Araling Panlipunan Past Exam Paper 2020 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Schools Division of Puerto Princesa City
Tags
Summary
This is an Araling Panlipunan past paper from 2020. It includes multiple choice questions about the causes, major events, and consequences of World War II. It comes from a school in the Philippines.
Full Transcript
PANGALAN:_____________________________________ BAITANG/SEKSYON:___________________________ 8 ARALING PANLIPUNAN Kwarter IV – Linggo 3 at 4 Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang...
PANGALAN:_____________________________________ BAITANG/SEKSYON:___________________________ 8 ARALING PANLIPUNAN Kwarter IV – Linggo 3 at 4 Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY Araling Panlipunan – Baitang 8 Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS) Kwarter IV – Linggo 3 at 4: Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets Manunulat: Mary Joy B. Mananquil, Imelda V. Villegas Pangnilalamang Patnugot: Cyrus B. Mamagat Editor ng Wika: Jouilyn O. Agot Tagawasto: Cyrus B. Mamagat, Nimfa V. Alaska Tagaguhit: John Dale V. Felizarte Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot Tagalapat: Christine S. Poligrates Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS Loida P. Adornado PhD, ASDS Cyril C. Serador PhD, CID Chief Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan Fe O. Cabasal, PSDS Eva Joyce C. Presto, PDO II Rhea Ann A. Navilla, Librarian II Pandibisyong Tagasuri ng LR: Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS) Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City Telephone No.: (048) 434 9438 Email Address: [email protected] Aralin 1 Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Mga Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga sanhi ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. Nasusuri ang dahilan at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Subukin Natin Panuto: Basahin at unawain. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. _____ 1. Anong samahan ang itinatag noong ika-10 ng Enero 1920 na may layuning bawasan ang armas ng mga bansa, pigilan ang digmaan sa pamamagitan ng kolektibong seguridad, isasaayos ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya, at isasagawa ang panlipunan at makataong mga proyekto? A. Ethnic Cleansing C. Treaty of Versailles B. League of Nations D. United Nations _____ 2. Ano ang layunin ni Adolf Hitler sa muling pagtatag ng sandatahang lakas matapos tumiwalag ng Germany sa Liga ng mga bansa? A. Upang pigilan ang digmaan. B. Upang makuha ang tiwala ng mga kaalyadong bansa. C. Upang labagin ang Treaty of Versailles at makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang pandaigdig. D. Upang labagin ang Treaty of Versailles at pagtaksilan ang Liga ng mga bansa upang maging makapangyarihan sa buong daigdig. _____ 3. Ang digmaang sibil ng Spain sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at sosyalistang Popular Army ay naganap noong 1936. Bakit nagdulot ito ng pagkadamay ng maraming bansa sa nasabing digmaan? A. Dahil sa pakikialam ng ibang bansa B. Dahil sa pakikipagkalakalan ng ibang bansa C. Dahil sa pakikipagsabwatan at alyansa ng ibang bansa D. Dahil sa pagkakaroon ng kasunduan ng mga bansang magkaalyado 1 _____ 4. Ang sumusunod ay kabilang sa mga bansang kasapi ng Allied Powers MALIBAN sa isa. Alin dito? A. France C. Great Britain B. Germany D. United States _____ 5. Bakit tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero 1942 sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Dahil malakas ang puwersa ng mga Japanese B. Dahil marami ang bilang ng mga sundalo ng Japan C. Dahil sa pakikipagtulungan ng mga bansang Germany at Italy sa Japan D. Dahil sa pakikipagsabwatan ng mga pinunong militar ng Germany at United States sa Japan _____ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Pagsakop ng Italy sa Manchuria B. Paglusob ng Germany sa Poland C. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga bansa D. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) _____ 7. