nakikinig ako nang maiigi sa payo ng aking magulang. __________ 2. Si Justin ang pinakamahusay na mananalumpati sa klase. __________ 3. Marami ang nasa terminal ng bus na uuwi ng probinsiya. __________ 4. Ang bag na nakasabit ay sa kaibigan ko. __________ 5. Inaayos ang palengke kung kaya naman nakasara pa ito. Karagdagang Gawain Batid kong marami ka ng natutuhan mula sa araling ito. Batid kong kayang- kaya mong gawin ang susunod na gawain. Panuto: Magsaliksik ng alinman sa tatlo: talumpati, editoryal, at balita. Punan ang impormasyon na hinihingi ng talahayan. Paksa Tema Layunin Repleksyon 24 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Lubos na Mahusay! Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman sa Paggawa ng talumpati at mabisang paraan ng pagpapalawak ng pangungusap. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 7 (Pangwakas na Gawain sa Panitikang Kanluranin). 25 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 26 Aralin 1.1 Gawain 1: Makialam at Mangatuwiran! Iba-iba ang sagot Gawain 2: Sapot ng Konsepto Iba-iba ang sagot Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa Iba-iba ang sagot Gawain 5: Pagsusuri sa Talumpati Iba-iba ang sagot Gawain 6: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Iba-iba ang sagot Gawain 7: Idea Mo’y Ipahayag! Iba-iba ang sagot Gawain 8: Suriin Mo! Iba-iba ang sagot Gawain 9: Natutuhan Ko! Iba-iba ang sagot PAUNANG PAGTATAYA A. B. C. D. 1. A 1. T Iba-iba ang sagot 1. OO 2. B 2. T 2. HINDI 3. D 3. M 3. OO 4. A 4. M 4. HINDI 5. B 5. T 5. OO Susi sa Pagwawasto CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 27 KARAGDAGANG GAWAIN Iba-iba ang sagot PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. B. C. D. 1. D Balita 1. Ingklitik Pagmamay-ari 2. C Editoryal 2. Pang-abay Atribusyon 3. B Talumpati 3. Komplimento Lokatibo 4. C Balita 4. Komplimento Pagmamay-ari 5. B 5. Ingklitik Lokatibo Aralin 1.2 Gawain 1: Panindigan Mo! Iba-iba ang sagot Gawain 2: Unawain Mo! Iba-iba ang sagot Gawain 3: Natuklasan Ko! Iba-iba ang sagot Gawain 4: Nabalitaan Mo Ba? Iba-iba ang sagot Gawain 5: Parte Ka ng Solusyon Iba-iba ang sagot Sanggunian Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. pa. 128-139. Meyer, A. (2010). Brazil History. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa https://www.brazil.org.za/history.html Burns, B. et.al. (2020). Brazil. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa https://www.britannica.com/place/Brazil Talumpati ni Dilma Rouseff. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=3dJce-96QL4 Paano Gumawa ng Talumpati. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0 Obello, M.S (2018). Inflation Rate sa Pilipinas. The Carrier, The Official Newspaper of Tanglag National High School, pa. 9. Pilipino Star Ngayon (2020). Kailan lalaya sa korapsiyon, kahirapan at krimen? hango noong Setyembre 25, 2020 mula sa https://www.philstar.com/pilipino- star-ngayon/opinyon/2020/06/12/2020291/editoryal-kailan-lalaya-sa- korapsiyon-kahirapan-krimen ABS-CBN News (2020). Mga Pamilyang Pinoy, Malubhang Naapektuhan ng Pandemic sa ASEAN: Survey hango noong Oktubre 17, 2020 mula sa https://news.abs-cbn.com/news/09/20/20/mga-pamilyang-pinoy- malubhang-naapektuhan-ng-pandemic-sa-asean-survey 28 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser