Rebyuwer sa ETA Filipino 9 PDF

Summary

These are notes on Filipino 9, covering various topics, including short stories, literary devices, and cultural concepts. The notes detail specific lessons and skills addressed in the course.

Full Transcript

Rebyuwer sa ETA PETSA NG ASIGNATURA: Filipino 9 Oktubre 2, 2024 PAGTATAYA: Mga Paksa: I. Hashnu, ang Manlililok ng Bato (Maikling...

Rebyuwer sa ETA PETSA NG ASIGNATURA: Filipino 9 Oktubre 2, 2024 PAGTATAYA: Mga Paksa: I. Hashnu, ang Manlililok ng Bato (Maikling Kuwento) II. Tahanan ng Isang Sugarol (Maikling Kuwento) III. Pananda sa Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari IV. Mga Uri ng Pagpapakahulugan V. Tulang Malaysian VI. Tanka at Haiku VII. Ponemang Suprasegmental VIII. Sanaysay ng Tsina at Pilipinas IX. Mga Pananda at Thinking Pattern X. Sining ng Argumento Mga Kasanayan: Aralin 1 - Nakalilikha ng pagsusuri batay sa pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura, paniniwala at panitikan ng dalawang rehiyon Aralin 2 - Mailarawan ang kaugnay na kultura ng Pilipinas/ kulturang naranasan batay sa nasaksihan/ napanood na maikling kuwentong Asyano Aralin 2 - Magamit ang mga wastong pahayag na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari Aralin 2 - Matukoy ang denotatibo o konotatibong kahulugan ng mga mahihirap na salitang ginamit sa akda Aralin 2 - Masuri at mapili ang mga wastong pahayag na nagsasaad ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa maikling kuwento Aralin 3 - Masuri ang tono ng pagbigkas ng nabasang tanka at haiku Aralin 3 - Maiugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa nabasang tula Aralin 4 - Masuri ang padron ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at opinyong inilahad sa binasang sanaysay Aralin 4 - Magamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon, matibay na paninindigan, at mungkahi Talasalitaan: sawimpalad - Nása masamáng kalagayan o nagdurusa. pagkayod sa trabaho - Pagsisipag/ Pagtatrabaho nang mabuti anting-anting - isang agimat na pinaniniwalaang may mahiwagang kapangyarihan para sa proteksyon laban sa masama at magdala ng suwerte sa may-ari. tanglaw - isang bagay na nagbibigay liwanag at gabay sa daan o paligid, ginagamit upang magpaliwanag sa dilim. matiwasay - pagiging mapayapa dagundong - Paputól-putól ngunit sunod-sunod at malakas na ugong na karaniwang nagmumula sa malayò tulad ng kulog, kanyon, atbp. mananahan - ay nagpapahiwatig ng hindi paggalaw o pagiging matatag at hindi natitinag. sumisiklab - Pagdiringas o pagliyab nang biglâ; simulâ ng proseso ng pag-alab. balisa - Hindi mapalagay dahil magulo ang isip. nilisan - umalis o lumayas kakalas - Pagkaalis ng talì, buhol, o anumang pisikal na pagkakadikit. gapos - Pagkakatali ng kamay, paa, o katawan sa pamamagitan ng anumang nakapalupot dito. upos - unti-unti nang nauubos mananaig - mangibabaw/ manalo Aralin 1 - Tulang Malaysian/ Tanka at Haiku/ Ponemang Suprasegmental I. Kultura, Paniniwala, at mga Panitikan sa Timog-Silangang Asya Bago ang Kolonyalismo Higit sa isang libong lenggwahe ang makikita sa rehiyong ito. Dahil ito sa paglipat ng tahanan ng mga ilang Tsino at Taiwanese noong panahon. Mayroong pantay na pagtingin sa mga babae at lalaki noon bago ang kolonyalismo. Dahil ito sa malayong distansya mula sa mga bansa sa Kanluran. Naikalat sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang mga aral ng Islam sa pamamagitan ng kalakalan at pangangaral. Naging matagumpay ito dahil sa paraan na lokalisasyon na kung saan iniaangkop nila ang kanilang turo sa kasanayan ng rehiyon. II. Kultura, Paniniwala, at mga Panitikan sa Timog-Silangang Asya Matapos ang Kolonyalismo Nahati ang Timog-Silangang Asya sa dalawang subrehiyon: Indotsina at Kapuluang Malay Dahil na rin sa napalilibutan ng karagatan ang mga lupain dito, naging pangunahing trabaho ng mga tao ang pangingisda. Dahil sa mga ito, hinangad ng mga Kanluranin ang Timog-Silangang Asya. Thailand: Ang katangi-tanging bansa sa Timog-Silangang Asya na hindi nasakop dahil nagsilbi itong buffer state. Dahil sa mga wikang kanilang natutuhan at kulturang kanilang namana ay lumaganap at nadagdagan ang mga panitikan sa pamamagitan na rin ng salindila. Lumaganap din ang mga panitikang tungkol sa korapsyon, pagiging makatao, pagmamahal sa bayan, at iba pa. Ang mga bansa sa TSA ay maraming pagkakaiba sa karanasan batay sa pangyayari at kasaysayan. Sa kabila nito ay naiuugnay ng panitikan ang mga tao at nagkakaisa sila bilang magkakalahing nagtataglay ng magkakahawig na tradisyon, ugali, pagkatao, mga gawi, at maging ng aspirasyong politikal, panlipunan, at pangkabuhayan. III. Kultura, Paniniwala, at mga Panitikan sa Silangang Asya Ang Far East o Malayong Silangang Asya ay binubuo ng tatlong matatandang bansa: China, Korea (Hilaga at Timog), at Japan. Tinawag na Malayong Silangang Asya ng mga Kanluranin ang rehiyong ito sapagkat bago nila narating ang tatlong bansa ay naglayag sila ng napakalayo patungong silangan bago nila ito naabot. Sa panahon ng Dinastiyang Tang namulaklak at umunlad ang panitikan ng Tsina. kinilala ito bilang "Gintong Panahon ng mga Tulang Tsino" Nakilala naman sa panahong ito ang dalawang makata na sina Li Po at Tu Fu. Samantalang ang Japan, dahil sa lokasyon nitong malayo sa pangunahing lupain ay hindi nasakop ng anumang dayuhan. Nakilala sa panahon ng Heian si Lady Murasaki na siyang nagsulat ng "The Tale of Genji" na sinasabing pinakaunang nobela sa Japan. Karaniwan sa Silangang Asya ang mga kuwentong nagbibigay-aral tungkol sa pag-uugali o pagpapaunlad ng sarili. Aralin 2 - Maikling Kuwentong Tsino at Malaysian/ Mga Pananda sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari/ Uri ng Pagpapakahulugan I. Ano ang Maikling Kuwento? Kayang tapusin sa isang upuan lamang. Malaya ang estilo ng pagkakasulat. Iisa lamang ang paksa o tema. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. II. Maikling Kuwento ng Tsina: Hashnu, ang Manlililok ng Bato III. Maikling Kuwento ng Malaysia: Tahanan ng Isang Sugarol IV. Pananda sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari V. Uri ng Pagpapakahulugan Aralin 3 - Tulang Malaysian/ Tanka at Haiku/ Ponemang Suprasegmental I. Ano ang Tula? Ang tula ay isang genre ng panitikan kung saan masining na ipinahahayag ang isang kaisipan o paksa. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, ipinarating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ayon kay Nazario D. Bas, "Ang tula ay mga salita o kataga na hindi lamang para sa tainga o pandinig kundi para sa mata, tuloy sa isipan at sa damdamin… may ibig ipadama, ipaunawa tungkol sa kahulugan ng buhay ng tao…” II. Elemento ng Tula Isinusulat nang pataludtod Kung minsan ay may sukat at tugma May kariktan o gumagamit ng maririkit (magagandang salita) Larawang diwa; may nabubuong imahen sa pagsulat ng tula III. Tanka lumaganap noong Ikalimang Siglo Sinasabi na naging bahagi ng mga okasyon/ pagdiriwang ang paglikha ng Tanka 31 pantig lamang 5 taludtod sukat- 5-7-5-7-7 Tema: Karaniwang tungkol sa pag-ibig, buhay, at kalikasan IV. Haiku lumaganap noong Ikalabinlimang Siglo Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word. 17 pantig lamang 3 taludtod sukat- 5-7-5 Ang haiku ay inilarawan na paraan ng pagbati tulad ng “hello”, “paalam”, at “salamat.” Ito ay nakatuon sa mga tao pati na rin ang mga ibon, bulaklak at iba pang anyo ng buhay na makatutulong sa atin na makita ang paglipas ng panahon. Ang pagsulat ng haiku ay pagdama sa kasiyahan at misteryo ng kalikasan. Tema: Karaniwang tungkol sa pag-ibig, buhay, at kalikasan V. Mga Ponemang Suprasegmental Pangunahing paraan at/o layunin ay bigkasin ang isang tula. Sa pagbigkas nito, makabubuting alamin ang mga ponemang suprasegmental. Diin - Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Hal: buHAY (alive) BUhay (life) Tono - Ang taas-baba na iniuukol sa pagbibigkas ng pantig ng isang salita. Hal: May sunog. (nagsasalaysay) May sunog? (nagtatanong) May sunog! (padamdam) Antala - Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maging malinaw ang mensahe. Hal: Hindi ako ang salarin! (Hindi ako ang suspek.) Hindi, ako ang salarin. (Oo, ako ang suspek.) Aralin 4 - Sanaysay ng Tsina at Pilipinas/ Mga Pananda at Thinking Pattern/ Sining ng Argumento I. Ano ang Sanaysay? Ayon sa diksyunaryo ng Kagawaran sa Wikang Filipino, ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalamán ng mga saloobin at paglalarawang kababakasán ng katauhan ng sumúlat. Uri ng Sanaysay: Deskriptibong Sanaysay - Ito ay gumagamit ng mga detalyadong pagsasalaysay at paggamit ng mga makikita, naririnig, amoy, at iba pang mga pandama. Argumentatibong Sanaysay - Sa ganitong uri ng sanaysay, ipinapakita ng may-akda ang kaniyang panig hinggil sa isang isyu o argumento. Inilalahad niya ang mga ebidensya at lohikal na rason upang suportahan ang kaniyang posisyon. II. Padron ng Pagpapaunlad ng Pag-iisip Ang layon ng Padron ng Pagpapaunlad ng Pag-iisip ay upang mapalawak, mapalalim, at mapahusay ang kakayahan ng isang tao na mag-isip nang kritikal, malikhain, at lohikal. Sa pamamagitan ng sistematikong pag-aaral at praktis ng iba't ibang pamamaraan ng pag-iisip, ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng mas matalas na kakayahan sa paglutas ng mga problema, paggawa ng desisyon, at pag-unawa sa mga komplikadong ideya. Narito sa ibaba ang siyam na halimbawa nito: 1. Pagsasalaysay - Ang layunin ng pagsasalaysay ay magbahagi ng kuwento o mag-ugnay ng mga pangyayari. Ginagamit ito upang pagsunod-sunurin, magbigay-detalye at impormasyon, at ayusin ang mga ito sa lohikal na ayos, madalas kronolohikal. Paano nagsimula? Saan patutungo? 2. Paglalarawan - Layunin ng ganitong padron ng pag-iisip na mag-recreate, mag-imbento, o biswal na ilarawan ang isang tao, lugar, pangyayari, o aksyon upang malinaw na makita ng mambabasa ang inilalarawan. Nakabase sa mga pandama ang detalye: paningin, pandinig, pang-amoy, pandama, at panlasa. 3. Pagbibigay-halimbawa - Gumagamit ang manunulat ng mga halimbawa upang ipaliwanag ang isang malawak na pangyayari o mga halimbawa. Sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga detalyadong halimbawa mas nauunawaan ng mambabasa ang isang komplikadong kaisipan. 