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland, at Luxembourg. Ano ang tawag ng mga Aleman sa mga bansang nabanggit? A. Low countries C. Low powers B. Low nations D. Neutral countries _____ 8. Ang sumusunod ay mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang HINDI kabilang? A. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg o biglaang paglusob na walang babala. B. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng United States of America at Winston Churchill, Punong Ministro ng England. C. Noong Enero 1918, binalangkas ni Pangulong Woodrow Wilson ang labing-apat na puntos na naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikipagdigma. D. Noong ika-11 ng Disyembre 1941, ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United States. _____ 9. Paano nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano ang pagkapanalo ng Nazi sa Europa? A. Nag-alala sila sa sandatahang lakas na mayroon ang mga Europeo B. Nabahala sila sa kaligtasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapones C. Nabahala sila sa kaligtasan ng England pati na ang layuning demokrasya D. Naramdaman nilang may sabwatang nagaganap sa mga kaalyado nilang bansa _____ 10. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa”? A. Sa pagwawakas ng tiraniya ng Nazi ay matatamo na ang pandaigdigang kapayapaan. B. Ang pagkakaroon ng tiranyang pamahalaan ay mahirap para sa mga mamamayan nito. C. Ang tiraniya ng Nazi ang tanging hadlang sa pagkakaroon ng pandaigdigang kapayapaan. D. Hindi madaling buwagin ang pamamayagpag ng Nazi kung kaya mas maiging makipagsabwatan na lamang dito. 2 Ating Alamin at Tuklasin Ang pagkabuo ng League of Nations na Paghawan ng Balakid nangangakong lutasin ang mga sigalot sa mapayapang paraan ay unang hakbang League of Nations upang makamtan ang kapayapaang Itinatag ng 42 na bansa noong pandaigdig. At noong 1919 itinatag ang Treaty Enero 10,1920. Ang layunin ng samahan of Versailles na ang layunin ay isulong ang ay ang pagbabawas ng armas ng mga kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa. bansa, pagpigil sa digmaan sa Subalit hindi natupad ang kapayapaang pamamagitan ng kolektibong seguridad, inaasam. Sa halip, nasaksihan ng daigdig ang pagsasaayos ng mga hidwaan sa pagitan digmaang itinuturing na pinaka ng mga bansa sa pamamagitan ng mapangwasak na digmaan sa kasaysayan ang negosasyon at diplomasya, at Ikalawang Digmaang Pangdaigdig mula 1939 pagsasagawa ng panlipunan at hanggang 1945. makataong mga proyekto. Holocaust o sistematikong genocide Tulad ng unang digmaang pandaigdig, Ito ay malawakang operasyon ng maraming argumento ukol sa sanhi ng pagpuksa ni Adolf Hitler sa mga Jew. Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinasabing Ethnic Cleansing Ito ay “Digmaan ni Hitler”. At tinuturan itong Sistematikong pagtatanggal sa resulta at kabiguan ng diplomasya at isang grupo ng tao mula sa isang lugar pagkukulang ng mga politikong Europeo. batay sa etnisidad sa pamamagitan ng Tinitignan din ito na pagpapatuloy ng Unang pagpatay o puwersahang pagpapa-alis sa Digmaang Pandaigdig dahil sa mga hindi kanila. nalunasang isyu sa pagitan ng mga D-Day (Battle of Normand) kanluraning bansa. Ito ang pangyayari noong ika-6 ng Ano nga ba ang sanhi o dahilan Hunyo 1944, lumapag sa Normandy, ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang France ang pwersa ni Heneral Pandaigdig. Handa na ba kayo? Halina’t Eisenhower. Pagkaraan ng ilang linggong tayo’y maglakbay, muling balikan ang labanan, natalo nila ang mga Nazi. nakaraan at tuklasin ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo. MGA SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG 1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Naagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria noong 1931. Kinundena ng Liga ng mga bansa ang Japan at sinabing mali ang ginawang paglusob. Kasunod ng pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga bansa ang Japan. 2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga bansa noong 1933 dahil ayon sa German, ang pag-alis at pagbawal sa kanila ng pagkakaroon ng sandatahan ay isang paraan ng pag-aalis ng kanilang Karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag ay pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi na muling itatag ang sandatahang lakas ng Germany. Layon niyang labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany ng kahiya-hiyang kondisyon. Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling pananakop. 3 3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia Pinamunuan ni Benito Mussolini ang pananakop ng Italy sa Ethiopia noong 1935. Tuluyan nang nilabag ng Italy ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League). 4. Digmaang Sibil sa Spain Noong 1936 nagsimula ang digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at ng sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang sibil dahil sa pakikialam ng ibang bansa. 5. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi ng Allied Powers na kinabibilangan ng mga bansang France, Great Britain, at United States. Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany na kinalabasan ng Rome-Berlin Axis noong 1936, ang pagputol ni Mussolini sa nasabing unyon ng Austria at Germany ay nawalan ng bisa noong 1938. 6. Paglusob sa Czechoslovakia Noong September 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito hinikayat ng England si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany. 7. Paglusob ng Germany sa Poland Ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalwang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng Germany sa Poland noong 1939. Ito ay pagbaliktad sa Germany at Russia na kapuwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan nang hindi pakikidigma. Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari: a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia. b. Pagkainis ng Russia sa England nang ang ipinadalang negosyador ng England sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao. Pinagkunan: (Rosemarie C. Blando et al., Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig-Modyul para sa Mag- Aaral, Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon-Bureau of Learning Resources, 2014, 475-476.) MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARING NAGANAP SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Sa Ikalawang Digmang Pandaigdig naglaban-laban ang puwersa ng Allies na pinangungunahan ng U.S., France, Great Britain, at Russia at mga puwersang Axis na binubuo ng Germany, Japan, at Italy. Tulad ng Unang Digmaang Pandaigdig, nanaig ang Sistema ng alyansa ng mga bansa. Nagsama-sama ang Axis na pawang militaristiko at naghangad ang Germany sa ilalim ni Hitler na manakop para magkaroon ng lebensraum o living space- ito ay isang lugar na lilipatan ng labis na populasyon at pagkukunan ng pagkain at hilaw na materyales. 4 MAHAHALAGANG PANGYAYARI BAGO AT NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Petsa Kaganapan Marso 1939 Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia. Abril 1939 Sinakop ng Italy ang Albania. Agosto 1939 Kasunduang Nazi-Soviet: magiging neutral ang Germany at Soviet Union kapag ang bawat isa ay makidigma sa iba. Setyembre 1, Sinakop ng Germany ang Poland matapos 1939 ang isinagawang blitzkrieg. Setyembre 17, Sumalakay ang Russia na may lihim na 1939 kasunduan kay Hitler sa Silangang bahagi ng Poland. Abril 1940 Sinalakay ng Germany ang Norway at Denmark. Oktubre 1940 Nabigo ang isinagawang pananakop ng Italy sa Greece. Mayo 10, 1940 Biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belgium, Netherlands, at Luxembourg. Sinakop ng Germany ang Hilagang bahagi ng Hunyo 10, France. 1940 Sa France, nabigla nang dumating sa pintuan ng Paris ang mga Aleman. Bumagsak ang Paris at inilipat ang pamahalaan sa Bordeaux. Agosto 1940 Tinangkang sakupin ng Germany ang Great Britain sa Battle of Britain subalit nabigo. Disyembre 7, Binomba ng Japan ang United States dahil 1940 sa kanilang pagtigil ng suplay ng produksyon sa Japan. Kinabukasan, nagdeklara ng digmaan ang United States laban sa Axis Powers. Abril 1941 Sinakop ng Germany ang Yugoslavia at Greece. Hunyo 1941 Tinangka ng Germany na sakupin ang Soviet -Enero 1943 Union subalit nabigo. Paglagda sa Atlantic Charter kung saan nagkasundo ang United States at Great Agosto 1941 Britain na itaguyod ang kapayapaan. Nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng United States of America at Winston Churchill, Punong Ministro ng England sa baybayin ng Newfoundland. Disyembre Binomba ng Japan ang squadron ng mga 1941 sasakyang pandagat ng United States sa Pearl Harbor; binomba rin ang Pilipinas, Diyembre 7, Guam, at Midway Islands. 