Mga Layunin at Pasulit sa IA-1 (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by MarvellousPinkTourmaline1161
Tags
Summary
This document appears to contain study materials or lesson plans related to Southeast Asian literature, including discussions of literary devices like plot, characters, setting, and more. It also covers important vocabulary and Filipino grammar.
Full Transcript
MGA LAYUNIN Natutukoy ang ilan sa mga Akdang Pampanitikan sa Timog Silangang Asya Naibibigay ang mga bansang kabilang sa TSA Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng akda sa TSA. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ...
MGA LAYUNIN Natutukoy ang ilan sa mga Akdang Pampanitikan sa Timog Silangang Asya Naibibigay ang mga bansang kabilang sa TSA Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng akda sa TSA. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari MGA LAYUNIN Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggangakda Tukuyin Mo, Anong lugar ito! INDONESIA MALAYSIA CAMBODIA SINGAPORE thailand vietnam philippines TIMOG SILANGANG ASYA MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG SILANGANG ASYA Bakit kailangang alamin ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula sa Timog Silangang Asya? Batas para sa Kababaihan 1. Magna Carta for Women 2. Anti Violence Against Women and Children & of 2004 3. Probation on discrimination against women 4. Anti Sexual Harassment Act of 1995 5. Anti Rape Law of 1997 6. Safe Spaces Act 7. 105-day Expanded Maternity Leave Law Sa paanong paraan maaaring mahinto ang pang-aabuso sa kababaihan sa loob ng tahanan o ang domestic violence? Bakit kinakailangang mahinto ang ganitong pang-aabuso? TALASALITAAN miserable mahirap TALASALITAAN kasawiang-palad kabiguan TALASALITAAN nangangamba nag-alala TALASALITAAN humimok humikayat TALASALITAAN pinangko binuhat Pinagmamasdan ko ang kanyang kutis dahil sa sobrang puti nito. Mga puti ang puso ng mga namamahala sa kanilang barangay. DENOTATIBO Ito ay ang pangunahing kahulugan ng isang salita. Ito ay tumutukoy sa literal na konsepto ng isang bagay, tao, lugar o pangyayari. KONOTATIBO Ito ay paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay nagtataglay ng mga emosyon o pansaloobing pahiwatig. Sa sobrang higpit ng eskinitang dinadaanan namin dito kahit isang tao ay hirap ng makadaan. Ang pagtrato sa akin ng aking magulang ay nakasasakal na dahil sobrang higpit nila sa akin, hindi na ako makapagpasya ng mag-isa. Ang haligi namin ay gabi-gabing umaalis ng tahanan para mag trabaho. Napakatibay ng haligi sa aming tahanan kaya di nako nag-aalala sa papadating na bagyo. MAIKLING KUWENTO isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. ELEMENTO TAUHAN TAGPUAN BANGHAY KUWENTONG MAKABANGHAY Ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari. BANGHAY Ito ang maayos na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, alamat at nobela. BANGHAY PANIMULA KASUKDULAN SAGLIT NA KASIGLAHAN KAKALASAN WAKAS Ano ang naging kalagayan ni Lian-chiao sa piling ng asawang si Li-Hua? Ano-anong mga pang-aabuso ang napagdaanan niya sa kamay ng malupit na asawa? Paano siya napasok sa ganitong kalagayan? Sa iyong palagay, mali bang ipagkasundo ng magulang ang kanyang anak sa isang taong inaakala niyang makabubuti para rito? Kung patuloy na magtitiis si Lian-chiao sa piling ng kanyang asawa, ano kaya ang magyayari sa kanya at sa mga anak niya sa hinaharap? Kung ikaw si Lian-chiao, ano ang gagawin mo kung ikaw ay malalagay sa katulad na kalagayan? Kung may kakilala kang may halos katulad na kalagayan kay Lian-chiao, ano ang sasabihin mo o gagawin mo upang matulungan siyang makaahon sa kanyang kalagayan? Bakit dapat na mahinto ang ganitong uri ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan? Anong damdamin ang naramdaman mo habang binasa o pinakinggan ang akda? PANGATNIG Ito ang mga salitang ginagamit sa pag-uugnay ng mga kaisipan para sa pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. PANLINAW Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung kaya (if so), kung gayon (if that is so), o kaya (so). Halimbawa: Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang aralin kaya pag-uwi sa bahay ay maglalaro na lang ako. PANUBALI Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung (if) , sakali (once), disin sana (i hope so), at kapag (when). Halimbawa: Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw mong mapalo. PANUBALI Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung (if) , sakali (once), disin sana (i hope so), at kapag (when). Halimbawa: Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho, disin sana‘y may maiipon ka bago mag-pasko. PANINSAY Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan ng mga salitang ngunit (but), datapwat (however), subalit (however), bagaman (though), samantala (meanwhile) o kahit (even). Halimbawa: Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni Nanay. PANINSAY Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan ng mga salitang ngunit (but), datapwat (however), subalit (however), bagaman (though), samantala (meanwhile) o kahit (even). Halimbawa: Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit bagaman hindi ako nakapag-review. PAMUKOD Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang o (or), maging, at man. Halimbawa: Ako man ay ayaw rin sa liderato niya. PAMUKOD Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang o, maging, at man. Halimbawa: Ako ba o siya ang pipiliin mong makapareha sa sayaw? PANANHI Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong gamitan ng mga salitang dahil sa (beacuse of), sanhi sa (cause to), sapagkat (beacuse), o mangyari (happen). Halimbawa: Walang kuryente dahil sa pagkasira ng poste sa tapat ng bahay. PANANHI Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong gamitan ng mga salitang dahil sa (beacuse of), sanhi sa (cause to), sapagkat (beacuse), o mangyari (happen). Halimbawa: Bumagsak ka sapagkat hindi ka nag-aaral ng mabuti. PANAPOS Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Maaari itong gamitan ng mga salitang sa lahat ng ito (in all of this) , sa wakas (finally), o sa bagay na ito (in that matter). Halimbawa: Sa lahat ng ito, ang mabuti’y maging handa anumang oras. PANIMBANG Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati, o kaya. Halimbawa: Singkamas at saka talong ang mga paborito kong gulay. PAMANGGIT Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Maaari itong gamitan ng mga salitang daw/raw, o di umano. Halimbawa: Maaasahan daw ang mga mag-aaral sa Baitang 9. PANULAD Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung sino… siyang, kung ano… siya rin, o kung gaano… siya rin. Halimbawa: Kung ano ang ginawa mo, siya rin ang babalik sa’yo. PANTULONG Nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi nakapag-iisang mga salita, parirala o sugnay. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, o dahil sa. Halimbawa: Nag-aaral siyang mabuti upang matuwa ang kanyang mga magulang. PASULIT SA IA-1 I. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa inyong papel. umiyak kabiguan binuhat mahirap nag-alala humikayat 1. Naging miserable ang kanyang buhay nang ipinagkasundo siya ng kanyang ina. 2. Ang buhay ni Lian Chiao ay puno ng kasawiang-palad dahil sa pagpapakasal niya.. 3. Nangangambang tinanong niya ang kanyang ina nang makausap niya ito. 4. May humimok sa lalaki upang dalhin sa ospital si Lian Chiao dahil sa kanyang kalagayan. 5. Pinangko ni Siao-lan ang nakababatang kapatid papunta sa kanilang ina. PASULIT SA IA-1 II. Tukuyin ang kung ang pagpapakahulugan sa salitang sinalungguhitan ay denotatibo o konotatibo. 1. Nakakapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init. 2. Sa ating buhay ay hindi natin mapipigilan ang pagsapit ng dapit-hapon. 3. Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa. 4. Ang lakas ng hangin ng taong nakausap ko kanina. 5. Binigyan siya ng rosas na pula noong araw ng mga puso. 6. Isang ahas na kaibigan si Nicole dahil inagaw niya ang kasintahan ng kanyang kaibigan. 7. Masakit ang kanyang lalamunan dahil sa laki ng tinik na kanyang nakain. 8. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga. 9. Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit. 10. Maraming plastik sa mundo kaya hindi dapat agad-agad na magtiwala. PASULIT SA IA-1 III. Isulat ang sagot kung ano ang tinutukoy ng bawat bilang. 1. Anong bahaging ng banghay makikita ang paglalarawan sa tauhan at tagpuan? 2. Ito ay bahagi ng banghay na tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kuwento? 