4. Pagpapakahulugan - Higit sa kahulugang inilalahad sa diksiyonaryo, ginagamit upang ibigay ang kahulugan ng isang bagay o konsepto kung paano ito ginagamit at mas madaling maunawaan. 5. Pag-aanalisa ng Proseso - Kasama ang mga panutong "how-to" rito. Ngunit sa akademikong pagsulat, ginagamit ang padrong ito upang ipakita kung paano nagsimula ang isang suliranin o paano iyon masosolusyonan sa pamamagitan ng pagsunod sa serye ng mga hakbang 6. Pag-uuri/Paghahati - Hinahati ng manunulat ang isang malaking konsepto sa maliliit na bahagi o pagkakauri upang ipaliwanag ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa maliliit na pagkakahati ng isang konsepto, lalong nabibigyang paglilinaw at naipauunawa ito sa mga mambabasa. 7. Paghahambing - Pinaghahambing ang dalawang bagay ayon sa pagkakatulad/pagkakaiba ng mga ito. Sa akademikong pagsulat, layunin nitong ipakita na nakahihigit ang isa batay sa mga inilatag na basehan/ebalwasyong kabahagi ng pagsusulat. 8. Sanhi at Bunga - Layon nitong ipakita ang halaga ng isang hakbang o pangyayari na makapagbibigay- linaw sa bumabasa. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa ugnayan "bakit at epekto" ng mga pangyayaring ito na hindi inaasahan ng mambabasa, nagbubunsod ito upang makita niya ang sitwasyon sa panibagong perspektibo. 9. Suliranin/Solusyon - Dalawa ang dapat gawin sa paggamit ng ganitong padron ng pag-iisip: malinaw na pagtukoy sa suliranin at pagbibigay ng lohikal, praktikal na solusyon sa suliranin. Hamon sa manunulat na ipakitang ang isang sitwasyon AY ISANG SULIRANIN - marami sa mga mambabasa'y iisiping ganoon na talaga iyon. III. Sining ng Argumento Ayon kay Decal-Mendoza (2009), layunin ng argumentong hikayating kumilos, magpasya, at gumawa ng desisyon ang mga tagapakinig. Upang maging matibay ang argumento, kinakailangang makapaglahad ng proposisyon na may ebidensya ang tagapaglahad. Mayroong dalawang uri ng ebidensya sa argumentasyon: Katotohanan at Opinyon. Katotohanan: Ang katotohanan/facts ay may apat na kategorya: 1. Makaagham na Panukatan (Scientific Measurement) 2. Batay sa Sistema ng Kalikasan (The Way Nature Works) 3. Pagmamasid (By Observation) 4. Estadistika (Statistics) IV. Opinyon: Habang ang tinutukoy namang opinyon ay hindi iyong personal mong opinyon kundi opinyong buhat sa eksperto ng isang tiyak na larangang kaugnay sa paksang pinag-uusapan/pinagtatalunan. Laging dapat isaisip na ang proposiyon, upang mapaunlad ang katawan ng iyong argumento kung saan gagamit ka ng iba’t ibang ebidensyang susuporta rito. Marapat na manghikayat at hindi lamang magbigay-impormasyon! Narito ang mga pahayag na nagpapakita ng opinyong matatag: Buong igting kong sinusuportahan ang... (I strongly support) Kumbinsido akong... (I am convinced) Lubos kong pinaniniwalaan... (I totally believe) Labis akong naninindigan na... (I strongly stand for) Narito ang mga pahayag na nagpapakita ng neutral na opinyon: Kung ako ang tatanungin... (If you ask me) Kung hindi ako nagkakamali... (If I'm not mistaken) Sa aking palagay... (In my opinion) Sa tingin ko... (I think, As I see it) Sa totoo lang... (Actually) Sa aking pananaw... (In my opinion) Makatutulong naman sa paglalahad ng ebidensya ang mga pang-ukol na ito: Ayon sa... (pambalana/grupo ng mga eksperto sa isang larang) Ayon kay... (tiyak na ngalan ng tao)

Use Quizgecko on...
Browser
Browser