1941 Biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Diyembre 11, Amerikano ay tinawag na “Day of Infamy”. 1941 5 Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United States. Enero 2, 1942 Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila. Martsa ng Kamatayan na naganap sa Abril 9, 1942 pagsakop ng Japan sa Pilipinas na naglakbay mula sa Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Agosto 1942 Sinakop ng United States ang Solomon Islands. Nobyembre Naitaboy ng United States at Great Britain 1942 ang Italy at Germany mula sa hilagang baybayin ng Africa. Setyembre Sinalakay ng Allies ang mainland Italy. 1943 Hunyo 6, 1944 (D-Day) Lumapag at dumaong sa Normandy ang mga hukbo ng Allies samantala sa Silangang Europa ay nilumpo ng mga Russian ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Setyembre Nang palayain ng Allies ang Belgium. 1944 Oktubre 20, Bumalik sa Leyte si Heneral Douglas 1944 MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Disyembre 6, Sinalakay ng mga Allies na malapit sa 1944 Luxembourg. Tinawag na “Battle of the Bulge” ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi. Abril 2, 1945 Nahuli at pinatay si Mussolini kasama ang kanyang kinakasamang babae na si Clara Abril 30, 1945 Peracci sa Hilagang Italy. Nagpakamatay si Hitler bago pa man madakip ng Allies. Mayo 2, 1945 Nabihag ng mga Russian ang Berlin. Mayo 7, 1945 Tinanggap ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims. Mayo 13, 1945 Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa. Hunyo 11, Nabihag ng Allied Powers ang Sicily. 1945 Agosto 6, 1945 Ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima ng eroplanong Enola Gay ng United States. Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin. Agosto 9, 1945 Muling nagbagsak ng bomba atomika sa Agosto 15, Nagasaki ang mga Amerikano. 1945 Tinanggap ang ultimatum ng mga Allies at tuluyan nang sumuko. Setyembre 2, Nilagdaan ng bansang Japan ang mga 1945 tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay. Pinagkunan: (Grace Estela C. Mateo et al., Araling Panlipunan 8: Makabayang Pilipino Serye II: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan, Batayang Aklat para sa Mag-aaral, Quezon City: Kagawaran ng Edukasyon-Vibal Publishing House, Inc., 2012, 326-330.) 6 MGA BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng daigdig. 1. Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa sa Unang Digmaang Pandaigdig. 2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa. 3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Facismo ni Mussolini, at Imperyong Japan ni Hirohito. 4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar. 5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang East Germany, West Germany, Nasyonalistang China, Pulahang China (Taiwan na ngayon), Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon (Sri Lanka na ngayon), India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at iba pa. Pinagkunan: (Rosemarie C. Blando et al., Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig-Modyul para sa Mag- Aaral, Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon-Bureau of Learning Resources, 2014, 483.) Tayo’y Magsanay Gawain 1 Panuto: Hanapin sa kahon ang tinutukoy na konsepto sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. A. Digmaan ni Hitler C. Kasunduang Ribbentrop-Molotov B. Kasunduan ng Versailles D. Martsa ng Kamatayan E. Nasyonalista _____ 1. Ano ang tawag sa kasunduan na itinatag noong 1919 na may layunin na isulong ang kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa? _____ 2. Sa pagsakop ng Japan sa Pilipinas naglakbay mula sa Meraviles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga ang mga Pilipino, ano ang tawag sa pangyayaring ito? _____ 3. Ano ang iba pang tawag sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kung saan ay nagmula ito sa maraming argumento ukol sa naging sanhi ng digmaan? _____ 4. Sa pagkakaroon ng digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at ng sosyalistang Popular Army, anong partido ang nanalo? _____ 5. Ano ang tawag sa kasunduan na may layuning hindi pakikidigma? 