3. Anong bahagi ng banghay ang panandaliang pagtatagpo ng mga pangunahing tauhan? 4. Anong elemento ng kuwento ang tumutukoy sa kung saan at kailan nangyari ang 5. Saang bansa hinango ang akdang “Tahanang ng Isang Sugarol”? 6. Ano ang salitang ginagamit sa pag-uugnay ng mga kaisipan para sa pakikipagtalastasan? 7. Anong elemento ng maikling kuwento ang nagpapakita sa maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento? 8. Anong anyo ng panitikan ang may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan? 9. Ito ay bahagi ng banhay kung saan unti-unting naaayos ang problema ng pangunahing tauhan. 10. Bahagi ng banghay na nagpapakita ng suliranin o problema ng isang kuwento. PASULIT SA IA-1 IV. Tukuyin kung anong uri ng pangatnig ang tinutukoy ng bawat bilang. 1. Ito ay pangatnig na nagsasabi ng pag-aalinlangan. 2. Anong pangatnig ang ginagamit upang ihiwalay, itangi o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan? 3. Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangawalang bahagi nito. 4. Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyo o kaisipan. 5. Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagganap ng isang kilos. timawa NOBELA NOBELA Ang nobela ay isa sa anyo ng panitikan. Ito ay isang mahabang akda na naglalahad ng mga pangyayari na binubuo ng mga kabanata. Ang akdang pinamagatang Timawa ay mula sa bansang Pilipinas. Ito ay isinulat ni Agustin Caralde Fabian. Ito ay isang bahagi ng buhay ng ordinaryong Pilipinong nagmulat sa kahirapan at kung paano siya nagsumikap upang malampasan ang matinding kahirapan. Ang nobelang ito ay itinuturing na malapit sa puso ni Fabian dahil gaya ng pangunahing tauhan siya man ay nagtapos din ng pag-aaral sa Estados Unidos. Sarili niyang karanasan ang kanyang pinaghugutan ng inspirasyon dito. CARD SORT (TALASALITAAN) TALASALITAAN nakalilis nakatupi TALASALITAAN maluwat matagal TALASALITAAN maaantala mahuhuli TALASALITAAN humahangos nagmamadali TALASALITAAN pagkahampas-lupa mahirap GROUP READING ACTIVITY Tunggalian Ito ay nagbibigay daan sa madulang (dramatic )tagpo upang lalong maging kapanapanabik ang mga pangyayari. Pisikal (Tao laban sa Kalikasan) Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at iba pa. Panlipunan (Tao laban sa Kapwa Tao) Ang tao laban sa kapwa tao o ang tao laban sa lipunang kanyang ginagalawan. Ibig sabihin ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na may kauganayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o iba pang mga bagay na tila di makatarungang nagaganap sa lipunan. Panloob o Sikolohikal (Tao laban sa Sarili) Ito ay tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng isang tao. Panloob o Sikolohikal (Tao laban sa Sarili) Halimbawa: Mahal na mahal mo siya pero alam mong mayroon na siyang kasintahan. Masama ang magnakaw pero wala na akong magagawa Sa anong usapin madalas hindi nagkakapareho ng opinyon ang mga tao? TANDAAN Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang inyong pananaw ng iba. Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan. Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw. TANDAAN Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo namang sumalungat. Makabubuti kung ang iyong ipapahayag ay nakabatay sa katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos. Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ang iyong opinyon sa isang pormal na okasyon. Gumamit ng pormal na pananalita at huwag kalimutang gumamit ng po at opo. Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon Pagbibigay ng Matatag na Opinyon Buong igting kong sinusuportahan ang …. Kumbinsido akong…… Labis akong naninindigan na ……. Lubos kong pinaniniwalaan….. Pagbibigay ng Matatag na Opinyon Ang paglalahad ng matibay na paninindigan ay sinusuportahan ng batayang impormasyon kaysa sa personal na saloobin. Pagbibigay ng Neutral na Opinyon Kung ako ang tatanungin… Kung hindi ako nagkakamali… Sa aking pagsusuri…. Sa aking palagay…. Sa aking pananaw.. Sa tingin ko… Sa totoo lang… Pagbibigay ng Neutral na Opinyon Ang opinyon ay paglalahad ng personal na saloobin, damdamin o pananaw ng tao. Ito rin ay sariling palagay lamang o kuro-kuro. Gawain Buksan ang aklat sa pahina 50. Sundin ang graphic organizer na makikita rito.