7 Gawain 2 Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap. 1. DLA LEI ERSPOW Anong puwersa ang kinabibilangan ng mga bansang France, Great Britain, at United States? Sagot: _____________________ 2. TENBIO Sino ang namuno sa pananakop ng Italy sa Ethiopia noong SOLSIIN 1935? UM Sagot: _____________________ 3. SIXA Anong puwersa ang kinabibilangan ng mga bansang OEWPRS Germany, Japan, at Italy? Sagot: _____________________ 4. RAELNS Ano ang tawag sa isang lugar na lilipatan ng labis na BEMUA populasyon at pagkukunan ng pagkain at hilaw na materyales? Sagot: _____________________ 5. DFOLAF LITHRE Sino ang lider ng sandatahang militar ng Nazi? Sagot: _____________________ ? Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan, politika, at kultura ng mga bansang nasangkot rito? 8 Ating Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Sagutin ang bawat pahayag. Iguhit ang puso kung ang pahayag ay naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at emoji kung hindi. _____1. Sinalakay ng Balkan League na binubuo ng Serbia, Montenegro, Greece, at Bulgaria ang Imperyong Ottoman. _____2. Sumalakay ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler sa Silangang bahagi ng Poland. _____3. Naitaboy ng United States at Great Britain ang Italy at Germany mula sa hilagang baybayin ng Africa. _____4. Pinalubog ng submarino ng Germany ang Lusitania, isang barkong British. _____5. Sinalakay ng Russia ang Manchuria, Korea, at Timog Sakhalin. Gawain 2 Panuto: Punan ang ladder web ng mga kinakailangang impormasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasa kahon sa ibaba ang pagpipiliang sagot. Pagsasanib ng Austria at Germany Paglusob sa Czechoslovakia Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Paglusob ng Germany sa Poland Pagsakop ng Italy sa Ethiopia Digmaang Sibil sa Spain Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa....... ? Sa iyong palagay, alin ang pinakamatinding sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit? 9 Ang Aking Natutuhan Ating Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. _____1. Ano ang layunin ni Adolf Hitler sa muling pagtatag ng sandatahang lakas matapos tumiwalag ng Germany sa Liga ng mga bansa? A. Upang pigilan ang digmaan B. Upang makuha ang tiwala ng mga kaalyadong bansa C. Upang labagin ang Treaty of Versailles at makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang pandaigdig D. Upang labagin ang Treaty of Versailles at pagtaksilan ang Liga ng mga bansa upang maging makapangyarihan sa buong daigdig _____ 2. Bakit tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero 1942 sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Dahil malakas ang puwersa ng mga Hapones B. Dahil marami ang bilang ng mga sundalo ng Japan C. Dahil sa pakikipagtulungan ng mga bansang Germany at Italy sa Japan D. Dahil sa pakikipagsabwatan ng mga pinunong militar ng Germany at United States sa Japan 10 _____ 3. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa”? A. Sa pagwawakas ng tiraniya ng Nazi ay matatamo na ang pandaigdigang kapayapaan. B. Ang pagkakaroon ng tiranyang pamahalaan ay mahirap para sa mga mamamayan nito. C. Ang tiraniya ng Nazi ang tanging hadlang sa pagkakaroon ng pandaigdigang kapayapaan. D. Hindi madaling buwagin ang pamamayagpag ng Nazi kung kaya mas maiging makipagsabwatan na lamang ditto. _____ 4. Anong samahan ang itinatag noong ika-10 ng Enero 1920 na may layuning bawasan ang armas ng mga bansa, pigilan ang digmaan sa pamamagitan ng kolektibong seguridad, isasaaayos ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya, at isasagawa ang panlipunan at makataong mga proyekto. A. Ethnic Cleansing C. Treaty of Versailles B. League of Nations D. United Nations Ethnic _____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. Pagsakop ng Italy sa Manchuria B. Paglusob ng Germany sa Poland C. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa D. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) _____ 6. Ang digmaang sibil ng Spain sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at sosyalistang Popular Army ay naganap noong 1936. Bakit nagdulot ito ng pagkadamay ng maraming bansa sa nasabing digmaan? A. Dahil sa pakikialam ng ibang bansa B. Dahil sa pakikipagkalakalan ng ibang bansa C. Dahil sa pakikipagsabwatan at alyansa ng ibang bansa D. Dahil sa pagkakaroon ng kasunduan ng mga bansang magkaalyado _____ 7. Paano nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano ang pagkapanalo ng Nazi sa Europa? A. Nag-alala sila sa sandatahang lakas na mayroon ang mga Europeo B. Nabahala sila sa kaligtasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapones C. Nabahala sila sa kaligtasan ng England pati na ang layuning demokrasya D. Naramdaman nilang may sabwatang nagaganap sa mga kaalyado nilang bansa _____ 8. Ang sumusunod ay kabilang sa mga bansang kasapi ng Allied Powers MALIBAN sa isa. Alin dito? A. France C. Great Britain B. Germany D. United States _____ 9. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland, at Luxembourg. Ano ang itinawag ng mga Aleman sa mga bansang nabanggit? A. Low countries C. Low powers B. Low nations D. Neutral countries 11 _____ 10. Ang sumusunod ay mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang HINDI kabilang? A. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg o biglaang paglusob na walang babala. B. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng United States of America at Winston Churchill, Punong Ministro ng England. C. Noong Enero 1918, binalangkas ni Pangulong Woodrow Wilson ang labing-apat na puntos na naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikipagdigma. D. Noong ika-11 ng Disyembre 1941, ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United State. 12 Susi sa Pagwawasto SUBUKIN 1. B 6. A TAYO’Y MAGSANAY Ano ang dahilan ng 2. C 7. A Ikalawang Digmaang Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Gawain 1 Pandaigdig? Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa. 3. A 8. C Magbigay ng dalawa. 4. B 9. C 1. B 2. D 3. A 4. E 5. C Magbigay ng dalawang 5. C 10. A Gawain 2 mahahalagang Marso 1939 -Sinakop ng Germany ang pangyayaring naganap Czechoslovakia 1. ALLIED POWERS sa Ikalawang Digmaang Abril 1939- Sinakop ng Italy ang Albanya TAYAHIN Pandaigdig. 2. BENITO MUSSOLINI 3. AXIS POWERS 1. C 4. B 7. C Ano ang bunga ng 1. Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang 4. LEBENSRAUM Ikalawang Digmaang ari-arian 2. C 5. A 8. B 5. ADOLF HITLER Pandaigdig? Magbigay 2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang Pandaigdig ng dalawa. 3. A 6. A 9. A 10. C ATING PAGYAMANIN Gawain 1 Gawain 2 1. Pag-agaw ng Japan sa Machuria 2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa 3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia 4. Digmaang Sibil sa Spain 5. Pagsasanib ng Austria at Germany Paglusob sa Czechoslovakia Paglusob ng Germany sa Poland Sanggunian Aklat Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H.Paso, Rowel S.Padernal, Yorina C. Manalo at Kalenna Lorence S. Asis. Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigdig -Modyul Para Sa Mag-Aaral. Pasig City: DepEd-Bureau of Learning Resources, 2014. Mateo, Grace Estela C., Celinia E. Balonso, Celestina P. Boncan, Rosita D. Tadena, at Mary Dorothy Jose dl. at John N. Ponsaran. Araling Panlipunan 8: Makabayang Pilipino Serye II: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan, Batayang Aklat para sa Mag- aaral. Quezon City: Kagawaran ng Edukasyon-Vibal Publishing House, Inc., 2012. 13 FEEDBACK SLIP A. PARA SA MAG-AARAL Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI 1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito? 2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto? 3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito? 4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?) B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito? Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit) Wala Contact Number : __________________________________ PANGALAN NG PAARALAN: Pangalan at Lagda ng Guro: Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay: Petsa ng Pagtanggap ng CLAS: Petsa ng Pagbalik ng CLAS: 14